Chapter Three

1913 Words
3:Tutor ZIA' Park's POV Kumatok ako ng makarating ako sa office ni Director Wilson. Binuksan ko yung pinto ng marinig ko yung 'come in' ni Sir bago tuluyang pumasok ng kanyang office. Nakita ko syang nakaupo doon sa tabi ng kanyang desk. Itinabi nya yung kanyang ginagawa ng makita nya ako. "Pinapatawag nyo daw po ako Sir?" Wala naman akong natandaang may inaway o kaya naman ginawang masama para ipatawag nya dito. "Yes. Come, take a set." Umupo naman ako doon sa chair malapit sa harap ng kanyang desk. "M-May nagawa po ba akong mali kaya nyo ako pinatawag?" Kinakabahan kong tanong. "No. Pinatawag kita because I want to asked you a favor." "Po?" Wait, parang ayaw magloading ng brain ko. Totoo ba to? Ang isang nobody na katulad ko hinihingian ng favor ng aming director? Wow! As in W-O-W! Haba ng buhok ko. "I need you to become the tutor of my son and there two cousins. Dahil masyadong bumaba sila sa mga subjects nila ngayong sem. Can you do that?" Ibig sabihin tatlo ang tuturuan ko? "Sure na po ba kayo, Sir? Bakit po ako yung napili nyong magtutor sa kanila?" Sa dami ng mga professional tutor na kumalat sa buong Pilipinas bakit ako na unprofessional yung napili ni Director Wilson? Ang yaman kaya nya para makahanap ng mas magaling at mas professional sa akin kaya bakit ako?? Kita naman na unprofessional ako at nag-aaral pa ako. Napangiti sya. "Why not you? I believe you can teach him well. You have good grades and good performace since the past three years you study in this University and until now. And plus the fact that you are running for valedictorian. And don't worry Miss Park normal naman na bata yung tuturuan mo at tsaka may bayad naman yung pagpapatutor nya sayo." "Po?" Nagpanting naman yung tainga ko doon sa huling sinabing bayad ni Sir. Hindi sa mukhang pera ako o ano kundi dahil kung babayaran nya ako makakatulong na ako sa gustusin kina Tita Belle. Kahit naman libre ako doon gusto ko din namang makatulong sa kanila kahit na papaano. "Full tuition fee for your college including this semester and the next semester. Plus Php5,000 a day." Alam mo yung nganga? Ako yon eh! "S-Sure na sure na po ba kayo sa desisyon nyo na ako ang kukunin nyong tutor Sir?" Taka kong tanong. Full tuition sa college ko?? Tsaka 5,000 a day?? Aarte pa ba ako? Natawa si Director Wilson. "Of course, Im serious about it. So, you want it or not?" "Siyempre naman, Sir. Yes! I want it!" Sobrang saya ko feeling ko gusto kong tumalon sa tuwa. Para akong nakatama sa lotto. "Good. I think 5 months are enough to tutor them. Monday to Friday mo sila tuturuan after ng class mo then free kana sa weekend. Is that okay with you?" Tumango ako bilang sagot. "So, ipapasundo nalang kita bukas after class para maturuan mo sya." I nodded. "Sige po Sir." Nagpaalam na ako kay Sir Wilson bago lumabas ng office nya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa saya. Feeling ko mapupunit na yung pisngi ko sa sobrang lapad ng aking pagkakangiti. Bakit ba? Ang saya ko eh. :D "Sobrang saya mo a," "Syempre naman ikaw ba namang suwertehin e." Wait, sino kausap ko? Napatingin ako doon sa nagsalita kanina. 0__0  Cedric Lee?? Ano naman kayang ginagawa nya dito?? "Hi," nilapit nya mukha nya sa akin tsaka ako tinitigan lumayo naman ako sa kanya. Baka kung ano pang gawin ng babaerong to sakin mahirap na. "Whaaa may gagamba!" Sigaw ko habang nakaturo sa likod nya trying to fool him. Kasi ayaw nya akong tigilang titigan na para bang minamanyak nya na ako sa kanyang isipan. Pero hindi naman sya nalingon. Epic fail. Ngumiti sya. Ako naman yung napatulala sa kanya. Bakit ganun, ang gwapo nya sa pagkakangiti nya. >."You can't fool me. By the way, can you move a little bit from the door." Sabi nya tsaka linapit nya yung bibig nya sa tainga ko. Grabe naaamoy ko tuloy yung bango nya. "Hindi kasi ako makakapasok kung hindi ka makikipagcooperate." Para akong kiniliti sa pagkakabulong nya. Shet! Naaattract ba ako sa Cedric na to? Sa babaerong to? Sa bad boy na to? Hell No! Tinulak ko sya para makaalis na ako doon good thing dahil napaatras sya sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo paalis nang mapaatras sya. Siguro hindi nya akalain na gagawin ko yon. Napailing ako. Mga babaero talaga akala nila lahat ng babae makukuha nila. *T*B*B*T* Tita Belle's House "Jaymin, nasaan si Tita?" Tanong ko kay Jaymin habang naglalaro sya ng kanyang psp sa sofa. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang nilalang?" Sabi ko nga dapat hindi na ako nagtanong. Di ko na sya inistorbo pumunta nalang ako sa kusina. Kaso wala naman doon si Tita, si Nana Linda at yung tatlong kasambahay yung nadatnan ko doon. "Nana Linda, nakita nyo po ba si Tita?" Napahinto sa paggayat ng carrots si Nana tsaka tumingin sa akin. "Nasa library sya." "Ah, sige po. Thank you Nana, sorry sa istorbo." Pagkaalis ko sa kusina dumiretso na ako sa library saktong palabas na din si Tita nang makita ko sya. "Tita," Nagtatakang tumingin sakin si Tita. "Bakit Zia?" "Gusto po sana kitang makausap." Gusto ko kasing magpaalam para bukas doon sa tutorial na gagawin ko. "Bakit? Wag mong sabihing may ginawa kang hindi maganda sa school kaya pinapatawag nila ako." Minsan talaga ang layo ng iniisip netong si Tita. "Hindi Tita. Magpapaalam lang sana ko para bukas ng gabi at susunod pang mga bukas." Napakunot-noo sya. "Bakit? May date ka ba?" Natawa ako. "Never mangyayari yan Tita. Magpapaalam ako kasi may tuturuan ako bukas Tita at baka gabi na ako makauwi. Nag-offer po kasi sa akin si Director Wilson na i-tutor ko yung kanyang anak for 5 months kapalit ng free tuition fee ko sa college kasama na yung sem ko ngayon at sa next sem." Biglang tumahimik si Tita. Galit kaya sya? "Kaya po gusto ko sanang magpaalam sa inyo. Galit po ba kayo Tita?" Taka kong tanong kasi mataman lang syang nakatitig sakin. "Ano ka ba namang bata ka. Bakit naman ako magagalit? Talaga bang gusto mong magtutor doon?" Tumango ako. "Bakit?" Napakaseryoso ni Tita habang tinatanong yan. I gulped. "Kasi..." Hindi ko nakasagot dahil pakiramdam ko bigla naumid ang dila ko. "Kasi.. feeling mo pabigat ka lang dito samin? Kasi.. gusto mong magshare sa mga gastos dito sa bahay? Tama ba ako sa mga sinabi ko Zia?" Napayuko ko. Totoo lahat ng sinabi ni Tita. "Gusto ko lang namang makatulong ako sa inyo Tita. Malaking opportunity na din po sa akin yung inuoffer ni Director Wilson kaya tinanggap ko na po. Tsaka gusto ko din pong pinaghihirapan ko yung ginagamit at binayad ko sa school kesa iasa ko nalang lahat sayo Tita." Mula kasi nang mamatay si Mama at tumira ako kina Tita lahat ng bagay na nabibili ng pera binibigay nila sa akin. Mamahaling bag, damit at gadgets. Kaya naman gusto ko din namang tumulong ako. Naramdaman kong hinawakan ako ni Tita Belle sa ulo tsaka niya nirub yung buhok ko. "Alam mo napakabait mong bata Zia. Kahit na sinabi kong ako na ang bahala sa lahat gumagawa ka pa din ng paraan para makatulong samin. Kahit na sinabi ko sayong wag ka nang tumulong sa resto at mag-aral nalang nagpilit ka pa ding tumulong. Nung una naisip ko matigas lang ang ulo mo kaya hindi ka nakikinig sa akin. Pero naisip ko din, bakit ko pipigilan ang pamangkin ko kung yun yung nakapagsasaya at nakakapagpabuti sa kanya? Kaya kung gusto mong matutor okay lang naman sakin yon. Basta, kapag nahirapan ka wag mong pilitin ang sarili mong ituloy yang pagtuturo sa kanila. Hindi mo naman kailangan magtrabaho dahil pinadadalhan.." saglit na napatigil si Tita. "tayo ni Minho ng pera, tsaka may resto tayo at tinataguyod ng Tito mo yung company na naiwan dito ng Dad mo." Napaismid ako sa aking isipan. I don't need his money nor his company. Mula ng ewan nya kami ni Mommy at ipagpalit sa iba wala na akong pakialam sa kanya. Sabi ni Tito Jake asawa ni Tita Belle, bata palang ako nung iwan nya kami ni Mama. At tsaka kung may concern pa sya sakin di sana matagal na syang nagpakita at nagsuporta. Pero ni anino nya wala. Tumango ako. "Okey Tita. Salamat po." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Tinuturing ko na kasi talaga syang parang mama ko. Para akong batang nirarub ang buhok. "Ang ganda mo talaga para kang anghel." Natawa ako sa sinabi ni Tita. Ako maganda?? San banda? "Tita naman e alam ko naman pong hindi ako maganda kaya wag nyo na akong paasahin." "Ano ka ba namang bata ka! Maganda ka naman ah. Hindi ka lang nag-aayos ng sarili kaya ka nasasabihang panget. Pero ang totoo maganda kang bata." Si Tita talaga inuuto ako. "Mama isuot mo nga yang salamin mo para makita mo ng maigi si Noona." Singit ni Jaymin. "Bakit? Maganda naman si Ate Zia mo a. Hindi ka ba nagagandahan sa kanya Jaymin?" Napatingin ako kay Jaymin. At ang mayabang na bata ngumisi sa akin. "Oo nga mommy may kamukha nga sya e." Sino naman kaya yon? Kinakabahan ako sa kanya kasi mukhang hindi sya magsasabi ng matino si Jaymin pa. "Kamukha nya si Betty La Fea. Diba Mom?" Sabi nya saka malakas na tumawa. Joke nya na yon? Ang babaw naman pala ng kaligayahan ng batang to. Pinalo sya ni Tita Belle. "Ano ka ba namang bata ka. Di hamak namang may itsura ang Noona mo kay Betty La Fea. Magsorry ka sa kanya." Buti nalang talaga mabait si Tita di ko nga alam kung saan nagmana si Jaymin ng kapilyuhan e. Si Tito Jake naman tahimik lang at seryoso. "Bakit ako magsosorry e totoo naman sinabi ko. Diba Betty Noona?" Sabi nya sabay takbo. Yung batang yon talaga sarap tirisin. "JAYMIN!" Tawag ni Tita sa kanya. "Hayaan nyo na Tita sanay na ako doon." "Wag mo nalang pansinin yung sinabi ni Jaymin kahit kelan talaga may kapilyuhan yung batang yon." Sobra nga. "Okey po." Hindi naman bog deal sakin yun e dahil alam ko naman sa sarili kong panget ako. "Tara na nga at kumain nalang tayo kanina pa ako nagugutom e." *Stomach Growl* Hahaha. Mukhang gutom nga sya. "See? Pati tyan ko umaangal na." Napangiti nalang ako tsaka sumunod kay Tita sa Dining room. *T*B*B*T* After Class This is it pancit! First night na tutorial. Naglakad ako palabas ng gate nang biglang may humarang sa aking dinadaanan. Dalawang lalaki ng nakasuit. "Ikaw ba si Miss Park?" Tanong nung isang lalaki. "Ako nga po." Wait, sila ba yung sinabi ni Director Wilson na susundo sakin ngayon? "Pinapasundo po kayo samin ni Boss para ihatid sa mansion. Ako po si Brando at ito naman si Sam." "Ah okay po." Tugon ko tsaka sumunod sa kanila sa isang black na kotse. Wow ang gara ng kotse nila. Kung hindi ako nagkakamali isang Mercedez to. Binuksan nung isang lalaki yung pinto tsaka ako pinapasok. Ang yaman pala talaga ni Director Wilson. Ano kayang itsura ng mga apo ni Sir Wilson? Siguro gwapo din yun katulad nya. Gwapo din kasi si Director Wilson kahit na nasa mid60's na sya. Kaya sure akong gwapo din yung anak ni Sir. Mabait din si Sir kaya siguro naman mabait din yon. I smiled. Excited na akong makilala sila!:D
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD