Chapter Four

2061 Words
4: Bad Boy's Tutor CEDRIC LEE's Point Of View Nandito na naman kami sa kwartong to. Imbes na makapagliwaliw after ng klase dito kami bumabagsak tatlo. Wenyang buhay na to pano nalang kaya ang mga nagkakandarapang babae sa akin na yan? Hindi na naman nila masisilayan ang kagwapuhan ng isang Cerdric Lee eh yon na nga lang yung nagpapasaya sa kanila e. Tss. "Hoy, Trace anong ginagawa mo d'yan?" Taka kong tanong sa kaniya dahil may tinatali syang garter doon sa tapat ng pinto. May naiisip na namang kabulastugan to. "Just a simple greetings to our new tutor." Kahit kelan ang sama talaga neto. But well, sabi nga nila birds with the same feather flocks together. Pero napapaisip talaga ako kung sinong tutor naming tatlong magpipinsan. Oo, magpipinsan kami. Lahat kami Wingstone. Sabi ni Lolo, maganda, makinis, matalino, at mabait yung tutor namin. Full package nga daw kung baga. Saan nya kaya napulot yon? Aba, kung maganda yon sure akong maiinlove yon sakin. Gwapo ko ba naman. "Dwight, sa tingin mo ilang linggo tatagal ang bagong tutor natin?" Never pa kasing may tumagal ng one month samin. Bakit? Boring kasi sila. Tapos yung iba pa nagpapacute at sa huli they already fall to one of us. Bakit pa kasi nauso tong tutorial na to? Ano naman kung bagsak kami sa class, eh mayaman naman kami bakit pa kami magtyatyagang mag-aral kung may trabaho nang nakahintay samin? Tss. "1 week," sabi ni Trace. Napangisi si Dwight. "This night is enough to make her out." Napailing nalang ako. Here we go again. Kawawa naman yung tutor na yon. Well, good luck sa kaniya kung sino man s'ya. ~×~ ZIA PARK's POV 20 minutes din yung tinagal ng pagbibyahe namin. Ang layo din pala ng bahay ni Director sa WU. Binuksan nung kasambahay yung malaking gate pagkakita samin. Nagtuloy-tuloy lang ng pagmamaneho si Brando papasok sa bahay ni Director Wilson. Grabe ang laki pala neto. Huminto yung kotse sa tapat ng pinto. Pinagbuksan ako ni Sam ng pinto. Napakagentleman naman nila nakakatuwa. :D "Sya ba yung bagong tutor?" Tanong nung mayordoma na nasa entrace ng pinto pagkalabas ko ng kotse. "Oo Nana Fhei sya nga." Sabi ni Sam. "Ganoon ba? Halika hija pasok ka. Kakadating lang din naman nila Young master." Sabi ni Nana Fhei tsaka ako ginaya papasok ng mansion. "Sana naman makatagal ka sa mga batang yon." Sabi ni Nana habang naglalakad kami. Ang lawak pala ng loob ng bahay ni Director Wilson. "Hindi po ba tumatagal ang ibang naging tutor ng anak ni Director Wilson?" "Wala pang tumagal ng dalawang linggo hija. At ikaw ang pang dalawang put apat na magtutor sa kanila ngayon dahil kakagive up lang kahapon nung nagtutor kina young master." Parang kinabahan ako sa sinabi ni Nana Fhei. "Masasama po ba ang ugali nung tatlo?" Taka kong tanong. Napailing si Nana. "Ikaw na ang bahalang humusga sa kanila hija basta mag-iingat ka sa mga batang yon." Gosh! Sobra na yung kaba na nararamdaman ko. Napatigil kami sa isang pinto. "Dito ang tutorial room. Ikaw na ang bahala sa kanila. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka. May intercom naman sa loob ng room na ito." Sabi ni Nana bago ako tinapik sa balikat. "Sige po." Nagpaalam na si Nana sakin. Ako naman nagpapalakas pa ng loob para makapasok sa loob. Okay this is it! Full tuition fee! Plus 5,000 a day. Kaya mo yan Zia. For the sake of your future! Go lang ng Go! Huminga ako ng malalim tsaka binuksan yung pinto. "Hello--" *BOOGSH* Bigla akong nadapa dahil sa garter na nakatali doon sa pinto. "Witwiw!" "Naks! Hello Kitty white undies!" Bigla kong ibinaba yung palda ko dahil nakita pala nila yung undies ko. Shet naman bakit kasi may nakaharang na garter dyan sa pintuan. Napatayo ako at sinarado yung pinto ng bigla nalang may bumuhos na harina sa akin. "Hahahaha!" "Whahahaha!" "Hahaha!" Napatingin ako doon sa tatlong lalaking prenteng nakaupo sa mesa sa bangko at sa sofa habang masayang tumatawa. WTF?? Pinagpag ko yung harina sa aking ulo at damit tsaka tumingin ng maigi sa kanilang tatlo. Wait lang hindi to maaari. Inayos ko yung aking salamin tsaka napangangang napatingin sa kanilang tatlo. "KAYO??!" bakit sila? Bakit silang tatlo yung nandito? Wag mong sabihing silang tatlo yung sinasabi ni Director Wilson na tuturuan ko? Tong tatlong bad boys tuturuan ko? Kill me now! "Akala ko pa naman ubod ng ganda, kinis at sexy ang bagong tutor natin. Yun pala isang," tumingin sakin si Trace. "Weird," -Trace "Nerd," -Cedric "Panget," -Dwight "Ang bago naming tutor. Haist. Parang umiiba na panlasa ng matandang yon ah." Sabi ni Trace kay Cedric. Grabe din makapanglait tong magkakabarkada na to. Tagus tagusan! "Gusto mo siguro akong makasama kaya ka pumayag sa gusto ng lolo namin noh?" Sabi naman ni Cedric. Matakot nga sya sa kanyang sinasabi pero ano daw? Lolo? WTF? Lolo nila si Director Wilson? Bakit di ko alam yon? Ay! Ang stupid mo Zia! Director Wilson Wingstone nga diba ang full name ni Sir Wilson! "So, kayo yung tuturuan ko?" Taka kong tanong. "Bakit angal ka?" Si Dwight yon. Tsk. Di ko sya sinagot. "Magsimula na tayo para makaalis na din agad ako dito. Sagutan nyo muna to para makapag-umpisa na tayo." Sabi ko at binigay sa kanila yung test na ginawa ko sa English, Physics, at Mathematics. 20 items din yun bawat subject. Bali 60 items lahat. Pinaghirapan ko pa yang itype at iprint kagabi. Halos magmamadaling araw na ako nakatulog dahil dyan. "Bibigyan ko kaya ng 1 hour para sagutan yan." Sabi at binigay sa kanila yung copies. "Walang magkokopyahan. Start now!" Kinuha ko yung timer sa table tsaka sinet yon. Pagtingin ko doon sa tatlo parang sasabog ako sa galit. Sinira sira nila yung test na ginawa ko. Si Trace ginawang bangka yung copy. Si Cedric naman tinupi tinupi yung copy at ginawang party hat at si Dwight ayon ginawang eroplano at pinalilipat sa ire. Grr. Kagigil. Masahol pa sila sa mga bata. After 20 minutes "Siguro naman tapos na kayong magliwaliw at handa na kayong makinig sakin." Kinokontrol ko lang yung sarili ko para hindi sila sigawang tatlo matapos nilang punit punitin yung test na ginawa ko. After kasi nilang gawing party hat, eroplano at bangka yung photo copies hindi pa sila nasyahan pinunit punit pa nila yon sa harap ko. Gusto ko silang pagsisipain at gulpihin sa kanilang ginawa pero alam ko namang ginawa lang nila yon para magalit ako at kapag nagalit ako ibig sabihin talo ako sa kanila. "Dahil sobrang babait nyo at sinira nyo pa yung ipinasagot ko sa inyo, wala na akong paki kung magoovernight ako dito basta maturuan ko kayo ng kahit isang subject. Kaya kung ayaw nyong masuka kayo sa pagmumukha ko makinig na kayo sakin ngayon palang. Math ang una kong ituturo sa inyo." After 20 minutes Okay naman na sila. Nakaupo silang tatlo sa kani kanilang upuan tsaka nakatingin sa tinuturo ko. Ang hindi lang okay kanya kanya silang hawak ng gadgets nila. Si Trace nagppsp3. Si Cedric may katxt. Si Dwight nakikinig ng music. Jusko! Maloloka na talaga ako neto. Sinong nagsabi madali maging tutor?? Lumapit ako sa kanilang tatlo tsaka kinuha yung gadgets nila. Ang sasama ng binigay nilang tingin sa akin tiningnan ko din sila ng masama. Hindi ako patatalo sa kanila noh. "Guys, lets have a deal. Kokopyahin nyo lahat ng sinulat ko dito sa board pagkatapos nyung kopyahin yon at ipasa sa akin aalis na ako dito at hindi na ako babalik. Deal?" Lahat sila parang nagpanting yung tainga pagkarinig doon sa words na aalis na ako. "DEAL!" Masaya nilang tugon. Nag appearan pa sila sa saya. Tingnan lang natin kung makangiti pa kayo after nyong gawin ang pinagagawa ko cause I will teach all of you a lesson that you'll never forget. Nagsulat ako ng nagsulat. Halos puno na yung buong white board sa dami ng sinulat ko. From pages 7-13 yung sinulat ko. After kong sumulat nagpahinga ako at hinintay silang matapos. Sa mukha palang nila desidido talaga silang matapos yung mga sinulat ko. Back to back pa nga ng bond paper na binigay ko yung kanilang sinulatan. Masaya akong makita silang pinaghihirapan yung kanilang ginagawa. "Penge pa ako ng bond paper," utos ni Dwight sa akin. Sure thing. Kinunan ko sya ng bond paper tsaka inabot sa kanya. As usual, no thank you pa din. "Ako din penge," sabi naman ni Trace. Inabutan ko din sya. Si Cedric lang nga ata yung hindi humingi ng extra bondpaper dahil talagang pinagkasya nya sa isa. "Yes finish!" -Masayang anunsyo ni Trace habang hinihimas yung kanyang kamay. "Me too!" -Cedric. "Done." -Dwight Pinasa nila yung sinulat nila sa akin tsaka bumalik sa kanilang upuan. "Pano ba yan nagawa na naming tatlo yung pinagagawa mo kaya bukas ang pinto pwede ka nang umalis." Sabi ni Dwight. Ngumiti ako sa kanya. "Not until I finished what I want to do." Sabi ko at kinuha yung lighter sa aking bag. Yinukot ko yung pinasa nilang bond papers sakin tsaka sinindihan yon. "What the f*ck?!" -Trace "Damn you." -Cedric "b***h" sabi ni Dwight na halatang galit na galit. Masakit man marinig yung sinabi nya wala akong pakialam dahil alam ko sa sarili kong hindi yon totoo. Habang nasusunog yung ginagawa nila galit yung makikita mo sa mukha nilang tatlo habang pinapanuod masira yung kanilang pinaghirapan. "Anong pakiramdam na pinapanuod mong sinisira yung bagay na pinaghirapan mo?" Tumingin ako sa kanilang tatlo. Halatang nagpipigil sila ng galit. "Masakit diba? Masakit makita na yung pinaghirapan mo sisirain lang ng iba. Magagalit ka sa kanya, maiinis o kung pwede sana saktan sya physically. Yan ba yung nararamdaman nyo ngayon? Kasi kanina masahol pa sa naramdaman nyo yung nararamdaman ko ng sirain nyong tatlo yung ginawa kong test." Tiningnan ko silang lahat. I really mad at them. "Ah, wala nga pala kayong pakiramdam. Tingin nyo kasi lahat ng bagay pwedeng palitan. Lahat ng bagay nabibili ng pera kasi mayaman kayo. Hindi nyo ba naisip na mawalan ng pera? Do you think? Bakit kaya kayo pinag-aaral ng mga magulang nyo kahit na mayaman kayo? Bakit sila nag-aaksayang ng panahong magbayad ng pagkalakilaki para lang turuan kayo ng mga tutor nyo? Kasi hindi habang panahon mayaman kayo. Hindi habang panahon nasa taas kayo. Tandaan nyo umiikot ang mundo. Baka nasa taas kayo ngayon bukas, next month o next year nasa baba na kayo." Lahat sila speechless pagkatapos kong sabihin lahat ng yon. Hindi siguro sila makapaniwala sa ginawa ko. Kinuha ko yung bag ko tsaka naglakad palabas ng room na yon. Kung ganoong klase naman ng mga estudyante yung tuturuan ko mabuti pang mag quit nalang ako. Kahit kunting interest man lang wala silang pinakita. Maski siguro professional tutor o teacher walang magagawa sa kanila. Pagkalabas ko. "Ay kalabaw!" Nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Director Wilson. Hindi ko alam kung kanina pa sya nandito. Narinig nya kaya yung sinabi ko doon sa tatlo? Ngumiti sya sakin. "You really interesting. Thank you for teaching those brats." Sabi nya. "Narinig nyo po?" Taka kong tanong. "Yes. I heard everything. You really good. Im not wrong for making you as their tutor. By the way, here's your 5,000." "Naku Sir hindi ko po yan matatanggap. Wala pa po kasi akong naituturong lesson sa kanila pinasulat ko lang sila kanina." "But you gave them a lesson that they surely not to forget. Kaya naman tanggapin mo na to." Kinuha ni Director Wilson yung kamay ko tsaka linagay yung 5,000 sa palad ko. "Ipapahatid na kita kay Brandon pauwi." Sabi nya tsaka ako ginaya palabas ng bahay nila. Kung ako siguro yung mag-isang lalabas ng mansion maliligaw pa ako dahil ang laki at sobrang daming kwarto. "Saan ko po kayo ihahatid, Maam Zia?" Tanong ni Brandon. Nandito na pala ako sa loob ng kotse. "Zia nalang po alisin nyo na yung 'maam' sa Unknown Street nyo nalang po ako ibaba." Sabi ko. "Okey po." Sabi ni Brandon at binuksan nya yung makina ng kotse. Nasa daan na kami ng makapa ko sa aking bulsa yung binigay na pera ni Director Wilson. You gave them a lesson that they surely never forget. May natutunan naman kaya yung tatlong yon kanina? I dont think so. Pero masaya akong makaganti sa kanila. Not physically but emotionally. Serves you right Bad Boys!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD