Nag-isip muna si Loyda bago sinagot ang alok ni Natalie. "Pano kaya, Ate Natalie doon ka na lang tumira sa akin. Total ako lang naman ang mag-isa sa bahay. Wala din ako kasama doon." Natuwa si Natalie sa narinig niyang sinabi ni Loyda. "Talaga, Loyda?" "Oo, Ate." Niyakap niya si Loyda. Niyakap din siya nito. "Tsaka, Ate i-kwento mo rin sa akin ang nangyari sa iyo, bakit nakarating ka dito." Tumango naman si Natalie. Habang inaantay nila maubos ang swero ni Natalie ay nag-kwento ito kay Loyda. Kinilig naman si Loyda. "Ay, taray Ate Natalie, mala-nobela pa la ang kwento ng love life mo. Kawawa naman ang baby mo. Huwag kang mag-alala, Ate palalakihin natin siyang mabait na bata." Nagtawanan sila. Mga bandang hapon ay nakalabas na din sila ng ospital. Namili muna sila ng mga kailan

