"Miss, miss! Nandito na po tayo sa terminal hindi pa po ba kayo bababa?" Gising kundoktor kay Natalie. Nakatulog kasi siya sa biyahe. Nagpalinga-linga muna siya. Tapos nagtanong sa kundoktor kung nasaan ba sila. "Anong lugar po ito, Manong?" Habang busy sa kakabilang ng pera ng mga kolektang pamasahe. "A, nandito na po tayo sa Ilocos Norte, Maam." Ilocos Norte? Ang layo naman pala ng byinahe ko. Tumayo na siya. Bago siya bumaba ay nagpasalamat siya sa kundoktor. Naghanap muna siya ng makakainan dahil na gutom siya sa haba ng byahe. Naglakad lakad muna siya hanggang sa makarating siya sa isang karinderya. Nag- order siya ng kanin at ulam. Medyo na hihilo siya kasi nalipasan siya ng gutom. At isa pa buntis siya. Hinimas himas niya ang kaniyang sinapupunan. Hindi pa siya nakapag-pa

