(Naya's POV) "Kung hindi dahil sa lolo mo hindi mabubulilyaso ang lahat!" Napatingin lang ako sa sumigaw na iyon pagkatapos ay dinampot niya ako sa buhok at sinikmuraan habang nakatali ako sa isang kahoy na upuan sa gitna ng madilim na kwartong ito. "Maayos na sana ang lahat ----- papatayin ka namin ----- mamamatay ka na!" Nakatanggap ako ng malakas na suntok mula sa kanya at pagtilapon ko na lang ang naramdaman ko, kasama ng upuan na inuupuan ko. ----------------- I just sigh saka ko ipinilig ang ulo ko dahil sa alaalang iyon. Sinuntok ko na lang ang punching bag na kaharap ko na agad namang tumalsik pero hindi ko na iyon dinampot umalis na lang agad ako sa gym para makapaghanda sa pag-alis namin ngayon. Ako, si Helios, Joshua at Blue ang aalis, maiiwan naman si Cyan at ang iba

