(Naya's POV) "Alam kong wala ang leader natin ngayon at si Styx pero, hindi naman yon hadlang para lumaban tayo ngayon hindi ba? Alam kong para sa inyo iba parin kapag andyan sila pero hanggat wala sila tayo muna ang lalaban, kaya natin to hindi ba?" Kanya kanya silang sagot sa akin saka sila nag-chant. lahat sila alam kong nag-aalala dahil wala pa sina Eos pero kaylangan naming kumilos ngayon dahil 11:11 na naman. "Humanda na tayo!" Hiyaw ni Ate Selene sa kanila at lahat kami ay andito sa gym ng dark village, nag-aabang na lang kami ng 10:00 pm ngayon. Lumayo muna ako ng sandali sa iba habang naghahanda na sila para marinig ko ang kausap ko. "Cyan? Kamusta na?" Tanong ko kay Cyan sa earpiece ko na konektado sa kanya. "Naghahanap parin kami ng paraan para malaman kung san magmumula

