(Naya's POV) Ilang araw naring wala sina Eos pero ang sabi niya ay sandali lang sila doon. Pero kahit na ganoon, mas nakakabahala ang katahimikan sa academy kaysa sa hindi nila pagbalik dito, alam naman namin kung nasaan sila Eos, pero yung susunod na pagsugod ni second hindi namin alam kung kailan yun. "Seryoso ka na naman" Nginisian ko lang si Joshua ng punahin na naman niya ako, sa kanya ko sinasabi yung mga sentimyento kong di ko masabi kahit kanino lalo na kay Apollo. "Si Eos na naman ba?" Tanong niya sa akin at kahit nahihiya ako ay ngumiti na lang ako sa kanya. "Alam mo na isa na siya sa maraming dahilan" Tanging sagot ko sa kanya. "Kung ganon ano naman yung iba pang dahilan?" Tanong niya sa akin. "Si second, kakaiba ang pananahimik niya" Sagot ko na agad niyang ikina-ser

