(Frion's POV) "andito na tayo!" Bumangon siya mula sa pagkakasandal sa kotse at lumabas pagkasabi ko noon sa kanya, nakatulog na siya sa haba ng byahe. Ngumiti lang ako sa kanya para sabihin okay lang ang lahat and Blue just pat her head saka siya umalis. Sa tapat ng dorm 13 siya nagpababa, marahil ayaw niyang bumalik sa dorm 7. Sinamahan ko siya papasok sa loob hanggang sa kwarto niya. "Magpahinga ka na!" Pumasok na siya sa loob dala ang mga gamit na binili niya ng walang iniiwang salita, walang tao dito, baka nasa dorm 7 sila. Nilingon ko si Blue ng lumapit siya sa akin, nananatili kami sa pinto habang dinig na dinig namin ang paghikbi niya. Kayanin mo Naya, kaya mo yan. --------- (Flashback) "Nakita nina black and white sina Naya at Wincess!" Napatayo agad si Cyan sa ba

