(Naya's POV) "bakit ba hindi ko pwedeng makita si Eos? Nasan ba siya? Ano bang nangyayari?" Hiyaw ko sa kanila habang pilit kong pinaaalis sina Styx sa daan. "Makinig ka na lang Naya, pakiusap! Magagalit si Eos! Okay lang naman siya!" Hiyaw sa akin ni Styx, pero hindi ako nakinig sa kanya. "Gusto ko siyang makita, pakiusap Styx! Kung totoong okay siya ipakita niyo siya sa akin!" Hiyaw ko sa kanila pero hindi siya natinag, nagsimula na muli si Apollo na hilahin ako palayo at iniwan na lang ako ni Styx habang pigil pigil ako nila Apollo. Hindi ako sa Dorm 7 nagising kanina nasa dorm 13 ako at hindi ako pinapapasok sa dorm 7 ayaw nilang ipakita si Eos sa akin ayaw nilang makita ko si Eos. "Pakiusap, Nyx? Please!" Umiiyak lang na umalis din si Nyx at hindi pinansin ang pagiyak at p

