(Styx's POV) Nakatanaw lang kami kina Naya na nasa labas ng gate at nagkakantahan, alam ko na nag-aalala sila kaya nag-aalala din kami ng sobra. Hindi biro ang sitwasyon nilang tatlo, napakadelikado ng lahat para sa kanila ngayon. I hear Eos sigh habang kasama namin si Ate selene, si Hercules at Venus dito sa second floor ng dorm. Nakatanaw kami mula sa veranda, nag-aantay na lang kami ng alas diyes. "Mas mahirap pa to kaysa sa kakaharapin ko sa labas kapag ako na ang nagpapatakbo ng organization!" Natawa ako sa sinabi ni Eos and I tap his shoulder. "If you pass this one? Sigurado ako, handang handa ka na!" I said to him na ikinatingin niya agad sa akin. "What if I don't?" Seryoso niyang tanong sa amin na bakas ang kaba at pagaalala. "You can still have the organization, but you'l

