Paglabas ni Samantha ng silid ay saktong paglabas din ni Yohann sa kabilang kwarto. May hawak hawak itong kaldero at sandok at ilang pirasong kutsara at tinidor.
"Nandito pa sa kabilang silid ang mga gamit. Tulungan mo ako at tignan mo kung may makita ka pang pwede nating gamitin." Utos ni Yohann s kanya.
Sumunod naman siya dito at naglakad papunta sa kabilang kwarto.
Pagpasok niya ay nakita niya ang isang malaking box sa gilid ng pintuan. Sa gilid naman nito ay may dalawang hindi gaanong kalakihang box pero nakasealed pa iyon.
Ibinaling nalang niya ang tingin sa malaking box, binuksan iyon at naghalungkat. Kinuha niya ang di kalakihang pitsel pati narin ang mga ilang mga plato at mangkok tsaka lumabas.
Inilapag niya ang mga kinuha at tumingin kay yohann. Nakamasid pala ito sa kanya kaya naman naasiwa siya dahil sa pamamaraan ng titig nito .
Ngumiti itong kinuha ang kamay niya at hinila siya nito papasok ulit sa silid na may mga kagamitan.
Hindi naman niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil nakikita na niyang ngumingiti ito sa kanya.
Nakakapanibago talaga.
"Hintayin mo ako rito." Mabilis itong naglakad palabas at ng bumalik ay may hawak na itong tinidor.
Kinuha nito ang isang nakasealed na box na nakita niya kanina saka ito umupo, kaya umupo narin siya.
"Ipinadala ko ito dito sa caretaker namin na si mang Pablo nung nakaraang araw." Tukoy nito sa nakasealed na box.
Gamit ang tinidor ay binuksan nito iyon.
Nanlaki ang mata niya at tuwang tuwa siya ng mabuksan ng binata ang box dahil tumambad sa kanila ang sandamakmak na pagkain.
Mabilis na kinuha niya ang nasa ibabaw na choco pie.
Kung ano pa ang pinakapaborito niyang pagkain ay iyon pa ang bumungad sa kanya.
"Ang galing naman! Alam mo bang paborito ko to?" Tuwang tuwang sabi niya dito at mabilis na binuksan ang isang pack na choco pie para kainin.
"Ang sarap talaga!" Nakangiting sabi niya habang kumakain.
Sinubuan niya rin ito na hindi naman nito tinanggihan.
Sobrang saya niya dahil hindi na ito ang Yohann na kagaya ng dati na lagi siyang sinusungitan na akala mo laging may dalaw.
Isa isa niyang tinitignan ang mga pagkaing inilalabas nito.
"Grabe, bakit halos paboritong pagkain ko ang laman?" Sabi niya habang ngumunguya.
Nagtataka man pero natawa nalang siya habang tinulungan itong ilabas ang mga laman niyon.
Hindi kasi siya makapaniwala sa nakikita dahil lahat kasi ng nilalabas nitong mga brand ng pagkain na delata, junk foods, desserts at drinks ay lahat paborito niya.
Napabaling siya ng tingin sa binata na abala sa paglalabas ng pagkain.
"Sino bumili ng mga to?"
Saglit na natigilan ito sa tanong niya.
"Ako." Sagot nito na hindi siya tinitignan.
Tumayo ito at binitbit ang ilang delata papunta sa kusina.
"Siguro alam mo lahat ng paborito ko no? Para sa akin lahat yan no? Daig ko pa ang nakareceive ng package galing ibang bansa." Kunwaring biro niya dito nang bumalik ulit ito para muling kumuha ng mga pagkain para ilagay sa kusina.
"Nagkataon lang yun." Sagot nito at binitbit ang paborito niyang Korean strawberry milk drink. Tatlong pack iyon. May bitbit din itong mga ilang junk foods habang ang ibang mga pagkain naman ay iniwan na muna nila.
Hindi nalang niya ito biniro dahil baka mainis na naman ito sa kanya.
Napaisip din kasi siya kung
paano naman malalaman nito ang mga paborito niya e laging naiinis ito sa kanya.
"Halika ka na."
Mabilis naman siyang tumayo at sumunod nalang dito.
Nakaupo na silang dalawa sa mahabang upuan habang siya ay kumakain ng paborito niyang lays, sourcream & onion flavor, nang may narinig siyang nagsisigawan.
"Mga kaibigan mo na yan."
Nilingon niya si Yohann na may hawak na isang can ng San mig.
Mayroon pala itong hawak na alak, pero hindi niya iyon agad napansin.
Ang isang box kasi na hindi pa nila nabubuksan kanina ay alak pala ang laman.
Nang marinig muli ang sigaw ng mga kaibigan, lalo na ng boses ni Jennie ay excited na tumayo siya pero mabilis siyang nahila ng binata at pabigla siyang napakandong dito.
Namula ang mukha niya dahil sa titig nito. Humawak ito sa likod ng ulo niya at mabilis, pero mariin siya nitong hinalikan sa labi at kinagat kagat pa nito ng ilang beses ang ibabang labi niya bago ito humiwalay sa kanya.
Pinagdikit nito ang kanilang noo at tinitigan siya. "Salubungin mo na sila." mahinang sambit nito habang matiim na nakatitig ito sa mata niya.
Dumidikit pa ang labi nito sa kanya habang nagsasalita ito.
Wala sa sariling tumango siya at tumayo na.
Habang naglalakad ay hinawakan niya ang kanyang pisngi. Ramdam niya kasing nag-iinit ang mukha niya sa ginawa ni Yohann. Sobrang bilis din ng t***k ng puso niya na parang nagkakarerahan.
Napapaisip tuloy siya kung ano ang nararamdaman ni Yohann para sa kanya. Kung bakit bigla biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. At kung bakit panay na ang halik nito sa kanya.
Pagbaba niya sa kahoy na hagdan ay saktong huminto narin ang sinasakyan ng mga kaibigan niya.
Nakasakay ang mga ito sa isang yate.
Napanganga siya sa ganda niyon at
Sakto lang din ang laki. Mabilis siyang tumakbo at nilapitan niya ang mga ito.
"Kanino yan?" Nakatingalang tanong niya kay Sophia habang nakaalalay naman dito si Lucas.
"Mine." Tipid na tugon ni Lucas.
Wala man lang expression ang mukha nito ng magsalita.
Mayaman ang pamilya nila Lucas at kahit nag-aaral pa si Lucas ay alam niyang may pinapatakbo itong sariling negosyo kasama ng best friend daw nitong taga ibang bansa na hindi pa niya nakikilala.
Napabaling naman ang tingin niya kay Sophia nang bigla nalang binuhat ni Lucas na parang bagong kasal ang kaibigan niya.
"Babe! Ibaba mo ako. Nakakahiya! Kaya ko naman maglakad, hindi ako pilay."
"Just let me just carry you okay?" Malambing na nginitian lang ni Lucas ang kaibigan niya na ikinangiti naman ng huli.
Napangiti siya dahil sa dalawa. Kay Sophia lang talaga madalas ngumiti itong si Lucas.
"Sana all may pa-carry carry!" Sigaw naman ni Jennie saka biglang nakangising binalingan siya. "Tapos yung isa diyan may pahidey-seekey pang nalalaman! Baka naman nagchukchakan na kayo ditez? Naku Sammy, baka hindi pa tayez gumagraduate magkakyota na kayo ni singkit!"
Agad na pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Alam niyang sinadya nitong ibahin ang pananalita nito para hindi maintindihan ng tatlo nilang kaibigan. Pero siya ay naiintindihan niya iyon. Paminsan minsan kasi ay lagi silang nagbabonding na tatlo, ito ang ang kapatid ni Jennie na si kuya Alexis, aka Alexa sa gabi.
"Shut up Jennielee. Ano bang pinagsasabi mo?" Nakasimangot namang sabat ni Denise.
"Shina-shut up mo ako tapos tatanungin mo ako? Duh! Tara na nga!"
Nanlaki ang mata niya ng makita si Isiah palabas ng yate ni Lucas. "Isiah?!" gulat na wika niya paglabas nito. Kailan pa nagkakilala si Isiah at Lucas?
"Hi Sam!" Nakangiting kaway nito at naglakad pababa.
Sunod na bumaba naman ang mga kaibigan niya.
Nakita pa niyang umakyat ulit si Isiah para alalayan sana ang kaibigan niyang si Denise pero hindi nito pinansin si Isiah at tuloy tuloy lang na bumaba ang kaibigan niya. Naiiling na ngumiti nalang si Isiah habang nakamasid sa kakababang si denise.
Napangisi siya sa nakita.
Mabilis na bumaba ulit si isiah at inakbayan si Lucas pero iwinaksi lang ng huli ang kamay nito.
Pero nang akmang si Sophia ang aakbayan nito ay naiinis na tinulak ni Lucas si Isiah dahilan para mapaupo ito sa buhanginan.
"Don't you dare!" Lucas hissed at Isiah.
Tatawa tawa lang ito kahit na malakas na napaupo Ito.
Loko loko talaga ito kahit kailan.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong niya.
"He's my best friend/business partner." Natatawang parin na sagot ni Isiah habang pinapagpag nito ang shorts nitong nadikitan ng buhangin.
Nagulat siya dahil hindi niya alam na si isiah pala ang nabanggit ni Sophia sa kanya noon na nasa ibang bansa na business partner at best friend ni Lucas .
Si Yohann kang kasi ang kilala niyang kaibigan ni Isiah. Sabagay, matagal na niyang hindi nakikita si Isiah kaya wala narin siyang masyadong balita tungkol dito.
"Mauna na kayo, kakausapin lang namin si Sam."
Napalingon siya sa nagsalitang si Sophia.
Napangiwi siya sa uri ng tingin ng mga ito sa kanila.
Tumango naman si Lucas at hinalikan sa pisngi si Sophia pagkatapos ay mabilis na hinila nito ang damit ni Isiah dahilan para mapasunod ito dito.
"Teka lang naman dude!"
"Tsk. Let's go."
"AHEEEM....!" Sabay sabay pang ubo ng apat niyang kaibigan.
Napapakamot siya sa kanyang pisngi dahil sa mga tinging ipinupukol ng mga kaibigan niya sa kanya.
Napagpasyahan niyang wala muna siyang sasabihin sa mga kaibigan dahil hindi pa siya sigurado kung ano ba talaga sila ni Yohann.
Masyado pa kasing maaga para magassume siya na may gusto si yohann sa lalo pa't wala naman itong sinasabi sa kanya. Baka kasi nadala lang ito kanina dahil sila lang dalawa ang magkasama rito sa Isla.
Nang isipin iyon ay nasaktan siya pero iwinaksi nalang niya iyon dahil umaasam siyang magugustuhan din siya ng binata balang araw.
Hinila siya ng mga ito, malayo kung nasaan ang mga binata.
"Kaya pala hanap kami ng hanap sayo, nandito ka lang pala." Si Crista ang unang nagsalita at nakangisi pa itong nakatingin sa kanya.
Pero dahil kilalang kilala na niya ito ay parang napansin niyang may iba sa mata nito. Ang ngisi at pagngiti nito ay hindi umabot sa mata nito, parang may mali. May nababasa siyang kalungkutan sa mata nito.
"At kasama pa si Yohann." Sophia.
Napatingin naman siya bigla kay Sophia
"Akala namin kung napano ka na." denise
"May ginawa ba kayong dalawa dito?Yung alam mo na." Nakakalokong tinignan siya ni Jennie.
Bumuntong hininga siya tsaka ngumiti. "Ano ba kayo, n-nauna lang
kami dito para mag-ayos ng mga gamit para mamaya."
"Talaga..? Walang tusukan at tukaan?"
Kinakabahang tumawa siya. Natamaan kasi siya sa sinabi ni Jennie. "Oo nga."
Buti nalang at medyo madilim sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng mga kaibigan kundi malamang nakita na ng mga ito ang pamumula ng kanyang mukha.
"Talaga?" Parang hindi parin naniniwalang tanong pa ulit ni Jennie. Makulit talaga ito.
"O-oo naman. Kilala niyo naman si Yohann diba? Alam niyo naman kung paano niya ako sungitan diba?"
Napabuntong hininga nalang ang mga ito at hindi na nagsalita pa.
"Tara na!" Aya niya sa mga ito.
Iniiwasan niya kasing magtanong pa ang mga ito at alam niya sa sarili na pag magtagal pa sila ay baka mahalata na siya bg mga kaibigan.
Matagal na silang magkakaibigan kaya kilalang kilala na siya ng mga ito, Kaya hanggat maaari ay ayaw niya muna magsabi sa mga ito ng totoong status nila ni Yohann.
Tsaka nalang siya magsasabi kapag napatunayan na niyang mahal siya ni yohann o kung ano man ang nararamdaman nito sa kanya.
Sumunod nalang ang mga ito kahit na alam niyang madami pang mga katanungan ang nais nilang itanong sa kanya.
"Sammy."
Napatigil siya sa paglalakad ng tawagin siya ni Jennie. Hinila siya nito palayo sa tatlo.
"Bakit?"
Nakangisi, at nagtaas-baba pa ang kilay ni Jennie dahil sa tanong niya. Hindi pa man ito nagtatanong ay agad na nag-init ang mukha niya sa hiya.
"Tell me. Knows akesh na to the highest level na deads na deads ka kay Yohann, pero ispluk mo na sakin. Wititit ko naman ichichika sa tripulits. Pero huwag na huwag mong sasabihin na chinupa mo siya ah! Maghunusdili ka!"
Nanlaki ang mata niya at mas lalong nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito. "Ikaw ang maghunusdili Jennielee! God! Ewan ko sayo!" Hiyang hiya na tinalikuran niya ito na malakas na tinawanan lang siya.
NAKANGITING pinagmamasdan ni Samantha ang mga kaibigang masayang nagtatawanan at nagkakantahan sa harap ng bonfire.
Kagagaling niya lang ng kusina para magtimpla ng kape.
Malakas naman siyang napahalakhak Ng biglang kumanta si Jennie ng "Walk me home" by pink.
"Walk me home in the dead of night
I can't be alone with all that's on my mind (Mhm)
So say you'll stay with me tonight
'Cause there is so much wrong going on outside"
Natawa siya ng malakas dahil wala sa tono ang boses nito. Mahilig kasi itong kumanta pero ayaw ng kanta dito.
Ang lakas talaga ng loob bg loka loka.
Akmang lalapitan na niya ang mga ito nang mapansin niya si Isiah sa di kalayuan habang naninigarilyo.
Nagtaka siya dahil kilala niya ito bilang masayahing tao at ito ang kauna unahan niyang nakita itong seryoso.
Sabagay, ilang taon din ang lumipas bago niya ulit nakita ito, pero hindi niya akalain na naninigarilyo pala ito.
Naisip niya tuloy si Yohann, buti nalang at hindi naninigarilyo ang mahal niya.
Pinagmasdan niya si Isiah na tahimik na nakaupo sa nakatumbang uno, kaya naman bilang kaibigan ay naglakad siya para lapitan ito pero nalukot ang mukha niya ng bumungad sa kanya ang amoy ng usok ng sigarilyo.
"Sammy." Mabilis naman siyang nginitian nito pagkakita sa kanya.
"Naninigarilyo ja na pala." Aniya habang lukot parin ang mukha. Umupo naman siya sa tabi nito.
"Minsan lang. " ngiti nito. Lumingon naman ito sa mga kaibigan niyang nagkakasiyahan.
"Minsan lang pero alam mo bang nakakasama yan?"
"Pero alam mo bang nakakabawas stress to?" Humitit pa itong muli pero sa kabilang direksyon nito ibinuga ang usok para iwas sa kanya.
"Kapag nabawasan ang stress mo, kalusugan naman ang i-stress sayo."
"Thank you." Ngiting ngiti na pinisil nito ang pisngi niya. "But I need this."
Napansin niyang tumingin na naman ito sa mga kaibigan niyang nagkakasiyahan. Pero alam niyang sa partikular na tao ito nakatingin.
"May gusto ka sa kaibigan kong si Denise no?" Tudyo niya dito. Tinusok niya rin ang tagiliran nito.
"Wala ah!" Tumatawang lumayo konti ito sa kanya.
"Talaga ba?"
Kanina pa kasi niya nakikitang tinititigan nito ang kaibigan niyang si Denise. Kahit saan magpunta ang kaibigan ay nakasunod ang tingin nito sa kaibigan niya.
"Ang ganda ng kaibigan ko no?"
"Oo." Mabilis na sagot nito.
"Ang ganda ng boses niyan."
Ngumiti naman ito.
"Walang boyfriend yan. NBSB yan."
"Really?" Tuwang tuwang sabi nito pero ang tingin ay nasa kaibigan niya.
"Oo. Pero ayaw na ayaw nun ng naninigarilyo."
Natawa naman siya ng bigla nalang nitong initsa sa tabi ang hindi pa nakakalahating sigarilyo nito.
Tumawa nalang din ito sabay akbay sa kanya.
"I think my life is in danger right now." Natatawang wika nito.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Agad na bumalong ang pag-alala niya para sa kaibigan. Kahit matagal na niya itong hindi nakita at nakasama ay naging mabuti itong kaibigan sa kanya noong mga bata pa sila.
"May gustong pumatay sayo?"
Malakas na tumawa ito na ikinanuot noo niya, kaya naman naiinis na hinampas niya ito sa balikat. Hindi kasi magandang biro ang pinagsasabi nito.
Ano bang nakakatawa sa sinabi nito?
Pansin niyang may pilyong ngiti ang naglalaro sa labi nito.
"You are the reason why my life is in danger Sammy." Nakakalokong ngumisi ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "If you continue to sit here by my side, someone will punch me to death." Hinila siya nito at muling inakbayan. Inilapit nito ang bibig sa tenga niya saka siya binulungan. "Just touching you like this is a crime to someone. And that someone will not hesitate to punch me because I touched his precious gem. Sayang naman tong gwapong mukha ko kung mabubugbog ngayon diba?"
Kunot noong tumayo siya at binatukan ito.
''Aray naman Sammy!" Ngumiwi pa ito sa ginawa niya.
Hindi kasi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito. Para itong ewan.
"Sino naman ang bubugbog dito? At dinamay pa siya?"
Binatukan niya ulit ito. "Aray..!" Nakangiwi na naman ng umiwas ito.
Pinamaywangan niya ito "Dapat lang sayo yan, kung ano anong pinagsasabi mo!" Nakasimangot na naglakad nalang siya papunta sa mga kaibigan.
Rinig pa niya ang malakas na pagtawa ni Isiah na nakadagdag inis niya dito.
"Baliw!"
Alalang alala pa naman siya rito tapos pinagloloko lang pala siya.
Bago pa siya makalapit sa mga kaibigan ay saktong tumayo naman si Yohann at naglakad papasok sa loob ng bahay. Napansin niyang madilim ang mukha nito at halatang wala sa mood.
Sinundan niya ito ng tingin pero hinila na siya ni Jennie para umupo.
"Samantha tumatawag si tita!"
Napaangat siya ng tingin ng marinig niya ang boses ni Yohann. Wala pang isang minuto siyang nakakaupo nang tawagin siya nito.
Ni hindi pa nga nag-iinit ang puwet niya sa pagkakaupo. Tinitigan niya ito. Mula sa ilaw ng bahay ay kitang kita niya na seryoso parin ang mukha nito at hindi maipinta.
"Nasaan cellphone ko?" Takang tanong niya dito. Medyo nilakasan niya ang kanyang boses dahil medyo malayo ang agwat nila. Nasa bungad kasi ito ng pintuan, samantalang siya ay malapit sa dagat kung saan sila nagbobonfire.
Hindi siya nito sinagot sa halip ay pumasok na ulit ito sa bahay.
"May dalaw na naman ata." Biro niya sa mga kaibigan na makatingin sa kanya.
Nagtawanan naman ang mga ito sa sinabi niya.
Mabilis naman siyang tumayo at naglakad papunta sa loob ng bahay.
Napapaisip siya kung bakit mainit na naman ang ulo ni Yohann samantalang okay naman sila kanina.