Pagpasok ni Samantha sa bahay ay hindi niya nadatnan doon si Yohann. Wala din ito sa kusina.
"Baka nasa isa sa mga kwarto." sabi ng isip niya.
Bubuksan palang sana niya ang isang silid nang hilahin siya ni Yohann at mabilis na isinara ang pinto. Madilim ang loob ng kwarto ng isinandal siya nito sa pintuan at walang babalang mapusok siyang hinalikan.
Naramdaman niya ang panggigigil nito habang hinahalikan siya, gayunpaman ay wala siyang pakialam at sinabayan niya ang paraan ng paghalik nito.
Napaungol naman si Yohann dahil sa ginawa niya pero maya maya pa ay unti unti ng nagbago ang paraan ng paghalik nito sa kanya.
Masuyo at para siyang inaakit.
"Hmmmmm..." Ungol niya ng masuyong naglaro ang dila nito sa loob ng bibig niya. Para siyang
nakikiliti sa paraan ng paghalik nito.
Patuloy parin siyang hinahalikan ni Yohann, bawat sulok ng bibig niya ay sinusuyod ng maharot na dila nito na nakakapagbigay sa kanya ng nakakaliyong pakiramdam. Ilang segundo na silang naghahalikan, aabot na iyon ng minuto pero hindi parin tumitigil ang binata.
"Y-yohann.." ungol niya sa loob ng bibig nito. Gusto na niyang makasagap ng hangin pero pinipigilan siya ng nag-iinit na katawan niya. Kung makahalik si Yohann sa kanya ay parang wala ng bukas.
Napaungol siyang muli ng sipsipin nito ang dila niya pero dahil sa haba ng halikan nila ay napagdesisyunan niyang humiwalay rito.
Habol ang hiningang sumagap siya ng hangin pero segundo lang ang nakalipas ay hinalikan siyang muli ni Yohann, mas idiniin pa siya sa pinto at mas naging doble ang kapusukan nito.
Panay ang ungol niya sa mapusok na paghahalikan nila ng binata hanggang sa dahan dahan na itong bumitaw kanya at biglang seryosong tinitigan siya.
Mula sa konting liwanag ng buwan galing sa bintana ay kitang kita niya ang galit na tingin ni Yohann sa kanya. Parang bumalik na naman ang dating Yohann na kilala niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit biglang nainis na naman ito sa kanya.
"Tell me Samantha, anong pinag-usapan niyo ni Isiah? Bakit kailangan sa madilim na parte pa kayo nag-usap?Hindi ba pwedeng mag usap kayo sa tabi namin? Bakit mo siya pinuntahan?" Sunod sunod na tanong ni yohann at kitang kita niya ang pagngangalit ng bagang nito.
Napakunot noo naman siya hanggang sa unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Bakit, nagseselos ka ba?"
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat nito.
Nanigas naman ito sa tanong niya at ilang segundong hindi siya nito sinagot hanggang sa muli na naman itong nagsalita.
"He almost kiss your cheeks!"
"Ha? Hindi naman ah."
"Anong hindi? Nakita kong bumulong siya sayo Samantha. And that, almost touch your cheek!" Yohann hissed.
Ngumuso siya. "Para bulong lang eh. Huwag ka ng magjelly jelly diyan."
"Anong jelly?"
"Selos. Nagseselos ka diba?"
"Bakit nagtatawanan kayo? At bakit ka niya inakbayan? Anong sinabi niya sayo?"
Malakas siyang natawa. Ni hindi kasi nito sinagot ang tanong niya, sa halip ay niratrat lang siya ulit ng tanong. Napapaisip na tuloy siya kung talagang nagseselos ito. Magandang balita iyon para sa kanya.
Iniisip palang na nagseselos talaga ito ay napupuno na ng saya ang puso niya, kaya naman sa sobrang tuwa ay mahigpit na niyakap niya ito at hinalikan pa ang pisngi nito. Umiwas ito ng tingin pero nahuli niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Para tuloy siyang may bulate sa pwet sa sobrang kilig na nararamdaman.
"Nag-uusap lang naman kami ni Isiah. Nakita ko kasi siyang mag-isang nakaupo sa dulo kaya nilapitan ko siya. Kaibigan natin siya Yohann, at nagtaka ako kasi para siyang nagdadrama mag-isa kaya sinamahan ko. Hindi ako sanay na ganun siya eh." Tumigil muna siya sa pagsasalita at tumingkayad para halikan ang labi nito. " At saka tinutudyo ko siya kay Denise kaya huwag kang magselos diyan. Kung nagseselos ka nga ba? "
Hinintay niyang sabihin ni yohann na nagseselos ito pero hindi na naman ito umamin, bagkus ay nagtanong muli.
"Yung kaibigan mo?" Medyo nawawala na sa mukha nito ang pagkainis.
Tumango tango naman siya. Ikinuwento niya dito ang napansin niya kay Isiah kanina patungkol kay Denise.
"Sigurado ka ba?" Paninigurado pa nito.
Nakakalokong tumawa naman siya at ngumisi. "Oo nga. Halata namang may gusto siya sa kaibigan ko. Pero malay mo, ako pala talaga ang gusto ni Isiah." Biro niya.
Sa sinabi niyang iyon ay galit na lumabas ito at malakas na isinara ang pinto kaya natatawang sinundan niya ang binata. Nagtuloy tuloy ito sa kusina at kinuha nito ang alak na Jack Daniels. Mabilis na binuksan nito iyon at nagsalin sa baso sabay tungga.
"Bumalik ka na dun. Baka hinahanap ka na nila." Seryoso ang mukhang pagtataboy nito sa kanya. Ni hindi man lang siya magawang tignan.
Nakangising tinaasan niya ito ng kilay.
"Pinagtatabuyan mo na ako? Okay, sige, mauna na ako. Naalala ko may sasabihin pa pala si isiah sakin, hindi ko nga alam kung ano pa ang sasabihin niya sa akin eh, pero importante daw. At tsaka baka turuan niya ako bukas na magsurf board, masaya yun diba?"
Blangko ang itsura ni Yohann ng lumingon sa kanya .
"Hindi ako natutuwa samantha."
Kitang kita niya ang pagtatagis ng bagang nito.
Tumalikod ito sa kanya sabay tungga ulit ng alak.
Unti unti namang nawala ang ngisi niya at napabuntong hiningang nilapitan ang binata. Kung nagseselos ito, bakit ayaw pa nitong umamin? Mahirap bang aminin iyon? Siya nga araw araw niyang sinasabi ang pagkagusto niya rito.
Pakipot talaga ang mahal niya.
Pero kahit ganun, tumatalon talon parin ang puso niya sa galak habang iniisip na baka nagseselos nga talaga ito, na nahihiya lang itong magsabi,
na sana may gusto na ito Sa kanya. Sana.....
Pero nang makalapit siya sa binata ay napakunot noo siya ng mapansin na parang may tattoo ito sa kanang bahagi ng likuran nito, sa may bandang malapit sa balikat.
Inilihis niya ang sando nito at nagulat siya ng makitang may tattoo nga ito.
Matagal na niya itong kilala pero ngayon niya lang nalaman na may tattoo pala ito.
Bakit hindi niya iyon napansin?
"May tattoo ka pala." Sabi niya dito habang titig na titig sa tattoo nito.
Ang tattoo nito ay parang Japanese word, pero hindi siya sigurado kung Japanese word nga iyon o korean.
Mabilis namang humarap sa kanya ang binata.
"Kailan pa yan?"curious na tanong niya dito.
Gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng tattoo nito.
"Nung fourth year highschool pa tayo."
Nagulat siya dahil ang tagal na pala ng tattoo nito. "Fourth year high school nagpatattoo ka na? "
Tumango lang ito at umiwas ng tingin.
"Buti okay lang sa tattoo artist kahit bata ka pa? Wala ka pang eighteen noon ah?" Takang sabi niya. Ang alam niya kasi sa mga legit at professional tattoo artist ay eighteen pataas ang tinatattoan ng mga ito. Impossible naman kasi sa puchu puchu magpatattoo si Yohann. "At bakit ngayon ko lang yan nakita?''
Nagkibit balikat lang si Yohann at halatang ayaw pag-usapan ang tattoo nito. Nagtaka siya kung bakit, dahil kung simpleng tattoo lang ito, bakit ayaw nito iyon pag usapan?
"Anong -"
"Bumalik ka na doon. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Putol nito sa sinasabi niya saka kinuha ni Yohann ang jacket nito sa upuan at isinuot iyon. Umiling lang ito nang hindi niya sinunod ang sinabi ni Yohann.
Tatanungin pa sana niya kung ano ang ibig sabihin ng tattoo nito eh. Bakit ba ayaw nitong pag-usapan ang tattoo nito?
Sinundan niya ng tingin si Yohann ng maglakad ito papasok sa isang silid at pagbalik nito ay may hawak na itong itim na jacket, kagaya ng suot nitong jacket.
Nawala ang bumagabag sa isipan niya dahil para siyang kinuryente sa kilig ng ito pa mismo ang nagsuot sa kanya ng jacket. Parang totoong magkasintahan sila dahil sa suot nilang parang couple jacket.
Libre ang mangarap, walang bayad.
Huminga nalang siya ng malalim at nalambing na niyakap ito sa bewang at tiningala ang mukha nito. Masayang masaya siya at gusto niya itong lambingin.
Sa tangkad nito ay hanggang dibdib lang siya ni Yohann.
Tumingkayad siya para sana dampian ng halik ang labi nito pero dahil sa taas nito ay dumapo ang halik niya sa baba nito. Uulitin niya pa sana ang paghalik dito nang mabilis na binuhat at pinaupo siya sa lababo.
Seryoso ang mukhang napatitig lang ito sa kanya, ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa tile ng lababo, sa magkabilang gilid niya.
"Alam mo namang mahal kita diba?" wala sa sariling bulong niya.
Umamo naman bigla ang mukha ni Yohann pero hindi ito nagsalita.
Hinintay niyang magsalita ito pero wala itong sinabi. Masuyong hinaplos lang nito ang pisngi niya sabay halik sa kanya.
"Maghihintay parin ako!" Piping dasal niya na mahalin din siya Ng binata.
Nag-umpisa na namang gumalaw ang labi ni Yohann kaya napakapit agad siya rito.
"Uhmmmmm..." mahabang ungol niya habang masuyo siya nitong hinahalikan sa labi, ang mga kamay nitong nakapatong kanina sa tile ng lababo ay nag uumpisa ng humaplos sa katawan niya.
Yohann inserted his tongue inside her mouth making her tremble in pleasure. His one hand caressing her thigh. ''hhhmmmm.." she moan inside his mouth.
Mabagal ang paraan ng paghalik nito sa kanya habang ang dila nito ay mabagal na tinutudyo ang loob ng bibig niya. Nakakakiliti ang paraan ng paghalik sa kanya ni Yohann, he even sensually licked her lower lip and sucked it.
"Ahhhhh ....yohann..." Unti unting nang bumilis ang paghalik nito sa kanya hanggang sa dumapo narin ang kamay nito sa dibdib niya.
Sinabayan niya ang bilis ng paghalik nito. Ang kamay ni Yohann ay mabagal na naglulumikot hanggang sa ipasok na nito iyon sa t-shirt niya at dahan dahang humaplos sa katawan niya hanggang sa natumbok nito ang dibdib niya. Marahan at masuyong pinipisil ng binata ang dibdib niya. She even arched her back when yohann softly kneading her breast and pinched her erected n*pple.
"Aahhh Y-yohann..... Hmmm..Ba-baka makita tayo." Putol putol na sabi niya habang hinahalik halikan siya nito. Abala parin ang kamay nitong minamasahe ang dibdib niya. "Please, let's stop this.'' She pleaded, and still catching her breath.
Nag-alala siya dahil nasa kusina sila at baka biglang may pumasok ng hindi nila napapansin.
Dahil sa sinabi niya ay unti unting tumigil ang binata sa paghaplos sa kanya, pero hindi parin ito tumitigil paghalik sa labi niya hanggang sa unti unting bumaba ang labi nito patungong leeg niya at iyon naman ang pinagtuunang halikan at kagat-kagatin.
"Y-yohann, stop it."
Pero hindi ito nakinig at patuloy na hinahalikan ang bawat parte ng leeg niya.
"Y-yohann, ano ba..." Hinuli niya ang mukha nitong panay parin ang halik sa leeg niya, ang kamay naman nito ay nasa loob parin ng t-shirt niya kahit tumigil na ito sa paghalik sa kanya.
Akmang hahalikan siya ulit ni Yohann pero natatawang inilayo na niya ang mukha niya rito, pero hindi parin talaga ito nagpapigil dahil hinuli nito ang kamay niya at paulit ulit na dinadampian iyon ng halik dahilan para tumaba ang puso niya.
Ngayon niya lang nalaman na may tinatago pala itong kasweetan sa katawan.
"You're so beautiful."
Tinaasan lang niya ito ng kilay.
"Ngayon mo lang alam?" Kunwaring gulat na tanong niya dito na ikinatawa nito dahilan para mapanganga siya. Bibihira lang kasi itong tumawa.
"Wala kang alam." Makahulugang wika nito at ngumisi pa.
"Pwede mo naman ipaalam."
Natawa ulit ito at pinisil nalang ang ilong niya. "Ang kulit mo."
"Pero di nga? Maganda ako?"
"Desirable."
Agad na nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito. "Sabagay, madaming nagsasabi sakin na maganda ako."
Agad na pumalibot ang mga braso nito sa bewang niya saka siya tinaasan ng kilay at pinakatitigan. "Sino nagsabi?"
"Mga kaibigan ko."
"And?"
Ngumisi siya. "Si Albert."
Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. "Binobola ka lang dun. Don't tell me nagpapabola ka dun Samantha?"
Natawa siya. "So ibig mong sabihin hindi nagsasabi ng totoo si Albert? Ibig mo bang sabihin pangit ako?"
"Maganda ka."
Nakangiting hinaplos niya ang pisngi nito at hinintay kung may sasabihin pa ito.
"Pero naiirita ako kapag sinasabihan ka ng ibang lalaki na maganda ka."
"Kasi?"
"Simula ngayon dapat ako lang magsasabi niyan sayo."
She smirked but she can't control herself not to giggle. "Pinapakilig ba ako ng mahal kong Yohann?"
Ngumiti naman ito. "Kinikilig ka ba?"
Sunod sunod siyang tumango. Bakit pa siya magdedeny? Eh halos lahat ng nasa puso niya alam na nito.
"May tanong ako." Sabi niya ng may maalala.
Hindi na nagsalita pa si Yohann, sa halip ay inilapit nito ang mukha at hinalik halikan ang kanang pisngi niya.
"Curious lang ako. May naging crush ka ba?"
"Meron."
Biglang parang tinusok ng karayom ang puso niya dahil sa sagot nito.
"Ayan! Tanong ka pa kasi!" Paninisi ng isang bahagi ng isip niya.
Sa inis ay nagsalita siya muli. "Ah. Ako rin meron."
"Malamang ako." Sabi naman nito habang panay parin ang halik sa kanang pisngi niya.
"Hindi ah. Anong akala mo sakin? Ikaw lang ang gusto ko? May crush din akong iba."
Dahil sa sinabi niya ay tumigil ito sa paghalik sa pisngi niya saka siya inis na tinitigan.
"Sino naman yung crush mo? Baka naman mas gwapo ako dun."
"Eh ikaw, sino ang crush mo?"
"Maganda yun."
"Sobrang gwapo naman nung crush ko."
"Sobrang sexy ng crush ko."
"Ay macho gwapito yung crush ko, nakakapaglaway nga yung abs nun-
"What did you just say?!"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bat ka galit?"
Magkasalubong na magkasalubong ang kilay nito. "Pinagnanasahan mo yung crush mo?" May diing bigkas nito.
Ikinibot kibot niya ang kanyang nguso.
"Minsan."
"Ah ganun?"
Akmang hahalikan siya nito ng iharang niya ang kanyang palad. "Wait lang Yohann. Sino ba yung crush mo?" Kahit masakit, curious parin siyang malaman kung sino ang crush nito.
"Jennifer Lawrence."
"Yung Hollywood actress?" Gulat na bulalas niya. Akala pa naman niya taga campus nila. "Hindi taga campus natin? I mean, wala kang crush na taga campus natin?"
"Yes. The Hollywood actress. And to answer your last question. No. Wala akong crush na taga campus natin."
"Totoo?"
"Yes." Bigla itong ngumiti. "You're my first crush. And Jennifer Lawrence is the second."
Pinigilan niyang mangiti. "Ayan ka na naman, pinapakilig mo na naman ako."
He chuckled, but afterwards, his face became serious. "Back to your crush. Who is he Samantha?"
Nangingiting ipinalibot niya ang braso sa batok nito. "Orlando Bloom."
"The actor?"
Tumango tango siya. "He's my first crush."
Nang sumimangot ito ay agad na dinampian niya ito ng halik sa labi. "But you're my first love."
Agad naman itong ngumiti at mabilis siyang hinalikan sa labi na mabilis naman niyang tinugon.
Nang maghiwalay ang labi nila ay pinakatitigan niya ito. "Pwedeng favor?"
"What is it?"
Alam niyang pagiging childish ang nasa isip niya pero iyon talaga ang gusto niya. " Pwede huwag mo ng i-crush si Jennifer Lawrence?"
Natawa naman ito sa request niya saka nito pinisil ang ilong niya. "Okay." Sagot agad nito pagkatapos. Napakadaling kausap.
"Seryoso? Di nga?" Tuwang tuwang sabi niya. Sinubukan niya lang naman kung anong sasabihin nito.
"Oo nga. Kulit."
Sa sobrang tuwa ay pinugpog niya ito ng halik na ikinangiti nito. "Simula ngayon hindi ko na crush si Orlando Bloom, ikaw nalang." Aniya pagkatapos niya itong halikan.
Ngumiti naman ito. "Then kiss me again." He demanded.
Umiling siya. "Halika na?" Yaya nalang niya dito. Napansin niya kasing natagalan na sila sa pag-uusap at nakakatiyak siyang nagtataka na ang mga kaibigan niya.
Napabuntong hininga naman si Yohann saka siya ibinaba. Kinuha nito ang Jack Daniels at binitbit din ang isang di kalakihang ice cooler na dala kanina nila Lucas.
"Oo nga pala......"
Bago siya maglakad ay nilingon niya si Yohann nang magsalita ito.
May kinuha ito sa bulsa nito. Isang cellphone, At Cellphone niya iyon.
"Full charge na yan kaya tinanggal ko na."
Inabot naman niya iyon at tinignan kung may tawag siya pero wala siyang nakita. Nagtaka pa siya dahil doon.
"So ibig sabihin hindi totoong tumawag si mama?" Ngayon lang pumasok sa isip niya ang dahilan ng pagpasok niya sa loob ng bahay.
Nginisihan lang siya ni Yohann at nauna na itong naglakad palabas ng bahay.
Namula naman siya.
Nawala sa isip niya kanina ang sinabi nitong tumawag ang kanyang ina nang halikan siya nito, yun pala ay nagsinungaling lang ito para makausap siya.
Napapailing pero napapangiting sinundan nalang niya si Yohann.
Habang palapit si Samantha sa mga kaibigan ay nagtatanong ang mga matang nakatingin ang mga ito sa kanya. Alam niyang nagtataka ang mga ito kung bakit ang tagal nilang lumabas ni Yohann. Napansin niya ring nakatingin din ang mga ito sa jacket na isinuot sa kanya ni Yohann.
"Ang tagal mo naman atang kinausap si tita?" Nakataas pa ang kilay na tanong ni Jennie. Katabi nito sa kanan ay si Crista at sa kaliwa nito ay si Isiah.
Nahuli niya pang nakatingin na naman si Isiah kay Denise .
Palihim Siyang napangiti dahil mukhang bagay talaga ang dalawa.
Hinarap niya muli si Jennie."Madami kasi siyang bilin eh. Alam mo na, ganito ganyan, ganito ganun." Pagsisinungaling niya sa kaibigan.
Pasimple niyang nilingon si Yohann at napansin niyang napangisi ito.
Hindi iyon nakita ng mga kaibigan niya dahil sa kanya nakatutok ang tingin ng mga ito.
Umupo siya sa tabi ni Denise habang si Yohann naman ay umupo din sa tabi niya.
Palihim siyang kinilig dahil hindi na ito umiiwas sa kanya kahit nasa harap pa ng mga kaibigan niya.
Binalingan naman niya ang mga kaibigan at napansin niyang nakatingin na naman si Jennie sa suot niyang jacket, at nang mapatingin ito sa mukha niya ay pasimpleng inginuso nito ang jacket na suot niya. Nginisihan niya lang ito at tsaka bumaling sa tatlo niyang kaibigan.
"Bat pala hindi sumama si kuya?" Tanong niya sa mga ito.
Napansin niyang nag-iba ang itsura ni Crista sa sinabi niya kaya naman napatitig siya rito.
Napatigil ito sa pagpapainit ng marshmallow sa apoy at halatang iniiwas nito ang tingin sa kanya.
Napalingon naman siya ng sikuin siya ng katabing si Denise na wari'y may gustong ipahiwatig sa kanya.
Napapakunot noong ibinaling niya ulit ang tingin kay Crista pero halatang ayaw nitong tumingin sakanya, kaya tinignan nalang niya si Jennie pero nakangiwing umiling iling lang na parang sinasabi nitong huwag muna siyang magtanong tungkol sa kapatid niya.
Ilang segundo ding namayani ang katahimikan sa kanila bago nagsalita si Crista.
"Kukuha lang ako ng tubig."
Napasunod siya ng tingin kay Crista nang mabilis na tumayo at naglakad si ito paalis, at papunta sa bungalow.
"Anong bang nangyari?" Nagtatakang tanong niya sa mga kaibigan pagkaalis ni Crista.
"May babaeng dumating kanina sa beach house nila yohann, hinahanap si kuya Clyde." sagot ni Jennie.
"Tapos?"
"Si Crista ang napagtanungan niya. Pero dumating agad ang kuya mo. Nagulat nga kami nang halikan ng babae si kuya Clyde eh, sa harap pa mismo ni Crista."
Halata sa mukha ng mga kaibigan ang pag-aalala para kay Crista. Kahit siya ay nag-aalala para dito.
Alam na alam nila kung gaano kagusto ni Crista ang kuya niya. Kahit siguro siya, ganoon ang magiging reaksyon niya pag nakita si Yohann na may kahalikang babae.
Nag-aalala talaga siya sa kaibigan,
ito kasi ang kauna unahang nakita nito ang kapatid niya na may kasamang babae at may kahalikan pa.
Never pa kasi nagdadala ng babae ang kuya niya sa kahit na anong okasyon sa pamilya nila dahil ang alam niya ay sa condo lang nito ito dinadala ang mga nagiging girlfriend nito.
Lalo na kapag family outing nila ay hindi pa nagdadala ng babae ang kapatid niya at alam iyon ni Crista kaya ganoon na lamang siguro kasakit iyon sa parte ng kaibigan.
Sa kanilang lima , si Crista pa naman ang pinaka vulnerable at ito din ang pinakaiyakin sa kanila. Kahit maliliit na bagay ay iniiyakan na agad nito.
Hindi naman niya magawang magalit sa kapatid dahil wala naman itong alam sa nararamdaman ng kaibigan niya.
"Nasaan si kuya?" tanong niyang muli.
"Umalis din agad. Kasama yung girl. " wika naman ni Sophia.
"Hay naku!" Napabuntong hiningang tumayo si Jennie at nagpagpag ng short. "Susundan ko lang siya, mahirap na."
Tinanguan naman niya ito at naglakad na ito para tignan si Crista.
"Kaya ayaw kong mainlove eh, sakit lang ang dulot niyan." Biglang wika ni Denise .
Broken family kasi ito kaya ganoon nalang ang pananaw nito pagdating sa pag-ibig.
Pasimple naman siyang natawa ng biglang nabilaukan si Isiah.
Saktong pag-inom kasi nito ng San mig ng magsalita si Denise.
"Ano bang problema mo?" Malakas na hinampas ni Lucas sa likod si Isiah. Napangiwi siya. Ang hard talaga ni Lucas sa bestfriend nito.
"Aray ko naman!" Angil naman ni Isiah sa kaibigan.
Napatingin naman siya sa katabing si yohann na saktong tumingin rin sa kanya.
"Sabi ko sayo diba?" Mukhang naintindihan naman nito ang tinging ipinahiwatig niya dahil ngumiti ito.
"Ganyan din naman ako noon diba? I don't believe in love until I met Lucas." Nangingiting tinignan ni Sophia si Denise.
Parehas kasi ang paniniwala ni Denise at Sophia noon pero nagbago iyon nang makilala at naging nobyo ni Sophia si Lucas.
Napatingin siya sa magkasintahan.
Nakaupo si Lucas sa likod ni Sophia habang nakayakap ito sa nobya.
Natutuwa talaga siyang pagmasdan ang dalawa.
Nang tignan niya ang katabing si Denise ay napasimangot ito.
"Malay mo naman nasa tabi tabi lang yung magpapatibok ng puso mo." Tudyo niya dito sabay tingin kay Isiah. "Malay mo yung magpapatibok ng puso mo I.W ang initials." Pagpapatuloy niya pa saka pasimpleng humagikhik.
Nakita niyang kumuha ng maliit na bato si Isiah at ibinato iyon sa kanya, pero napangisi siya dahil mabilis na nasalo ni Yohann ang ibinato ni Isiah. Napansin niya pang sinamaan ng tingin ni Yohann si Isiah na ikinangisi niya lalo.
"Kung nasa tabi tabi lang din naman siya huwag nalang siyang magpakita pa."
Malakas naman siyang natawa sa sinabi ni Denise. Kitang kita niya kasi ang pagbagsak ng balikat ni Isiah.
Tinignan niya si Isiah ng pang-asar at ng makita nito ang ginawa niya ay akmang babatuhin na naman siya nang bigla itong batuhin ni Yohann.
Nginisihan niya lang ang nakasimangot na kaibigan saka sila nagkindatan ni Yohann.
FOLLOW ME FOR MORE CHAPTER AND STORIES