Napalingon naman silang lahat ng tumikhim si Isiah. Binalingan niya ito at hinintay kung anong binabalak.
"Magjojoke nalang ako guys. Masyado na kasi kayong seryoso eh. Chill lang."
Pang-iiba nito sa usaping pag-ibig at sa walang kamalay-malay na pagkabasted nito kay Denise.
"Don't you dare." Babala naman agad ni Lucas na ikinatawa ni isiah.
"Problema mo bro." Iiling iling ito na inakbayan ang kaibigan.
"Tsk."
Nakangiting humarap muli si Isiah sa kanila. "My joke is for Denise." Sabi nito na ikinangiti niya.
"Whatever." Walang ganang wika naman ng kaibigan niya.
"Dahil nandito tayo ngayon sa dagat, ano ang letter C na kinakain?"
"Crab." Sagot naman ni Denise.
"Mali." Ngingiti ngiting umiling ito.
"Ano?" Tanong niya.
"E Di C-FOODS." Malakas na tumawa ito.
Natawa narin siya pero napatahimik silang dalawa ni Isiah nang mapansing silang dalawa lang ang natawa sa joke nito.
"Bakit hindi ka natawa Denise?" Tanong ni Isiah.
Tinaasan naman ng kilay ni Denise si Isiah. "Isn't obvious?"
"Hindi ka ba nanunuod sa YouTube?"
"Why would I?"
"Manuod ka." Pang-eenganyo pa nito.
"At bakit?"
"Because I want you-tu-be mine."
Napansin niyang mabilis na umiwas ng tingin si Denise, habang natawa naman siya sa banat nito.
Napatingin sa kanya si Isiah at nginisihan siya bigla. "Let's just play a game."
She arched her brow while smiling. "What game?"
Tumayo muna si Isiah at tumabi kay Denise. Tumikwas na naman ang kilay ng kaibigan niya. "Anything, basta wag lang taguan."
"Bakit naman?" Excited na tanong niya. Nakakatiyak siyang babanat na naman ito. Ramdam niya iyon dahil ganoong ganoon rin siya.
Tumingin si Isiah kay Denise bago nagsalita. " Because- A girl like Denise is hard to find."
Natawa na naman siya sa banat nito, nakikinita talaga niya ang sarili sa ginagawa ni Isiah. Napansin niyang umiwas na naman ng tingin si Denise.
"Isiah, come here. I need to tell you something. "Seryosong sabi ni Lucas. Tumayo naman agad si isiah at tumabi ulit sa bestfriend nito.
"What is it dude?"
"Ang korny mo talaga." Binatukan pa ni Lucas si isiah.
"Aray ko naman! Kanina ka pa eh! Halika tara, suntukan tayo" Angil naman nito habang hinahaplos ang likod ng ulo nitong binatukan ni Lucas.
Natawa nalang sila sa pag-aasaran ng dalawa.
Pero napatigil siya sa pagtawa nang biglang magring ang cellphone niya.
Ang kuya Clyde niya ang tumatawag.
"Hello kuya?"
Napabaling naman ang tingin sa kanya ng mga kasama.
"Sammy nasaan kayo? Ba't wala kayo dito sa beach house nila Yohann?"
Napakunot noo siya dahil akala niya umalis ito kasama nung babaeng tinutukoy ng mga kaibigan niya.
"Bakit kuya? Nasaan ka ba? Akala ko umalis ka?"
"Kararating ko lang."
"Nandito kami sa private island nila Yohann. Alam mo ba dito?"
"Sige pupunta ako diyan."
"Teka lang kuya." Binalingan naman niya si Lucas na abala sa paglambing kay Sophia.
"Lucas." Tawag niya dito.
Tumingin lang ito sa kanya at hinintay kung ano man ang sasabihin niya.
"Pwede mo bang sunduin si kuya papunta dito?"
"K." Akmang tatayo na ito nang magsalita ang kuya niya sa kabilang linya.
"Wag na! May jetski si Tito Yohenn. Yun nalang ang gagamitin ko. Alam ko naman diyan." pigil nito ng marinig siya.
Tinignan naman niya si Lucas. "Wag na daw."
Nagkibit balikat na umupo nalang ulit ito.
"Sige kuya hintayin ka namin dito."
"Sige."
Pagkababang pagkababa niya ng tawag ay napalingon siya kay Jennie na tumatakbong sumisigaw.
"Sophia! Denise!" Nag-aalalang tumatakbo ito palapit sakanila. Namumutla ang mukha nito at natataranta pa. Tumingin ito sa dalawa niyang kaibigan.
"Nasaan ang inhaler ni Crista?! Get it! Now!" Natatarantang sigaw nito.
Nanlaki ang mata niya at biglang kumabog ang dibdib niya sa kaba. May asthma kasi ang kaibigan nilang si Crista. Baka may nakatrigger dito kaya inatake Ito. Bibihira itong aatakihin kaya nag-alala siya para sa kaibigan.
Mabilis namang tumakbo ang mga kaibigan paakyat ng Yate.
"Puntahan niyo doon si Crista!" Puno ng pag-aalalang utos niya kila Yohann.
Agad namang tumakbo ang mga ito papasok sa loob kasama si Jennie, habang siya ay napatakbo naring pasunod kay Sophia at Denise .
Nang makapasok sila ay natatarantang kinalkal ni Sophia ang bag ni crista.
"It's not here!" Sigaw ni Sophia na nanginginig pa ang kamay.
Halos maglaglagan na ang mga gamit ni crista pero wala itong makitang inhaler.
"s**t! Nasa isang maliit na bag niya! Nasa silid natin!" Mura naman ni Denise.
Sa sinabing iyon ng kaibigan ay mabilis niyang tinawagan ang kuya Clyde niya.
Nanginginig ang kamay habang hinihintay na sagutin ng kapatid ang tawag niya.
Sana hindi pa nakaalis si kuya. Piping dasal niya.
Ganoon na lamang ang tuwa niya ng sagutin iyon ng kapatid niya, ibig sabihin ay hindi pa ito nakakaalis at hindi pa nakasakay sa jetski
"Kuya! Yung inhaler ni Crista nasa kwarto! Bilisan mo please!" Walang paligoy ligoy na sigaw niya dito. Kinakabahan siya para sa kaibigan, kaya inunahan na niya ang kapatid
Bago pa ito magsalita. May munting luha narin sa mata niya sa sobrang pag-aalala dahil sa sitwasyon ng matalik na kaibigan niya.
"s**t!" Pagmumura pa ng kuya Clyde niya sabay patay ng tawag. Alam din kasi nito na may asthma ang kaibigan niya kaya hindi na ito nagtanong pa.
Nanginginig ang paa at aalalang alala na bumaba na sila pabalik sa loob ng bahay.
"Ayaw pa kasing tumigil sa kakaiyak eh!" Inis na sabi ni Jennie, inaabangan ang pagdating nila. "Nasaan ang inhaler?"
Umiling Siya. "Naiwan niya doon sa beach house nila Yohann, pero papunta na si kuya dito."
Tumango lang si Jennie at hindi na nagsalita pa.
Nang makapasok na sila sa loob ay putlang putla si Crista. Halatang hirap na itong huminga, at naaawa siya Sa kalagayan Ng kaibigan. Hindi parin Bumabalik sa normal ang t***k ng puso niya dahil narin sa kaba at kalagayan ni Crista.
Napatingin siya kay Yohann nang hawakan niti ang kamay niya, hindi man ito nagsasalita ay parang sinasabi nitong magiging okay din ang kalagayan ng kaibigan nila.
Tumakbo naman palapit sa kanila si Isiah na may hawak na paper bag, galing ito sa kabilang kwarto. Mabilis na ibinigay iyon ni Isiah sa kaibigan.
Sana makatulong iyon habang hinihintay nila ang kuya niya.
Bawat pagdaan ng mga minuto ay mas lalo siyang kinakabahan, kaya ganoon na lamang ang paggaan ng pakiramdam niya nang humahangos na dumating ang kuya niya. Namumutla din ang mukha nito habang hawak hawak nito ang inhaler ni Crista. Tumutulo pa ang damit nito at wala din itong suot na life vest.
Mabilis na ibinigay ng kapatid niya ang inhaler kay crista. Agad namang ginamit iyon ng kaibigan niya.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakahinga na sila ng maluwag ng unti unting nagkakulay na ang mukha nito.
Napatingin naman si Crista sa kuya niya pero iniiwas nito ang tingin dito.
Pumikit ito at para itong nanghihina kaya hinawakan niya ang kamay ng kaibigan pero nagulat siya dahil mainit ang katawan Ito.
"Ang init mo." Nag-aalalang idinampi niya pa ang palad sa noo nito. Mainit ito pero hindi naman sobrang init.
Napabaling bigla ang tingin niya sa kapatid na mabilis hinubad ang basa pang t-shirt nito saka ipinahawak nito iyon sa kanya.
Napalingon naman siya sa mga kaibigan lalo na kay Jennie na nakabuka pa ang bibig habang nakatingin sa katawan ng kapatid niya.
Hindi niya masisisi si Jennie kung natameme ito sa nkatawan ng kuya Clyde niya. Sobrang ganda kasi ng katawan ng kapatid niya. Kahit busy ito sa trabaho ay nagagawa parin nitong magwork out kaya meron itong walong abs, biceps at triceps.
Pero napanganga narin siya gayundin ng mga kaibigan niyang sina Denise at Sophia ng walang ano ano'y binuhat ng kuya niya si Crista. Parang lalong lumiit tignan ang kaibigan niya sa bisig ng kapatid niya. Napakaliit naman kasi ni Crista, at ang alam niya ay nasa five two or five one lang height nito, samantalang six three naman ang height ng kuya niya.
"Ihatid mo kami sa beach house nila Yohann." Seryosong sabi ng kuya niya at nilingon nito si Lucas.
Tumango naman si lucas.
Nauna ng naglakad ang kuya niya habang buhat ang kaibigan nila.
"Sasama ako." sumunod naman si Sophia sa nobyo nito habang si Denise ay walang imik na sumunod din.
Lahat sila ay nag-aalala para sa kaibigan.
"Maiwan ka nalang muna. Kami na ang bahala kay crista. Masyado na kaming madami para sumama ka pa. Just enjoy.... Wag mo ng sayangin ang pagkakataong na ito sammy, ikaw din... Makipagchukchakan chenes ka na." Bulong ni Jennie sa kanya na ikinapula ng mukha niya saka siya kinindatan. Kinuha narin nito sa kanya ang damit ng kuya niya bago ito naglakad para sundan ang mga kaibigan nila.
Namumula parin ang mukha niya dahil sa sinabi nito, pero napalingon siya nang magsalita din si Isiah.
"Ayaw ko naman maging istorbo sa inyo kaya sasama na ako sa kanila. Sabi nga nila diba?-" Nakangising itinuro nito si Denise. "Follow your dreams." Naglakad na ito pero huminto ito tapat ng pintuan tsaka may mapanuksong ngiti sa labi na muling nagsalita.
"Bye lovebirds! Ninong ako ha?" Tumawa pa ito sabay kindat saka naglakad na pasunod sa mga kaibigan nila.
Kanina pa nakaalis ang mga kaibigan niya pero hindi parin nagsasalita si Yohann, kaya naman nginitian niya ito. "Nakaalis na sila."
Ngumisi ito. "I know Samantha. Kanina pa." Dahan dahan siyang nilapitan nito at niyakap sa bewang. Kung makatitig ito sa kanya ay para siyang kakainin ng buhay. "Pano ba yan? Tayong dalawa nalang naiwan dito?"
"Tapos? Anong gagawin natin? Magchuchukchakchenez?" Wala sa sariling tanong niya. Nang marealize ang sinabi ay napatakip siya sa bibig. Kahit kailan talaga napakarumi niyang mag-isip. Pero slight lang.
Kunot noong tinignan siya ni Yohann. "Chukachenez what?"
"A-ah ... E-ehh... A-ano.. ano.. ano ah.. magkakainan tayo- i-i mean.. I mean, kakain tayo ulit. M-medyo gutom kasi ako ulit. Oo tama, g-gutom ako. Gutom ako." Bulol bulol na paliwanag niya. Tumango tango lang si Yohann kaya nakahinga siya ng maluwag. "E-eh ano bang gusto mong gawin natin? Sabihin mo, baka gusto ko din." Hindi niya parin napigilang tanungin.
"Huwag mong sabihin na magchuchukchakan tayo! Kasi tatanggi ako! Yohann tatanggi ako!" Sigaw ng matinong isip niya.
Mahinang natawa si Yohann sa sinabi niya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ang gagawin natin ay-" nang-aakit na sabi pa nito at inilapit pa ang mukha sa kanya.
"Magloloving loving?" Dugtong agad niya na lalong ikinatawa nito.
Pagkatapos nitong magsalita ng nakakaakit, tatawanan lang siya nito? Akala niya siguro aatrasan niya ito.
Pinisil lang nito ang pisngi niya tsaka siya hinila palabas.
"Anong gagawin natin?" tanong niya dito. "Sa labas ba natin gagawin yang balak mo? Okay lang sayo may makakita satin?
Pero sabagay, gabi na at mukhang wala namang tao. Saka kahit siguro malakas ang sigaw ko walang makakarinig. Saka mukhang exciting pag outdoor no? Mahangin na at hindi tayo pagpapawisan. Pwede rin nating gawin sa mismong dagat. Mukhang nagustuhan nga ni Bella yung ginawa nilang dalawa ni Edward sa dagat eh. Ano kaya feeling no? Buti hindi sila nadikitin ng jelly fish? Wala naman sigurong jellyfish dito no? Sa susunod sa kwarto na ha?" Sunod sunod na sabi niya, samantalang kanina pa tawa ng tawa si Yohann.
Ano bang problema nito? Wala namang nakakatawa ah!
Patawa tawa parin si Yohann ng makarating sila sa bonfire, pagkatapos ay binitawan na nito ang kamay niya. Kumuha ito ng madaming buhangin at pinatay ang apoy. Nang mamatay ang apoy ay medyo dumilim na ang paligid at nagsilbing liwanag nalang nila ang buwan at bituin . Isama narin ang ilaw sa loob ng bahay.
"Maganda yan. Buti pinatay mo para walang makakita sa atin kung sakali. Ayaw ko ng may audience eh Yohann eh. Shy ako."
Natawa itong muli at pinanggigilan ang ilong niya. "Daldal mo."
"Ay!" Sigaw niya ng bigla siyang buhatin ni Yohann at naglakad papasok ng bahay. Binuhat siya nito na parang bagong kasal sila.
Nakangiti namang tinitigan niya ito. "Naisip mo bang sa kwarto nalang natin gawin para mas private? Sabagay, okay lang naman sakin kahit saan-
"Stop it Samantha. Kanina ka pa." Halatang nagpipigil na ngumiti ito.
Ngumuso siya. "Hindi naman ako nagbibiro eh. Sige na nga, pero yung mga ilang gamit, hindi pa ba natin ililigpit?"
May mga ilang San mig can at pinagkainan nila ang naiwan. Kahit ang Jack Daniels na alak ay naiwan din nila.
"Bukas nalang yun."
Nang makapasok sila sa loob ay natitigan niya ng malinaw ang mukha nito.
"Ang gwapo mo talaga. "
"I know." Maikling wika nito tsaka siya ibinaba. Ang taas talaga ng bilib sa sarili.
Nagtuloy tuloy ito sa kusina at napasunod nalang siya dito.
kumuha ito ng dalawang instant ramen noodles na paborito niya.
Nang matapos itong makapagluto ay inaya siya nito sa mahabang upuan para doon kumain.
Habang umuusok usok pa ang pagkain ay nangingiting tinitigan nalang muna niya ang binata.
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya dahil ipinagluto siya nito. Kahit pa instant noodles lang iyon. Ganoon siya kababaw pagdating kay Yohann.
"Salamat mahal kong Yohann." Nakangising wika niya dito. "In the future, ikaw naman yung araw araw kong paglulutuan."
Lalo pang sumaya ang puso niya ng nangingiti lang nitong pinisil ang pisngi niya. Ni hindi ito nagalit ng tawagin niya itong Mahal o dahil sa advance niyang pag-iisip para sa kanilang dalawa.
"Let's eat." Kinuha nito ang mangkok at inihipan ang noodles.
Akala niya ay susubo na ito pero sakanya iyon ipinapasubo.
Nangingiti namang sinubo niya iyon.
Tuwang tuwa talaga siya dahil sa pag-aasikaso nito sa kanya.
Hindi tuloy niya maiwasang isipin na gusto na siya ng binata.
"Ano na namang ngini ngiti mo diyan?" Kunot noong tanong nito.
Nag-umpisa narin itong kumain.
"Natutuwa lang ako kasi hindi ka na naiinis sakin. Ibig sabihin pwede na kitang tawaging Mahal? Araw-araw?"
Nagulat siya ng bigla itong nabilaukan kaya naman dali dali siyang tumakbo para kumuha ng tubig.
Mabilis na ibinigay niya iyon na dali
Dali namang kinuha ng binata.
"Bakit ba kasi ? Nabilaukan ka ba dahil sa sinabi ko?" Natatawang Slsabi niya. "Ang OA mo."
Naiiling pero nangingiti nalang ito.
"Bukas tuturuan kitang magjetski."
Napanguso naman siya nang hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Bakit ba iniiba nito ang usapan?"
"Ayaw mo?"nakangising tanong nito.
"Gusto!" Sabi nalang niya tska umupo para ipagpatuloy kumain.
"Ang sarap talaga!" Nakapikit na bigkas niya at sumandal sa upuan.
Kakaubos lang nila ng noodles at nabusog siya sa kinain.
Nakangiting inakbayan naman siya ni Yohann. Nasa ganoong posisyon sila
Nang maalala ang kaibigan niya, kaya mabilis siyang napaayos ng upo na ikipinagtaka ni Yohann.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Tatawagan ko lang sina Sophia. Kukumustahin ko si Crista."
"Wag na"
Napakunot noo siya Nlng pigilan siya nito.
"Bakit?"
"Don't worry. Kuya Clyde will take care of her."
"Si kuya Clyde talaga?" Natawa siya sa sinabi nito.
Makahulugang ngumiti ito sa kanya.
"You really don't know anything huh? Try to observe what's happening around you once." natatawang umiiling pa ito tsaka tumayo.
Kinuha nito ang pinagkainan nila, kaya naman sinundan niya ito.
"Anong walang alam?" Takang tanong niya dito. Pero may idea na pumasok sa isip niya pero hindi niya mapaniwalaan.
Ngumiti ang si Yohann at ibinigay sa kanya ang bagong toothbrush.
"Wala. Magtooth brush ka na para makatulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas para turuan ka."
Napasimangot siyang kinuha iyon.
Nang matapos na ay kinakabahang pumasok siya sa silid.
Kinakabahan siya dahil sa iniisip na Baka may mangyari sa kanilang dalawa ni Yohann.
This is it na ba?
"Excited teh?Wag muna mag expect."
Hindi siya mapakali dahil doon.
Pero ilang minuto na siyang nasa loob nang hindi parin pumapasok si yohann kaya lumabas siya sa silid at
Agad na nangunot ang noo niya ng makita niya itong nakahiga na sa mahabang upuan.
"Ang landi mo Samantha! Kung ano ano kasi iniisip mo!"
Parang nahiya naman siya sa sarili dahil sa mga naiisip na mangyayari. Napakaadvance kasi niyang mag-isip.
Iwinaksi nalang niya iyon at nilapitan ang binata.
"Bakit diyan ka matutulog?" Tanong niya dito, pilit na inaalis ang hiya sa sarili
Umupo naman ito ng Makita Siya. "Why?"
"Ang laki laki bg kama tapos diyan ka matutulog?" pinamaywangan niya pa Ito. "Halika na! Tabi tayo sa kama. Pagkalaki laki ng kama diyan ka matutulog? Hindi naman kita gagahasain Yohann eh. Diba nga sabi ko sayo, shy ako?" Pinilit niyang maging normal sa harap nito, na parang wala lang sa kanya na magtabi sila. Wala lang talaga, promise.
"You don't know what you're asking for Samantha. Go. Leave me alone here. Don't mind me okay?" Seryoso ang mukhang humiga nalang ito ulit.
"Bakit nahihiya ka ba sakin?" Natatawang sabi nalang niya. Ang siste, e ito pa ang pakipot?
"s**t Samantha! You're tempting me!"
Nagulat pa siya bang mabilis itong tumayo at binuhat siya papasok ng silid.
Malakas na isinara nito ang pinto at mabilis na inihiga siya sa kama.
"You're asking for this." Seryoso ang mukha nito pagkatapos ay mabilis siyang hinalikan.
Nakapatong ito sa kanya kaya naramdaman niya agad nagngangalit na ang alaga nito dahil magkadikit na ang katawan nila.
Mapusok ang pagkakahalik nito sa kanya kaya naman napaungol siya pero lumaban rin siya ng halikan at hindi nagpatalo.
"Hmmmmm... Y-yohann.."
Hinawakan niya ang batok nito para mas masabayan pa niya ang halik nito pero napamulagat siya ng mabilis na umalis ito sa pagkakapatong nito sa kanya. Tumabi ito ng higa sa kanya at tinitigan siya. Napansin niyang mabibilis ang paghinga nito na akala mo ay tumakbo ng napakalayo. Pumikit ito at kagat kagat ang labi na parang nagpipigil.
"It's too early for us to do this. I have respect for you Samantha." Nagmulat ng mata si Yohann at humarap sa kanya.
Hinaplos ni Yohann ang pisngi niya tsaka masuyong hinalikan iyon.
Tikom na tikom ang bibig nito at halatang nagpipigil .
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito, at dahil doon ay mas lalo niyang minahal ang binata.
Niyakap niya ito at mas lumuwang ang pagngiti niya nang hinigpitan pa ng binata ang pagyakap sa kanya.
Hinalikan nito ang ulo niya. Rinig na rinig naman niya ang malalakas na kabog ng dibdib nito.
Akmang hahawakan niya ang dibdib ni Yohann ng magsalita ito.
"Don't you dare touch it. I'm trying to control myself Samantha, so please.... stop torturing me." Namamaos na Babala nito kahit hindi siya nito nakikita.
Nakangiting pumikit nalang siya sa sinabi nito at ibinaon nalang ulit ang mukha sa dibdib nito.
Ito na siguro ang pinakamasayang gabing matutulog siya.
Ang matulog na kayakap ang mahal niyang Yohann kahit pa hindi niya alam kung anong meron sa relasyon nila.
Ang mahalaga, sobrang laki ng pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya, at ngayon nga ay matutulog silang magkayakap.
FOLLOW ME FOR MORE CHAPTER GUYS PLEASE ♥️?