CHAPTER 10 SPG

4819 Words
"Teka lang! Ang daya mo!" Sigaw ni Samantha kay Yohann na papalayo na. Kakatapos lang siya nitong turuan kung paano magjetski at napagpasyahan nilang magpaligsahan. Gamit niya ang jetski Ng papa nito na si Tito yohenn at gamit naman ni Yohann ang sarili nitong jetski. Hindi na niya naabutan ito kaya inis na bumalik siya sa dalampasigan. Medyo mahapdi na ang sikat ng araw ng matapos siya nitong turuan. Umupo nalang siya sa ilalim ng puno at pinagmasdan ito. Ilang ikot pa ang ginawa nito bago ito bumalik sa dalampasigan. Nakangiting naglakad si Yohann papunta sa kanya. Puno naman ng paghangang nakatingin siya dito habang palapit ito. Para kasi itong modelo at sobrang ganda pa ng katawan nito. Naggagalawan din ang mga biceps nito na naging dahilan para mapalunok siya. "Why so hot naman mahal kong Yohann." Pasimple niyang hinawakan ang gilid ng labi niya, buti nalang at walang laway na tumulo dahil nakakahiya pag nagkataong makita iyon ni Yohann. Nang makalapit ito sa kanya ay inabot ang kamay niya. "Halika na." "Ayaw ko na! Ang unfair! " Nakasimangot na Sabi niya dito. Ngumiti lang ito."Halika na." ulit nito. "Hahayaan na kitang manalo, o kaya isasakay nalang kita." Napanguso siya. "Mamaya nalang. Mainit na eh." Totoo naman, masakit na kaya sa balat. Tumango nalang ito at umupo nalang sa tabi niya. "Bumalik nalang kaya tayo?Kahapon pa itong swimsuit ko." Sabi niya dito. Naaalibadbaran narin kasi siya dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng swimsuit. Napatingin naman ito sa katawan niya hanggang sa napansin niyang napagawi ang paningin nito sa dibdib niya na labas cleavage. Kita niyang napalunok ito at mabilis iniwas ang tingin. Mabilis na tumayo si Yohann at nagtungo sa bahay, halatang nagmamadali ito. Sinundan naman niya ito at nang makapasok siya ay may hawak na itong makapal na puting t-shirt. "Wear this Samantha. Aalis na tayo." Ibinigay nito iyon sa kanya tsaka kinuha ang maliit na bag na lagayan bg cellphone niya. Dala dala iyon ng mga kaibigan niya kagabi. Bigla namang lumingon ulit sa kanya si Yohann. " Don't you dare wear that f*****g swimsuit again Samantha. Do you understand?" Tumango lang siya. Pansin niyang napatingin na naman ito sa dibdib niya. Hindi pa kasi niya naisusuot ang damit na binigay nito. Napalunok na naman ito at nagmamadaling iniwan siya. Nagtatakang sinundan niya si Yohann na papunta na sa dalampasigan kung saan nandoon ang jetski. "Teka lang naman!" Mabilis niyang isinuot ang t-shirt at sumunod na dito. "Ba't ka ba nagmamadali? May lakad ka?" Umiwas lang ito ng tingin at hindi siya sinagot. Napabuntong hininga siya. "Yung mga gamit doon?" Sabi nalang niya. "Caretaker na bahala." Sabi nito at pinaandar na nito ang jetski nito kaya sumakay narin siya sa jetski ni Tito Yohenn, tutal marunong na siya gumamit niyon. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit ito madaling madali. "Nasaan si Crista?" Tanong niya sa mga kaibigan ng mabungaran niya ang mga ito na kumakain ng tanghalian. Hindi niya rin nakita si Isiah doon. Nauna na kasi siyang pumasok sa beach house nila Yohann dahil kinausap pa ito ni Tito Yohenn. Hindi niya pa sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mag ama. Parang nagbabalak ata ibenta ni Tito Yohenn ang beach house ng mga ito dito sa main beach. Siguro dahil nakabili si Tito yohenn ng Isla -kung saan siya dinala ni Yohann, kaya hindi na ng mga ito kailangan ang beach house nila dito. Bumalik siya sa kamalayan ng magsalita ang kaibigan. "Medyo okay na siya. Hinatid na siya ni kuya Clyde pauwi. Kailangan niya lang ng pahinga." Sagot ni Jennie. Tumango tango naman siya. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Kayo ni Yohann? Kumusta naman? Nakascore ba sayo si Yohann? O ikaw ang nakascore?" Pagpapatuloy ni Jennie at nakakalokong nginitian siya. Maloko din itong sumubo ng hotdog na ikinapula ng mukha niya. Hindi niya alam kung imagination niya lang, pero iba ang dating sa kanya ng pagsubo ni Jennie ng hotdog na parang may malaswang ipinapahiwatig. Namula naman siya sa naisip. "Jennie!" Mahinang tinampal ni Denise ang kamay nito. "Ikaw naman, panira ka talaga." Nakasimangot nalang na wika nito tsaka tumingin ulit sa kanya. "Busog ka na ba?" Natatawa pang hirit nito. "Anong taste-sung? Nyolty? Sweetypie? Duty free o Dakota?" Lalong nag init ang mukha niya at pasimpleng tumingin kay Lucas na pinsan ni Yohann, pero parang walang pakialam ito sa pinagsasabi ni Jennie. Kaya niyang sakyan ang biro nito pero kung kaharap nila si Lucas, na pinsan ni Yohann, hindi niya iyon kaya, nahihiya siya. Buti nalang talaga at iniba ni Jennie ang pananalita nito. Kahit ang si Denise at Sophia ay takang taka sa pinagsasabi ni Jennie. "Bwisit ka talaga. Wes piyok ka ditez. Ispluk ko pag dalawa nalang tayez. " Pinilit nalang niyang tumawa at hinila niya ang buhok nito para magtigil na. "Not my hair!" Angil nito pero biglang ngumisi. "Sure? Napakakabog mo naman pala chi!" Hindi na siya umimik at umupo nalang sa tabi ni Sophia na tahimik nang kumakain. Nagutom siya bigla ng makita ang mga pagkaing nasa harapan nila. Hindi jasi sila nakakain sa private island nila Yohann kanina. Napaangat ang tingin niya ng tahimik na dumating at tumabi sakanya si Yohann. Akmang aabutin niya ang sinangag ng unahan na siya ni Yohann at ito pa mismo ang nagsalin ng kanin sa kanya. Kitang kita niya tuloy ang pagkatulala ng mga kaibigan pagkatingin sa pag-aasikaso sakanya ni Yohann. Samantalang si Lucas naman ay parang wala lang dito ang ginawa ni Yohann at patuloy na kumakain. Ni walang bakas ng pagtataka ang mukha nito sa ginawa ng pinsan nito s kanya. O talagang wala lang talaga itong pakialam. Nawala ang hiya niya at napalitan ng malakas na tawa ng masamid si Jennie. Kitang kita niya pa kasi ang paglabas ng ilang butil ng kanin sa ilong nito. Katapat niya kasi ang ang kaibigan. "Kadiri ka talaga!" Lukot pa ang mukhang sabi ni Denise at binigyan ng tissue ang kaibigan. Samantalang malakas parin silang natawa ni Sophia sa itsura ni Jennie. Sunod sunod pang uminom Ito Ng tubig. "Nakakagulat naman kasi itong si Yohann!" Prangkang sabi nito. Alam niyang lahat ng kaibigan niya ay nagtataka sa pakikitungo ng binata sa kanya. Kahit naman siya noong una ay nagtaka pero masaya siya dahil hindi na talaga ito kagaya noon na ipinagtutulakan pa siya. Hinintay niyang magsalita si Yohann pero wala itong sinabi at nilagyan pa siya ng ulam. Para siyang kinikiliti sa talampakan dahil pag aasikaso nito sa kanya, sa harap pa ng mga kaibigan niya. Nagtaka siya ng kumuha si Jennie ng isang butil ng kanin at idinikit sa itaas ng gilid ng labi nito na parang kay Nora Aunor. Sabay Itinaas pa nito ang kamay at tumingala. "M-may himala! Totoo ang himala!" Wika ni Jennie. "Lumalablife na ang Sammy namin! Sa wakas!'' Natatawa talaga siya sa itsura ng kaibigan. Lokaret talaga. Manang mana sa kapatid nitong beke na si kuya Alexis. "Kumain ka na nga!" Ibinaba naman ni Denise ang kamay ni Jennie at nagpatuloy sa pagkain. Tumigil naman si Jennie pero nakangising nakatingin parin ito kanya. Ipinagpatuloy narin nitong kumain pero tumataas-baba parin ang kilay ng Loka habang nakatingin sa kanya. Nangingiti nalang din siyang kumain sa kadahilanang nag-uumapaw ang saya sa puso niya dahil sa ginawa ni Yohann. Sa lahat ng family outing nila, eto na ang pinakamasayang taon dahil sa wakas ay napapansin na siya ni Yohann. Pagkagising ni Samantha ay nangingiting uminat siya. Kinuha niya ang unan sa kanyang tabi at tinakpan niya ang mukha gamit niyon para pigilan ang malakas na pagtili niya. Nakatatak parin kasi sa isip niya ang mga masasayang araw na kasama niya si Yohann sa Batangas. Hindi narin siya nito hinayaang magsuot ng swimsuit ng maligo ulit sila sa dagat sa main beach. Kararating lang nila kagabi rito sa syudad dahil may pasok na sila. Alam narin ni Sophia, Denise at Jennie na lumevel-up na ang pakikitungo ni Yohann sa kanya dahil ang natirang araw nila sa Batangas ay lagi na niyang kasa-kasama ang binata, ni hindi ito humihiwalay kahit saan man siya magpunta. Tuwang tuwa tuloy ang mga kaibigan niya para sa kanya, kahit pa sinabi niyang hindi pa siya sigurado sa nararamdaman ng binata dahil wala pa itong sinasabi sa kanya. Si crista nalang ang hindi pa nakakaalam ng nangyari dahil hinatid na ito ng kuya Clyde niya pauwi. Nangingiti paring napatingin siya sa kisame dahil nakatatak parin SA isip niya ang mga nangyari sa outing nila. Parang panaginip parin kasi sa kanya ang nangyari sa batangas. Napapakagat labi pa siya habang inaalala ang mga paghalik ni yohann sa kanya. Ilang beses pang nasundan ang paghalik ni Yohann sa kanya at nakita narin iyon mismo ng mga kaibigan niya. Parang walang pakialam si Yohann kahit halikan pa siya nitong may audience at kaibigan pa niya. Bigla namang nag-init ang pakiramdam niya nang pumasok sa isip niya ang mga haplos at halik ni Yohann sa kanyang katawan. Dahil doon ay mabilis siyang napaupo dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso niya. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Yohann, parang laging nabubuhay ang dugo niya. Mabilis na nilingon niya ang kanyang bintana para sana silipin ang binata pero hindi niya ito nakita. "Baka naliligo na!" Nang maisip iyon ay mabilis din siyang nagtungo sa sarili niyang cr para maligo. Baka kasi malate na naman siya sa kanyang klase. Nang matapos siyang maligo at makapag-ayos ng sarili ay sumilip ulit siya sa kwarto ng binata pero nagawi ang mata niya ng makita ang kotse nito sa ibaba kaya dali dali niyang kinuha ang kanyang bag at mabilis na bumaba ng hagdan. Naabutan naman niya ang kanyang kuya na kumakain kasama ang kanyang magulang. Hindi na bumalik ang kuya niya kahapon sa Batangas pagkatapos nitong ihatid si Crista . "O anak, kumain ka muna." Wika ng mama niya pero hinalikan niya lang ang tatlo sa pisngi. " Doon nalang ako sa campus kakain ma." Nagmamadaling umalis siya dahil baka hindi na niya maabutan si Yohann. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makita pa ang kotse nito. Nilapitan niya ang sasakyan nito at inilapit ang mukha para sinilipin ang driver seat nito dahil fully tinted iyon. Nagulat naman siya ng bumaba ang salamin ng sasakyan. "Hi mahal kong Yohann." Nakangiting Bati niya dito. Hindi parin nawawala sa kanya ang pagtawag dito ng mahal. "Hop in Samantha." Kahit hindi ito nakatingin sa kanya at sa harapan ng kotse ito nakatingin ay kitang kita niya ang pagngiti nito. Mabilis naman siyang umikot para makasakay sa passenger seat. Mariin niyang kinagat ang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman. Sinong hindi kikiligin? Halatang hinintay siya nito para magsabay silang pumasok. Pagkasara niya ng pinto ay pinaandar na ni Yohann ang sasakyan habang siya ay hindi mawala wala ang ngiti niya habang nasa byahe sila. Dahil sa tuwa ay nilapitan niya ito at mabilis na hinalikan ito sa pisngi. Nakita naman niya ang pagsilip ng ngiti sa labi nito sa ginawa niya. Para na naman siyang nene na kilig na kilig. Habang nakatanaw sa daan ay biglang tumunog ang cellphone niya. Txt iyon galing kay Crista. "Nasaan ka na?! May ikukwento ka pa sakin!!!" Napangiti naman siya sa message nito. Mukhang okay na ito dahil pumasok na ito. "Sino yan Samantha?" Kunot noong tanong ni Yohann sa kanya. "Si Crista. " Pagkasabi niya ng pangalan ng kaibigan ay nawala ang pangungunot noo nito. Nagkibit balikat nalang siya dahil doon. "Nagbreakfast ka na?" Ngumiwi siya. "Hindi pa. " Lumingon ito sa kanya saglit bago bumaling sa daan. "Papasok ka ng hindi kumakain?" Mukhang nainis ito dahil sa sinabi niya. Pero napangiti narin riya nang magdrive thru ito. Nagorder ito mg mga paborito niyang kinakain. Habang kumakain siya ay nagsalita si Yohann. "Next time, huwag kang papasok na hindi pa kumakain, okay?" "Opo itay." Biro niya. "Hindi ako nakikipagbiruan Samantha." "Oo na mahal kong Yohann na love na love ko." Napansin niyang itinikom nito ang bibig at halatang nagpipigil ngumiti kaya napangiti narin siya. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa campus. "Wait me here, I'll just park my car." Sabi ni Yohann sa kanya, pero bago pa niya buksan ang pinto ng kotse ay mabilis siyang hinila nito at mariing hinalikan sa labi. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nito pinakawalan. Ngiting ngiti siyang lumabas ng sasakyan ni Yohann, buti nalang talaga at Liptint ang gamit niya dahil kung naglipstick siya ay baka kumalat na iyon sa labi nilang dalawa. Ngiting ngiting naglakad lakad muna siya konti nang madaanan niya si Jerson na nakasandal sa puno. " Hi sam!" Bati nito pagkakita sa kanya. Team mate ito ni Lucas at Yohann sa basketball team. Gwapo rin ito at mabait. Nginitian niya ito. "Hi Jerson." Tinitigan siya nito. "Mukhang blooming ka ngayon ah? Anong meron?" Pabirong ipinalipad niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. "Maganda lang talaga ako Jerson, kaya huwag ka ng magtaka." Biro niya. Natatawang pailing-iling nalang si jerson. "Oo na maganda ka." Bigla pa itong ngumisi. "Gwapo rin ako." Anito at sabay pa silang nagtawanan. "Ewan ko ba kung bakit hindi man lang mataaman si Yohann sa ganda mo." Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Ang ganda ganda mo at ang sexy sexy mo pa." "Kaya nga eh." Pagsasakay niya sa sinabi nito. "Pero ngayon ko lang nalaman-" "Nalaman na?" "Bolero ka pala. Pero sabagay, hindi naman pambobola ang pagiging honest diba? Sinasabi mo lang ang nakikita mo." Malakas na natawa si Jerson sa sinabi niya at akmang lalapitan siya nito nang may mabilis na kamay ang umakbay sa kanya. Kahit hindi niya tignan ay alam niyang si Yohann iyon dahil sa pabango nito. Inalis din agad ni Yohann ang kamay sa pagkakaakbay kanya at pinagsalikop ang mga kamay nila. Napanganga naman si Jerson sa nakita. Halatang nagulat ito dahil alam naman halos ng iba na iniiwasan siya lagi ni Yohann noon. Lihim siyang kinilig. "Noon lang yun..." "This is so surprising." Bulalas ni Jerson pagkahuma sa pagkabigla. Nagtaka pa siya ng taasan ng kilay ni Yohann si Jerson. "Really? As far as I remember, you know that she's mine. You planned to court her last year remember? Remember the words I've said to you that day Jerson. Remember it." Nilagpasan nalang nila si Jerson na biglang natahimik dahil sa sinabi ni Yohann. "Si Jerson nagbalak na ligawan siya? Pero bakit hindi ito nanligaw sa kanya?" At ang tumatakbo ngayon sa utak niya ay kung ano ang sinabi ni Yohann kay Jerson noong nakaraang taon. "Ano yung sinabi mo kay Jerson last year Yohann?" Saglit lang siyang nilingon ni Yohann. "Why do you want to know? Forget about it Samantha." Ngumuso siya. "Ang daya. Ayaw magshare." Pero biglang nagsalubong ang kilay niya ng maalala ang sinabi nito. "Nagplano palang manligaw sakin si Jerson? Ba't hindi ko alam?" Tumigil si Yohann sa paglalakad at seryoso ang mukhang tinitigan siya. "Why? Is that important?" Nagkibit balikat siya. "Hindi naman. Nagtataka lang." "You're with me now. Don't think about him anymore." "Okay." "Huwag ka ring magpapaligaw." "Okay." Ngumiti siya. "Lalo na kay Jerson." Mas lumuwag ang ngiti niya. "Okay mahal ko. Pero ano nga ang sinabi mo 'nun kay Jerson? Ichika mo na." Napabuntong hininga siya dahil hindi na umimik pa si Yohann kaya hinayaan nalang niya ito. Basta ang mahalaga ay para na silang magkasintahan na magkahawak kamay na naglakad na. Sobrang saya niya dahil habang naglalakad silang dalawa ay napapansin niyang may napapanganga pag nakikita sila, halatang hindi rin ang mga ito makapaniwala sa nakikita. Nang makita niya ang tatlong babae na panay tili kay Yohann noong nakaraang araw sa basketball gym ay nagulat ang mga ito at napatitig pa ang mga ito sa magkahawak na kamay nila ni Yohann. Ang isang kasama ng mga ito ay nagwalk out pa. Halatang malaki ang pagkagusto sa mahal niyang si Yohann. "Sorry girls, but Yohann is mine." Kahit pa hindi niya alam kung ano ba ang label nila ay masaya na siya dahil kahit papaano ay ang laki na ng pagbabago ng pakikitungo ni Yohann sa kanya. Tiningala niya ito nang malapit na sila sa kanilang room. "Ipapakilala na ba kita sa mga fans ko?" Biro niya. Tiyak na magugulat ang mga kaklase nila kapag nakita silang magkahawak kamay. Mahinang natawa naman si Yohann sa sinabi niya. At hindi nga siya nagkakamali sa reaksyon ng mga kaklase nila, dahil biglang tumahimik ang mga ito nang makita ang magkaholding hands na kamay nilang dalawa ni Yohann pagkapasok na pagkapasok nila sa klase. Gulat na gulat ang mga itsura ng mga Ito. Ilang segundo pa ang nakalipas ng biglang magsigawan ang mga kaklase niya. "Anong ginawa mo Sam? Paturo naman!" Sigaw ng isang kaklase niya. "Ganda lang Andrea! At lakas ng loob!" Sigaw niya pabalik at nagtawanan na naman ang mga ito. "Woooo...! Sa wakas Sam, sinagot ka na ni Yohann!" "Idol na kita Sam!" Tuwang tuwa na sigaw ng mga kaklase niya. Saksi kasi ang mga ito kung paano niya suyuin ang binata. Kumbaga dugo't pawis ang ipinuhunan niya para mapansin siya ni Yohann, at nagbunga na nga. Itinaas niya ang isang kamay para patigilin ang mga nagtitiliang kaklase niya. Buti nalang wala pa ang prof nila. "Relax guys! It's not a not big deal. Hindi niyo pa ba inaasahan to?" Biro niya. Nagtawanan naman ang iba niyang kaklase Nakita niya ang mga kaibigan na nakangiti habang si Crista ay nakanganga sa nangyayari. Mukhang hindi parin ito makapaniwala sa nakikita. Natawa nalang siya dahil ganoon din ang reakyon nito sa reaksyon nila Sophia, Jennie at Denise noong sinandukan siya ni Yohann ng pagkain noong nasa Batangas pa sila. Tsaka palang siya binitawan ni Yohann ng pumunta na siya sa kanyang upuan. "I can't believe this!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Crista sabay titig sa kanya. Magkatabi kasi sila ng upuan habang si Jennie at Denise naman ang magkatabi. Nginisihan niya Ito. "That's what you call Sammy's magic." Biro niya dito at kinindatan pa ito. Natawa naman siya dahil para itong kinikilig para sa kanya. "I'm so happy for you Sammy." Magsasalita pa sana siya ng dumating na ang prof nila. "Good morning !" "Hindi talaga ako makapaniwala na nagkakamabutihan na kayo ni Yohann. " Wika ni Crista sa kanya. Kasalukuyan silang dalawang naglalakad patungo sa cafeteria dahil nagpasa itong bumili ng paborito nitong ice cream. Nginisihan naman niya ang kaibigan. "Pakipot lang kasi yan si Yohann, tignan mo bumigay din. Kunwari pa, may gusto din pala sakin ." Natatawang umiling naman ito. "Baliw ka talaga. " Parehas silang napahinto sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ni Crista. Agad nito iyong tinignan pero agad ring ibinulsa. Napataas ang kilay niya sa ginawa ng kaibigan. "Bat di mo sagutin? Nagriring pa ibinulsa mo na." Matiim niya itong tinignan." May nililihim ka?" "H-ha? Wala ah. " Mas lalo niya itong tinaasan ng kilay. "E bakit hindi mo sinagot?" Magsasalita na sana ito ng tumigil na sa pagring ang cellphone nito. "H-hindi kasi nakaregister sa cellphone ko yung number." Alam niyang nagpapalusot ito pero hinayaan nalang niya. Nagpatuloy silang muli sa paglalakad nang makasalubong nila si Albert. Maaliwalas na nginitian siya sabay akbay sa kanya na parang barkada lang. Pero mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang kinuhang muli ni Crista ang cellphone nito at parang nagtitipa ng mensahe. "Congrats Sam. Sa wakas nasungkit mo na ang puso ng mahal mo. " Agad na inalis niya ang tingin kay Crista at nag angat siya ng tingin nang magsalita si Albert. Nakaakbay parin ito sa kanya. "Salamat." Nginisihan niya ito bigla. "Si Yohann talaga ang bagay sakin. Hanap ka nalang din ng babagay sayo." biro niya. Naalala niya kasi ang biruan nila noong nakaraang araw sa klase. "At saka pakitanggal ng braso mo, baka may makakita satin maissue pa tayo. Alam mo na, okay na kami ni Yohann tapos baka mapurnada pa dahil sa pag akbay mo. May pakpak pa naman ang chismis lalo na sa mga mosang sa paligid." Bago pa man matanggal ni Albert ang kamay nito sa pagkakaakbay sa kanya ay may matigas na kamay na humablot sa kanya. Nagulat siya at napalingon sa gumawa niyon, pero agad siyang kinabahan at bahagyang napangiwi nang galit na mukha ni Yohann ang nabungaran niya. Napatanga rin si Crista at Albert sa nangyari, habang si Yohann ay masama ang tingin kay Albert. Nagsukatan pa tingin ang dalawa. "Back off. " Yohann said with a cold tone voice. "Sorry?" Nakangiwing nagtaas pa ng kamay si Albert na parang sinasabing ayaw nito ng ayaw. Kung makatitig kasi si Yohann ay parang anumang oras ay susuntukin nito si Albert. Pinanlisikan lang lalo ni Yohann ng mata si Albert pagkatapos ay hinila na siya palayo sa dalawa. "Teka naman Yohann. " Nakangiwing aniya rito. Hila hila parin kasi siya nito at halos lakad takbo ang hakbang nila. Hindi siya pinakinggan ni Yohann at nang makarating sila na isang puno na walang masyadong tao ay huminto na ang binata at inis na hinarap Siya. "What was that huh Samantha?! " Galit na tanong nito sa kanya. Napalunok siya. "A-alin?" Galit na pinanlakihan siya nito ng Mata. "Damn it! Bakit hinahayaan mong akbayan ka ng lalaking Yun?! Kulang nalang yakapin ka!" Nakangiwing napakamot siya sa kanyang pisngi. Ano ba pinagpuputok ng butsi nito? Nagsorry na nga si Albert eh. "Hindi naman ah. Pinapaalis ko na nga yung kamay niya. " "Hindi?! Eh kung hindi pa kita sinundan baka hindi lang akbay ginawa sayo! Dapat nung una palang pinaalis mo na, o kaya ikaw na ang nag-alis!" "Yohann naman . Kaibigan ko si Albert. Hindi naman big deal yun sakin. Huwag ka ngang oa diyan mahal ko." Bat ba galit na galit ito? "It is to me samantha! I'm furious when someone touches you! Especially men!" Nginisihan niya ito bigla. Para siyang bulateng inaasinan sa kilig. "Selos ka na niyan?" Napatanga si Yohann sa sinabi niya at maya maya ay bigla itong umiwas ng tingin. "What are you talking about? I- i just don't like seeing you with Albert. Nakakairita. " Biglang huminahon ang boses nito. Hindi na niya naiwasang mapahagikhik. "So, selos ka nga?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Bakit naman ako magseselos? Ikaw nga tong kulit ng kulit sakin noon. " In denial! "So, hindi ka nagseselos? Bat ganyan nalang ang galit mo?" He tsked. Umiwas rin ito ng tingin. "Hindi. Naiirita lang. Ha! Ako magseselos? Itsura palang mas angat na ako dun. " "Mabait naman si Albert." May himig na pang-aasar na aniya sa binata. "Hindi pa nga niya ako nasisigawan hindi kagaya ng isa diyan." Agad namang nagdilim ang mukha nito. "Galit ka ba kasi nasigawan kita?" Gusto niyang matawa dahil muntik na niyang hindi narinig ang sinabi ni Yohann dahil sa sobrang hinahon at mahinang boses nito. "Hindi naman. Naiintindihan ko kung nagseselos ka man. Natural lang naman na magselos ka Yohann eh. " "Hindi nga ako nagseselos." Nagkibit balikat siya. "Okay . Hindi Pala ha?" Akmang tatalikuran niya ito nang pigilan nito ang kamay niya. "Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong nito . "Kay Crista. Baka si Crista naman ngayon ang kinukulit ni Albert ngayon." "Malaki na ang kaibigan mo Samantha." Ngumisi Siya. " O sige, si Albert nalang ang pupuntahan ko. " Bigla siya nitong pinanlisikan ng mata. "Nang iinis ka ba? " Exaggerated na itinuro niya pa ang sarili. " Ha? Ako? Diba nga sabi mo hindi ka nagseselos kay Albert? Ba't ka maiinis?" Parang inis na napahilamos naman si Yohann sa mukha. "Damn it." Mariing bulong nito saka siya inis na tinitigan. "Okay fine!" Sigaw pa nito. "Nagseselos ako Samantha. Ayaw kong kung sino sino ang humahawak sayo. Kahit dulo pa ng daliri mo!Ano, masaya ka na?" He sighed. "Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niyo kaming nagseselos, habang ako, ginagawa ko ang lahat huwag ka lang magkaroon ng taong pagselosan. Noon pa. " Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "What do you mean?" Yohann blushed. "Tsk. Wala! " Ilang sandali silang nagtitigan hanggang sa malawak na nginitian nalang niya ito. "Saan ka nagpark?". Tanong niya bigla. Kunot noong itinuro naman nito ang underground parking. "Why?" Nakangising hinila niya lang ito patungo sa parking area kung nasaan ang kotse nito. Pagkarating nila sa underground parking ay nakita niya agad ang sasakyan ni Yohann, kaya mabilis na tinungo iyon. Kunot noo lang na sumunod si Yohann SA kanya. "Samantha, don't tell me you want to ditch our class?" Takang tanong ni Yohann nang makarating na sila sa sasakyan nito. "Let's go back, baka mamaya mag uumpisa na ang klase natin." Utos nito. "Puro talaga kalokohan ang nasa utak mo." Kinindatan niya ito. "Magugustuhan mo naman tong kalokohan na nasa utak ko." Kahit medyo madilim ay napansin niyang namula ang tenga at ilong cute. "Haaay, ang gwapo mo talaga mahal." "Open the backseat." Aniya pagkatapos. "W-what?" May pagtataka parin sa mukha ng binata kaya kinapa nalang niya ang bulsa ni Yohann at nagpasalamat siya sa isip dahil dala nga ng binata ang susi ng sasakyan nito. Pasimple pa siyang napahagikhik dahil nakalimutan niyang kunwaring iba ang nakapa niya sa bulsa nito. "Sayang!" "What are you doing?" Tanong nito nang mabuksan na niya ang backseat. Hindi niya ito sinagot sa halip ay pinapasok niya ito sa loob ng backseat. Mabilis din siyang pumasok at mabilis na isinara ang pintuan ng sasakyan saka dali-daling nakabukang inupuan ang kandungan nito. Agad na napamura si Yohann sa ginawa niya pero mabilis din siyang hinalikan sa labi. Nang maglapat ang mga labi nila ay napapikit agad siya. Yohann kissed her passionately until he became more greedy and demanding. Yohann's kiss was rough, hungry and aggressive making her moan inside his mouth. Siya na ngayon ang naluluto na init sa ginawa niyang kapilyahan. Ramdam na ramdam narin niya ang katigasan ng p*********i nito sa pagitan ng hita niya. Ipinaluob niya ang mga daliri sa malambot na buhok ni Yohann at sinabayan ang paraan ng paghalik nito sa kanya. They both moan of what she did. They were kissing hungrily until they're out of breath, and when their lips parted, they are both gasping for air. Pero hindi pa siya masyadong nakakasagap ng hangin nang hulihin na naman ni Yohann ang labi niya at mapusok na naman siyang hinalikan. Pakiramdam ni Samantha ay nasisilaban na naman ng apoy ang buong katawan niya dahil sa ginagawa nila. Her panty is already wet. Ramdam niya ang panggigigil ni Yohann sa pamamaraan ng paghalik at paghaplos-haplos nito sa katawan niya dahilan para lalo siyang mag init. She gasped when Yohann stopped kissing her lips, until his kisses goes down on her neck. He licked and sucked her neck making her whimper in pleasure. "Yohann... " Mahinang ungol niya . "Oohh...." May pagmamadali na itinaas ni Yohann ang damit niya kasabay ng suot niya bra, and with a snap, his lips touched her breast. "O God.." halinghing niya ng maramdaman ang malambot na labi ni Yohann na lumalapa ngayon sa dibdib niya. Yohann was eagerly kissing and sucking her n****e nostop. Para itong gutom na gutom na sanggol. "O sh*t yohann..." Agad na napasabunot siya sa buhok ni Yohann nang ang isang dibdib naman niya ang hinalikan nito. Nagbibigay init din sa pakiramdam niya ang mahihinang ungol nito habang pinagsasawa ng bibig nito ang dibdib niya. He's like enjoying the taste of her breast and she likes it. No... She loves it.. "Oohh--- Parehas silang natigilan ng may maaninag silang ilaw na nagmumula sa flashlight. Agad na inayos ni Yohann ang itinaas nitong bra niya, pagkatapos ay ibinaba na nito ang damit niya. Nang silipin nila kung sino ang nag- iilaw ay nakita nila ang guard na nagroroving gamit ang flashlight. She chuckled naughtily. Mukhang may nakapagsabi sa guard na may pumasok sa parking. Sa campus kasi nila ay bawal pumunta sa underground parking hanggat Hindi pa tapos ang klase. Hinuli ni yohann ang pisngi niya gamit ang palad nito at pinakatitigan Siya. "You are really extremely naughty baby. " She smirk and wink that made him chuckled lightly, but afterwards, his face looked annoyed again. "Bakit ba lapitin ka ng lalaki?" Mahinang natawa siya pero agad ding tinakpan ang bibig. Sinilip niya ang guard at naglalakad lakad parin ito. "Sabihin mo malisyoso ka lang." Nakangising nakipagtitigan siya rito. "Ako pa talaga?" May pagdisgusto ang mukha nito. "Oh di sige. Maganda ako kaya lapitin ako ng lalaki, okay na ba yun?" Biro nalang siya just to lighten his mood. "Funny." He said sarcastically. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang paalis na ang guard. Buti nalang hindi sila nahuli. Ipinatong niya ang kanyang siko sa balikat nito tsaka niya nilaro-laro ang malambot na buhok nito. Agad na tumaas ang sulok ng labi niya. "Wala na si kuya guard." He smiled a little, wrapped his arms around her waist tightly and stared at her intently. "Then, let's kiss again." He said and captured her lips. Paalala.... *Huwag tutularan si samantha . :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD