CHAPTER 3

4901 Words
'Can you stay up all night? Fuck me 'til the daylight 34+35 Can you stay up all night? Fuck me 'til the daylight 34+35 You drink it just like water (Water) You say it taste like candy So what you doing-" "f**k me till daylight huh." Naputol ang pagsasayaw at pagkanta niya ng marinig ang pagtawa ni Crista sa gilid ng pintuan ng kanilang kusina. Kasalukuyan naman siyang nagbibake ng brownies. "Istorbo." Sabi nalang niya sabay upo. Nauna na siyang umuwi sa mga ito dahil nagrequest ang kuya niya na gumawa siya ng brownies. Merienda daw nito pagdating. Hindi man siya kagalingan sa pagluluto ng mga ulam, pero maipanlalaban naman niya ang kagalingan niya sa pagbibake. Balak niya rin magpatayo ng coffee shop o bake shop pagkagraduate niya para makilala din ang mga gawa niyang pastries at tsaka iyon din naman ang kinahihiligan niya. "Hindi pa ba natin susunduin ang kuya mo?" Atat na wika naman ni Crista. Umupo ito sa tabi niya. "Napaaga ata punta mo dito?" Taas kilay na wika niya dito. Hindi niya pinansin ang tanong nito. May dala din itong pink na paper bag. Hindi halatang excited. "Wala yung prof natin sa huling subject." Tumango nalang siya. Nagexcuse kasi siya sa prof nila kanina na kailangan niyang sunduin ang kapatid niya kaya nauna siyang umuwi, pero pagbibake lang pala ang gagawin niya sa maaga niyang pag uwi para lang magawan ang kapatid niya, at syempre para narin damihan ang gawa niya para kay Yohann. Alam niyang matutuwa si Yohann sa dala niya dahil alam niyang mahilig ito sa brownies. Kung may nakakatuwa kay Yohann ay ang hindi nito pagtanggi sa mga binibake niya, kaya naman nakahiligan na niya itong ipagbake. Kung gaano ito kahilig sa mga cakes at brownies na gawa niya, ay sana ganoon din kasweet ito sa kanya. "Ano na? Hindi pa ba natin susunduin kuya mo?" Excited na ulit ng kaibigan. Niyugyog pa nito ang balikat niya kaya napabalik sa kamalayan ang lumilipad na utak niya. "Wag kang atat, may mahigit dalawang oras pa tayo." Sabi niya sabay tayo at kinuha ang binake niyang brownies sa oven. Kumuha naman ng brownies si Crista. "Ang sarap mo talaga gumawa ng brownies." Halos nakatatlong kain na ito ng brownies. Papikit pikit pa ang kaibigan habang nginunguya ang ginawa niyang brownies. Samantalang abala naman siya sa paglagay ng mga brownies sa box para dalhin kila Yohann. Nakita na kasi niya ang sasakyan nito kanina papasok sa bahay ng mga Ito. "Diyan ka muna huh? Dadalhin ko lang to kila Yohann." excited na sabi niya at hindi na hinintay na magsalita pa ito. Dahil hindi niya pinansin si Yohann kanina ay excited siyang makita at makausap ulit ito ngayon. Nang makarating siya sa gate ng mga ito ay kinakabahang nagdoorbell siya. Mabilis namang lumabas ang katulong ng mga ito na si yaya Rosa. Kachissmisan ng yaya Using niya. "Ikaw pala Sam." Nakangiting pinagbuksan siya nito ng gate. "Sila tita po yaya Rosa?" "Naku umalis kanina pang umaga. Baka mamayang gabi pa dating ng mga yun. Si sir Yohann lang ang nandito.'" Makahulugang ngumiti sa kanya ang matanda. Hindi lingid dito ang pagkagusto niya sa alaga nito. "Talaga po?" Nakangising wika niya. "Oo. Halika at pumasok ka na. " "Nasan po si Yohann?" Hanap niya sa binata at lilinga linga pa siya. "Nasa taas, nasa kwarto niya nagbabasa ata." Napatingin Naman ito sa dalawang box ng brownies na dala niya. "Mukhang wala sa mood kanina pang pagdating. Nagdadabog na pumasok eh. Kahit pagbukas ng ref padabog na binuksan at sinara. Ano bang nangyari?" Natawa siya. "Hindi na kayo nasanay ya, lagi naman po ganyan ang alaga niyo." Ipinakita nalang niya ang hawak na box. "Oo nga pala yaya Rosa ,sa inyo po itong isa. Basta aakyat ako sa kwarto ni yohann huh. Manliligaw lang." Humahagihik pang wika niya sabay bigay dito ang isang box ng brownies na gawa niya. "Eto talagang batang to, kahit naman hindi mo ako suhulan hahayaan parin kita sa gagawin mo." Natatawa nalang ito pagkatapos inabot ang kanyang ginawang brownies. Natawa nalang siya sabay naglakad patungong kwarto ni Yohann. "Sige ya, akyat na ako huh? Wish me lucky me pancit bihon." "Sige humayo ka at magparami." biro pa nito. Dahan dahan siyang umakyat sa hagdan hanggang makarating na siya sa pintuan ng kwarto ng binata. Mahinanang kumatok siya. Halos pigil hiningang hinintay niyang pagbuksan siya nito Ng pintuan. Pagbukas ni Yohann ng pinto ay nagulat pa ito ng makita siya. "Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong nito. Hindi niya ito sinagot sa halip ay mabilis na yumuko siya at lumusot sa kamay nitong nakahawak sa pintuan para makapasok siya sa loob. "Sinabi ko bang pumasok ka dito?" napabuntong hininga nalang itong sinundan siya. Umupo ito sa kama at binuklat ang libro na siguro ay kanina pa nito binabasa. Tumikhim siya ng may mapansin dito. "Yohann...." Silenced.... Nang hindi ito umimik ay muli siyang nagsalita. "Huuy, mahal ko..." "What?!" Asik nito pero hindi parin nakatingin sa kanya, ang atensiyon nito ay nasa libro parin. "Marunong ka palang magbasa ng pabaliktad?" Curious na tanong niya rito. Pa'no ba naman kasi, masyadong tutok ito sa pagbabasa pero pabaliktad naman! Agad na napansin niyang namula ang mukha nito at pabalang na isinara ang hawak nitong libro tska inis na tinignan siya. "What are you doing here? Lumayas ka sa harap ko. Or mabuting makipagdate ka kay Albert, tutal bagay kayo." Nasaktan siya sa pagtutulak nito sa kanya sa ibang lalaki pero pinilit niya paring ngumiti sa harap nito. "Talaga? Bagay kami? Okay lang sa-" "ALIS." Agad na tumayo siya at nagkunwaring aalis na ng bigla siyang hinawakan nito sa braso. Seryoso ang mukhang tiningala siya nito. "Where are you going?" "Sabi mo alis na ako." "Saan ka pupunta?" May pilyang pumasok sa isip niya. "Pupunta kay Albert. Diba itinutulak mo ako sa kanya?" Tinaasan niya ito ng kilay at pinamaywangan. "Makikipagdate nalang ako sakanya. Tutal vibes naman kami." "Bullsh*t..." Mahinang bulong ni Yohann pero narinig niya. "Ba't ba 'to nagmumura?" Sa gulat niya ay padaskol na hinila siya nito para maupong muli. "Tell me why you're here." Napangisi siya dahil mukhang hindi na siya nito papaalisin pa. "Eto naman, dinalhan kita ng brownies. Kagagawa ko lang niyan." Nakangiting inabot niya dito ang box. Nawala naman ang pagkakakunot nuo nito ng mabuksan nito ang box. Basta pagdating sa mga dessert na gawa niya, huling huli niya ang kiliti nito. Nakakatakam naman kasi talaga ang itsura ng gawa niyang brownies. Masarap pa. "Ginamit mo na ba yung pera na nanggaling kay Albert?" Nagtaka siya dahil sa galit na boses ni Yohann at ang biglang pagtanong nito sa kanya niyon. "Hindi. Isang daang piso lang yun Yohann. Pang jolibee ko lang yun. " Nagsalubong naman ang mga kilay ni Yohann sa sinabi niya. "Ano na naman ba ang nagawa ko?" Takang tanong niya sa isip. "Diba binigyan kita ng isang libo? Iyon ang pambili mo. At talagang gagastusin mo yun? Ewan ko sa'yo Samantha, mapera ka naman pero nanghihingi ka ng pera sa iba. " Pansin niyang nagtiim ang bagang nito . Napasimangot naman siya sa sinabi ni Yohann. "Hindi Naman ako humingi." Lumabi siya. "Saka hindi naman kita hiningian ng pera ah? Nanghinayang ka ba sa isang libo na bigay mo sa'kin? Ibabalik ko nalang sayo para hindi ka na magalit. Ikaw nga 'tong bigla bigla nalang naglalapag ng isang libo sa desk ko." Parang nanggigigil ito na ewan. "Give me the one hundred pesos Samantha." Nangunot ang noo niya. "Ha? E isang libo yung binigay mo sakin. " "Yung bigay ni Albert. Ibigay mo sa'kin." mariing wika nito at inilahad pa ang palad nito sa kanya na parang hinihintay na ibigay niya dito ang isang daan. ''Sayo na yung isang libo. Akin na yung isang daan. Buy what you want with my money, just give me the one hundred pesos.'' "Ano? At bakit ko ibibigay sa'yo?" "Basta." "Ano ngang gagawin mo?" Sinamaan siya nv tingin. "Ibabalik ko. You shouldn't have done that Samantha. A ballpen for one hundred pesos?" Yohann tsked. "Nagpauto naman yung Albert na yun sayo!" Napayuko siya. Alam niyang mali ang ginawa niya. "Ako na magbabalik- "Ako na." Putol agad nito sa sinasabi niya. Sunod sunod na umiling Siya. "Ako na, sakin niya ibinigay , ako ang magbabalik." "NO. AKO- na Samantha. "Mariing Tutol nito. "Ako- "Isa, Samantha. Sinabing ako na!" Dahil mukhang badtrip na naman ito sa hindi niya malamang kadahilanan ay tumango nalang siya. Hindi niya alam kung bakit mas gusto nitong ito ang magbalik ng pera . Hindi niya lubos maisip na darating sa puntong mapapag diskusyunan nila ni Yohann ang isang daang pisong Pera. "Nasa bahay yung pera. Ibibigay ko nalang sa'yo iyon bukas." Ngumiti siya rito na ikinataas nito ng kilay. "Basta ba ibigay mo ha? Baka gastusin mo?" Biro niya. Hindi siya nito inimikan kaya mabilis nalang siyang umupo sa harap nito at kumuha ng isang brownies. "O akala ko ba akin yan-" Mabilis na sinubuan niya ito. Napatigil naman ito at napatitig saglit sakanya bago nginuya ang sinubo niya. Parang bulang biglang nawala ang hinanakit niya dito kanina nang mapansing nagustuhan nito ang gawa niya. Halata kasi sa mukha nito "Masarap?" "Pwede na." Sabi nito sabay kuha pa ng isa. Napasimangot naman siya. "Pwede na pero ang bilis mong ubusin Yung isa! " Hindi nalang kasi nito sabihing masarap. "Anong sinisimangot mo diyan?" "Wala." Nguso niya. "Wag ka ngang ngunguso nguso diyan, para kang biik." Ngumuso pa siya lalo at mas lumapit pa dito. Umiwas naman ito ng tingin at biglang namula ang pisngi nito. Mestiso kasi ito kaya halata agad sa mukha nito ang pamumula. Napansin niyang hindi pala nakabukas ang aircon nito kaya mabilis siyang tumayo. "Ikaw naman kasi, bat ba naman hindi mo binubuksan tong Aircon mo?Namumula ka na tuloy sa init." Mabilis niyang kinuha ang remote sabay bukas ng Aircon nito. Kahit nakabukas ang bintana ay siguro hindi iyon naging sapat sa binata kaya namumula ang pisngi nito sa init. Lumapit siya sa bintana at isinara na iyon para hindi lumabas ang lamig ng aircon. Bigla ay inubo si Yohann ng sunod sunod kaya dali dali niyang dinaluhan ito at pinagpag ang likod nito. Dali dali naman nitong binuksan ang mini ref sa gilid ng kama at mabilis na kumuha Ng tubig at uminom. "Okay ka lang?" Nag-aalalang niyuko niya ito. Namumula parin ang mukha nito dahil sa pag ubo "Salamat sa dala mo, pwede ka ng umalis." Pagtataboy nito sa kanya, ni hindi man lang ito tumingin sa kanya. "Ano na naman ba ang ginawa ko?" Kunot noong pinamaywangan niya ito. Iiling iling naman siyang lumapit pa lalo dito sabay kuha ng panyo niya sa kanyang bulsa. Dahan dahan niyang pinunasan ang pawis sa noo nito. Nagulat at napatitig naman ito sa ginawa niya, kaya naman nginitian niya ito pero umiwas lang ulit ito ng tingin "Dapat kasi binubuksan mo ang Aircon mo, pinagpawisan ka tuloy." malambing pero pasermon na sabi niya. Nang matapos niyang punasan ang pawis nito sa noo ay ibinalik niya sa bulsa ang kanyang panyo. "Ang kulit mo kasi Samantha. Umuwi ka na at may gagawin pa ako." Mahinahon ng wika nito, ipinakita pa nito ang binabasang libro. ''Istorbo ka alam mo ba yun?'' Napakunot noo pa siya dahil parang iniiwasan nitong tignan siya. Ganun ba siya kapangit sa paningin nito? "Wala naman ako ginagawa ah." Hindi niya pinansin ang pagtataboy nito sa kanya bagkus ay humiga siya sa tabi nito. Nakaupo parin ito habang siya ay nakahiga na. "Ano na naman ba ang ginawa mo at wala ka sa isang subject kanina?' Napangiti siya bigla sa tanong nito. "Bakit, namiss mo ako no?" "In your dreams." "Ang harsh talaga ng Mahal ko." biro nalang niya dito, niyakap niya ito sa bewang habang nakahiga siya at nakaupo ito, buti nalang at hindi inalis ni Yohann ang pagyakap niya rito. Kaya naman, mas hinigpitan niya lalo ang pagyakap rito. "Hmmmm, ang bango naman ng mahal kong Yohann." Chansing! "Uuwi kasi si kuya ngayon, ako yung magsusundo at kaya maaga ako umuwi dahil nagpapagawa si kuya ng brownies, namiss niya daw kasi yung mga gawa jong brownies eh. Alam mo baman kung gaano kasarap ang mga bake ko diba?" Hindi ito umimik kaya bumangon siya at niyakap ulit ito sa bewang. Susulitin na niya habang hindi ito nagrereklamo. Manantsing lang ng manantsing hanggat hindi pa ito nagrereklamo. Sulitin mo na ang pagkakataon samantha, habang Hindi pa nagpapakipot ang Mahal mong yohann!" Hinigpitan niya ang pagyakap Sa binata. "Diba?Diba..? Masarap yung binake ko?" pangungulit niya pa. Idinantay niya pa ang kanyang baba sa balikat nito. "Oo na." "Sabihin mo munang masarap." "Seriously? What for?" "Masarap o hindi?" Pangungulit niya. Napabuntong hininga naman ito sa nilingon siya. "Okay, masarap. Satisfied?" Unti unti siyang ngumisi. "Mas masarap pa sakin?" Nanlaki naman ang singkit na mata nito sa sinabi niya. Namula ulit ang mukha nito. "Samantha..!" Para siyang batang pinapagalitan base sa tono ng boses ni Yohann. Inalis na nito ang pagkakayakap niya sa bewang nito at halatang hindi ito mapakali. Napakamot nalang siya sa pisngi, medyo nakaramdam siya ng konting hiya dahil sa nasabi ng walang prenong bibig niya. "Sorry." Nagpeace sign pa siya rito. Umiling lang ito. "Tsk, tumahamik ka at magbabasa ako." sumandal na ito sa headboard ng kama bago binuklat ang libro nito. Dahil likas na makulit siya ay nilapitan niya pa ito lalo. "Ano ba yang binabasa mo?" inilapit niya ang mukha sa binabasa nito. "f**k !" "Ouch !" Sabay pang angil nila. Napamura si Yohann nang paglingon nito ay nagtama ang ilong nila. Hinahaplos halos niya pa ang ilong niya dahil masakit ang pagkakatama nito sa ilong ng binata. Hindi naman niya inaasahan na lilingunin siya nito. "Napakakulit mo talaga! Hindi ako makapagconcentrate dahil sayo!" inis na baling nito sa kanya pero bigla itong natigilan. "Bakit?" sabi niya na may pagtataka. Inalis nito ang kamay niyang nakahawak sa ilong niya."Tignan mo nga! Namula na yang ilong mo !Kung hindi ka ba naman napakakulit. Tsked!" Wika nito na hinawakan pa ang ilong niyang medyo pawala na yung sakit. Siguro namumula na iyon lalo ,pati narin ang pisngi niya dahil sa paghawak na iyon ni yohann sa ilong niya. "Masakit ba?" Tanong nito at bahagyang hinaplos ang ilong niya. Nawala narin ang inis sa boses ng binata. "Ang kulit mo, alam mo ba yun?" Bumilis naman agad ang t***k sa puso niya sa ginawa nito. Masuyong hinahaplos haplos kasi nito ang natamaang bahagi Ng ilong niya. Napalunok siya ng napadako ang tingin niya sa labi nito. "Sige na Sam,pagkakataon mo na!bahala na bukas!" Udyok pa ng isipan niya sa binabalak niyang gawin. "Yohann?" nanginginig ang labing tumitig siya sa binata. "It's now or never" bulong ng isip niya. Hindi nagsalita ito ngunit halatang hinihintay nito ang sasabihin niya. Parang may magnet na nakapagitan sa kanila ni Yohann dahil hindi niya maalis ang pagtitig dito. Kahit si Yohann ay titig na titig narin sa kanya. Mabilis siyang umupo sa kandungan ni Yohann, nakaluhod ang mga paa niya sa kama habang nakaupo siya sa hita nito. Nanlaki naman ang mata ni Yohann sa ginawa niya . "S-samantha. What are you doing? G-get off me. " He gasped and his face were still in shock. Tumitig siya rito at kitang kita niya ang mabibigat na paglunok nito. "Pakipot ka kasi." Seryosong wika niya. Gulat namang itinuro ni Yohann ang sarili. "Ako? Pakipot? " Tanong nito at kitang kita niyang may namumuong pawis sa noo nito kahit pa sobrang lamig na ng silid nito. "Sino pa nga ba? Alangan ako?" "Hindi pa ako nakakatikim ng quek-quek." He said, out of nowhere. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Ipinalibot niya ang kanyang mga braso sa batok nito, buti nalang at hindi nito tinanggal ang kamay niya. "Oh, tapos?" Takang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit mas lalong nalukot ang mukha nito. "Why are you asking me that? You should know the answer!" "Huh?" Hindi niya talaga ito maintindihan. "Wala!" "Gusto mo ba ilibre kita ng quek-quek? Diba ayaw na ayaw mo ng street food?" "Wala akong sinabing ayaw ko." "Ba't biglang gusto mo ng kumain nun?" "And so?" Ikinibot kibot niya ang kanyang labi. "Sige, ililibre kita ng quek-quek. Pero tatlong piraso lang ha?" Sinamaan siya nito ng tingin kaya nagsalita siya agad. "Para I love you." Mabilis na umiwas ito ng tingin at masuyong itinutulak siya paalis sa kandungan nito pero mas lalo siyang kumapit na parang tarsier. "Damn!" He hissed. Agad na nag-init ang mukha niya ng maramdamang may tumutusok sa gitna ng hita niya. Actually, kanina pa siya natutusok, kaya lang ay ngayon niya lang iyon napagtuunan ng pansin. "Y-yohann, tinutusok ako ng ano mo-" "Stop! J-just... Just get off Samantha." Parang hirap na hirap na saad nito. Umiwas ito ng tingin. Pero dahil makulit siya ay iniyapos niya lalo ang braso sa leeg nito Kaya muli itong tumingin sa kanya. "What are you doing to me?" Matiim na tinitigan siya nito. "Samantha..... Get off." Hindi siya nakinig, sa halip ay huminga muna siya ng malalim at mabilis niyang hinalikan ito sa labi. Napapikit pa siya nang magdikit ang labi nilang dalawa. May kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao niya dahil sa magkadikit na labi nila. Napakalambot ng labi ni Yohann kaya sa kagustuhan ay mahinang kinagat niya ang ibabang labi nito. May init na kumalat sa buong pagkatao niya ng marinig niyang umungol si Yohann dahil sa pagkagat niya ng labi nito. Pero bago pa ito makapagreact ay mabilis siyang umalis sa pagkakakandong rito at tumakbo pababa ng hagdan. Bawat pagbaba niya ng hagdan ay kasabay narin ang pagkarinig niya ng kabog bg kanyang puso. Malaking pasasalamat niya at hindi siya nahulog sa hagdan. "O iha, dahan dahan lang baka mahulog ka." nagtatakang bungad ni yaya Rosa sa kanya ng malapit na siyang makababa. Alam niyang sa oras na iyon ay pulang pula na ang kanyang mukha sa hiya. "A-aalis na ako ya,susunduin ko pa kasi si kuya sa airport." Nauutal na paalam niya dito. "O sige mag-iingat ka ha." Nagtatakang wika nalang nito. "O ba't namumula ka?" Nagtatakang bungad ni Crista sa kanya. Naabutan niya itong nanunuod sa sala nila. Mabilis niyang sinara ang pinto at tumili. "Hoy ano bang problema mo?!" Gulat namang napatayo ito sa ginawa niya. "Crista." Kinikilig na hinawakan niya ang kamay nito. Nang hindi siya makontento ay niyugyog pa niya ang kaibigan. "Ano ba?! Kung hindi mo pa sasabihin tatadyakan talaga-" "Hinalikan ko si Yohann." kinikilig pero natatawang bulalas niya. Kagat kagat niya pa ang ibabang labi niya dahil sa kilig. Medyo nahimasmasan na siya sa ginawa niya. Namilog naman ang singkit na mata nito sa sinabi niya. "Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito. Tumango nalang siya. Sa wakas first kiss niya si Yohann! Malakas namang napatawa ito. "Sayang wala ako dun, navideohan ko sana." Tawa parin ito ng tawa. "Anong sabi ni Yohann?" Ngumisi siya. "Wala. Nagulat siya eh. Kinabahan ako kaya tumakbo na ako pabalik rito." "Ang lakas talaga ng loob mo." Tawa parin ito ng tawa. "Ano kaya reaksyon nun ngayon?" "Hindi ko alam. Pero kinakabahan ako eh." Bigla'y nag alangan siya sa kahihinatnan ng ginawa niya. Baka kasi lalong magalit na naman ang binata sa kanya. Baka mas bumagsik ang pagsusungit nito sa kanya. "Paano kung hindi na siya lalong pansinin ni Yohann?" "So nagsisisi ka sa ginawa mo?" "Hindi." Mabilis na sagot niya. Nakangiting hinawakan niya pa ang labi. Hindi niya pinagsisihan na si Yohann ang first kiss niya. Kahit saglit lang ang halik na iyon, hindi niya pinagsisihan dahil ramdam niya parin hanggang ngayon kung gaano kalambot ang labi ni Yohann. Ni hindi niya inaasahan na sobrang lambot ng labi nito. Lalo na noong kagatin niya ang ibabang labi nito. Namula na naman siya pagkaalala sa kalokohang ginawa niya. Malandi na kung malandi pero parang ang sarap halikan ulit ang labi ni yohann. Parang gusto niya ulit bumalik at nakawan ito ng halik. "Baliw ka talaga." Nangingiting naiiling nalang Ito. "Baliw kay Yohann." kindat pa niya sa kaibigan na ikinahalakhak nito. Maya maya'y napatingin siya sa orasan. "Oras na pala para sunduin natin si kuya. Hintayin mo ako at magbibihis lang ako." Dali dali siyang umakyat sa kanyang kwarto para magbihis. Habang naghahanap siya ng maisusuot ay napabaling siya sa bintana ng kanyang kwarto. Magkatapat kasi ang kwarto niya at kwarto ni Yohann. Noong lumipat sila dito ay ito talaga ang pinili niya dahil nalaman niyang katapat ng kwarto na ito ang kwarto ni Yohann. "Ano kaya ang ginagawa nun?" kunot noong inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa bintana niya at pilit na tinitignan si Yohann. Nakaupo ito at halatang may tinititigan sa cellphone Ito. Halatang tinititigan nito ang cellphone nito dahil hindi naman niya ito nakikitang nagtataype o may kavideo call. Ganoon kalinaw ang mata niya para makita iyon. Ni hindi nga ito nagsasalita kundi nakatitig lang sa cellphone nito. Nang maisip na baka picture ng isang babae ang tinitignan nito ay mabilis niyang inayos ang kurtina ng kanyang bintana. Para siyang tinutusok ng patalim habang iniisip iyon. "Erase erase erase! Ang ganda na ng mood mo wag mo ng papangitin!" Dahil doon ay mabilis siyang nagbihis at bumaba. Nakataas ang kilay na pinasadahan siya ni Crista ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatingin naman siya sa suot niyang maong short short at plain white vneck tshirt. Nakaflip flops lang din siya. Simple lang ang suot niya kumpara dito na akala mo may date samantalang susunduin lang naman ni ang kuya niya sa airport. "Yes?" Nakapameywang na tinignan niya rin ito mula ulo hanggang paa. Nagpalit rin ito ng damit sa guest room nila, iyon siguro ang laman ng hawak nitong paper bag kanina. Nakasuot naman ito ng puff short sleeve dress floral na color pink. Sinamahan naman nito ng color white doll shoes. Mas lalo itong naging cute sa paningin niya. Para kasi itong artista sa Korea. Ready na ready ang loka. Nginisihan niya ito. "Ayos na ayos ah, saan ang lakad mo miss? Mang aakyat ka na rin ba ng ligaw kagaya ko?" Namula naman si crista sa sinabi niya. "Ang sexy mo." Pang-iiba nito. Nagulat nalang siya ng biglang paluin nito ang pwet niya. "Hay naku, huwag mo akong bolahin. Akala mo ba libre ang pagsama mo sakin sa pagsundo kay kuya? Ililibre mo ako sa favorite kong jolibee." "Oo na." Nakangiting magkahawak kamay na lumabas sila. Napatigil siya saglit dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Wala sa isip na napaangat siya ng tingin sa bandang kwarto ni Yohann at nagulat siya ng makita itong nakadungaw sa kanila. Nagulat din ito ng mahuli niya itong nakatingin sa kanya pero maya maya'y biglang kumunot ang noong pinasadahan siya nito ng tingin. Para itong galit. Naalala siguro nito ang ginawa niyang paghalik dito dahil napansin niya ang pagdilim Ng mukha nito. "Halika na Sammy, baka matraffic pa tayo." Tumango nalang siya at sumakay na sa kotse. Tska na muna niya iisipin ang binata dahil magdadrive pa siya. Habang nasa waiting area sila sa airport ay kanina pa napapansin ni Sam na panay ang tingin ng dalawang lalaki sa kanila sa di kalayuan. Nagtutulakan pa ang mga ito. Hindi nalang niya pinansin ang dalawa at nilingon nalang ang kaibigan na halatang kinakabahan. "Relax babe, mapaghahalataan ka niyan eh. Chill ka lang. Kabang kaba ka naman, si kuya lang yan." Pagkasabi niya nun ay medyo kumalma na ito. Binuksan nito ang cellphone nito para malibang. Napangiti naman siya ng matanawan ang kuya sa di kalayuan. "Diyan ka lang huh." Paalam niya dito sabay tayo. Tumango lang ito dahil busy na ito sa paglalaro ng gardenscapes. Hindi tuloy nito napansin na paparating na ang kapatid niya. Habang sinasalubong niya ang kapatid ay napansin niyang seryoso ito. Parang mainit ang ulo ng kapatid niya. "Welcome back kuya!" nakangiting niyakap niya ito. Niyakap naman siya ng kapatid pero saglit lang dahil nasa iba ang tingin nito. "Si pinky yun diba?" kunot noong sabi nito. Napalingon naman siya sa kaibigan. Nagulat pa siya ng makita ang dalawang lalaking kanina pa niya napapansin na nagtutulakan. Kinakausap na ng mga ito ang kaibigan niya. "Hindi ba obvious kuya? Hindi naman nag iba ang mukha niya." "Kilala mo ba yung dalawang lalaking kasama niya? Bakit iniwan mo siyang mag-isa doon?" seryosong tanong nito. "Hindi namin kilala-" naputol ang iba pa niyang sasabihin ng maglakad na ito patungo kay Crista. Mabilis naman niya itong sinundan. "Mukha kasing nalove at first sight yung kaibigan ko sayo miss." Rinig niyang wika ng isang lalaki sa kaibigan niya. Habang ang isa naman nitong kasama ay parang nahihiya pa. "Hi pinky!" Nakangiting nilapitan ng kapatid niya si Crista. Nagulat naman si crista ng makita ang kuya niya. Pinamulahan pa ito ng mukha ng akbayan ito ng kapatid niya. Palihim siyang papangisi. Tiyak na kinukuryente na ito sa kilig. "Let's go?" Nakangiting sabi ni Kuya Clyde kay Crista pero parang may iba sa ngiti nitong hindi niya mawari kung ano. Hinila na nito ang kaibigan niya. "Pero miss-" Hindi na natuloy ang iba pang sasabihin ng lalaki nang lumingon ang kanyang kapatid. Isang nakakamatay na tingin lang ang ginawa ng kapatid niya at namutla na ang dalawa kaya mabilis na umalis ang mga ito. Mabait ang kapatid niya pero kapag nagalit ito ay mapapatras ka talaga. At hindi niya alam jung anong dahilan kung bakit mainit ang ulo nito. It's either may naging problema ito sa trabaho o nagselos ito sa nakita. Hmmmm.... "Pero posible kayang nagselos ito o Guni guni niya lang? Kung may gusto ito kay Crista, dapat nagpakita na ito ng motibo noon pa." "Next time, don't talk to strangers Pinky, especially to men. You don't know what they were thinking, it might get you into danger." Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng kapatid Kay crista. Napapaisip talaga siya. Kasalukuyan na silang nasa loob ng sasakyan at siya ang nagdadrive. Magkatabi ang dalawa sa backseat na pabor naman lalo sa kaibigan. Ginawa pa talaga siyang driver ng dalawa. Sumabat baman siya sa kapatid. "Ang OA mo kuya ha? Ang daming tao sa airport. Kung ako naging lalaki at gagawa ng masama,yung walang makakakita." Natatawang katwiran niya sa kapatid. Habang si Crista ay tahimik lang na nakikinig. Dahil ata sa tuwang pagkakita sa kuya niya ay napipi na ito. "At Baka nakakalimutan mo, lahat kaming magkakaibigan marunong sa self defense?" dugtong pa niya. Bata palang sila ay inenroll na sila bg kani kanilang magulang sa taekwondo at judo class. Kahit ngayong nasa college na sila ay minsan bonding na nilang magkakaibigan ang pagpractice ng self defense. "It's better to be safe." She rolled her eyes. "Hay naku, oo nalang." "Are you okay pinky?" Napatingin naman siya agad rearview mirror ng kotse. Natatawa talaga siya sa kaibigan. Para itong naputulan Ng dila. "Oo kuya Clyde." Sa wakas nakita niyang ngumiti at tinignan na ng kaibigan ang kapatid niya. 'Kuya' ang tawag nito sa kapatid niya para daw hindi mahalata ng huli na may gusto ito dito. Pero kapag sila silang magkakaibigan ang magkakasama, Clyde lang ang tawag nito sa kuya niya. Tumango tango naman ang kapatid. "Why Jennie isn't here?" Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa. "May biglaang date yun." "Oh I see." Binalingan naman siya ng kapatid. "Sammy." "Bakit kuya?" "Did mom told you that we have an outing this coming Friday?Until Sunday daw." Mabilis naman siyang humarap sa kapatid. Buti nalang at kakared light lang. "Talaga?"excited na wika niya. "Wala pang nababanggit sila mama sakin." "Well ,kaya napaaga ako ng uwi dahil may outing nga daw tayo. Sa beach house nila Yohann sa Batangas mag-i stay." Makahulugang namang ngumiti siya sa kaibigan. "Pwede bang isama ang mga kaibigan ko?" "Why not? The more the merrier." Napahiyaw naman silang dalawa ni Crista sa excitement. Nagulat nalang siya ng may nagbeep sa likod. Pagtingin niya sa harap ay nakagreen light na pala kaya mabilis na pinaandar niya ang sasakyan. "Pwede bang magsama ang manliligaw?" wika niya. "Bakit may manliligaw ka na? Isama mo ng makilatis ko." "Hindi ako. Manliligaw ni Crista ang tinutukoy ko." Pinagmasdan niyang mabuti ang reaksyon ng kapatid. Pero natawa siya ng makitang biglang inubo ang kaibigan. Nagulat siguro ito dahil sa sinabi niya. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang pinandidilatan siya nito ng tingin. May masugid kasing manliligaw ito. Law student sa kanilang campus. Gwapo ito at kilala sa campus nila. Kung pwede lang kasing dito nalang ito magkagusto kaysa sa kapatid niya dahil masyadong babaero ang kuya niya. Kaya lang wala siya sa posisyon na ipilit na sa iba nalang ito magkagusto. "May manliligaw ka na pinky?" Tanong naman ng kapatid. "Ano bang klaseng tanong yan kuya? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung gaano kacute yang kaharap mo? Malamang mayron at mayroong manliligaw diyan." Siya nalang ang sumagot dahil alam niyang hindi alam ng kaibigan ang sasabihin. Biglaang magsabi ba naman siya ng ganoon. "Si crista lang ang pwedeng sumama at mga kaibigan mo. No suitors allowed." Bumaling ito sa kaibigan niya." At ikaw naman pinky. " "Bakit kuya?" "Sa susunod na pumunta ka sa bahay, isama mo yang sinasabi ni Sammy na manliligaw mo, nang makilatis ko." Napangisi siya at napataas Ng kilay "Kikilatisin mo kung pareho kayong babaero?" Pang aasar niya sabay tawa. "Tumahamik ka nga diyan . Magdrive ka nalang." Inis na wika nito at pumikit. "I'll just take a nap." "Ooowkay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD