CHAPTER 4

4060 Words
Napagpasyahan ni Samantha na tumambay muna sa bahay nila Crista pagkatapos niya itong ihatid. Nakapag dinner narin sila at kasalukuyang nanunuod ng horror movie. Pasado alas once na ng gabi pero wala pa siyang balak umuwi. "Nakakapanuod ka pa ba niyan? Kanina ka pa takip ng takip ng mata diyan, samantalang wala pa namang multo na lumalabas." Natatawang puna niya kay crista. "Kailangan ko pa bang hintayin na may lumabas?" Lukot ang mukhang binalingan siya. "E di sana hindi ka nalang nanuod." "E di sana iba nalang ang pinili mong palabas. Alam mo naman ayaw ko ng horror." Nginisihan niya lang ang kaibigan. "Ako ang bisita mo kaya dapat ako ang masusunod kung ano ang papanuorin natin." "Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na." Kunwaring nagtatampong tinitigan niya si Crista. "Pinapaalis mo na ako? Ayaw mo ba akong magtagal pa rito?" Ang totoo niyan ay parang gusto niyang makitulog dahil tinatamad na siyang magmaneho pauwi. Crista rolled her eyes. "Hindi naman sa ganun. Delikado na kasi pag ganitong oras. Baka nagtataka na ang kuya at magulang mo kung bakit hindi ka pa umuuwi." "Nagmessage na ako sa kanila na late ako makakauwi." Paliwanag naman niya. "Dito ka nalang kaya matulog? Tutal anong oras na." Suhestyon naman nito. Kuminang agad ang mata niya sa sinabi nito. Matagal tagal narin kasi ang huli niyang nakitulog rito. "Sige dito na ako matutulog. Tara na, shower na tayo." Aya niya sa kaibigan pero tinaasan lang siya nito ng kilay. Pinause niya muna ang pinapanuod nila. "Mauna ka na. " Tumayo ito at tinungo ang wardrobe nito saka naglabas bg pink na satin night dress. Inihagis nito iyon sa mukha niya dahilan para mapanguso siya. Kumuha rin ito bg disposable panty. "Yan nalang suotin mo. Mauna ka ng maligo." Nakakalokong nginisihan niya ito saka tumayo. "Ayaw mo akong sabayan?Halika na sabay na tayo." Inginuso niya pa ang dibdib nito. "Hindi ko naman yan aagawin no? Meron ako niyan, mas malaki pa kumpara sayo." Tumatawang biro niya pagkatapos ay inginuso rin ang maselang ibabang parte ng katawan nito. " At saka yan. " Akmang tatanggi pa si Crista ng hilain na niya ito patungong banyo. Wala na itong nagawa at hindi na pumalag pa. Pagtapos nilang maligo at magbihis ay agad niyang tinungo ang kanyang cellphone dahil nakita niya iyon na umiilaw. Nakalapag lang iyon sa bedside table at nakasilent mode Nagulat man ay hindi niya napigilang mapangiti ng makitang si Yohann ang tumatawag. Nagtataka siya dahil dis oras na ng gabi ay tumatawag ito sa kanya, na hindi naman nito ginagawa. "Hel- "Where the f**k are you?" Agad namang nangunot ang noo niya sa seryosong boses ni Yohann. Parang galit pa nga. Ano na naman ba ang nagawa niya? Bakit siya nito hinahanap? Alam ba nito na wala siya sa bahay nila? Unti unting lumawak ang ngiti sa labi niya. "Kuya, ikaw ba yan?" Biro niya. "f**k Samantha! Stop joking around!" Ngumuso siya kahit hindi nito nakikita. "E kasi naman makapagsalita ka parang ikaw ang kuya ko. At saka paano mo alam na wala ako sa bahay? Ooyyyy, ang Mahal kong Yohann, namimiss mo ako no? Hindi ko alam na minatyagan mo ako hanggang sa bahay." Aniya na parang kinikiliti sa kilig. "Sige na nga , I miss you too bebe. " "Tsk! Nasaan ka ba?" "Hindi mo alam?" "Why would I waste my time asking you if I know! Stupid." "E kasi naman hanap ka ng hanap sa akin, nandiyan lang naman ako sa puso mo." Silence..... Maya maya pa ay narinig niyang nagmura ito. "Bakit mo ba kasi ako hinahanap?" Tanong niya. "Sorry naman Mahal ko kung namiss mo ako agad. Sige next time hindi na ako magpapamiss, huwag ka ng mainis diyan." Biro niya ulit. Ang init init kasi ng ulo. Lumapit sa kanya si crista. "Sino Yan?" Crista mouthed. "Si Yohann." She mouthed back. Kinikilig pa siya ng sabihin iyon sa kaibigan. Napangiti naman si Crista. "I -i need your notes in finance. I forgot to take notes earlier." "Ng ganitong oras? Di nga? O Baka naman- namiss mo yung kiss ko? You want me to kiss you again? So you can have your goodnight sleep? What do you want? Smack kiss? French kiss? Torrid kiss? O gusto mo lahat?" Kagat labing biro niya. Alam naman niyang hindi siya tatawagan ni Yohann kung talagang may notes ito. Nang balingan naman niya si Crista ay tinatakpan nito ang bibig gamit ang palad , halatang nagpipigil matawa sa pinagsasabi niya. "Wala talagang matinong lumalabas diyan sa bibig mo. Nasaan ka at susunduin kita. I need your notes. NOW. So tell me where the f**k you are." "Pilitin mo muna ako." Pabebeng wika niya. "ISA." Napabuntong hininga Siya. "Tawagan ko nalang si kuya. Finance lang naman kailangan mo diba? Nasa bahay naman yun. Ipapakuha ko nalang sa kanya. " Saglit na natahimik si Yohann, akala pa nga niya ay ibababa na nito ang tawag nang muli itong magsalita. "Wala si kuya Clyde. Umalis. Nakita ko kanina." "Umalis? " Ganoon nalang ang pagtataka niya. "E may jet lag pa yun." "Marunong ka pa sakin? E ikaw ang wala Sa bahay niyo." "Sabagay." Sabi nalang niya. Siguro nagpunta na naman sa bar ang babaero niyang kapatid. "Tawagan ko nalang sila mama, para siya nalang magbigay sayo ng notes ko." "Don't do that. Baka tulog na sila tita. At saka pwede ba Samantha? Susunduin na nga kita diba? Nasaan ka ba ng makuha ko na yung notebook mo? Hindi mo ba alam na may test tayo sa finance bukas?" Binalingan niya si crista na matamang nakamasid lang sa kanya. Hindi niya alam na may test sila bukas. "Babe, may test daw - Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil kahit hindi nakaloud speaker ay malakas na naririnig niya ang boses ni yohann. " Sino Yun? May kasama kang lalaki Samantha?" "Ha? Wala." "Bakit sabi mo 'babe?" Wala sa sariling napangiti siya. "Diba nga babe ang tawag ko kay Crista? Bakit? Selos ka?" "Tsss.. why would I? So, nandiyan ka kina Crista?" "Oo. " "Dala mo sasakyan mo?" "Yes- " Naputol na naman ang sasabihin niya ng mawala na sa kabilang linya si Yohann. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya at mukhang matutulog na ito. Gusto pa naman niya itong kausapin ng matagal. Malakas na nagbuga siya ng hininga at patalong humiga sa kama ng kaibigan. Humiga rin ito sa tabi niya. "Akala ko pa naman tumawag si Yohann sa akin dahil namimiss niya ako. Notes ko lang pala ang kailangan niya. " "Notes? At kailan pa hindi nagtake notes si Yohann?" "Ngayon. Siguro wala siya sa mood kanina magsulat." Nang lingunin niya si Crista ay nakangisi ito. "Anong nginisi ngisi mo diyan?" "Baka naman dahilan niya lang yun? Tapos gusto ka lang makita?" Tudyo nito. Kung sana lang... Napabuntong hininga na naman siya. "Imposible. Kung may gusto sakin si Yohann , Hindi niya ako laging sinusungitan. Lagi pa nga ako ipinagtatabuyan diba? Pag nagtatapat ako sa kanya lagi siyang naiinis. " Para naman siyang timang na biglang napangiti. "Para siyang babae, pakipot." "Huwag mo nga muna siyang pansinin. Ang rupok mo kasi. " Tinawanan lang niya ang sinabi ng kaibigan. "Eh si kuya nga, kahit alam mong babaero sige ka parin sa pagkagusto sa kanya. Mas marupok ka sakin." nginisihan niya pa ito . At dahil sobrang puti ni crista ay halatang halata ang pamumula sa pisngi nito. "Mabait kasi ang kuya mo sakin , kaya ang hirap pigilan ang pagkagusto ko sa kanya. " "Pero babaero. Dapat turn off na yun sayo. Ang Yohann ko kahit masungit at parang laging may dalaw, hindi babaero. Hindi pa nga yun nagkakagirlfriend hanggang ngayon." Iyon ang dahilan kung bakit kahit anong panunulak na gawin ni Yohann sa kanya ay hindi niya ito sinusukuan. Fourth year college na sila pero ni isa ay wala pa itong niligawan. Kumbaga no girlfriend since birth. Parehas sila kaya naman bagay na bagay sila. Nang hindi na umimik pa si Crista ay niyakap niya ito. "Pero huwag kang mag alala, ako ang bahala sayo sa darating na outing. Sisiguraduhin kong makakasama mo si kuya." Nakakalokong nginisihan niya pa ito. May naisip na siyang paraan para magkasama ang kapatid niya at si Crista ,syempre para makasama rin niya si Yohann. It's a win-win. "Ano namang binabalak mo?" May pagdududang tinitigan siya nito. "Basta. Just leave it to me. " Ilang sandali pa silang nag kwentuhan ng makita niya ang cellphone niya na umiilaw na naman. Napangiti siya. "Bakit mahal- " Labas ka. Nandito ako sa gate." Agad na nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Di nga?!" Gulat na gulat na bulalas niya. Hindi niya inaasahan na pupuntahan talaga siya nito dahil lang sa notes. "I'm waiting. " Nang patayin ni Yohann ang tawag ay agad siyang bumangon at nagtititili. "Bakit?" Takang taka namang tanong ni crista . Napabangon rin ito dahil sa pagtili niya . Nginitian niya ito ng pagkaluwang luwang. " Uuwi na ako. Nandiyan si Yohann sa baba. " Excited na wika niya Namilog agad ang singkit na mata ni crista. Halatang hindi rin ito makapaniwala. " Di nga? Hindi ka na matutulog dito?" Sunod sunod na tumango siya at tumayo na. Kinuha niya ang paper bag na naglalaman ng suot niya kanina. "Aalis ka ng ganyan ang suot mo?" Tanong nito at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. Naka-satin night dress kasi siya. "Alangang isuot ko pa ito?" Itinaas niya pa ang paper bag na hawak hanggang sa biglang kuminang ang mata niya. "Akitin ko kaya siya? Palagay mo, effective kaya?" Natatawang umiling lang ito. " Baliw ka talaga." Itinulak siya nito." Sige na , bumaba ka na, baka mainip pa ang mahal mo. Hindi na kita ihahatid sa baba, tinatamad ako. Lock the door okay?" "Okay bye." Kinindatan niya ang kaibigan saka lumabas na sa silid nito. Habang pababa ay iniisip niya kung ano ang gagawin para magpapansin kay yohann. Gahasain ko kaya? Umiling iling siya. Hindi pwede. Baka lalo siyang lumayo. Halikan niya nalang kaya itong muli? Nawala sa isip niya ang binabalak ng paglabas niya sa bahay nila Crista ay agad na nakita niya si Yohann. Nakatalikod ito kaya hindi siya nito nakita. Habang palapit na siya sa gate ay napansin niyang wala ang sasakyan nito. Saka lang lumingon si Yohann ng marinig nito ang pagbukas niya ng gate. "Nasaan ang sasakyan mo?" Agad na tanong niya pero hindi iyon sinagot ng binata. Nakatulala lang ito habang nakatitig sa kanya. Pagkalipas ng ilang segundo ay parang natataranta na hinubad nito ang suot suot nitong jacket. "Damn it! Bakit ganyan ang suot mo?!" Galit na bulyaw nito , palinga linga pa sa paligid pagkatapos ay madaling madaling ipinasuot nito sa kanya ang jacket. Takang pinanood niya lang ang binata, nagtataka sa inaasal nito . "Dito kasi ako dapat matutulog mahal, kaya lang bigla mo akong namiss at pumunta pa talaga dito. " Agad na nalukot ang mukha nito sa sinabi niya. " Hindi kita namiss okay? At bakit mamimiss kita? I just need your notes that's why I'm here." Bigla na naman siya nitong pinanlisikan ng mata pero nginitian niya lang ito ng matamis. "At bakit hindi ka man lang nagpalit ng damit? Ni wala ka man lang suot na ..s-suot na... "Bra?" Natatawang pagpapatuloy niya sa sinasabi nito . Hindi kasi nito iyon matuloy tuloy. "Okay lang naman mahal. Ikaw lang naman ang hahayaan kong makakita nito. Sayong sayo ang boobies ko." Mula sa ilaw ng poste ay kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito . "Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sayo." "E di mahalin mo. " Hindi siya nito inimikan bagkus ay inilahad ang kamay sa harap niya. Lantarang kinilig naman siya sa harap nito at siya na mismo ang nakipagholding hands sa binata. Napanguso siya ng alisin nito ang kamay nilang magkahawak. " Give me your key. Nagcommute ako papunta rito. I'll drive your car . " "Ako nalang kaya sakyan mo?" Biro niya "Samantha!" Bulyaw nito , may pasabunot sabunot pa sa buhok na nalalaman. Halatang nagtitimpi na . "Init Ng ulo. " Natatawang kinuha nalang niya sa paper bag ang susi ng sasakyan at ibinigay rito. Hinila na siya nito at inis na pinagbuksan siya ng pintuan. Kahit nagsusungit ay gentleman parin. Habang nasa biyahe ay walang imik si Yohann. Mapapanisan sila ng laway kaya nagsalita na siya. Hindi niya kaya ang ganoong katahimikan. "May test ba talaga tayo bukas? Bakit hindi ko alam? Kahit si crista hindi alam." Napasimangot siya ng hindi man lang siya nito sinagot , ni hindi man lang nilingon. "Siguro wala talagang test no? Miss mo lang akong makita kaya pinuntahan mo ako no? Huwag ka na kasing pakipot sakin . Sabihin mo lang na gusto mo rin ako para tayo na. Para naman magsyota na tayo. Sige ka, baka iba nalang ang syotain ko. " "SHUT UP." "Sus , pakipot ka pa kasi. " "Can you just shut up? Gutom ako Samantha kaya tumahimik ka. Ang ingay mo." "Gutom ka?" Tumango lang si Yohann pero hindi siya nilingon.Nakapila narin ang sasakyan nito sa drive thru. Agad naman niyang inadjust ang kanyang kinauupuan kaya naman para na siyang nakahiga. "What are you doing?" Kunot noong tanong nito . Halatang nagtataka sa ayos niya kaya naman nakakaakit na nginisihan niya ito. Tinapik niya ang p********e niya na natatakpan ng suot niyang night dress. "Gutom ka diba?Come here baby , come on , eat me...... " Sinamahan pa niya ng nakakaakit na boses. Mariing kinagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pag alpas ng kanyang tawa. Kulang nalang ay malaglag na ang panga ni Yohann dahil sa ginawa niya. Ang singkit na mata nito ay nanlalaki rin. Gusto niyang humalakhak sa itsura nito dahil binibiro lang naman niya ang binata. Masyado kasing masungit. Akala mo nagmemenopause na. Pero ganoon nalang ang gulat niya nang paghahampasin ni Yohann ang manibela. Nagtataas baba rin ang dibdib nito sa matinding galit? "What the f**k Samantha! " Galit na hinila nito ang kamay niya saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. Medyo napadiin iyon kaya bahagya siyang napangiwi. Oopppss.... "Y-yohann. Ano ba... I'm sorry okay? Bat ka ba galit?" "Tell me Samantha, do you have a f*****g boyfriend?" Madiing tanong nito na ikinagulat niya. Kinakabahang tumawa siya. Bat ba galit na galit ito? "Wala akong boyfriend Yohann. " Pilit na nginitian niya ito. "Ikaw palang ang magiging boyfriend ko kung sakali." "Are you still a virgin?" Kasing lamig pa sa yelong tanong nito. "O-oo naman. " "Then why are you like that?! You're acting the opposite! Yang mga pinaggagagawa mo parang may karanasan ka na! Pati yang mga pinagsasabi mo! Damn it!" Kinakabahang napalunok siya. Hindi niya talaga maisip kung bakit galit na galit ito. "Sayo lang naman ako ganito Yohann. Pero sige, Sorry na , huwag ka ng magalit. Kung gusto mo ibibigay ko na sayo ngayon virginity ko para maniwala ka. " Sinamaan lang siya nito ng tingin. Importante pa ba rito kung virgin siya o hindi? "Does it bother you if i'm not a virgin?" Kitang kita niya ang paghigpit ng kamao nito sa manibela. "NO." "Weh? Bat ka galit? Medyo oa pa ha? Kaloka." "That's because you always said you love me. Tapos Akala ko nakikipagkita ka sa ibang lalaki. Tapos... Tapos... " Hindi nito matuloy tuloy ang sinasabi. " Tapos?" "Tapos akala ko may nangyayari sa inyo." Parang iritang irita itong tinitigan siya. "Stop doing that. Kung makaasta ka parang ang dami dami mo ng karanasan!" Ngumuso siya. "Sayo lang naman ako ganito. At saka bat ganyan ka makapagreact ngayon? May pasabi sabi ka pang tigilan kita diba?" Pagbulong bulong na wika niya. Pinaandar na nito ang sasakyan dahil kanina pa sila binubusinahan ng nasa likuran nila. "Uy binibiro lang naman kita. Ang layo naman kasi ng narating ng imagination mo hanggang north pole. Ako magkakaboyfriend? Kung gusto mo ikaw nalang boyfriend ko." Tinaas baba pa niya ang kanyang kilay. "Para hindi ka na magselos." pagngiti ngiting tinusok tusok pa niya ang bewang nito. "Tumigil ka nga... Hindi ako nakikipagbiruan sayo Samantha ha? at isa pa , hindi ako nagseselos, akala mo lang yun. " Nang makapag order at nakuha na ni Yohann ang take out nito ay iginilid muna nito ang sasakyan. "Mukhang gutom ba gutom ka ah " puna niya. Paano ba naman kasi? Sunod sunod na sumubo ito, parang walang hinga hinga. " Hindi ka ba naghapunan?" Natigilan ito saka siya tinitigan. Ilang segundo iyon pagkatapos ay ibinalik ulit sa pagkain ang atensyon. Iniaabot nito sa kanya ang aloha burger pero umiling lang siya. "Sayo ako natatakam." wala sa sariling itinikom niya ang bibig dahil sa nasabi. Wala talagang preno ang bibig niya. Kinunutan siya ng noo ni yohann pero hindi na ito nagsalita pa. " Pakagat nalang. " Sabi niya kapagkuwan. Tumigil sa pagkagat si yohann at nilingon siyang muli. At dahil makulit at hindi niya mapigilan ang sarili ay Inilapit niya ang katawan rito at nang aakit na ngumanga. "Aahhh..." Halos isalpak naman ni Yohann ang burger sa bunganga niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo. " Hindi na siya nakapagsalita pa dahil punong puno ng pagkain ang bibig niya. Nagpatuloy narin ito sa pagkain . "Hintayin mo ako rito, kukunin ko lang sa taas ang notes ko. " Aniya paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Walang imik na tinanguan lang siya ni Yohann. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nagulat pa siya ng makita ang kuya Clyde niya na nasa kusina. Umiinom ito ng malamig na tubig. Nakasuot ito ng pantulog at gulo gulo pa ang buhok. "Ang aga mo umuwi kuya ah?" Takang puna niya at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Nilingon naman siya ng kapatid. "Ha?" "Wala. " Mukhang hindi nito narinig ang sinabi niya. Pagkakuha niya ng notes ay mabilis din siyang bumaba at pinuntahan ang binata. Nakatayo na ito sa gate nila at inaabangan siya. Nginitian niya ito saka niya inalis ang jacket nito. Nakita pa niyang sunod sunod itong lumunok. "Salamat pala dito sa jacket mo." Aniya at ibinigay rin ang notebook niya rito. "O ayan. Bukas nalang ako magrereview. Pero sigurado ka ba talagang may test tayo bukas? " Umakto pa siyang nag iisip. Hindi niya kasi talaga maalala na may test sila bukas. "Bat mo hinubad yan?" Sita ni yohann sa kanya. Palinga linga na naman ito sa paligid saka inis na isinuot ulit sa kanya ang jacket nito. "Bukas mo na isauli yan sakin. At saka huwag ka ngang kampante na labas ng labas na ganyan ang suot." "Wala namang tao eh. " Pagdadahilan pa niya. "Kahit na!" "Bat ba ang init ng ulo mo?" Umiwas ito ng tingin. "Kasalanan mo " "Kaya kong paalisin yang init ng ulo mo." Nilingon siya pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay. "Kung kalokohan- Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin sa pamamagitan ng paghalik rito sa labi. Saglit lang iyon at umabot lang ng tatlong segundo. Nakangiting tinalikuran na niya si yohann na natulala sa ginawa niya. "Bye mahal kong yohann. Dream of me. " Tudyo niya saka pumasok na sa bahay. Friday... Nang makita ni Sam na papalabas na ng gate si Yohann ay dali dali siyang bumaba bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng mga damit niya para sa family outing nila. Ilang araw lang ang nakalipas nang sunduin nila ang kapatid niya, ngayon ay outing na nila at lahat silang magkakaibigan ay excited. Medyo padilim narin dahil tinapos muna nila ang klase bago umalis papuntang Batangas. Pero bago iyon ,Binuksan muna niya ang kwarto ng kapatid. "Kuya dadaan dito si Crista, sayo nalang siya sasabay ha?" Mabilis na sabi niya sabay alis. Hindi na niya ito hinintay na makapagsalita pa dahil baka mauna na si Yohann at hindi na niya ito maabutan pa. Yun talaga ang balak nilang dalawa ni crista, na kunwari sasabay ito sa kanya pero ipapasabay niya ito sa kuya niya habang siya ay sasabay sa kanyang Mahal na Yohann. Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Yohann na bumalik sa loob ng bahay ng mga ito. Mabilis siyang lumabas sa ng gate pagkatapos niyang masilip si Yohann. "Sana bukas!" Piping dasal niya bago pasimpleng binuksan ang passenger seat. Piping tuwa naman niya ng hindi ito nakalock. Nakita niya rin sa backseat nito ang backpack ng binata. Nangingiti siya habang nakitang papalapit na ito sa sasakyan. Buti nalang fully tinted ang sasakyan nito at hindi nakabukas ang ilaw kaya hindi siya nito nakita. Nakatingin siya dito hanggang sa buksan na nito ang pinto pero hindi siya nito napansin dahil may kausap ito sa cellphone. "What the f**k!" Mura nito. Nagulat ito nang pagkasarang pagkasara nito ng pinto ng sasakyan ay nakangiting nabungaran siya. Natawa naman siya sa reaction nito. "Anong ginagawa mo dito?!" "Makikisabay." Kagat labing wika niya. "What happened?" Rinig niyang wika ng kausap nito sa cellphone. Hindi siguro sinasadyang napindot nito ang loudspeaker ng phone nito kaninang nagulat ito sa pagkakita sa kanya. Nabosesan baman niya ang nagsalita. Pinsan nito na si Lucas na boyfriend ni Sophia "May makulit na asungot. Sige kita nalang tayo mamaya . " "Okay." Tipid na sagot lang ni Lucas. Mabilis na pinatay ni Yohann ang phone nito at binalingan siya. "Diba may sarili kang kotse? Pwede ba Samantha,patahimikin mo ako kahit ngayon Lang? Bumaba ka na." "E sa gusto ko sumabay Sayo eh." Nginusuan niya pa ito. Para tuloy siyang ewan. Pag nanunuod naman siya ng Korean drama ay parang ang cute tignan ng mga bidang babae pag nagpapacute sa mga leading man nila pero pag siya ,parang nasasagwaan ito sa kanya pag ginagawa niya iyon. "OUT." "Ayaw." "Hayst ,ang sakit mo talaga sa ulo!" Frustrated na ginulo nito ang buhok. Badtrip na naman . "Saang ulo ?Sa baba o taas?" Hindi niya napigilang bulalas. Hindi sinasadyang naituro niya rin ang "ISA" Pang ulo na nabanggit niya. Nanlaki ang mata niya ng marealize ang sinabi at ginawa niya. Napatakip tuloy siya ng bibig gamit ang dalawa niyang palad at parang gusto niyang ilubog ang sarili sa kahihiyan. Mabilis siyang pinamulahan ng mukha dahil sa ginawa. Bigla siyang natigilan habang nakatingin lang dito, hinihintay ang magiging reaksyon sa sinabi niya. Samantalang si Yohann ay nagulat din sa nasabi niya. Natameme ito at hindi agad nakapagsalita. "Ha ha ha, hoooo! eto naman hindi na mabiro." Pilit ang tawang sabi niya nang makabawi siya. />Namumula na talaga siya sa hiya sa nasabi niya. Pinaypayan niya pa ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. "Hoooo..." Pasimple niyang kinutusan ang sarili. Ilang segundo ng hindi umiimik si Yohann ng bigla itong umayos ng upo. "Saan mo na naman nalaman yang mga ganyang kalokohan Samantha?" Tiim bagang na tinitigan siya nito. Napasimangot naman siya sa galit na itsura nito. Akala mo napakalaking kasalanan ang nagawa niya. Totoo namang dalawa ang ulo nito. "Totoo namang dalawa ang ulo mo." bulong niya pa. "Samantha..!" Hindi makapaniwalang sigaw nito. Nanlalaki pa ang singkit na mata nito. "Kay Jennie." Sabi nalang niya sabay kamot sa pisngi niya. Totoo naman yun- Dahil sa pagiging playgirl ng kaibigan ay kung ano ano ang itinuturo nito sa kanya at sa iba pa nilang kaibigan. Puro kalokohan.. Namayani sandali ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang inis na nagbuga ng hining si Yohann at tahimik na pinaandar nalang nito ang sasakyan. Iiling iling pa ito at maya't mayang napapabuntong hininga . Lihim siyang napangiti. Buti nalang at hindi na siya nito pinalabas ng sasakyan. "Ang kulit mo talaga no?Next time ayos ayusin mo yang pananalita mo lalo na sa ibang tao. Huwag na huwag kang magsasabi ng mga ganung kalokohan lalo na kung lalaki ang kausap mo. Naiintindihan mo ba ako Samantha?" Parang matanda ito ng ilang taon kung pangaralan siya. Napatitig siya kay dito. Nakatiim bagang parin ito at pansin niya rin ang paghigpit ng kamay nito sa manibela. "Sorry na. Galit ka ba sakin Mahal kong Yohann? Huwag ka ng magalit sakin." Palambing ngunit seryosong wika niya. Hindi niya kasi ito maintindihan kung bakit ganun nalang ang galit nito sa nasabi niya. Joke lang naman iyon. Maya maya pa ay napansin niyang huminahon narin ito. Hindi na naman niya maiwasang titigan ang binata. Seryoso ito sa pagmamaneho kaya malaya niya itong tinitigan. Napakakinis talaga ng mukha nito, wala man lang kapores pores. "Stop staring at me." Biglang sabi nito kahit hindi nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD