Hindi niya ito pinakinggan at nagpatuloy sa pagtitig dito pero mabilis niyang ibinaling ang tingin sa bintana bg kotse ng maalala ang ginawa niyang paghalik dito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon pa siya nahiya, samantalang nakadalawang beses na niya itong ninakawan ng halik.
Naiisip pa kaya nito ang pagnakaw niya ng halik?
Buti nalang medyo dim light na ang loob ng sasakyan dahil alam niyang namumula na ang kanyang mukha.
Parang bigla siyang nainitan kahit nakatutok sa kanya ang Aircon.
"Magdrive thru tayo sa jolibee." Biglang Sabi niya ng matanawan niya ang jolibee na paborito niyang kainan.
Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom pagkatingin sa paborito niyang fastfood. Mahigit isang oras narin silang nasa biyahe at gutom na siya, at huling kain niya ay kanina pang lunch at ngayon ay madilim na.
Nang matapos makapagorder ni Yohann sa cashier ay mabagal na pinaandar na ni Yohann ang sasakyan papunta sa receiving counter, kaya naman tinanong niya ito. "Yohann, do you have map?"
"Why do I need that?" Kunot noong tanong nito na nagtataka sa tanong niya. "Sa beach house namin ang punta natin kaya hindi ko kailangan Yan. Alam ko kung paano pumunta sa sarili naming beach house Samantha."
"Ako Kasi kailangan ko." Kinagat kagat niya pa ang daliri niya para pigilan ang pagngiti. Hindi niya pinansin ang mahabang paliwanag nito.
Biglang dumilim ang mukha ni yohann at humigpit ang hawak sa manibela. "At saan ka naman pupunta?at kailangan mo pa ng map? Sinong kasama mo? Alam ba yan nila tita?"
Hindi niya pinansin ang sunod sunod na tanong nito bagkus ay unilapit niya ang mukha kay yohann at pinakatitigan ito. "It's because I'm lost, -without you." She said and winked at him.
Napanguso nalang siya ng mabilis na iniwas nito ang mukha at parang nagmamadaling binuksan na ang bintana para kunin ang order nila. Hindi man lang niya nakita ang reaksyon ni yohann.
"Ang Korny mo Kasi!" Sigaw ng isip niya. Oo na, Siya na ang korny, nabasa lang naman niya iyon sa isang site at gusto niyang bumanat ng mga lines kay Yohann.
"Thank you!" Nakangiting sabi nalang niya sa lalaking crew mula sa nakabukas na bintana ni Yohann pagkabigay bg order nila. Wala man lang kasing imik si Yohann pagkaabot nito ng order nila.
Yumuko naman ng bahagya ang crew para silipin siya sa passenger seat. "Welcome mam!" Ngumiti din ito pabalik at napangiti naman siya ulit pagkakita sa dalawang cute na dimple nito. Akmang kakaway pa siya nang inis na isinara na ni yohann ang bintana ng kotse.
"Tsk. "
Napataas ang kilay niya ng makitang nakasimangot na naman ito.
Bigla ay napaisip na naman Siya ng kalokohan. "Bat ang Sungit mo yohann?"
Silenced filled the air. Ni Hindi man lang ito nagsalita sa sinabi niya. Ngumuso siya. "Ang Sungit mo. Mag drive ka na nga lang . Bagay sayo maging driver."
Nang sandaling iyon ay naging masungit lalo ang ekspresyon sa mukha nito dahil Sa sinabi niya. "What?!"
Palihim nalang siyang napangiti sa sarili dahil sa reaksyon nito.
Nang umpisahan na nitong paandarin na ang sasakyan ay sinabi na niya ang nilalaman ng utak niya. "Bagay naman talaga sayo ang maging driver-
"-Can you please stop talking Samantha? Kahit ngayon-
"-Kasi ikaw ang nagpapatakbo ng buhay ko. " Dugtong niya agad .
Napangisi siya nang pasimpleng umubo ito sa sinabi niya, pero ang mas nagpangisi sa kanya ay ang pagkagat ni Yohann ng labi pagkatapos nitong marinig ang sinabi niya.
"Kinilig ba ang Mahal kong yohann? Hayaan mo araw araw kitang pakikiligin at-
"Stop talking because I'm driving Samantha. " Putol nito sa sinasabi niya . "Hindi ako makapagconcentrate dahil sa mga sinasabi mo."
"Hindi rin ako makapagconcentrate kasi ikaw lang laman ng isip ko."
Biglang sumayaw ang puso niya dahil kitang kita niya ang pagpipigil na ngiti ni Yohann. Sa wakas!
"Stop it Samantha. I'm driving okay?Baka mabangga tayo." Biglang sabi nito.
Napanguso siya. Mabilis na nagbago na naman ang itsura nito at naging seryoso ulit.
"Kung gusto mo ako nalang idrive mo mahal ko."
"f**k!"
Agad na napahawak siya sa kanyang seatbelt ng mabilis na igilid ni Yohann ang sasakyan.
"Damn it samantha! Kung Babanat ka ng mga ganyan , pwede pag hindi na ako nagdadrive?!" Minasahe pa ni Yohann ang ulo nito. "Puro kalokohan talaga yang nasa bibig mo."
Yumuko siya. "Joke lang naman Mahal ko. "
Narinig niyang bumuntong hininga ito kaya naman nag angat siya ng tingin.
Nakatitig na ito sa kanya kaya naman hindi niya napigilang ngitian ito.
"Alam kong maganda ako."
Yohann chuckled.
Mukhang hindi na ito badtrip sa kanya kaya naman ngumuso siya. "Pakiss nga." Lakas loob na biro niya.
Biro na ipinapanalangin niyang totohanin nito .
Umiling iling lang si Yohann at pinaandar na ang sasakyan nito.
Napabuntong hininga nalang siya. Siguro gutom narin Ito.
Kinuha nalang niya ang inorder nito. Pagkabukas niya ng binili ni Yohann ay inamoy niya muna iyon. Napapikit pa siya saglit sabay kuha ng fries.
Napagpasyahan niyang subuan narin si Yohann.
Matamis na nginitian niya ito dahil Hindi na ito nagpakipot pa.
Buti naman.
Kinikilig naman siya habang sinusubuan ito, para kasi silang totoong magjowa sa ginagawa at parang kinikiliti ang talampakan niya.
"Para kang baliw. Anong ngini ngiti mo diyan?" Saglit na nilingon siya nito.
"Wala." Sabi nalang niya. Baka pag may masabi na naman siya ay mainis na naman ito sa kanya.
Sasabihin sana niya ditong ang sarap nitong subuan. "Yohann pagod ka na ba?" She asked with concern on her face. Pero yung kakulitan niya, hindi na naman niya mapigilan.
"Nope."
Tumango tango siya at hindi inaalis ang pagtitig dito habang nagdadrive ito. Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang pag alpas ng ngiti sa labi bago muling nagsalita. Hindi talaga nagpapapigil ang utak niya sa kalokohan. " Okay. Akala ko kasi pagod ka na, kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko. Sa puso ko naman push-up ka ng push-up kasi nakabog ng malakas tong puso ko."
Nanlaki ang mata niya at mabilis siyang napahawak sa dashboard ng sasakyan ng biglang gumiwang ng kaunti ang sinasakyan nila.
"f**k!"
Napakamot nalang siya sa kanyang pisngi at ngumuso. Lumang pick up lines na iyon pero ganoon nalang ang epekto niyon kay yohann.
Nabadtrip na naman ata si Yohann sa banat niya.
"Kalokohan mo talaga Samantha! Nagdadrive ang Mahal mo babanat ka parin!" Sita ng isang bahagi ng Isip niya.
Hindi nalang siya umimik at nagpatuloy sa pagsubo at pagsubo kay Yohann, buti nalang at sumusubo parin ito kahit alam niyang badtrip na ito sa kanya. Itinikom nalang niya ang kanyang bibig, baka pag nagsalita ulit siya ng kalokohan ay mabangga na sila.
Baka mamatay nalang silang hindi man lang nagkakatuluyan.
Pagkatapos nilang maubos ang mga pagkain ay medyo nakaramdam siya Ng antok. Inadjust niya ang upuan at inaantok na nakatingin sa kawalan.
Napakunot noo si Samantha ng may mahinang tumatapik sa kanyang pisngi.
Pagmulat niya ay mukha ni Yohann ang nabungaran niya. Ramdam niya rin na nakahinto na ang sasakyan.
Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.
Napatitig siya dito at matamis na ngumiti sabay mahigpit na yumakap siya sa bewang nito .
Napakabango talaga ng Mahal niya, ang sarap amoy amuyin.
Pero tuluyan siyang nahimasmasan ng mahinang itinulak siya nito at pinitik ang ilong niya.
"Umayos ka na diyan kundi iiwan kita dito."
Ngumuso siya at yumakap ulit kay Yohann. Ayaw niya pa kasing bumaba at gusto niyang yakapin ito. Alam niyang nagiging aggressive siya pero wala siyang pakialam.
Ang paniniwala niya kasi sa sarili , chase your love because time is gold, because if you didn't do your best , you have no right to sulk in the corner when your love ones found someone else. But if you did your best to win the love of your life and still -he found someone else , you feel no regrets, because at least,you did your best.
Pinakatitigan niya muli si Yohann at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa bewang nito. "Iiwan mo ako?" She pouted her lips. " Kasi ako hindi kita iiwan."
Yohann cleared his throat and averted his gaze on her. " Isa samantha. Hindi Ka titigil?Halika ka na. Baba na tayo."
Inilapit niya ang mukha niya sa leeg nito at inamoy ang leeg ng binata. Nanuot sa ilong niya ang mabangong pabango nito. "Ang bango mo naman." She teased.
Pero ganoon nalang ang pagsimangot niya nang mahinang itinulak siya ni yohann.
"S-stop it Samantha. Please.... Bumaba ka na. " Masungit na anito. "Baka hindi ako makapagpigil sayo."
"Hindi kita pipigilan." Nakangiting sabi niya kahit hindi niya alam kung anong pagpipigil ang sinabi nito.
Parang nasamid naman ito na ewan dahil sa sinabi niya. "Ang kulit. " Anito saka biglang seryoso siyang tinignan Sa Mata. " Hindi ako nakikipagbiruan sayo Samantha. Konti nalang. Konting konti nalang talaga."
Nangunot ang noo niya .
Bakit Sa pandinig niya nag iba ang Boses nito? Parang Namamaos Ito na ewan
"Sungit." Bulong nalang niya sabay kuha sa bag niya.
"Anong sabi mo?" Ani Yohann.
Mabilis na nilingon niya ito at nginitian. Inilapit niya rin ulit ang mukha niya dito at mabilis na dinampian ito ng halik sa pisngi na ikinaestatwa nito.
Napangiti siya saka muling nagsalita. "Sabi ko, ang sungit mo, pero okay lang, mahal naman kita." Pagkuwa'y kunwaring pinaseryoso niya ang mukha. "Gusto mo ba talagang layuan na kita? Na tigilan kita ?" "Chos!'' aniya sa isip.
"H-ha?" Mukhang nagulat ito sa sinabi niya.
"Sabi ko jung talagang nakukulitan ka na sakin? Lalayuan na kita Yohann. Hindi na kita kukulitin at ititigil ko na ang paghabol sayo. Kung doon ka magiging masaya, sige. Ibibigay ko na sayo iyon. Tutal iyon naman talaga ang gusto mo, ang layuan na kita diba? Kaya para sa ikapapanatag ng loob mo-" Madamdaming hinaplos niya ang pisngi ng binata. "Wala ng mangungulit sayo. Hindi na kita gagambalain pa." Pagdadrama niya. Pero syempre joke lang. Hindi siya titigil hanggat hindi ito nagkakagusto sa kanya.
At dahil nakalapat ang palad niya sa pisngi nito ay naramdaman niya ang pag igtingan ng mga ngipin ni Yohann na ikinagulat niya. "Bakit ito galit? "
Kulang nalang ay magliyab sa apoy ang mata ni Yohann sa galit. Hinawakan nito ang kamay niya na nakalapat sa pisngi nito. "Bakit?" May diing tanong nito na ipinagtaka niya
"Ha?"
"Bakit titigil ka na? Narealized mo na ba na hindi mo talaga ako gusto? Dahil ba kay Albert? Anong meron kay Albert ha?!"
Hindi agad niya ito nasagot dahil nagulat siya sa naging reaksyon nito. At bakit napunta sa usapan si Albert? Kaloka!!!!
"Damn it Samantha! Sagutin mo ang tanong ko!"
"Bakit ka ba nagagalit? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sakin noong nakaraang araw? Ikaw ang nagtutulak sakin na layuan na kita diba?" Kinunutan niya pa ito Ng noo. "at bakit nadamay dito si Albert? Wala naman siyang kinalaman ah. Grabe ka yohann ah? Nananahimik yung tao nandadamay ka. Baka nabulunan na yun ngayon."
"Hindi dahil kay Albert kaya naisipan mong tigilan na ako? Wala kang gusto sa kanya? Wala kang gusto na ibang lalaki?"
Pinigilan niyang matawa. "Duh! Hindi Noh! Saang lupalop mo naman napulot yang sapantaha mo?Patawa ka Yohann. Bat naman ako magkagusto kay Albert eh ikaw nga ang hinahabol habol ko. Wala akong ibang lalaking ginusto, kundi ikaw lang."
"Good." Mahinang bulong nito.
"Anong good?"
"So, kung hindi si Albert ang dahilan, ibig sabihin ,- n-narealize mo ng h-hindi mo talaga ako gusto?" Nasa Boses nito ang pag aalangan.
Matamis na nginitian naman niya ito. "Hindi naman kita gusto Yohann."
Nakita niyang dumaan ang sakit sa mukha nito, pero hindi niya alam kung guni guni niya lang iyon dahil naging blangko ang ekspresyon nito pagkatapos. Tumikhim muna siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Mahal kita. " Aniya habang titig na titig rito.
Ang blangkong ekspresyon nito ay napalitan ng pagkagulat.
She giggled. "Bakit nagulat ka? Lagi ko naman sinasabi sayo yan diba? Anong nakakagulat?"
"R-really?"
"Oo. " Sagot niya at tinanggal na seatbelt. "Ewan ko ba sayo kung bakit parang ayaw mong paniwalaan ang sinasabi ko kahit totoo naman. O siya, bababa na ako kahal kong Yohann."
Mabilis na lumabas siya sa pintuan nang hindi na ito nililingon pa habang nakapaskil ang ngiti sa labi niyang naglakad papunta sa beach house ng mga ito.
"You will be mine Yohann."