CHAPTER 13 SPG

3210 Words
"Hindi man lang tayo nakapasyal ngayon. Tapos uuwi na tayo bukas gabi." Napapabuntong hiningang tumingala si Samantha sa langit sabay higop ng kape. Kasalukuyan silang nakaupo sa terrace habang nakatingin sa mga bituin. "Ngayon ko napatunayan na patay na patay talaga sa akin. Ni hindi mo ako tinigilan hanggat hindi ka pa napapagod." Dagdag pa niya. Natawa naman si Yohann sa sinabi niya at nangingiting tinitigan siya. "I'm sorry baby, it's just that I can't get enough of you. I promise buong araw tayong nasa labas bukas. Lilibutin natin ang mga tourist spot dito sa Baguio." Pagkatapos kasi nilang kumain kanina ay katawan na naman niya agad ang inasikaso nito. Parang nagpalakas lang ito dahil pagkatapos nilang kumain ay paulit ulit siya nitong inangkin. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "Talaga? Hindi mo ako aakitin?" Natawa na naman ito. "Bakit ako na naman?" Exaggerated na itinuro niya pa ang sarili. "Alangan ako? Ikaw tong gapang ng gapang sakin." "Baby, nandito tayo sa Baguio, pero feeling ko nasa North pole ako." "Mahal ko, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Pero di nga, buong araw tayo mamamasyal bukas?" "Yes." "Promise?" "Promise." "Hindi mo na ako gagapangin bago tayo umuwi?" He chuckled. "Hmm, Let me think about that baby." "O kita mo na? Head over heels ka talaga sakin." Tumawa naman ito bago nagsalita. "Oo na baby, I'm head over head to you. At tsaka hindi ba, nagustuhan mo rin naman ang ginawa natin kanina? Lalo na doon sa tapat ng fireplace? Doon sa may carpet?" Bigla itong ngumisi, what did you say a while ago?" Kunwaring nag-isip pa ito. "Mahal kong Yohann, yang fireplace na yan, walang wala yan sa init ng katawan ko. Makita ko palang yang abs mo, nagbabaga na mata ko. Halika dito sa tapat ng fireplace, mag-up and down tayo, tapatan natin ang init ng fireplace na yan. Lets get it on!" Panggagaya nito sa sinabi niya kanina, saka muli itong tumawa. "Ay ewan ko sayo!" Nagmamadaling tumayo siya at naglakad papasok, habang tumatawang sumunod naman si Yohann sakanya. "Nakakainis ka naman! Sabi mo magzizipline tayo? Tapos ngayong malapit na tayong sumunod umaayaw ka na! Mahal ko naman eh!" Reklamo niya habang hinihila siya nito paalis. Kasalukuyan silang nasa tree top adventure dahil sabi niya dito gusto niyang mag superman zipline. Nasubukan na niyang lumipad patungong langit dahil sa mga orgasmo na pinaparanas ni Yohann sa kanya, Kaya naman gusto niya ring maexperience na literal na lumipad. "I changed my mind. Let's go to the Mines view instead. Maganda dun baby, halika ka na." "Bakit? Natatakot ka na? Akala ko hindi ka takot sa ganyan? Yohann naman! Ang laki laki mo na!" Maktol pa niya. "Maging matikas ka naman na parang sundalo kagaya ng tikas ng hotdog mo. Sige na Mahal." Idinaan niya sa biro baka kagatin nito at pumayag, kaya lang ay namula lang ang mukha ni Yohann. "Samantha!" Hiyang hiyang sabi nito saka nagpalinga linga sa paligid, nakahinga ito ng maluwag dahil mukhang walang nakarinig sa sinabi niya. Of course, wala talagang makakarinig dahil para kay Yohann lang ang mga ganoong biro niya. At saka gusto niya talaga maranasang lumipad. "Ang kj naman...." "Sa iba nalang tayo. Wag na dito." Huminto siya sa paglalakad kaya napaharap ito sakanya. Hawak parin kasi nito ang isang kamay niya. "Bakit ba kasi?" Pangungulit niya dito. Nakasimangot siya habang hinihintay itong magsalita. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala parin itong imik. "Yohann naman! You promise-" "Because a f*****g guy will assist us! f**k Samantha, I don't want any man touches your skin! He will put the harnesses in your body and then what?! OA na kung OA, but no f*****g way! Ako lang ang pwedeng humawak sayo Samantha, tandaan mo yan." Agad na napanganga siya sa sinabi nito. "Pero Yohann, that's his job." "I know! But can't you see? Kanina ka pa niya tinitignan eh! Kanina pa!" Mahinahong nilapitan nalang niya ito. Naging mabalasik na kasi ang mukha nito, at halatang galit na galit na. "Huwag ka ng magalit Mahal ko, nagiging hot ka tuloy sa paningin ko." Pambobola nalang niya. Bolang totoo dahil napakagwapo parin talaga nito kahit galit, gayunpaman, ayaw niya itong nagagalit. Agad namang umamo ang mukha ni Yohann dahil sa sinabi niya. "I'm sorry baby, but please, doon nalang tayo sa iba. Madami pa naman tayong pwedeng gawin dito." Nagsusumamong pakiusap nito sa kanya. Nakangiting tumango naman siya. May pagkaseloso pala ito. Mukhang nakahinga ito ng maluwag dahil ngumiti na ito sakanya tsaka siya inaya pabalik sa sasakyan. Patungo naman sila ngayon sa mines view. Nang maipark na nito ang sasakyan ay excited na bumaba siya at magkahawak kamay silang naglakad. Sobrang saya niya dahil ito ang first time niyang makarating sa Baguio at si Yohann pa ang kasama niya. Ni hindi sumagi sa isip niya na mangyayari pala ito. "Ang ganda dito Yohann!" Namamangha ipinalibot niya ang tingin sa magandang tanawin. Habang tinitignan niya ang mga bundok ay para lang itong painting sa sobrang ganda. Napakasarap din ng simoy ng hangin hindi kagaya sa syudad na puro usok ang nalalanghap niya. "Ang sarap siguro tumira dito no?" Nakangiting binalingan niya ito at huling huli niyang nakatitig ito sa kanya. Pangarap niya kasing tumira sa isang mapuno at malamig na lugar kagaya ng Baguio. "Do you want to live here?" "Kung pwede bakit hindi? Sa ganda ng lugar dito hindi ako magsasawang tumira dito. Mas gusto ko dito. Tahimik at hindi magulo. Madaming puno at mabango ang simoy ng hangin." Pilyang tinitigan niya ito. "At saka malamig dito Mahal ko, alam mo na." Mahinang sabi niya. Ngising ngisi na itinaas baba pa niya ang kanyang kilay. Natatawang pinisil naman ni Yohann ang ilong niya saka siya niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Ang kulit mo talaga Samantha. But really, your green and korny jokes always made my day. You're my one and only love baby." Napapikit naman siya at pinigilang tumili sa kilig. Sobrang sarap ng pakiramdam niya na nasa isang maganda silang lugar at magkasama, na nagsasabi ito ng pagmamahal sa kanya. Hindi hindi niya makakalimutan ang araw na ito. "Let's take a picture." Dali dali niyang kinuha sa maliit na sling bag niya ang kanyang cellphone at tsaka hinanap ang camera at binigay sa binata. Hindi pa pala sila nakakapagpicture ni Yohann. Nakakailang take na sila ng picture nang bigla niya itong hinalikan sa pisngi na sakto namang napindot na ng binata ang camera. Pumatong kasi siya sa malaking bato kaya naabot niya ang pisngi nito. Ngingiti ngiti naman niyang tinignan ang mga kuha nila. "Pahiram ng cellphone mo." "Anong gagawin mo?" Tanong niya. "Ipapasa ko lang." Nang matapos ay binigay na nito iyon sakanya. "Let's go? Madami pa tayong pupuntahan." Hinila na siya nito. Habang naglalakad sila ay may nakita siyang nakaagaw ng pansin niya. Nahihiya pero natatawa niyang nilapitan iyon. "What the f**k Samantha!" Mariing tutol ni Yohann ng makita nito ang tinitignan niya. "Stay here and don't you dare come close to that shop Samantha." Babala nito. Namumula ang mukha nito at bahayang lumayo pa ito sakanya. Idinaan nalang niya sa tawa ang hiyang nararamdaman at hindi pinakinggan ito tsaka nilapitan ang matandang babaeng natitinda ng ashtray. "Magkano po ito la?" Buong tapang na tanong niya sa matanda habang itinuturo ang ashtray na hugis ari ng lalake. Pagkakita kasi niya niyon ay unang pumasok sa isip niya ang kaibigang si Angelo. Angela naman sa gabi. "150 itong maliit iha,itong malaki 250." Nang lingunin niya ang nobyo ay nasa medyo kalayuan na ito sakanya habang umiiling iling na nakahawak ito sa noo. Ayaw talaga nito lumapit, at kitang kita rin ang pamumula ng mukha. Nang nginisihan niya ito ay pinanlisikan lang siya ng singkit nitong mata. Natatawang bumaling nalang ulit siya matanda. "Sige la, bibilhin ko yang malaki. Dalawa niyan. " Aniya at ibinigay rito ang limang daan. Ipinlastik naman nito ang binili niya nang napapakamot na nagsalita siya. "Wala po ba kayong paper ba la?" Kahit puro kalokohan ang nasa isip niya ay ayaw naman niyang magbitbit habang dala dala ang ganoong klaseng ashtray. Natawa naman ang matanda at kumuha ng paper bag. Pagkatapos niyang makuha ang ashtray ay nakangiting nilapitan niya ang nobyo na mapula parin ang mukha. "Mga kalokohan mo talaga." Iiling- iling na kinuha nito ang kamay niya. Natatawa nalang siya sa habang tinitignan ang mukha nito. "Gusto mo, hulaan ko kung kanino mo ibibigay yan?" "Kanino?" Tanong niya. "Jennie." Natatawang tumango siya. Tama ito, yung isang binili niya ay para sa kaibigang si Jennie. Playgirl at pilya kasi ito kaya naisip niyang bigyan ito ng trophy na kakaiba. Trophy sa pagiging number one playgirl at pilya. Hindi nalang din niya sinabi na dalawa ang binili niya dahil hindi naman nito masyadong kilala ang kaibigan niyang si Angelo. Sa Isang subject lang kasi nila kaklase si Angelo at hindi niya alam kung kilala ni Yohann ang kaibigan niyang bakla . "Ang dami mo talagang kalokohang naiisip." Nginisihan niya lang si Yohann pero nanlaki ang mata niya dahil nakalimutan niyang bilhan si kuya Alexis, akakatandang kapatid ni Jennie. Kaya akmang bibitaw siya sa pagkakahawak kamay nila ni Yohann nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. "At saan ka naman pupunta?" "May nakalimutan lang ako mahal." Nakangiwing sabi niya. Pinilit niyang kumawala sa magkasalikop na kamay nila pero ayaw nitong bitawan iyon. "Don't tell me you're planning to go back to that shop again Samantha?" "Eh di hindi ko nalang sasabihin sayo mahal ko." "Samantha!" Mahinang boses na sita nito. "Bibili ka ulit?!" "Opo. Isa nalang, para kay kuya Alexis." Malakas na napabuntong hininga ito. "Go. Bilisan mo ha?" Gigil na pinisil nito ang magkabilang pisngi niya. "Pati ba naman dito sa Baguio dinala kalokohan mo. Go, buy that thing. I'll wait you here. Sumakit bigla ulo ko dahil sayo." Nginisihan niya ito at sinenyasan na yumuko para bulungan niya. Takang sumunod naman ito. "Sorry na mahal kong Yohann. Sige, para makabawi ako sayo, mamasahiin ko yang ulo mo pagbalik natin sa vacation house niyo. Yung ulo mo sa-" mahinang itinulak niya ito at pilyang inginuso ang pagitan ng hita nito. "Samantha!" Pulang pula ang mukha na sitang muli ni Yohann sa kanya, pero malakas na tinawanan niya lang ito saka binalikan ang shop mag-isa. Nang makarating sila sa sasakyan nito ay ipinasok niya muna ang binili tsaka muli silang naglakad. Huminto ang nobyo at tska siya hinarap."Maghahanap lang ako ng Cr. Hindi ka ba mag c-cr?" "Hindi pa. Sige na. Hintayin nalang kita dito." "Okay. Stay here okay? And don't talk to strangers. Especially men." Bilin pa nito. Napangiti nalang siya. "Ano ako, bata?" "Just do what I said okay?" "Opo mahal kong Yohann." Sabi nalang niya na ikinangiti nito. Hinalikan muna siya sa pisngi bago ito naglakad palayo sakanya. "Sammy?" Nilingon naman niya ang pamilyar na boses ng nagsalita. Nanlaki agad ang mata niya sa tuwa dahil sa pagkakita sa kaibigan. "Sabi ko na nga ba ikaw yan eh!" Tuwang tuwang niyakap siya ni Angelo. "What a coincidence!" Niyakap narin niya ito. Parang kanina lang ay ito ang naiisip niya. Ngayon kaharap pa niya. Bumili pa siya ng pasalubong dito tapos nandito lang din pala ito sa Baguio. "Sino kasama mo?" Tanong niya dito. "Boyfriend ko." Bulong nito sakanya. Naging magkaibigan sila nito ng hindi sinasadyang mahuli niya ito sa labas ng condo nito na may kahalikang lalaki. Dinalaw niya kasi ang kuya Clyde niya noong araw na iyon sa condo nito at nasaktuhang magkalapit lang pala ang condo ni Angelo at sa kuya niya. Nakiusap ito sa kanya na wag ipagsasabi kahit kanino ang natuklasan niya dahil kapag kumalat na bading ito at malalagot ito sa ama nito. Wala naman siyang balak ipagsabi ang nakita noon, it's his private life and she doesn't have right to meddle with his personal life. Pero simula noon ay lagi na silang nag-uusap, hanggang sa naging close na sila. Magtatatlong taon narin silang magkaibigan nito. Hindi naman kasi ito mukhang may itinatago sa katawan dahil may kagwapuhan ito. Madami nga ring nagkakagusto dito na babae sa klase nila pero hindi nito iyon pinapansin. Yun pala ay pusong babae din ito. Mayaman ang pamilya ni Angelo at kwento nito sa kanya ay only son ito ng pamilya at lagi daw itong sinasabihan ng ama nito na pag nasa tamang edad na ito ay gusto mg ama ni Angelo ng MARAMING apo. Hindi naman masabi ni Angelo ang totoong pagkatao dahil may sakit daw sa puso ang ama nito. Dalawa ang condo unit ni Angelo, ang isa ay binili ng ama nito at ang isa ay sariling ipon ni Angelo ang pinambili para doong Malaya nitong maisama ang nobyo nitong half American. "Nasaan si Tom?" Tanong niya. "Kakaalis lang para maghanap ng Cr." Tinaasan siya nito ng kilay. "At ikaw naman bruha ka! Anong ginagawa niyo dito ni Yohann? Kailan pa kayo dito?" Namula naman siya bigla sa tanong nito. "Nakita mo kami?" "Hindi ba obvious?- " napatigil ito sa pagsasalita at biglang nanlaki ang mata habang itinuturo ang pagitan ng legs niya. "Oh my god! Don't tell me-?" Natatawang tinignan niya ang kaibigan. Alam niyang gusto nitong tumili pero hindi nito magawa dahil kalkulado ang galaw nito. Mahirap na. "I'm so happy for you friend." Hinawakan pa nito ang kamay niya. "Mesherep?'' "Wala ng mas ishesherep." Natatawang sagot naman niya. "Basta pag kailangan mo ng tips para sa alam mo na, -wag kang mahihiyang magtanong." Malakas na natawa siya pero naputol iyon ng may humila sa kamay niya. Pagkatingala niya ay nakatiim ang bagang na nakatingin si Yohann kay Angelo. Umayos naman ng tayo si Angelo at hindi mo mahahalata na may itinatago iylto. Napangiwi siya. "A-ahm, mahal ko, si Angelo. Kaklase natin siya sa accounting. Hindi ko lang sure kung kilala mo siya kasi isang subject lang naman ang pinapasukan niya sa klase-" "I know." Putol ni Yohann sa sinasabi niya. Seryoso ang mukhang nakatitig lang ito sa kaibigan niya. Kilala pala nito si Angelo, akala kasi niya ay wala itong pakialam sa mga kaklase nila. Nasabi niya iyon dahil dati ay may kumausap kay Yohann na kaklase nila at nagulat siya dahil hindi kilala ni Yohann ang kaklase nila. Kaloka. Napabaling ulit siya kay Yohann. Lagot. Naalala niyang may pagkaseloso pala ang nobyo. Kung alam lang nito..... "Yohann pare . Nice to meet you." Inilahad ng nobyo ang kamay nito. "Angelo. Nice to meet you too." Lalaking lalaki ang bises ni Angelo ng magkakilala ito. Gusto niyang matawa sa kaibigan, pero pinigilan niya ang sarili. Pagkaabot mg kamay ni Angelo sa kamay ni Yohann ay napansing niyang napangiwi ang kaibigan. Nag-aalalang ibinaling naman niya ang tingin sa kamay ng dalawa at pansin niyang mahigpit ang pagkakahawak ni Yohann sa kamay ng kaibigan. Parang babaliin nito ang kamay ni Angelo. Nag-alala siya para kay Angelo kaya hinawakan niya ang nobyo. "Y-yohann." Akmang hihilain na niya ang kamay ni Yohann nang lumapit ito kay Angelo saka bumulong sa kaibigan niya. Binalingan niya si Angelo at kita niyang may mangilan ngilan na itong pawis sa noo, samantalang malamig dito sa Baguio. Agad na nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. "Yohann!" Mabilis na hinila niya ito at naglakad pabalik ng sasakyan. Ni hindi na niya nagawang magpaalam sa kaibigan. Tsaka na niya kakausapin ang kaibigan para nagsorry dito. "Ano bang problema mo? Kaibigan ko yung tao yohann!" Inis na wika niya pagkapasok nila sa loob ng sasakyan nito. Ito ang unang beses na nainis siya sa binata. "Bakit? Wala Naman akong ginawa ah!" Hindi siya makapaniwalang tinitigan ang mukha nito. Nakatiim parin ang bagang nito at magkasalubong ang mga kilay. "Wala? My gosh Yohann! Kulang nalang pilipitin mo yung kamay nung tao!" "Bakit? Eh halos magka holding hands na kayong dalawa! At tatawa tawa ka pa!" "Bakit Yohann? Wala ka bang tiwala sakin?" "Meron! Pero yung mga lalaking umaaligid sayo, wala akong tiwala! Lalo na sa Angelo na yun!" Pinaikutan niya ito ng mata. "Kung alam mo lang.... " Sabi niya sa sarili. Hindi naman niya pwedeng sabihin rito kung ano ang totoong pagkatao ni Angelo. Nangako siya sa kaibigan na hindi ipagsasabi ang pagkatao nito kahit sino. Kahit nga ang mga kaibigan niyang sina Crista, hindi alam iyon. Muli niyang inis na tinitigan si Yohann. "Kung may tiwala ka pala, Hindi mo kailangang magkaganyan! Kung may tiwala ka, alam mong kahit ilang lalaki pa ang lumapit sakin, hindi ko sila papatulan kasi ikaw ang mahal ko!" "I can't help it! Ayaw kong may ibang humahawak sayo kundi ako lang!" "Anong gusto mong mangyari? Ilang oras nalang uuwi na tayo mamaya tapos ganito pa yung mangyayari? Dahil diyan sa pagseselos mo?" Gusto niyang magtampo rito. Hindi pa ba sapat rito ang pinapakita niyang pagmamahal? Dapat may tiwala ito sa kanya. Sa halip ay mas pinairal nito ang pagseselos. Nang hindi ito umimik ay hindi narin siya umimik at iniwasan itong tignan. Inis parin siya rito. Kabago bago palang nila bilang magkasintahan pero heto at nag aaway na sila. Maya maya pa ay narinig niyang napabuntong hininga ito bago nagsalita."I'm sorry baby. It's my fault. Masyado akong nagselos nung makita kong nakahawak siya sa kamay mo. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko nagugustuhan kaya hindi na ako nakapagtimpi pa." Seryoso niya itong tinitigan. Kitang kita naman niya ang paglunok nito dahil sa tingin niyang iyon. Bibihira siyang magseryoso at magalit, kaya mukhang natakot ito. "Just trust me okay? At tsaka kaibigan ko yung tao. Natural na wala kang tiwala sa ibang lalaki, pero sana naman, sa akin magtiwala ka. Halos ilang taon akong nakabuntot sayo, na sana, naisip mo na hindi ko sasayangin ang ginugol kong taon para habulin ka, para lang ipagpalit ka." "I'm sorry. May tiwala ako sayo baby. At isa pa, nagalit ako kasi magkaholding hands kayo. Ayaw ko nun Samantha. Ako lang ang pwedeng humawak sayo ng ganun, wala ng iba. Call me over reacting, but that is who I am in comes to you." Napabuntong hininga siya. "Basta huwag mo ng uulitin yun okay?" Tumango naman ito. "Promise?" "I'm sorry baby, but I won't promise." "Yohann naman!" "Opo. Buti nga hindi ko sinuntok eh." Bulong nito pero narinig parin niya. "Ano?!" Naglalambing na niyakap naman agad Siya ng nobyo. Dahil sobrang mahal niya ito, agad na nawala na parang bula ang inis niya dahil sa pagyakap nitong iyon. "Wala po. Sabi ko I love you baby. Huwag ka ng magalit sakin okay? Hindi ako sanay. Lumabas na tayo baby ko para makapasyal na tayo. Sorry na po, nagselos ako at nainis." Napabuntong hininga nalang siya. Ayaw na niyang pahabain pa dahil nagsorry na ito at tsaka ilang oras nalang uuwi na sila . Gusto niyang masulit ang araw nila bago sila bumalik sa maynila. Marahan niya itong itinulak at tinitigan tsaka masuyong dinampian ng halik sa labi. Masuyo niya itong hinalikan sa labi para mawala na ang pagseselos nito. Ngumiti naman ang binata tsaka siya mapusok na hinalikan. Tumagal lang iyon ng siguro sampong segundo. "Balik nalang kaya tayo sa vacation house?" Mapang akit na tinitigan siya nito. Kinurot naman niya ito tsaka nauna na ng lumabas sa sasakyan. "Bahala ka diyan. Hindi pwede!" Natatawang sinundan nalang siya ng binata at inakbayan na parang walang pag-aaway na naganap sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD