CHAPTER 17

2564 Words
"Let's take a break." Napaangat ng tingin si Samantha mula sa pagcocompute ng mga orders at tinignan ang pasalampak na umupong si Angelo. It's been six years simula ng grumaduate sila ay ito na ang naging kasa-kasama niyang magtayo ng sariling restaurant. Magbusiness partner sila at may tig tatlo na silang branch ng cake shop. Sammy's cakes ang pangalan ng tatlo nilang branch habang ang tatlo pa ay Sammy's angel na ideyang ipinangalan naman ni Angelo. Coffee and cake shop ang mga iyon dahil mahilig siya sa cake, samantalang si Angelo ay mahilig sa cake at kape. Ang opisina nila ay ang pinakamain branch ng Sammy's cake. "We have a lots of orders Anghela, we need to double our time." Wika niya dito habang minamasahe niya ang kanyang sintido. "At tsaka yung ibang regular customer natin gusto pa na ako ang gumawa ng orders nila, samantalang nasa mga tauhan naman na natin ang recipe ko. Hello?! Sa dami nun hindi ko kaya. Buti sana kung isa lang, my god! Hindi ko naman kayang gumawa ng cake na lagpas Trenta sa isang araw at iba't ibang design pa." Reklamo niya. Yung iba kasing mga regular customer nila ay masyadong demanding. Pero yung iba nakakaintindi naman. Hindi na nga siya masyadong nagbibake dahil mas nagfofocus na siya sa sales nila at iba pa. Nagbabalak din kasi silang magpatayo pa ng isa pang branch. Kahit siya ay gusto narin niyang makapagpahinga. "Sa sobrang workaholic nating dalawa, baka singilin na tayo ng katawan natin. We need to rest Sammy. I need vacation. Si Tom na nga lang ang pinag-aasikaso ko ng kasal namin dahil ayaw kong iwan ka dito sa pinas dahil alam kong mahihirapan ka pag ikaw lang mag-isa. Alam mo namang hindi kita kayang iwan. Hindi ko kaya." Napangiti siya sa concern nito, at the same time, naaawa rin siya sa kaibigan. Malapit na kasi itong ikasal sa nobyo nitong si Tom si US, pero mas pinili nitong samahan siya. Minsan naiinggit siya dito dahil ikakasal na ito. Naunahan pa siya nito. Matagal narin ang pinagsamahan nito at ni Tom, kaya naman natutuwa siya at nagtagal ang dalawa. "Alam na ba ito ni Tito?" Napansin niyang natigilan ito pagkuwa'y malungkot na ngumiti. "Ipinadala ko sakanya ang invitation pero ipinadala niya lang ulit sakin iyon." Kung masaya na ito sa buhay pag-ibig ay kabaliktaran naman iyon sa usaping pamilya. After kasi nilang makapagtapos sa kolehiyo ay sinabi na daw ni Angelo sa ama nito ang totoong kasarian nito, pero dahil doon ay inatake ulit ang papa nito. Ipinagamot at ipinaheart transplant ang papa nito sa America at ng matapos ang operasyon ng papa nito ay may kumausap kay Angelo na Tito nito na sinasabing huwag na daw magpapakita ito sa pamilya nito. Na tinatakwil na ito bilang anak. Nang malaman niya iyon ay kahit siya nasaktan dahil doon. Paano pa kaya ito? Iyak ng iyak noon ang kaibigan niya dahil doon, kaya naman ilang araw niya itong hindi iniwan dahil baka kung ano ang gawin nito sa sarili. Natatakot siyang maglaslas na naman ito kagaya noon. Iyon yung araw na ibinigay niya rito ang binili niya sa Baguio na ashtray. Nadatnan kasi niya ito sa condo nito na may laslas ito sa bandang palapulsuhan at puno ng dugo. College pa sila noon at nobyo pa niya si Yohann. Sinabi sakanya ni Angelo na nagkasagutan ito at ang ama nito pero hindi nito sinabi ang dahilan. Kaya naman pagkagraduate nila ay parehas silang nagdamayan sa nangyari sa kani-kanilang buhay. Ilang gabi din siyang natulog sa condo nito dahil walang alam si Tom Sa nangyayari, at wala rin ito sa condo ng kaibigan niya. Parehas silang naglalabasan ng sama ng loob sa nangyari sa buhay nila. Para nga silang baliw na nag-iiyakang dalawa. Si Angelo naman ay hindi na nakatanggap pa ng sustento simula ng itakwil ito Nlng papa nito, buti nalang at nakapag-ipon ito at iyon ang ginamit nila para sa kanilang business, bukod pa iyon sa ipon din niya. "I'm sorry Anghela. Dahil sakin mag isang nag-aasikaso si Tom sa kasal niyo." "I don't need your sorry Sammy. I need vacation. Kahit ilang araw lang. May mga mapagkakatiwalaan naman tayong tauhan na mag-aasikaso ng business natin." Bumuntong hininga siya bago tumango. Tama nga ito, masyado na silang lulong sa trabaho. Kailangan din nila ng bakasyon. "Okay fine. Tawagan mo ang mga managers per shop, bahala ka na mag inform sa kanila." "Atlast!" Tuwang tuwa pa itong idinipa ang kamay. Napatingin naman sila sa pinto ng may kumatok. Pumasok doon ang kanyang secretary na si Jena. "Ma'am, nasa labas po si sir Clinton." "Papasukin mo na." Lumabas naman agad ang sekretarya niya. "Paano? Maiwan ko muna kayo." Sabi naman ni Angelo tska tumayo. Sakto bamang dating ng kanyang nobyo. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko." Tumigil ito at bahagya pang ngumiti. "Ilalock ko pa ba o kayo na?" Pinandilatan naman niya ito ng mata pero tinawanan lang siya. Mataman namang tinitigan ni Clinton ang kaibigan niya, pagkuwa'y nginitian nito si Angelo. "Lock the door Angelo. Yung WALANG MAKAKAPASOK NA KUNG SINO." nagtaka pa siya dahil parang kakaiba ang ngiti ng kanyang nobyo. Hindi na umimik pa ang kaibigan niya at binuksan na ang pintuan at umalis. Nang makalabas na si Angelo ay agad na niyakap siya ni Clinton. Sa dami ng mga naging boyfriends niya, si Clinton na ang pinakamatagal. Mag-sya siyam na buwan na silang magkarelasyon nito. Alam din nito ang kasarian ni Angelo na bibihira parin ang nakakaalam dahil hindi naman iyon mahahalata dito at hindi nito iyon ipinahahalata. Kahit ang sekretarya niya ay Hindi alam ang pagkatao ng kaibigan, at napapansin niyang may gusto ito sa kaibigan niya. "Hon, Hindi ka pa tapos? Magmomovie trip tayo tonight remember?" Bulong nito sa likod ng tenga niya. Hinarap niya ito, nginitian at hinaplos ang maamo nitong mukha. Para itong anghel sa sobrang amo ng mukha ng nobyo. Palangiti rin ito at nakakahawa ito kung ngumiti. Idagdag pa na may dimples ito sa magkabilang pisngi at kapag ngumingiti ito ay parang bumabata ito sa edad nitong trenta'y dos. Anim na taon ang agwat ng edad nila. "Matatapos na po. Anyway, kumusta pala yung nangyari kahapon?" tanong niya. Nagmamay-ari kasi ito ng mga ilang resto bar dito sa maynila, at ang isang resto bar nito kahapon ay nagkaroon ng gulo. "Settled na lahat. Normal lang naman yun sa isang bar. Pero nagdagdag narin ako ng security at bouncer para mas sigurado." "Mabuti kung ganun." Inayos niya ang mga papeles pagkatapos hinarap muli ang nobyo. Hindi mahahalata sa mukha nito ang stress sa trabaho. Isa iyon sa nagustuhan niya sa nobyo. Lagi itong nakangiti sa harap niya. "Let's go?" Nakangiting yaya niya dito. Tumango naman ito at magkahawak kamay na lumabas sila sa opisina niya. Naabutan pa nilang nagseserve si Angelo ng mga orders sa mga customer. Libangan nito iyon pag wala na itong ginagawa. "Mauna na kami Angelo, ikaw na bahala dito okay?" Paalam niya sa kaibigan. Hindi na niya hinintay pa itong magsalita at hinila na si Clinton para lumabas. Tiyak kasing aasarin lang siya nito. "Gusto ko ito." Turo niya sa screen ng TV ni Clinton sa mga downloaded videos. Ang title niyon ay AFTER. Sa condo ng nobyo ang napag-usapan nilang magmovie marathon. Nag-order nalang din sila sa jollibee dahil tinamad na silang bumili sa labas ng makain. Pabor naman iyon sakanya dahil ilang linggo na siyang hindi nakakakain sa paborito niyang fast food. "Are you sure?" Tanong nito. "Yeah. Bakit?" Umiling ito pero ngiting ngiti naman tsaka umupo na sa tabi niya. NANG nasa kalagitnaan na sila ng panonood ay nag-umpisa na siyang mailang. Mayroon pala iyong intimate scene. "K-kukuha lang ako ng tubig natin." Pagdadahilan niya sabay tayo pero hinila siya ng nobyo dahilan para mapaupo siya sa kandungan nito. Pinause nito ang pinapanuod nila at marahan siya nitong hinalikan. Tinugon naman niya ang halik nito at sinabayan ang ritmo ng bawat galaw ng labi nito. His kissed deepened of what she did. May gusto narin siya dito pero aminado siya sa sariling hindi pa niya ito gaanong kamahal. Nang maramdamang kakaiba na ang haplos nito ay hinayaan niya ito. Sa siyam na buwan nilang magkasintahan, ito na ang unang beses na naging intimate sila sa isa't isa dahil pag nag-attempt na ito ay pinipigilan niya ito. Medyo nagkatrauma kasi siya sa nangyari sa kanila ng ex niya noong college, na baka katawan lang din ang gusto ni Clinton sa kanya. Pero sa ilang buwan na pagiging magkasintahan nila ay naramdaman niya ang respeto nito sa kanya. Ito narin ang pinakamatagal na nobyo niya, mas matagal pa nga sila nito kaysa sa sa ex niya noong college. Kaya naman nagulat ito noong nakaraang araw ng yayain siya nitong magmovie trip at agad siyang pumayag. Alam kasi nito na naiilang siyang mapagsolo silang dalawa lalo na sa condo ni Clinton. Gusto na niyang subukang ipasok ito ng tuluyan sa puso niya. Mabait ito at ito lang ang kilala niyang makatulong sa puso niya. Gusto niya ito, gustong gusto niya, pero gusto niyang humigit pa roon. Humiwalay ito sa paghahalikan nila at mabilis na hinubad ang suot niyang t-shirt. Tumambad dito ang medyo may kalusugan niyang dibdib kaya naman napapalunok ito habang nakatitig doon. May suot pa siyang bra pero ramdam niya ang init ng titig nito na biglang nagpakaba sakanya. Parang gusto niyang umatras na hindi niya mawari. Napapikit siya ng unti unting lumapit ang mukha ni Clinton hanggang sa maramdaman niya ang labi nito sa labi niya. Masuyo siya nitong hinahalikan hanggang sa bumaba ang labi sa leeg niya at iyon naman ang masuyong hinahalikan, hanggang sa bumaba pa iyon patungong dibdib niya. Agad siyang nakaramdam ng kaba kaya hinawakan niya ang buhok nito at iginiya iyon patungong leeg niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ginawa niya iyon, samantalang pinipilit ng utak niya na ipasok na ito sa puso niya. Siyam na buwan na sila nito pero hirap na hirap siyang ibigay ang sarili rito. Napamulat siya ng banayad na halikan ni Clinton ang leeg niya. His hand gripped her waist as he licked the left part of her neck. His lips slowly went down again on her breast so she tightly closed her eyes retraining to stop him and waiting for him to reach his destination. Her heart pounded fast until her cellphone rang. She felt relieved all of a sudden. Akmang tatayo siya ng pigilan siya ng nobyo. "Hon, Don't mind that please?" Pagsusumamo ng nobyo. Agad na nag-alangan siya sa pakiusap nito hanggang sa hindi na niya namalayang namatay ang tawag. "Do the move Samantha!" Udyok ng isang bahagi ng isip niya. Huminga siya ng malalim saka masuyong hinawakan ang pisngi ni Clinton at siya na mismo ang unang humalik dito. Naramdaman niya ang pagngiti nito dahil sa ginawa niya. Masuyong hinalikan niya ito pero ginantihan siya nito ng halik sa labi. Habang mapusok silang naghahalikan ay nagring na baman ang kanyang cellphone. Agad siyang humiwalay rito. "Maybe it's important." She whispered, still heavily breathing. Clinton let out a deep sighed before nodding. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at nakita niyang mama niya ang tumatawag, kaya agad niyang sinagot iyon. "Hello 'ma?" Napatingin ang nobyo niya pagkabanggit sa kanyang ina. Sa siyam na buwan kasi nila ay hindi pa niya ito naipapakilala sa kanyang magulang. Ito ang madalas na pagkatampuhan nila, dahil bakit hindi pa daw niya ito ipinapakilala sa magulang niya. Tanging malalapit lang kasi na kaibigan niya ang nakilala nito. "Bunso, kailan mo ba kami dadalawin dito sa bahay? Namimiss ka na namin. Kung si Yohann ang dahilan kung bakit ayaw mong umuwi, gusto kong malaman mo na matagal na siyang hindi nakatira sa kabila. Simula-" "Ma...." Putol niya sa sinasabi nito. Tuloy tuloy na naman kasi itong nagsasalita. "Busy lang po ako sa trabaho. Huwag po kayong mag-alala, one of these days pupunta ako diyan." "Pero namimiss ka na namin anak. Malapit na naman ang family outing natin. Hindi ka na naman ba pupunta? Nagtataka na ang tita Amanda mo kung bakit tuwing outing hindi ka nakakasama. Iniisip tuloy namin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yohann." "Ma, matagal na iyon. At tsaka diba kinausap ko na kayo tungkol diyan?" Nang maghiwalay kasi sila ni Yohann ay kinausap niya si tita Amanda at ang mama niya ng sarilinan. Nagsinungaling siya at sinabing maayos silang naghiwalay ni Yohann. Na magfofocus muna sila sa kanya kanyang pangarap sa buhay. Kahit sobrang galit ang nararamdaman niya noon kay Yohann ay hindi na niya sinabi ang totoong dahilan kahit pa nakailang tanong na ang kanyang ina sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan ng pamilya nila ay ayaw niyang maging dahilan ang paghihiwalayan nila ni Yohann para masira ang napakagandang samahan ng kani-kanilang pamilya. Ayaw niyang masaktan ang kanyang ina dahil lang sinaktan siya ng anak ng best friend nito. "Namimiss na talaga kita anak . Pumunta ka sa outing natin please? Anak naman, pagbigyan mo na ako. Tumatanda na ang mama mo." Naawa naman siya bigla sa kanyang ina. Namiss narin niya ito. Dahil sa paghihiwalayan nila ni Yohann ay hindi na siya umuuwi sa kanilang bahay, takot na makita ang binata. Kung umuuwi man siya ay bibihira na at bilang sa sa daliri. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Sige po ma, pupunta po ako. Kailan po ba at saan?" "Sa Friday na. Sa private island nila Yohann." "M-madami silang private island ma." "Oo nga pala. Sa Batangas anak." Pagkabanggit nito sa private island ay agad na nanariwa sa isip niya ang mga nangyari sa kanila noon ni Yohann, pero bigla siyang napatingin kay Clinton kaya mabilis na iwinaglit niya iyon. "Sige ma, pupunta ako." Aniya habang nakatitig sa nobyo. Balak niyang isama si Clinton. "Sige anak, aasahan ko yan ha? I love you too anak." "Iloveu too ma." Nang maibaba niya ang tawag ay nilapitan niya ang nobyo. Kinuha niya ang tshirt niya na nasa sahig at isinuot iyon. Dinampian niya muna ito sa labi bago nagsalita. Halata sa mukha nito ang pagtataka kung bakit nagbihis na siya pero hindi nalang niya iyon pinansin. "Gusto mo bang sumama sa family outing namin sa Batangas?" Tanong niya na ikinangiti nito. Biglang lumiwanag ang mukha nito sa sinabi niya. "Sa Friday na. I want you to meet my parents Clinton. It's time for you to meet them." "Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo. Ipapakilala na kita kila mama. Ayaw mo ba? O natatakot ka na?" Nakangiting biro niya. Hindi naman ito mukhang natatakot dahil halatang tuwang tuwa pa sa sinabi niuay. "Yes! Atlast! Ako matatakot?" Tuwang tuwa itong niyakap a pagkuwa'y kumalas agad at matiim siyang pinakatitigan. "So, - pwede na ba nating ituloy ang naudlot nating ginagawa kanina?" bulong nito at niyakap siya, bahagya pang kinagat ang tenga niya. Natatawang umalis siya sa pagkakayakap nito kahit na ang totoo ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Ihatid mo na ako. Wala na ako sa mood." Lalo siyang natawa bg sumimangot ito. "Dito ka nalang matulog." Tinaasan niya ito ng kilay. "Promise, walang mangyayari sa atin. Hindi kita gagalawin hangga't walang pahintulot mo." Sabay taas pa nito ang kanang kamay bilang panunumpa. "Tsaka na. Pag nasa Batangas na tayo." Nakangisi niyang sabi dito. Mabilis naman itong tumayo. "Halika na, ihahatid na kita. Ang tagal mong kumilos. " Natawa naman siya ng mauna pa itong lumabas sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD