CHAPTER 18

3750 Words
Nakailang buntong hininga na si Samantha habang nakaharap sa salamin. Dumating na ang araw ng punta nila ng kanyang nobyo sa batangas. Nag-aalangan siyang pumunta sa Batangas ng mag-isa dahil hindi niya makakasama ang nobyo. Tumawag kasi si Clinton kagabi at sinabing mauna na siyang pumunta dahil aasikasuhin lang nito saglit ang bago na namang pinapatayo nitong resto bar sa Makati. Magiging dalawa na ang branch nito sa Makati, pero sumatotal ay pitong branch na ang bar nito sa buong Metro Manila, bukod pa iyon sa branch nito sa iba't ibang karatig probinsiya at dahil doon ay masaya siya para sa nobyo. Napabuntong hininga ulit siya dahil kinakabahan siya sa muli nilang pagkakita ni Yohann makalipas ng ilang taon. "Si Yohann lang yan Samantha! Alalahanin mo ang mga salitang sinabi niya sayo noon!" "May Clinton ka na Samantha. Ipakita mo sakanya na nakamove-on ka na. Umakto kang normal." Pagkausap niya sa sarili habang nakatingin parin sa salamin. Pinasadahan niya ng tingin ang suot niya at iiling iling na pinalitan ang suot niyang pants at simpleng t-shirt. Kinuha niya tattered denim short at sexy tank top at isinuot iyon. Mabilis na kinuha niya ang kanyang backpack tsaka umalis sa kanyang condo. MAGTATANGHALIAN na bg makarating siya ng Batangas na sakto namang tumawag ang kanyang ina. "Anak, nasaan ka na?" "Nandito na ako ma. Mag-aarkila ba ng bangka o may susundo sakin papunta diyan?" Nangunot ang noo niya nang hindi agad nagsalita ang ina niya. "Ma?" "Yohann! Sunduin mo nga si Bunso. Walang siyang mahanap na bangka na pwedeng arkilahin papunta dito. Okay lang ba hijo?" Halos lumuwa ang mata niya at lumakas bigla ang kabog ng puso niya ng marinig ang sinabi ng kanyang ina. Parang bigla siyang nataranta at kulang nalang ay tumakbo siya pabalik sa kanyang sasakyan at bumalik nalang sa syudad. "Ma! Ano ba yung sinabi niyo? Wala naman akong sinabing wala akong makitang bangka dito! Ma naman!" Inis na wika niya sa ina. Agad siyang napahawak sa kanyang noo at pilit na pinapagana ang utak. Dumadagundong ang puso niya sa kaba at walang matinong pumapasok sa isip niya. "Hayaan mo na anak. Mas mabilis kung sa jetski ka sumakay. Wala pang bayad." "Bakit si Yohann pa? Bakit hindi nalang si Kuya?" "Hay naku!" rinig niyang bumuntong hininga ito. "Isa pa yang kuya mo. Hindi daw makakapunta. Tiyak na nagpapakabusy na naman iyon! O kaya puro pambababae ang ginagawa!" "Ma-" "Sige na bunso, paalis na si Yohann. Hintayin mo nalang siya diyan ha? Wag ka ng umangal anak, si Yohann lang." "Ma naman-" Hindi na siya nakapagsalita pa dahil pinatay agad nito ang tawag. Pagkapatay ng tawag ng kanyang ina ay mas lalo siyang hindi mapakali. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ni Yohann, samantalang iyon din naman ang mangyayari at mangyayari. Bawat segundo at minutong nagdadaan ay mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya hanggang sa mamawis narin ang palad niya. She inhaled deeply. "Calm down Samantha. He's just your EX. Just Act normal as if you've moved on." "I moved on!" Apela naman ng isang bahagi ng isip niya. Ilang minuto pa ang lumipas ng makita niyang paparating na si Yohann sakay ng jetski. Agad na sumikdo ang puso niya pagkakita sa binata. Wala itong suot na pang itaas kaya kitang kita niya ang magandang katawan nito kahit malayo. Nagmamadali ba ito? Wala man lang suot na life vest. Hinayaan nalang niya ang nasa isip, wala na siyang pakialam doon. Nakasuot lang si Yohann ng board short at nang malapit na ito sakanya ay parang biglang nagslow motion ang tingin niya dito. Medyo bumagal narin ang pagpapatakbo ng jetski nito. Hindi niya naiwasang lumunok ng mapagmasdan ang pinagbago ng anyo ng binata. Mas nagmature ang mukha nito at parang mas naging hunk tignan. Bagay na bagay ang maliliit na stubbles nito na lalong nagpalakas ng s*x appeal nito, ang mga muscles at abs naman nito ay hulmang hulma at mas nakakapaglaway ang katawan nito kumpara noon. Anim na ang abs nito, samantalang apat lang noon. Pero nawala ang atensiyon niya sa binata at napalingon sa gilid niya ng makarinig ng mahihinang tili. Nakita niyang kulang nalang ay tumulo ang laway ng dalawang babae habang nakatingin sa paparating na si Yohann. Naalala niya ang dating siya noong panahong hinahabol-habol pa niya ito. Ibinalik niya lang ang tingin jay Yohann ng huminto ito at bumaba. Pinakalma niya ang sarili kahit pa parang nag-uunahan ang pagtibok ng puso niya. Nagtama ang paningin nila ni Yohann, at dahil doon ay halos mabitin ang paghinga niya. Napalunok siya sa parang siyang napapaso Sa pamamaraan ng titig nito. Kung makatitig ito ay parang siya lang ang tao sa Isla. She calmed herself and tried to act normal. "Kumusta?" Pormal na tanong niya dito. Tinitigan lang siya nito kaya naman hindi siya nagpatalo. Ayaw niyang ipakita ritong apektado pa siya sa presensiya nito. Binati niya ang sarili dahil ito ang unang umiwas ng tingin. Congratulations!!! Pero agad siyang napasimangot ng bigla nalang nitong inihagis sa kanya ang life vest na nakasabit sa handle grip ng jet-ski nito, buti nalang at naging maagap siya at nasalo iyon. Sumakay itong muli sa jet-ski saka siya nilingon. "Isuot mo na para makaalis na tayo." Biglang sumikdo ang puso niya ng marinig itong magsalita, it's been six years ng huli niya itong makausap. Hindi nalang niya iyon pinansin at mabilis na isinuot ang life vest at tsaka sumakay. Hindi na dapat niya ito pansinin dahil hindi naman ito ang ipinunta niya kundi ang magulang niya. "Kung gusto mo ng makaalis, kumapit ka sakin. Kung ayaw mo namang kumapit, bahala ja kapag nahulog ka. Hindi kita sasagipin." Masungit na sabi nito sabay kuha sa hawak niyang backpack. "Act normal Sam! Hayaan mong isipin niyang nakalimot ka na!" "Okay. Hawak lang naman pala. Walang problema." Sabi niya sabay yakap dito. Ramdam niya ang matitigas nitong abs dahilan para mag-init ang mukha niya ng wala sa oras. Pasimple siyang tumikhim at nagsalitang muli. "Ang natin ah? May regla ka dong?" "What?" he hissed. She shrugged and smirked. "Nothing. Start the engine now Yohann. Gusto ko ng makita ang magulang ko. Namiss ko na sila." Naramdaman niyang nanigas ang katawan nito sa sinabi niya pero inilapit niya lang ang bibig sa tenga nito at bumulong. "Mas daig mo pa ang babaeng may dalaw. " Huminga ito ng malalim tsaka nito pinaandar ang jet-ski. Napahigpit siya ng yakap nang mabilis nito iyon pinaandar. Nang makarating sila ay mabilis siyang bumaba at pinakatitigan ang buong lugar. Ni hindi na niya nilingon pa ang binata. Naroon parin ang gawa sa kahoy na bahay na parang walang ipinagbago. Katabi naman nito ay bagong bahay na itinayo at tatlong palapag iyon. Napuno narin ng mga iba't ibang klaseng bulaklak ang kapaligiran kaya naman mas lalong gumanda ang Isla nila Yohann. Para itong paraiso. Nalaman rin niyang ibinenta na ng mga ito noon ang dating beach house nila Yohann na nasa main beach. Bigla siyang napangiti ng lumabas sa malaking bahay ang kanyang ina at ama na humahangos na pumunta sa kanya. "Bunso!" Tuwang tuwang nilapitan siya ng kanyang ina at mahigpit na niyakap. Niyakap din niya ito pabalik. "Kailan ka pa nagpakulay ng buhok? Mas bagay mo ang buhok mo ngayon anak. At saka anong nilalagay mo sa mukha mo? Ba't parang blooming ka?" Natawa naman siya. "Ma, nandito na ako. Hindi niyo na kailangan pang bolahin ako." "Alam mo namang hindi ako marunong mambola anak. Kayong dalawa lang ng ama mo ang marunong mambola. Nagsasabi ako ng totoo, samantalang kayong mag-ama puro pambobola ang alam." Nagtinginan sila ng kanyang ama at sabay na nagtawanan. Lumapit ito at yumakap din sa kanya. "I miss you baby." Ani naman ng kanyang ama. "I miss you too pa." "Ikaw na ba yan Samantha?!" Napakalas siya ng yakap ng marinig ang boses ni tita Amanda. "Kumusta po?" Nakangiting niyakap niya rin ito. "Okay naman kami. Gumanda ka lalo hija!" "Sabi ko sayo anak diba?" Singit ng kanyang ina. Tinawanan niya lang ang dalawa pero napatigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang binalingan ni tita Amanda si Yohann. Bigla tuloy siyang kinabahan. "Yohann anak, samahan mo muna itong si Sam sa kanyang silid para ilagay ang mga gamit niya. Mamaya maya kakain na tayo." Nang balingan niya si Yohann ay walang sali-salitang nauna na ang binatang naglakad. Napabaling nalang siya ulit sa ina nito nang magsalita ito. "Pagpasensyahan mo na yang anak ko hija, mukhang hindi pa nakakamove-on simula ng magkahiwalay kayo. Ni hindi ko nga alam kung nagka-girlfriend yan kasi wala pa namang pinapakilalang babae samin pagkatapos niyong maghiwalay." Hindi niya alam kung nagbibiro ba si tita Amanda o hindi. Impossible kasi ang sinasabi ng mama ni Yohann dahil ang binata mismo ang nakipaghiwalay kaya bakit hindi ito makakamove-on? Napanguso naman siya sa sinabi ni tita Amanda na hindi pa nagkaka-girlfriend ang binata. Baka puro one night stand lang ang ginagawa nito. Hindi nalang siya nagkomento pa at sinundan nalang si Yohann. Ayaw niyang magulo na naman ang utak niya kaya hahayaan nalang niya ito. Matagal na silang hiwalay kaya hindi na dapat niya alamin pa ang nangyari sa buhay nito. Ibabaling nalang niya ang atensiyon niya pag nagkita na silang muli ng boyfriend niyang si Clinton. "Sigurado ka?" Hamon ng isang bahagi ng utak niya. Pasimple siyang umiling at dahil malalim ang iniisip niya ay muntik pa siyang mapasubsob sa likod ni Yohann ng huminto na ito. Ni hindi niya nga namalayan na nasa tapat na pala sila sa isang pinto. Pagbukas ni Yohann ng pinto ng kanyang magiging silid ay mabilis itong umalis. Napatingin muna siya sa bulto nitong papalayo na bago pumasok sa loob. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ay tinungo niya agad ang kama at pabagsak na humiga, medyo napagod siya sa byahe dahil ilang oras din siyang nagmaneho. Ipinikit niya muna ang kanyang mga mata hanggang sa hindi na niya namalayang dinalaw na siya ng Antok. MAHIHINANG katok ang nagpagising kay Samantha kaya dahan-dahan siyang bumangon at tinignan ang orasan. Mag-iisang oras palang pala siyang nakakatulog at gusto niya pang mahiga at matulog ulit pero hindi maaari. Tamad na tamad na tumayo siya at binuksan ang pintuan. Bumungad sa kanya ang katulong nila tita Amanda na hindi niya alam kung ano ang pangalan. "Ma'am kain na raw ho kayo." Nginitian niya ito. "Sige po."Wika niya at sinundan ito pababa ng hagdan. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos pa o magsalamin man lang. Pagdating niya sa dining area ay napakunot-noo siya dahil si Yohann lang ang naabutan niyang kumakain. Mukhang kakaumpisa lang nito. "Nasaan sila mama?" Pormal na tanong niya dito kahit na tumatahip na naman ang dibdib niya sa kaba. Tinitigan siya nito at tska nagsalita. "Namasyal." "Sila tita?" "Same." Hindi na siya umimik pang muli, umupo nalang siya at maganang kumain. Pinilit niyang hindi tignan ito at hindi pansinin. "Bakit umalis ang mga magulang nila at iniwan silang dalawa ni yohann?" Tanong ng isip niya. Tatawagan nalang niya ang kanyang ina pagkatapos. Gusto niya ring mamasyal kasama ang mga ito. "Stop acting Samantha. " Napatigil siya sa pagnguya ng biglang magsalita si Yohann. Nag-angat siya tingin at inosenteng tinignan ito. "Acting?" kunwaring tanong niya kahit alam niya ang ibig nitong sabihin. Pero bakit ba siya nito pinapakialam? Wala itong pakialam umaarte siya sa harap nito, kasi hindi naman niya pinapakialaman ang buhay nito. "Stop acting like there's nothing happened between us." "Ha?" Tinawanan niya si Yohann na ikipinagtaka nito. Nang matapos siya sa pagtawa ay nginitian niya ang binata. "Ano bang pinagsasabi mo Yohann? Anong acting? Para sabihin ko sayo, hindi ako umaarte. Anong gusto mong gawin ko? Umiyak sa harap mo? Matagal na tayong wala Yohann. Six years na ang nakalipas at nakamove on na ako, matagal na. It's no big deal okay?" Nginitian niya pa ito. Ganyan nga Samantha. "At tsaka ano bang problema mo? I'm enjoying the food. Ni hindi kita inaano diyan ha? Wag kang papansin. Matagal na akong walang pakialam sayo." Hindi niya alam kung guni guni niya lang pero parang may dumaang sakit sa mukha nito. "At isa pa, nandito ako, tayo, para magenjoy. Hindi yung alalahanin pa ang nakaraan, right?" Pagpapatuloy niya pa "You think you're going to enjoy your vacation while your ex boyfriend is also here? " She laughed. "Why not? My ex boyfriend is not that important to me now. EX nga diba? I'll mind my own business here, and he will do the same. I already moved on, so it's not a big deal anymore." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Do you think my EX feels the same too?" She saw Yohann gritted his teeth. "Sana hindi ka nalang pumunta dito." Natulos siya sa kanyang kinauupuan at kumirot ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit parang mas galit pa ito sa kanya na dapat kung tutuusin ay siya ang mas may karapatang magalit dito. Ayaw nalang niyang stress-in ang sarili kaya hindi siya nagpapakita rito ng kung anong emosyon na pwede nitong gamitin laban sa kanya. She cleared her throat. "Well, Hindi ko din naman gustong pumunta pero wala akong magagawa dahil nandito ang pamilya ko. At tsaka hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito." Ibinaba niya ang kutsara at tinidor dahil nawalan na siya ng ganang kumain. "Wag kang mag-alala, tatlong araw lang ako dito. Pagkatapos nito, hindi na ako ulit magpapakita sayo. Nakakahiya naman sayo." Kitang kita niya ang pagtiim-bagang at pagdilim ng mukha nito. "Bakit, namimiss mo na ba ang lalaki mo? That's why you're too eager to go home? Is he good in bed Samantha?" Nagulat at napanganga siya sa tanong nito. Naibuka niya ang bibig pero walang lumabas ni isang salita dahil sa hindi makapaniwalang sinabi nito. Itinikom nalang niya ang bibig at hinayaan nalang niya ito saka tumayo na. Ayaw na niyang makipagtalo pa dito. "What was he was he talking about? Did he know that she have a boyfriend? Kilala ba nito si Clinton?bakit lalaki talaga? Why did she feels like she's being accused as a cheater?" She just shook her head and stood up. Bahala ito sa buhay nito. "Tapos na ako. I lost my appetite." Mabilis siyang naglakad palabas ng dining area pero mabilis siya nitong hinila papunta sa sulok. Madiing isinandal siya nito sa pader. Kitang kita niya ang pagngangalit ng bagang ni Yohann na lalo niyang ipinagtaka. "Bakit Samantha? Kayo pa ba ng lalaki mo? Mas magaling ba siya sakin?" Malakas na itinulak niya ito tsaka niya malakas na sinampal. Bigla siyang naguluhan sa sinabi ni Yohann. "Ano bang pinagsasabi mo ha Yohann? Pwede ba? Kung ano man ang ikinagagalit mo sakin, sabihin mo! At tsaka ba't ba ganyan ang mga tanong mo sakin? Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mo akong idamay! Wala ka ng pakialam pa sa buhay ko, o kung ano man ang gagawin ko dahil matagal na tayong tapos!" Galit na sigaw niya dito. Buti nalang at wala doon ang kanilang pamilya dahil ayaw niyang masira ang family outing nila. Malalaki ang hakbang na naglakad siya palayo dito pero bigla siyang tumigil at muling pinanlisikan ng mata si Yohann na nakatitig parin pala sakanya. "You know why I'm acting like this? Because you're now just an ordinary person to me Yohann." She smiled. "We should be civil right? Para narin sa mga magulang natin. At huwag kang mag- alala, aalis rin ako dito dahil susunduin ako ng boyfriend ko." Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero nakita niyang natigilan si Yohann sa huli niyang sinabi. Hindi niya rin maintindihan kung bakit galit na galit ito sakanya samantalang wala naman siyang ginawang masama rito. Ito pa nga ang nanakit sa kanya pero pilit na ibinaon nalang niya iyon sa limot. Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at nang makalabas ay tumingala siya para pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit naluluha siya. Huminga siya ng malalim at naglakad para lumusong sa dagat. Inalis muna niya ang suot niyang tank top at short. Gusto niyang libangin ang sarili para mawala ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam kasi niya ay parang sinasakal siya sa emosyon na pilit na lumalabas sa puso niya. Nang makalusong na siya sa dagat ay kahit papaano ay naginhawaan ang pakiramdam niya. Pumikit siya at nagfloating. Halos magkakalahating oras din bago niya naisipang umahon. "Aray!" Napaigik siya sa sakit ng makatapak siya ng kung ano. Napatingin siya sa kanyang kaliwang paa ng makitang dumudugo iyon, pagtingin niya ay nakatapak siya ng basag na bote. Agad na umupo siya sa buhanginan at tinignan ang sugat niya. Halos mapaluha siya ng makitang may mga ilang maliliit na bubog na naiwan sa kanyang talampakan. "What happened?! s**t!" Napaangat siya ng tingin ng marinig ang pagmumura ni Yohann. Nasa mukha nito ang pag-aalala at mabilis na tumakbo palapit sakanya. "f**k! Bakit kasi hindi ka nagtsinelas?!" Galit na bulyaw nito. "Look at your feet! It's bleeding!" "Bakit mo ba ako binubulyawan?!Bakit ka ba nagagalit? Hindi ko naman alam na may basag na bote dito!" Nagusot ang kanyang mukha ng kumirot ang sugat niya pero agad din iyon nawala ng yumuko si Yohann at binuhat siya. Hindi agad siya nakapagsalita sa ginawa nito. "T-teka Yohann, ibaba mo ako." Napansin niyang naggagalawan ang panga nito, tanda na galit ito. Ni hindi nga siya nito pinansin. "Erika!" Galit na sigaw ni Yohann ng makapasok sila sa loob ng bahay. Humahangos Namang dumating ang nasa mid 20's na katulong ng mga ito. Napatakip pa ito ng bibig ng makita ang paa niyang dumudugo. "Bakit may nagkalat na maliliit na bubog ng bote ng alak doon?" Tumingin si Yohann sa lugar na pinanggalingan nila at tinignan ng masama ang katulong. "Hoy Yohann, bakit mo tinatakot yang katulong niyo?" Sita niya pero muli siya nito hindi pinansin. Pinilit niyang kumawala sa pagkakabuhat nito pero sinamaan din siya nito ng tingin. "Stop that Samantha. Kapag ipinagpatuloy mo yan, ihuhulog kita." Sa takot na totohanin nito ang banta ay tumahimik nalang siya at hindi na naglumikot pa sa pagkakabuhat nito sakanya. "Answer me narca!" "Huwag mo kasing sigawan." Singit niya ulit. "Para kang matandang dalaga na hindi man lang nadiligan." "What?!" Pinanlisikan siya ni Yohann, namumula ang mukha nito dahil sa sinabi niya pero sabay silang napatingin ng magsalita ang katulong. "B-baka po kila Gaspar yun ser. N-nag-inuman po kasi sila doon noong nakaraang gabi." "Linisin mo bawat dugong natulo at pagkatapos mo diyan, tawagin mo si mang Gaspar. Sabihin mo kakausapin ko siya mamaya. Tell him I have a surprise for him." Mariin na bigkas nito. "O-opo sir." Nakayukong sabi nito. Mukhang natakot ito sa itsura ni Yohann. Para kasi itong kakain ng buhay. Biglang nangunot ang noo niya . Bat ba ang init init ng ulo nito? Nang akmang maglalakad na si Yohann ay mabilis na tinawag niya ang katulong. "Miss..." Tawag niya rito. Nahihiyang tumingin naman ang dalaga. Nginitian niya ito ng matamis. "Kung gusto mo, magresign ka nalang dito. Kukunin nalang kita sa cake shop ko. Atleast wala kang boss na halimaw." Napanganga ang dalaga sa sinabi niya, habang si Yohann ay sinamaan na naman siya ng tingin saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Umakyat ito sa second floor at binuksan nito ang pintong katabi ng kwarto niya. Pagkapasok nila room ay nalaman niyang silid iyon ng binata dahil narin sa amoy ng kwarto. Amoy mint kasi iyon na pabango ng binata. Ngayon niya lang nalaman na magkatabi pala ang kwarto nilang dalawa. "Bakit dito mo ako dinala? Ang lapit lang ng kwarto ko." "Walang medicine kit doon." Nang maibaba siya nito ay kinuha nito ang medicine kit at umupo ito sa sahig. Tinignan nito ang paa niya at nakita niyang naggagalawan na naman ang panga nito. "Ako na ang bahala." Sabi niya pero hindi siya pinakinggan ng binata at walang imik na tinitigan muli ang sugat niya. "Ako nalang kaya? Pasmado pa ata yang kamay mo, daig mo pa ang kinukuryente sa panginginig ng kamay mo. Takot ka ba sa dugo? Huwag kang matapang-tapangan, baka mas lalo mo pang maibaon ang mga bubog sa-" "SHUT UP." Itinikom nalang niya ang bibig at mariin siyang pumikit, kinagat niya pa ang kanyang labi dahil dahan dahan na nitong tinatanggal ang ilang bubog sa talampakan niya. Kahit naka aircon na sila ay tagatak parin ang pawis niya dahil kumikirot ang sugat niya. Nang imulat niya ang kanyang mata ay palihim siyang napangiti dahil mas pinagpapawisan pa pala ito sakanya. Nang matapos nitong tanggalin ang mga bubog ay ingat na ingat naman nitong nilisan ang paa niya. Napapaigtad siya sa bawat pagdampi ng bulak sa sugat niya pero tiniis nalang niya iyon. "Does it hurt?" Nakipagtitigan siya rito pagkuwa'y napangiwi rin. "Slight lang. Keri boom-boom ko naman." Naiiling nalang na ipinagpatuloy nito ang paglilinis sa paa niya. Nilagyan din nito ng benda ang paa niya, pagkatapos ay inayos na ang mga ginamit nito. Akmang tatayo siya ng mabilis siya nitong pinigilan. "Wag ka munang maglakad. Maidiin lang yang paa mo." Pagkasabi niyon ay binuhat na siya nito papunta sa kanyang kwarto. Ibinaba siya nito sa kama at kinuha ang bag niya. Parang kanina lang ay nag-aaway sila pero ngayon ay normal na nag-uusap nalang. "Magbihis ka na." Napatingin siya sa kanyang suot. Nawala sa isip niyang nakatwo piece pala siya at basa pa iyon. Tinaasan niya ito ng kilay. "Then why are you still standing here? Huwag mong sabihin papanuorin mo akong magbihis?" Ngumisi naman ito. "Bakit? Nakalimutan mo na bang bawat sulok ng katawan mo ay memoryado ko?" He even crossed his arms and looked at her from head to toe. A smile crept his lips. "You want me to tell you the place where your moles are? You have two moles on the side of your waist on the left side, one mole between your- " "Bastos!" Pagputol niya sa sinasabi nito. "Umalis ka na Yohann!" Namumulang hinagisan niya ito ng unan pero sinalo lang nito iyon at hinagis pabalik sa gilid niya. "O baka gusto mong ako na ang magbihis sayo?" Nang akmang hahagisan niya ulit ito ng unan ay mabilis na isinara nito ang pinto. Kinapa niya ang kanyang dibdib na kasalukuyang tumatambol iyon ng malakas. Pakiramdam niya ay parang nanganganib na naman ang sarili niya. Ayaw tanggapin ng utak niya ang mga pwedeng mangyari habang narito siya sa Isla kasama si Yohann. Hindi pwede dahil may boyfriend na siya. Hindi pwede! AUTHORS NOTE: ANO KAYANG MANG YAYARI KILA YOHANN AND SAMANTHA ? MAY MANG YAYARI BA ? HAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD