Mag-gagabi na ng makatanggap si Samantha ng text msg galing sa ina.
Sinabi nitong matutulog ang mga ito
sa bahay ng kaibigan ng kanyang ama at ni Tito Yohenn.
Hindi niya alam kung bakit pinasama sama pa siya ng kanyang ina sa outing na ito kung iiwan lang silang dalawa ni Yohann na magkasama.
Alam naman ng mga ito na may nakaraan sila ng binata.
Pagkatapos siyang dramahan ng kanyang ina na na-miss na siya nito ay mas inuna pang makitulog sa ibang bahay sa halip na enjoy-in ang araw na magkakasama silang pamilya. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi nalang siya pumunta rito.
Napabuntong hininga siya. Pinagsisihan tuloy niyang sumama pa siya.
Paika-ika siyang lumabas, tumingala, at tinignan ang mga bituin sa langit. Paglingon niya sa gilid ay wala sariling naglakad siya papunta bungalow house.
Nang makarating ay nagtaka pa siya ng wala man lang nagbago sa loob niyon. Kahit mga gamit ay walang nadagdag. Kung ano ang itsura ng una niyang punta dito ay ganoon parin hanggang ngayon, samantalang anim na taon na ang nakalipas.
Nagtungo siya sa kusina at ganoon ulit ang ayos niyon.
Anim na taon na ang nakalipas pero ganoon parin ang ayos ng loob?
Wala man lang binago? Bakit kaya?
"What are you doing here?"
Napatalon siya sa gulat ng biglang magsalita sa likod niya si Yohann dahilan para maiapak niya ang paa sa sahig.
"Ouch!" Daing niya dahil nagalaw na naman ang sugat niya.
"Stupid. Hindi ka kasi nag-iingat." Mabilis siya nitong dinaluhan.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kasalanan mo, ikaw itong nanggugulat." Inis na wika niya. "Ba't ba kasi para kang multo na pasulpot-sulpot?"
Hindi nalang ito umimik at akmang bubuhatin siya pero agad niya itong pinigilan. "Kaya ko to, malayo ito sa bituka." Paika-ika siyang naglakad papunta sa mahabang upuan pero binuhat parin siya nito at ito na ang nagdala sa kanya sa upuan.
Sinundan niya ng tingin si Yohann ng tumayo ito at pumasok sa isang kwarto, at pagbalik nito ay may hawak na itong panyo.
Umupo si Yohann sa harap niya at tsaka pinalitan ng panyo ang nakalagay na benda sa kanyang talampakan dahil may dugo na iyon.
Nang matapos ito sa ginagawa ay tinitigan siya nito pero umiwas siya ng tingin.
"Samantha."
Agad na tumaas ang kilay niya at nang lingunin niya ito ay agad na nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Sa isang iglap lang kasi ay hinuli nito ang mukha niya at sinakop ang kanyang labi.
Paulit ulit na ikinurap niya ang mata at ng maalala ang nobyo ay agad siyang nagpumiglas dito pero walang nagawa ang katawan niya. Parang pader sa tigas ang katawan ni Yohann. Ikinulong siya nito sa bisig nito at pinilit na ipinapasok ang dila nito sa bibig niya.
Napasinghap siya nang biglang hawakan ni Yohann ang dibdib niya kaya naman napaawang ang labi niya at iyon ang naging hudyat para maipasok ni Yohann ang dila nito sa bibig niya. Mabilis nitong ginalugad ang loob ng kanyang bibig at parang sabik na hinalikan siya.
Bawat paggalugad ng bibig at dila nito sa kanya ay ramdam niya ang pagkasabik nito.
Unti unting bumigat ang talukap ng mata niya hanggang sa hindi na niya namalayang unti unti ng bumigay ang kanyang katawan at sinabayan na ang bawat ritmo ng paghalik nito.
Nag-iinit ang kanyang katawan ng tudyuhin ng dila nito ang dila niya.
Halik palang nito ay para na siyang nagdedeliryo, na hindi niya naramdaman kay Clinton.
"Oh, god!" Agad siyang binalot ng hiya dahil sa pagtugon niya kay Yohann samantalang may nobyo na siya. Dahil doon ay bigla siyang napatigil sa pagtugon kay Yohann ng maalala ang nobyo. Bumalot sa pagkatao niya ang matinding pagsisisi at kahihiyan dahil nagpadala siya sa halik ni Yohann.
Napansin agad iyon ni Yohann kaya tumigil ito sa paghalik sakanya at tinitigan siya. Kitang Kita niya sa mga mata nito ang pagtataka, pagnanasa, at -pagmamahal?
"Impossible!" Sigaw ng utak niya.
"I will give you a second chance Samantha. Just be with me again."
Napanganga siya sa sinabi nito. Nang mahimasmasan ay kumunot ang noo niya. Anong sinasabi nito?
"Anong sabi mo? Second chance?" naguguluhang tanong niya. Nainis siya sa sinabi nito. "Ang kapal ng mukha!"
"Yes. I will give you a second chance Samantha. Kakalimutan ko na ang lahat, maging tayo lang ulit." He stared at her seriously. "Break up with your boyfriend and be with me instead. You were mine first. Binabawi na kita."
Her jaw almost dropped on the floor of what he just said. Tinitigan niya ito para tignan kung nagbibiro lang ito pero ilang sandali na ang nakalipas ay seryoso parin itong nakatingin sakanya.
Her jaw instantly clenched. Sino ito para paglaruan Siya? Binabawi?!
Sunod sunod ang pag-iling niya.
Ito pa talaga ang magbibigay sa kanya ng second chance gayong ito mismo ang nakipaghiwalay?
"I'm a girl Yohann, not a toy. So don't play with my emotions whenever you feel like it!" Her hands balled into fist. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ikaw ang nakipaghiwalay, kaya bakit mo ako bibigyan ng chance?" Pagak na tumawa siya at hindi makapaniwalang tinitigan ito. "Wala kang mababawi dahil hindi mo na ako pag-aari."
Malakas na napahampas si Yohann sa upuan pero hindi siya nagpatinag dito.
"Damn it Samantha! Ako na ang nagpapakumbaba kahit ikaw naman ang may kasalanan! I told you I'm giving you a second chance! Hindi pa ba sapat iyon?!"
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Yohann? Sa ating dalawa ikaw ang nakipaghiwalay! Nagmakaawa pa ako sayo diba? At ngayon sasabihin mo sakin yan? Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sakin noon?" Agad na bumalik sa alala-ala niya ang mga masasakit na sinabi nito noon sa kanya, kahit ang sakit ay biglang nanariwa sa puso niya. "Ginamit mo lang ako diba? Sinabi mong hindi mo ako mahal diba?!" mabilis niyang pinunasan ang tumulong luha niya. "Diba pinagsawaan mo na ang katawan ko? Bakit? Gusto mo ba ako ulit tikman? Tapos ano? Iitsapwera mo ako kapag nagsawa ka na?" Galit na dinuro-duro niya ang dibdib nito. "Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga sinabi mo sakin! Alam mong mahal na mahal kita NOON, pero nang sabihin mong katawan lang ang gusto mo sakin, na hindi mo ako mahal, para mo narin akong sinaksak ng paulit ulit. Binigay ko sayo lahat Yohann, pero sinaktan mo lang ako." Sunod sunod ang luhang namalisbis sa mukha niya.
Akala niya naghilom na ang sugat niya, pero hindi pa pala.
Mas lalong kumuyom ang kamao niya.
Dapat hindi siya umiyak sa harapan nito ngayon!
Ibinaon na niya Sa limot ang nangyari sa kanila and she's totally and absolutely moved on!
"Binalot lang ako ng galit kaya ko nasabi ang mga iyon. At dahil iyon sayo Samantha!"
"Hindi kita maintindihan Yohann." Naguguluhang umiling-iling siya. Itinulak niya ito pero mahigpit siya nitong niyakap. "At anong sinasabi mong kasalanan ko? Ang alam ko wala akong ginawang masama sayo!"
Nilakasan niya ang pagtulak rito pero para lang siyang nagtutulak ng pader. "Ano ba Yohann! Bitawan mo ako! Matagal na tayong wala! Matagal na!Ano ba!" Pagpupumiglas niya.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, pero sa gulat niya ay lumuhod pa ito at ibinaon ang mukha sa tiyan niya. "Sshhh..... Kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan Samantha. Magsimula tayo ulit. Please...."
She sighed heavily. "Madali para sayo sabihin yan, kasi hindi ikaw ang nasaktan Yohann. Ikaw ang nang-iwan sa ating dalawa, hindi ako. Ikaw ang nanakit, hindi ako."
Biglang nag-angat ng mukha si Yohann mula SA pagkakabaon Ng mukha nito sa tiyan niya. "Dahil niloko mo ako Samantha!"
Napanganga siya at lalong naguluhan sa sinabi nito. "Ako? Manloloko?!" Sigaw ng utak niya. "Anong ibig mong sabihin? Hindi kita niloko!" Naguguluhang sabi niya.
Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang sinasabi nitong niloko niya ito. Alam naman nito kung gaano niya ito kamahal. Simula pagkabata hanggang sa magkolehiyo sila ay tanging ito lang ang minahal niya.
Siya nga ang habol ng habol dito noon tapos sasabihin nito na niloko niya ito? That was absurd!
At bakit pa ba nila pinag-uusapan iyon? Matagal na silang tapos!
"Please Samantha. Ayaw ko ng pag-usapan pa ang nakaraan. Gusto ko ng ibaon sa limot ang mga nangyari."
Umiling iling siya. Madali lang para dito na sabihin iyon dahil hindi naman ito ang nasaktan. Niyurakan nito ang pagkatao niya.
"Kung ayaw mong sabihin, sige. Hindi na kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo, jung ano man yang panloloko ko na sinasabi mo, hindi yan totoo." Tinitigan niya ito at pilit na pinahinahon ang sarili. "Ayaw ko naring balikan pa ang nakaraan Yohann, pero hindi ibig sabihin ay babalikan kita. Madami ng taon ang lumipas, madami ng nagbago. At iyon ay ang pagmamahal ko sayo. Dahil ngayon? Wala na ako ni katiting na pagmamahal sayo. May boyfriend na ako, so please... please, ayaw ko ng magkasala ulit sa boyfriend ko dahil sa halik na pinagsaluhan natin, kaya huwag mong guguluhin ang buhay ko. Pasensya ka na kung nadala ako sa halik mo, pero wala lang iyon sakin. Matagal na kitang kinalimutan Yohann at wala ka ng puwang dito sa puso ko."
"Ang tanga mo kasi Samantha! May Clinton ka na nakipaghalikan ka pa!" Pangungonsenya pa ng isang bahagi ng utak niya.
Sunod sunod na umiling si Yohann. "No.. Samantha, please....." Nasa Mukha nito ang pagsusumamo. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako."
Seryosong tinitigan niya ito. Baka nagdadrama lang ito at gusto na naman siyang gamitin. "Hindi na tayo pwede Yohann. May boyfriend na ako."
Nagtiim bagang ito at biglang nanlisik ang mata. "Then break up with him Samantha." May diing wikanito.
Nababaliw na ba ito?!
Umiling iling siya. "Wala kang karapatang diktahan ako dahil wala ka ng parte sa buhay ko Yohann. Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya kahit ano pa ang sabihin mo." Malakas na binaklas niya ang kamay nitong nakahawak sa bewang niya, pagkatapos ay tumayo na siya. Tinitigan niya muna ito bago nagsalita. "Mahal ko ang boyfriend ko Yohann. Mahal na mahal." Pagsisinungaling niya. "Kaya please lang, huwag mo ng guluhin pa ang buhay ko dahil masaya na ako sa kanya. Sana, maging masaya ka na rin. "
Nakita niyang nawalan ng kulay ang mukha nito pero agad na siyang naglakad palabas, ni hindi na niya nilingon pa ito.
Hindi niya alintana ang kirot sa talampakan niya dahil mas nangingibabaw ang sakit na nabubuhay na naman sa puso niya. Hindi niya inaasahan na sa ganito mapupunta ang pagkikita nila ng binata.
Gulong gulo na ang utak . Alam niya sa sariling mahal niya pa si Yohann pero natatakot siyang masaktan ulit. Ayaw niya ring masaktan si Clinton.
Mas mabuting jay Clinton nalang niya ituon ang sarili kaysa dito, dahil pasasaan ba't matututunan niya ring mahalin si Clinton.
Malapit na siya sa dalampasigan nang may marinig siyang boses ng babae.
"Miss!" Sigaw bg babaeng nakasakay sa bangka. Nakangiting kumaway-kaway pa ito sa kanya.
Paika-ika naman siyang lumapit. Ayaw niyang lingunin kung saan siya nanggaling dahil baka makita niya si Yohann. Pasimple niyang pinunasan ang luha niya sa mata at itinuon ang atensiyon sa babae.
Binabayaran ng babae ang bangkero nang makalapit siya.
"Salamat po manong! Ingat po kayo!" Wika ng babae pagkatapos ay nakangiting humarap sakanya.
Cute ito at parang may lahing hapon. Sa magkabilang pisngi nito ay may dalawa itong maliit na dimple. Naalala niya tuloy ang nobyo.
"Hi, I'm Akira." Pagpapakilala nito.
Nagtataka man ay inabot naman niya ang kamay dito para magpakilala kahit na nagtataka siya kung sino ang kaharap, o kung bakit ito nandito sa private island nila Yohann.
"Samantha." Pagpapakilala niya. Tipid siyang ngumiti dito .
Nagtaka pa siya ng makitang para itong nag-iisip. Tinatap kasi nito ang daliri nito sa labi nito at bahagyang nakatingala na parang may malalim na iniisip.
Wala sa sariling napangiti siya dahil ang cute nitong tignan sa ginagawa nito.
"Your name sounds familiar to me." Anito at maya maya pa ay mahiwagang nginitian siya nito. "You're Yohann ex-girlfriend right?"
Naibuka niya ang bibig pero hindi siya nakapagsalita hanggang sa narinig niya ang boses ni Yohann sa likuran niya.
"Aki?"
"Yohann!" Nagliwanag ang mukha ni Akira at tumakbong lumapit kay Yohann. Paglingon niya ay saktong nagyakapan na ang dalawa.
Mabilis siyang umiwas bg tingin dahil parang pinipiga ang puso niya ng makita ang pagyayakapan ng mga ito.
"Makikipagbalikan pero may babae?!"
Pasimple niyang pinunasan ang tumulong luha sa kanyang mukha.
"Hoy Samantha! Hindi mo dapat maramdaman yan! Wala kang karapatang magselos dahil may boyfriend ka na!"
Tama nga ang desisyon niyang piliin si Clinton dahil puro sakit lang ang mararanasan niya kung si Yohann ang pinili niya.
"Pero hindi mo na kailangan pang mamili dahil may nobyo ka na! Sita na naman ng utak niya.
Napakagat labi siya. Nakokonsensya siya dahil sa nangyayari at mga iniisip niya.
"Patingin nga ako ng likod mo." Rinig niyang sabi ni Akira.
Hindi siya tumingin sa mga ito at umupo nalang sa buhangin. Parang may nalasahan siyang pait habang naririnig ang mga itong masayang nag-uusap at nag-aasaran.
She tightly closed her eyes. You shouldn't feel pain Samantha, because you already have a boyfriend!
"Teka lang! Ano ba aki!"
"May titignan lang baman ako eh! Yung likod ng balikat mo titignan ko lang."
Yumuko siya at nilaro nalang ang buhangin.
"Ano ba Akira, tumigil ka nga! Halika na!"
"Ang kj mo naman. Titignan lang-teka, umiyak ka ba? Ba't ang pula at namamaga yang mata mo?"
Napatigil siya sa vpaglalaro ng buhangin sa narinig.
Umiyak? Impossible! Pinigilan niya lalong lingunin ang mga ito.
"Tsk, imagination mo lang yan. Halika na nga!"
Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Akira. "Anong palagay mo Sa Mata ko? Naghahalusinasyon? 20/20 ang vision ko no!--uy teka naman Yohann! Hintay! Ba't ka ba nagmamadali? --teka nga! Tabi ba tayo matulog?" parang pasigaw na sabi nito.
Naikuyom niya ang kamao sa narinig.
Pumasok agad sa isip niya na magkatabi ang mga ito sa kama.
"Bubuo tayo ng madaming Yohann at makulit na Samantha."
Parang nananadya pa ang utak niya nang umalingawngaw sa utak niya ang sinabing iyon ni Yohann noong magkasintahan pa sila.
Hinintay niya ang sasabihin ni Yohann pero hindi na niya narinig na nagsalita pa ito.
Dahil doon ay agad namalisbis ang mga luha niya. Isipin palang na magkatabi ang mga ito ay para na siyang sinasaksak ng paulit-ulit.
Narealize na niyang sobrang mahal na mahal pa niya si Yohann, at nakatago lang pala iyon sa kasuluk-sulukan ng kanyang puso. Hindi naman siya masasaktan at iiyak kung wala na siyang pagmamahal sa binata.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil pagkatapos ng ginawa nito ay mahal parin niya ito.
Ang tanga mo samantha!
Hindi lang siya tanga, dahil nagkasala siya sa nobyo niya na walang ginawa kundi pahalagahan siya. Na boyfriend niya si Clinton pero ibang tao ang mahal niya.
Kung pwede lang ibalik ang oras, nunka siyang pupunta rito sa Isla.
"Sam? Anak, tanghali na. Kakain na tayo."
Nagising siya sa sunod-sunod na katok ng kanyang ina. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito. Napasimangot tuloy siya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya namiss ng magulang at sinadya ng mga ito na iwan silang dalawa ni Yohann sa Isla.
"Opo ma! Susunod na po." Walang ganang sigaw niya.
Kahit inaantok pa ay nagtungo siya sa banyo at naghilamos. Buti nalang at may sariling banyo ang kwarto na tinutuluyan niya ngayon. Kahit tinatamad ay pinilit talaga niyang gisingin ang sarili dahil nakaramdam narin siya ng gutom, nawalan kasi siya ng ganang magdinner kagabi.
Tinignan niya ang mukha sa salamin.
Halata sa mukha niya ang puyat dahil mag-uumaga na ng makatulog siya.
Hindi kasi siya mapakali habang iniisip kung ano ang ginagawa ni Yohann at Akira, at kung magkatabi ba ang mga ito natulog. Hindi kasi niya nakita ang mga ito nang pumasok na siya kagabi sa loob ng bahay.
Mahinang kinaltukan nalang niya ang kanyang ulo at iwinaksi sa isip si Yohann. Ang laki na ng kasalanan niya sa nobyo dahil sa lihim na pag-iisip niya kay Yohann.
Nang matapos siya sa kanyang morning routine ay dumiretso siya sa kanyang kama at hinagilap ang kanyang make up. Tatakpan nalang niya ang kanyang eyebag gamit ang concealer.
Habang nag-aayos ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Clinton.
Simula ng dumating siya dito ay hindi pa niya ito nakakausap kaya mas lalo tuloy siyang nakonsensiya dahil si Yohann ang laging aman ng isip niya at nakalimutan na itong tawagan. Hindi rin niya nasasagot ang mga tawag nito.
Kinakabahang sinagot niya ang tawag ng nobyo. "Hon." sagot niya.
"Thank god! Hon, kahapon pa ako tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot. Akala ko kung napano ka na." Nasa boses nito ang pag-aalala na lalong nagpalaki ng konsensya niya.
"I-i'm sorry hon." Kagat labing wika niya." Nakalimutan ko at tsaka busy lang. Alam mo na, masyado akong namiss nila mama at papa." Pagsisinungaling niya.
"I'm sorry Clinton." Sigaw ng isip niya.
"Patapos na ako dito, and after this, didiretso na ako diyan."
"Hindi ka ba mapapagod niyan?" nag-aalalang tanong niya dito. Hindi niya rin mawari kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba na pupuntahan siya ng nobyo kahit pa napag-usapan na nila ang bagay na ito.
"It's okay. Mawawala din ang pagod ko kapag nakita na kita."
Kung dati ay napapakilig pa siya nito sa mga ganoong banat, ngayon ay wala siyang maramdamang kilig.
Sa isang iglap ay nagbago ang lahat ng nakita niya si Yohann.
Pinagalitan niya ang sarili dahil sa pag-iisip na naman kay Yohann.
Pumikit nalang siya at sinubukang ngumiti kahit hindi iyon nakikita ng nobyo. "Basta mag-ingat ka sa pagmamaneho okay?"
"I will. Sige na hon. Tatapusin ko lang itong mga ginagawa ko para makapunta na ako diyan agad. I love you."
"I-i love you." Mabilis niyang pinatay ang tawag. "Sinungaling!"
Sita ng bahagi ng isip niya.
Nang matapos niyang ayusan ang sarili ay dahan dahan siyang bumaba ng hagdan at naglakad papunta sa dining area.
"Good morning po Tita, Tito. Good morning Pa, Ma-"
"Anong nangyari sa paa mo anak!?"
Nag-aalalang nilapitan siya ng kanyang ina.
"Wala lang to ma, nakatapak lang ako ng bubog. It's no big deal." Sabi niya . Tumabi siya ng upo sa kanyang ama.
"Are you sure?"
Masuyong nginitian niya ang ina. "Yes ma. Malayo po ito SA bituka."
Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag at tumabi rin ito sa ama niya.
Sabay sabay silang napalingon ng makarinig sila Ng boses.
"Hello po!"
Nilingon niya si Akira na nakangiting naglalakad papunta sa kanila. Kasama nito si Yohann na titig na titig sa kanya. Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin rito.
Kung makatitig kasi ito ay parang siya lang ang tao sa paligid. Hindi ba ito nahihiya jay Akira?
"Umupo na kayo at ng makakain na." Ani baman ni Tito Yohenn kila Yohann.
Umupo sa harap niya si Yohann, samantalang umupo naman si Akira sa tabi nito, katapat ng papa niya.
Nginitian siya ni Akira kaya naman ngitian niya rin ito. Kahit hindi niya alam kung ano ang relasyon ng dalawa ay magaan ang loob niya sa dalaga. Mukha kasi itong mabait.
"Sam, nakilala mo na ba itong si Akira?" Wika ni tita Amanda habang kumakain sila. "Kaibigan siya ni Yohann."
Kaibigan lang ba talaga?
"Yes po tita, nagkakilala na po kami." Tipid na nginitian niya lang ang ginang.
"Ikaw naman Sam, bakit hindi mo sinama ang mga apat mong kaibigan?" Tanong naman ni Tito Yohenn.
"Busy po sila Tito. Si Crista abala sa negosyo niya. Pati narin po si Denise, abala sa kompanya na ipinamana sa kanya ng kapatid niya. Si Jennie naman po kung saan-saang bansa po siya napupunta dahil sa pagiging modelo niya."
"Eh yung isa mong kaibigan? Si Sophia? Ex-girlfriend yun ng pamangkin ko diba?"
Natigilan siya at pasimple niyang tinignan si Yohann na biglang tumigil sa pagkain at halatang hinihintay ang sasabihin niya.
"Wala po akong balita kay Sophia Tito." Pagsisinungaling niya.
Tumango tango lang si Tito Yohenn at hindi na umimik pa.
Namiss niya tuloy bigla ang mga kaibigan niya lalo na si Sophia na nasa France.
"E di sana si Angelo nalang ang isinama mo dito. Diba magbusiness partner naman kayo? Sayang naman. Namiss ko na ang batang iyon." Wika naman ng kanyang ina.
"Baka busy ang boyfriend niya tita." Si Yohann ang biglang sumagot. Napakunot noo siya dahil napansin niyang nakakuyom ang kamao nito, parang galit na naman.
Pero mas lalong lumalim ang gatla ng noo niya ng mapagtanto ang sinabi nito. "Si Angelo? Iniisip ba nito na boyfriend niya si angelo?" Parang gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito pero pinigilan niya ang sarili.
Napatingin silang lahat sa kanyang ina ng malakas itong tumawa, at alam niya ang dahilan. Kaya naman kahit seryoso ang mukha ni Yohann ay hindi na niya napigilan pang matawa rin.
"Hindi ba alam ni Yohann anak?" Tanong ng kanyang ina. Natatawa parin dahil sa sinabi ni Yohann. Napansin niyang kakaiba ang ngiti ng kanyang ina pero hindi nalang niya iyon pinansin.
Natatawang nagkibit balikat lang siya. Paano nito malalaman, bago pa niya masabi iyon ay naghiwalay na sila.
"Ang alin tita?" Halata sa mukha ni Yohann na kinakabahan sa sasabihin ng kanyang ina.
AUTHORS NOTE:
Mukang may lihim si YOHANN na ayaw niya ipaalam kay samantha :(