ELARA’S POV
Nakatanga lang ako sa lalaking kaharap ko. Parang gusto kong tumakbo palayo sa kaniya pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
Kumunot ang noo niya. Habang ako naman ay nakatitig lang sa gwapong mukha niya.
“Hindi mo ba ako natatandaan?” tanong pa niya.
Napalunok ako.
Natatandaan niya ako? Ayon sa balitang napanood ko, ang sabi nasa ibang bansa na siya. Pero bakit nasa harapan ko siya ngayon?
“K-kilala mo a-ako?” kinakabahang tanong ko. Hindi ko mapigilang mautal habang mas bumibilis ang t***k ng puso ko.
“Yes.” Mas lumaki ang ngiti niya. “We used to be playmate when we were young. Nakita ko rin ang picture mo dahil sa tatay mo. This is me Tonton.”
“Tonton? Ashton De Silva?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Medyo nakasandal ako sa kotse niya. Hindi mainit sa sa side kung saan siya naka-park kaya medyo nawala ang pagkahilo ko.
Nabanggit ni Papa kanina na dumating si Ashton kasama ng pinsan niya pero hindi ko inaasahan na magkikita kami.
“The one and only,” sagot nito.
Alanganing ngumiti ako sa kaniya.
“Namumutla ka. Are you sure, okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya.
“Yeah, medyo nahihilo lang ako,” mahinang sagot ko.
Agad niyang binuksan ang sasakyan.
“Get in. Masyadong mainit kaya baka nahihilo ka.”
Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ako hindi, pero inalalayan na niya ako kaya wala na akong nagawa. Mabilis naman siyang umikot at sumakay din sa driver seat. Mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan para lumalig sa loob. Binigyan din niya ako ng tubig.
“Salamat,” saad ko nang makainom ako. Mas umayos ang pakiramdam ko nang makaupo na ako.
Tumingin ako sa kaniya. Kilala ko si Ashton o Tonton. Kalaro ko siya noong bata pa ako. Kapag nagbabakasyon siya sa Hacienda ay naglalaro kami sa manggahan o kaya sa may burol.
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Hindi naman siya iyon, hindi ba? Pasimple kong kinapa ang tiyan ko kinakabahan pa rin ako. Hindi pwedeng siya ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon.
Pero habang tinititigan ko siya ngayon. Unti-unti kong napapansin ang pagkakaiba nila. Sa unang tingin, magkamukhang-magkamukha sila. Pero dark brown ang kulay ng mata ni Ashton gayong Hazel naman ang kulay ng lalaking nakatalik ko. Hindi ko makakalimutan ang kulay ng matang tila umaakit sa akin ng gabing iyon. Medyo curly brown din ang buhok ni Ashton, habang black hair naman ang lalaking nakasama ko ng isang gabi. May boyish smile din si Ashton samantalang para bang nagbabadya ng panganib ang ngiti lalaking iyon.
Medyo nag-panic lang ako kanina, pero ngayong natitigan ko na siya ng husto si Ashton, hindi siya ang lalaking iyon. Pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa dibdib ko. Sa isipang magkamukha sila. Paano kung kamag-anak niya ang nakabuntis sa akin? Pero meron din namang magkamukha kahit na hindi magkaano-ano.
Kahit papaano nakahinga na ako ng maluwag. Si Ashton ang nasa harap ko, ang kalaro ko noong bata pa ako. Hindi ang lalaking nakabuntis sa akin.
“Lara, alam kong gwapo ako, pero baka naman matunaw na ako sa titig mo,” mapagbirong saad niya habang nakangisi sa akin.
Umirap ako sa kaniya.
“Ikaw na gwapo.”
“Nasa lahi na namin iyon, huwag ka nang magulat. Kanina kasi para kang nakakita ng multo. Akala mo yata artista ako.”
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
“Wala ka bang girlfriend na artista?” alam kong out of nowhere ang tanong ko pero gusto ko lang makasigurado. Paano kung naka-contact lense lang pala siya noong araw na iyon.
Umiling siya.
Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag. Hindi talaga siya iyon.
“Wala, ayaw ko sa mga babaeng masyadong flashy ang lifestyle,” sagot niya. “Why? Type mo ba ako?”
“Hindi,” matigas na sagot ko at tumawa siya.
Ang tagal naming hindi nagkita. Hindi pa nga ako nire-regla noong huling beses na nagkita kami pero parang wala siyang pinagbago, sa hitsura malaki, pero sa ugali. Siya pa rin iyong madaldal at medyo mahanging kaibigan ko noong bata pa ako.
“Kumain ka na ba?”
Umiling ako. Saka ko lang naalalang hindi pa pala ako kumakain. Kaya siguro nahihilo rin ako.
“Then let us have a lunch while we are catching up,” saad niya at pinaandar na ang sasakyan.
Nagtungo kami sa isang restaurant. Medyo nasa mataas na lugar iyon at kita maaliwas ang paligid dahil mahangin. Parang malaking kubo ang design ng restaurant at kahoy maging ang table at mga upuan. Nagtungo kami malapit sa may bintanang malaki kung saan kita ang malawak na kabundukan. Hagip din ng mata namin ang ilang bahagi ng Hacienda De Silva.
“Anong ginagawa mo rito sa San Isidro?” tanong ko sa kaniya. Matapos naming umorder ng pagkain.
Sisig na pusit at kanin lang ang kanin, pero may inorder pa siyang bulalo, inihaw na isda at chopsuey. Habang halo-halo naman ang desert.
“Well, nangako ako kay Dad at Lola Amelia na tutulungan ko silang magmanage ng Hacienda kaya nandito ako. Ako lang kasi ang hindi busy sa aming magpipinsan,” paliwanag niya. “How about you? Ang tagal mong nawala sa San Isidro, akala ko nga hindi ka na babalik.”
Bahagya akong ngumiti.
“Mula ngayon, dito na ulit ako titira.”
“Why? Mas maraming opportunity sa syudad.”
Totoo naman iyon. Kung hindi siguro ako nabuntis at pinalayas ni mama. Hindi ako uuwi ng probinsya. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit umuwi ako ng probinsya.
May dalawang rason ako. Una, upang itago ang pagbubuntis ko. Pangalawa, upang magtago sa nakabuntis sa akin. Alam kong maliit lang ang tyansa na magkita ulit kami, pero mas mabuti nang sigurado. Kaya nga nang makita ko siya kanina ay parang gusto kung tumakbo. Dahil akala ko sa kabila ng pagtatago ko, nag-krus pa rin ang landas naming dalawa. Mabuti na lang magkahawig lang sila, pero sa unang tingin lang. May angulo lang, inuna ko lang ang panic kanina kaya kinabahan ako ng husto.
“Personal reason,” sagot ko na lamang.
“Oh. Break up?” nakangising tanong niya. Tsismoso pa rin siya.
“Worse than that.”
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, pero hindi na siya nagtanong. Dumating na ang mga pagkaining inorder namin.
Ang dami masyado. Mauubos kaya namin ito? Alam ko apat bali kaming kumakain kasama ang mga anak pero hindi pa sila buo kaya hindi pa sila counted sa kain ko.
“So anong ginagawa mo kanina noong magkita tayo?” tanong niya habang kumakain kami.
“Naghahanap ng work, kaso mukhang hindi makahanap ng trabaho rito. Kung may mahahanap naman, masyadong mababa ang sweldo,” pahayag ko.
Sweldo talaga madalas problema. Kapag sa probinsya kasi madalas, mababa na nga ang minimum wage, below minimum pa ang pasahod. Pero sa gaya ko na kailangang mag-ipon dahil tatlo ang bubuhayin ko, hindi iyon sasapat.
“You can work with me.”
Napahinto ako sa pagsubo ko at tumingin sa kaniya.
“I need a secretary, so if you want you can work for me.”
“Sigurado ka?” natutuwang tanong ko sa kaniya.
“Yeah, naghahanap talaga ako. May ilang nag-apply na pero ayaw ni Lola Amelia, kaya kung gusto mo. You can apply to my grandmother. She still my boss,” nakangiting saad niya.
Tumango ako sa kaniya. Iga-grab ko na ang trabahong sinasabi niya. Kung sa Hacienda ako magtatrabaho, mas convenient sa akin lalo na kung siya ang magiging boss ko. Mabait naman si Ashton at mukhang mabait pa rin siya hanggang ngayon. Siya iyong kilala ko noong bata pa ako na mayaman pero hindi ma-ere.
“Pwede kang pumunta bukas sa Hacienda.”
“Sige.”
Ngumiti siya at ngumiti ako pabalik sa kaniya. Kahit na sobrang kaba ko kanina noong makita ko siya, mukhang blessing na nagkita kami. Hindi na ako mahihirapan maghanap ng trabaho. Hindi pa ako siguradong matatanggap ako, pero alam kong qualified ako kung education background ko ang pagbabasehan.
Matapos naming kumain ay sinabay na rin ako ni Ashton pauwi. Dahil pareho naman kami ng way. White ang pick-up na sasakyan niya. Hindi ito iyong Black na kotseng nakita ko kahapon o noong dumating ako.
Gusto ko sanang magtanong sa kaniya about doon, pero pinigilan ko. Baka isipin niya masyado na akong nagtatanong about sa pamilya niya.
“Salamat,” saad ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
“You are welcome, and it’s nice seeing you again, Lara,” tugon niya.
“Ako rin,” nakangiting wika ko bago binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.
Nang makaalis na ang sasakyan niya ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Medyo napagod ang binti ko kakalakad kanina kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Inaantok din ako kaya nakatulog ako pagkatapos. Hapon na nang magising ako.
Wala naman akong gagawin kaya tumambay lang ako sa maliit na sala namin. Maliit lang ang bahay, pero sa ilang araw na pananatili ko rito kasama ang ama at step-mother ko, minsan mas okay pala ang maliit na bahay, pero pwede mong tawaging tahanan.
Nang sumapit ang hapon ay naunang dumating si Tita Celia.
“Kumusta ang check-up mo?” iyon agad ang tanong niya bago pa siya makaupo.
“Wait lang po,” saad ko at nagmamadaling nagtungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang half-size na brown envelop kung saan nakalagay ang ultrasound ko.
Inabot ko iyon kay Tita Celia nang bumalik ako sa sala.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa ultrasound pero maya-maya ay nanlaki ang mga mata niya.
Tumango ako habang nakangiti.
“Triplets,” saad ko.
“Really? Oh my god!” tuwang-tuwang saad niya at napatalon pa siya. Habang naiiyak.
Mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko mapigilang mamasa ang mga mata ko. Ramdam ko ang saya niya para sa akin. Iyong reaksyon niya, malayo sa reaksyon ng ina ko. Naiintindihan ko naman ang galit ni Mama, pero hindi ko lang inaasahan na makakaramdam ako ng pagtanggap sa step-mother ko. Madalas kong naririnig sa iba, minsan daw tinik ang mga step-mother, na minsan ayaw nila sa anak ng mga napapangasawa nila, pero iba si Tita Celia. Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng step-mom, masama. Iyong iba, they literally step to be a mom.
“Tatlo ang magiging apo ko,” masayang-masaya pang saad niya.
“Anong tatlo?” sabay kaming napalingon kay Papa na nasa may pintuan.
“Andoy, triplets ang baby ni Lara. Ibig sabihin, tatlo ang magiging apo natin,” masayang pagbabalita niya kay Papa.
Napanganga naman si Papa.
“Tatlo? Tatlo ang magiging apo ko?!” masayang saad niya at tuwang-tuwang lumapit din sa amin.
Pinakita ni Tita Celia ang ultrasound ko kay Papa at kita ang excitement sa mga mata nila habang nag-uusap na dalawa.
Mukhang excited sila lalo sa mga magiging apo nila.
Lihim akong nagpapasalamat dahil sa kabila ng lahat nandito si Papa at Tita Celia. Alam kong hindi ako nag-iisa. Na sa kabila ng kagagahan ko, may ama akong tumanggap sa akin at sa magiging mga anak ko. May step-mother akong excited maging Lola ng mga anak ko.
Hindi ko mapigilang isipin. Kung alam kaya ng lalaking nakabuntis sa akin ang tungkol sa kalagayan ko lalo na at triplets ang dinadala ko. Gaya rin kaya ng reaksyon ni papa at Tita Celia ang reaksyon niya o gaya ni Mama? Pero ayoko nang isipin iyon, lalo na at alam kong may girlfriend siya.