Chapter 8

2139 Words
ELARA’S POV “Magluluto ako ng masarap na ulam ngayong gabi. Kailangang mag-celebrate tayo,” excited na saad ni Tita Celia at kahit hindi pa siya nakakapagpalit ng uniporme niya ay dumiretso na siya sa kusina. Hindi talaga maitago ang saya niya. Walang anak si Papa at Tita Celia. Ayon kay Papa, magpi-pitong taon na silang kasal. Dalawang taon matapos akong kunin ng ina ko nang makilala siya ni Papa. Pero ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan siya ng ama ko. Almost fourty na si Tita Celia, medyo maliit lang siya kaya baby face siya. Wala pa namang 10 years ang age gap nila ni Papa dahil fourty six pa lang si Papa. Kinuha ko ang mga gamit ni Tita Celia. Iyong laptop niya na nasa bag. Ako na ang nagdala noon sa kwarto nila. Nandito lang naman sa baba ang kwarto nila ni Papa. Nagtungo ako sa kusina para tulungan si Tita Celia. “Ako na rito. Kaya ko na ito,” saad niya at pinigilan ako nang akmang kukunin ko ang kutsilyo para magbalat ng patatas. “Saka kapag may gusto kang kainin. Sabihin mo sa akin.” Hindi ko mapigilang mahiya sa kaniya. Kita ko ang saya niya pero sobra naman na kung pati sa gusto kong kainin ay aabalahin ko pa siya. “Masaya ako para sa iyo. Lalo na sa gaya ko na alam kong hindi magkakaanak.” Lumungkot ang mga mata niya. “Kaya hayaan mo akong alagaan ka. Anak ka ni Andoy, mahal ko ang tatay mo, kaya mahal ko rin ang mga mahal niya. Kaya anak na rin ang turing ko sa iyo.” Suminghot ako at napalabi upang pigilan ang luha ko dahil sa sinabi niya. “Thanks, Tita.” Ngumiti siya sa akin. “Sige na, bago pa mag-iyakan dito. Ako na rito,” pagtataboy niya sa akin. Pero lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit bago ako lumapit kay Papa na nakaupo sa kama. Naupo ako sa isahang upuan na nasa gilid. Habang si Papa naman ay nakasunod ang tingin sa akin, nakasuot siya ng salamin ngayon na nakapatong sa may dulo ng ilong niya dahil nagse-selpon siya bago ako lumapit. “Pa, nagkita kami ni Ashton. Inalok niya ako ng trabaho, kaya bukas ay mag-a-apply ako sa Hacienda,” pagbabalita ko sa kaniya. “Magtatrabaho ka? Tatlo ang pinagbubuntis mo. Hindi kaya mahirapan ka?” tanong niya sa akin. “Alam kong hindi ko kayang ibigay nag buhay na kayang ibigay ng ina mo. Pero may naipon naman ako kahit paano, pwede ko iyong ibigay sa iyo at gastusin mo hanggang sa makapanganak ka.” Umiling ako sa kaniya. Ayaw kong galawin niya ang ipon niya para sa akin. Lalo na kung pwede naman akong gumawa ng paraan para magkapera. Lalo na at may offer na sa akin si Ashton. “Pa, kaya ko pa po. Maliit pa lang ang tiyan ko kaya kaya ko pa. Isa pa, balak ko talagang mag-ipon dahil hindi lang isa ang dinadala ko,” paliwanag ko sa kaniya. Hindi pwedeng umasa lang ako sa kaniya. “Sige, ikaw ang bahala. Pero kapag malaki na ang tiyan mo, huminto ka na muna,” paalala niya sa akin kaya nakangiting tumingin ako sa kaniya. “Galit pa rin ako sa gagong nakabuntis sa iyo pero bilib ako sa kaniya. Tatlo agad ang naipunla niya,” dagdag pa niya at hinubad ang suot na salamin. Napangiwi ako. Kahit ako, hindi ko inaasahan na tatlo ang pinagbubuntis ko. Kaya mas nadagdagan ang kaba ko. Noong una, aminado akong hindi pa ako handing maging isang ina, pero dahil buntis na ako, wala akong choice, pero parang ginulat naman ako at tatlo agad. Wala alam si Papa sa tunay na nangyari. Noong sinabi ko sa kaniya na buntis ako, hindi siya nagtanong. Hindi niya ako hiningan ng paliwanag, basta na lang niya ako tinanggap. Hindi niya alam na kahit ako, wala akong ideya kung sino ang nakabuntis sa akin, maliban sa boyfriend ito ng isang sikat na artista at medyo kahawig ni Ashton. Pero grabe naman ang lalaking iyon. Isang gabi lang pero, tatlo agad ang nabuo namin. “Pero huwag kang mag-alala, kahit gago iyong nakabuntis sa iyo. Bubuhayin natin ang mga anak mo. Nandito kami ng Tita Celia mo para tulungan ka,” paninigurado ni Papa. “Salamat, Pa. Salamat kasi hindi kayo nagalit sa akin. Na tinanggap pa rin ninyo ako kahit na umuwi ako dahil buntis ako.” “Kahit anong mangyari, lagi kitang tatanggapin. Anak kita, eh. Isa pa, alam kong marami akong pagkukulang sa iyo, kaya anong karapatan kong magalit sa iyo? Kaya babawi ako ngayong may pagkakataon na ako. Palalakihin natin ang mga anak mo. Ang mga magiging apo ko.” Hindi ko alam kung dahil bas a pagbubuntis ko pero nagiging emosyonal ako masyado dahil sa sinabi niya. Ngayon, wala na akong takot na nararamdaman. Handa ako. Nang gabing iyon, masaya kaming kumain. May mga ngiti sa mga labi namin. Nagtatawanan kami. Ngayon ko lang ulit naranasan iyong ganito. Dati noong bata pa ako, si Papa at Lola ang kasabay kong kumain, pero ngayon, si Papa na at si Tita Celia. Pero ibang-iba ang atmosphere na sila ang kasabay ko kumpara noong nasa Manila ako na kailangang kalkulado ko lahat ng galaw ko para matuwa si Mama at hindi ako pagalitan. Kailangang kasing maging good daughter sa paningin niya. Maaga akong natulog para maaga akong magising kinabukasan. Pero nang magising ako ay gising na si Tita Celia at nagsisimula na siyang magluto ng agahan. Tumulong na lang ako sa kaniya. Sabay-sabay kaming nag-almusal. Ako na ang nagligpit nang pinagkainan namin. Nang makaalis sila ay naghanda na rin ako. Mabilis akong naligo. Nagsuot lang ako ng blue long sleeves na tinupi ko hanggang siko ko at white trouser pants na tininuhan ko rin ng white na flat shoes. Pinusod ko lang ang buhok ko. Kinuha ko ang resume ko at ibang dokumento at nilagay sa tote bag na dala ko saka ako lumabas ng kwarto ko. Medyo malayo ang lalakarin mula sa entrance hanggang sa mansion ng mga De Silva kung nasaan si Ma’am Amelia pero wala naman kasing bumabyahe patungo roon maliban ang mga pribadong sasakyan ng mga De Silva kaya wala akong choice kundi ang lakarin iyon. Tumawid ako ng kalsada at nagsimulang maglakad papasok, pero habang naglalakad ako ay nalingon ako dahil may mini sasakyang bumibusina mula sa likuran ko. Huminto ako at tumigil naman ang isang maliit na truck. “Miss, saan ka pupunta?” tanong sa akin ng may edad na lalaking siyang nagmamaneho. Pero napangiti ako nang makilala ko siya. Si Mang Isko. Natatandaan ko siya dahil sa malaking nunal sa baba niya. Pero mukhang hindi na niya ako nakikilala. “Sa Mansyon po,” sagot ko. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Mag-a-apply po ako,” dagdag ko. “Sakay ka na, ihahatid na kita,” saad niya at dumukwang upang buksan ang pintuan sa may side ko. Agad naman akong sumakay. “Anong a-applyan mo? Mukha namang anak mayaman ka, kaya mo bang humawak ng marumi?” tanong niya sa akin habang tinatahak namin ang daan patungo sa mansion. “Hindi po ako anak mayaman. Anak po ako ni Andronico. Ako po ito si Lara,” pagpapakilala niya. Gulat na tumingin siya sa akin. “Ikaw na iyan? Kaya pala pamilyar ka. Ang laki mo na, ah,” gulat na saad niya. Ngumiti ako sa kaniya. Huminto na siya sa malaking gate papasok ng mansion. “Salamat po,” saad ko bago ako bumaba. Tumango siya sa akin. Humarap ako sa harap ng malaking gate, nakabukas ang kalahati noon. Pero lumapit pa rin ako sa doorbell at hindi ako pumasok diretso. May isang babaeng lumapit sa akin. “Ano po iyon?” “Good morning po. Hinahanap ko po si Ma’am Amelia. Mag-a-apply po akong secretary ni Ashton, I mean ni Sir Ashton,” pagpapakilala ko. “Pasok po kayo,” saad nito. Sumunod ako sa kaniya. Pinaupo niya ako saglit sa may living room. Umikot ang tingin ko sa paligid. Sobrang lawak ng buong paligid, mataas ang ceiling na may malaking chandelier na nakasabit. Spanish style ang design ng bahay, may malaking the abstract painting na nakasabit sa isang dingding. Alam kong hindi ang main living room, dahil nakapasok na ako rito dati. Dito lang madalas pinaghihintay ang mga gustong makita si Ma’am Amelia. “Sunod po kayo sa akin,” saad ng babae nang muling lumapit siya sa akin kaya tumayo ako sa kaniya. Nagtungo kami sa isang pinto sa may gilid palabas at lumakad kami sa pathway hanggang sa makarating kami sa gazebo. Ayon kay Tatay, kadalasan ng ibang empleyado ng Hacienda na nagtatrabaho sa opisina ay sa office talaga nag-a-apply pero sa paghahanap ng secretary ni Ashton ay si Ma’am Amelia daw mismo ang sumasala. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil direct na kay Ashton magtatrabaho kaya mahigpit si Ma’am Amelia. Nakita ko ang isang matandang babaeng nakaupo sa gazebo. Ihinanda ko ang ngiti ko bago ako tuluyang lumapit sa kaniya. Agad naman siyang nagtaas ng tingin ng makita ako at tumingin sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan. Sa kabila ng edad niya, hindi pa rin maitatago ang awtoridad sa mukha niya. Siguro ay nasa seventy, pero malakas pa siyang tingnan. Sopistikada rin siya, halatang Donya. “Good morning po. Ako po si Elara Flores,” pagpapakilala ko sa kaniya. “Flores? Kaano-ano mo si Andronico?” “Tatay ko po.” Tumaas ang kilay niya. Tinuro niya ang isang bakanteng upuan kaya agad akong naupo at nilabas ang resume ko at inabot sa kaniya. Kinuha niya iyon at binasa pero mukhang hindi naman siya interesado sa laman ng resume ko. “Bakit gusto mong mag-apply bilang secretary ng apo?” pagkaraan ay tanong niya. Tumingin ako sa mga mata niya. “Because I need a job, Ma’am and I think I am suitable for that job. I have some experiences in office works and I—” “Why do you need a job? Though I know everyone needs a job,” muling tanong niya. Lumunok ako. Alam kong maaring hindi ako matanggap dahil sa kalagayan ko pero kailangan kong maging honest tungkol sa sitwasyon ko dahil hindi ko naman ito maitatago sa mahabang panahon. “I am pregnant and I need to support myself,” honest na sagot ko. Malayo ang tanong niya sa mga pangkaraniwang tanong ng isang employer. Kinabisado ko na ang mga sasabihin ko kagabi, pero ngayong iba ang tanong niya. Wala agad akong maisip na sagot kaya nagpakatotoo na lang ako. “You said you are pregnant, so it means, you can’t work after few months. So Why should I hire you?” Saglit akong natigilan sa tanong niya. Totoo naman ang sinabi niya. Ilang buwan lang at hindi na rin ako makakapasok dahil manganganak na ako. Pero kailangan ko talaga ng trabaho kaya patutunayan ko sa kanila na hindi sila magkakamali kung sakaling matanggap ako. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Ma’am, I understand your concern,” maingat kong sabi. “Tama po kayo, darating ang panahon na kailangan kong magpahinga. Pero habang kaya ko pa, handa po akong magtrabaho nang maayos at ibigay ang best ko sa trabaho.” Tinitigan niya ako, parang sinusukat kung totoo ang sinasabi ko kaya sinalubong ko ang mga mata niya upang ipakita na determinado ako. “I know I may not be the perfect candidate,” dugtong ko. “But I am responsible and hardworking. If you give me the opportunity, I will prove that I deserve this job.” Tumango-tango siya. “You are pregnant, it means, you already have a partner? Married?” “Po?” Hindi ko alam kung sasagutin ko rin ang tanong na iyon. Hindi ko rin inaasahan ang tanong niya. “I need a woman who is already committed, committed to someone and to her work. Dahil ayaw ko ng secretary na apo ko ang tatrabahuhin,” diretsang saad niya. Napalunok ako. Hindi dahil tungkol sa sinabi niyang kakalantiriin sakali ang apo niya kundi tungkol sa pagkakaroon kong partner. Ngumiti ako kahit na malakas ang tambol ng dibdib ko dahil sa kasinungalingang sasabihin ko. Alam kong matatanggap na ako, isang bagay lang ang gusto niyang masiguro. “Yes, ma’am. Kasal na po ako. I love the father of my child. Trabaho lang po ang hanap ko, kaya makakaasa kayong gagawin ko ang lahat upang gawin ang trabaho ko,” diretsang sagot ko. Hindi naman siguro agad niya malalaman na nagsisinungaling ako. Hindi naman siguro niya ako hihingan ng marriage certificate kung sakali. Kailangan ko ng trabaho, kaya kung kailangan kong magsinungaling gagawin ko. Sigurado naman akong hindi ako magkakagusto kay Ashton, sa tingin ko assurance lang ang kailangan ni Ma'am Amelia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD