— Third Person's POV — "Wala pa 'ata si Fritzzel, mga anak?" nagtatakang tanong ni Cassandra sa mga anak niya. "Lagi namang maagang dumarating 'yun dito..." bulong niya pa. Nagkatinginan naman ang triplets at napaisip din sa tanong ng mommy nila. Saan na nga ba si Fritzzel? 'Baka late lang.' "Baka na-late lang ng gising 'yon, mom. Baka mamaya nandito na rin 'yon," sagot ni Bryle at nagpatuloy sa pagkain. Natapos nang kumain ang pamilya Caranza pero wala pa ring malditang dumadating at ilang minuto na rin silang naghihintay. Maaga pa naman at hindi naman sila male-late pero nakakapanibago lang kasi na wala pa hanggang ngayon si Fritzzel. Napatingin silang lahat kay Cabbry nang tumunog ang cellphone nito. Agad naman tiningnan ni Cabbry ang phone niya. "Nag-text si Fritzzel!" anunsyo

