— Bryle — Mabilis na binuhat ni Van si Fritzzel at tumakbo palabas ng mansion. Fuck! Nakakainis! Ako dapat 'yon! Ako dapat ang bumuhat sa kaniya pero paepal ang Van na 'yon! Buwiset siya. Badtrip! Mabilis kaming nagsakayan sa mga sasakyan namin at sinundan ang kotse ni Van. Fritzzel naman... pinag-alala mo 'ko! 'Kala ko kung ano na nangyari sa 'yo. Akala ko na-kidnap ka na dahil sa sobrang gulo ng bahay mo! Anong ginawa mo? Nagwala? Shit! Mabilis naming sinundan ang nagmamadaling si Van papasok sa emergency room. May lumapit agad sa 'ming nurse. "Sir, dito po," sabi niya at tinuro ang isang kamang natatakpan ng blue na kurtina. "Ano pong nangyari?" "Nawalan ng malay?" hindi siguradong sagot ni Van. "At nilalagnat— Nasa'n na ang doctor? Bakit nurse ang nandito? Ha?" nanggigigil

