— Fritzzel — "Punta na lang kayo bukas sa mansion," sabi ko sa mga aso ko. "Back to practice na tayo," dugtong ko pa. "Yes, mommy! 'Wag mo na pababayaan sarili mo, ha?" nakangiting sagot ni Gail kaya tipid na ngumiti na lang din ako. "Always take care!" sabi naman ni Iver na tinanguan ko rin. "Don't worry, dadating na kami bukas," nakangiting sabi ni Van pero inirapan ko lang siya. "Ang sungit. Sorry na kasi do'n sa nakaraan." Inirapan ko lang ulit siya. "Sige na. Uwi na 'ko. Bukas, ah, bye!" paalam ko at kumaway sa kanila. Mabilis akong sumakay sa kotse ni Bryle. Kakalabas ko lang ng hospital at ihahatid na raw nila 'ko sa mansion. Kumaway muna ako sa mga aso ko bago pumasok. "Are you sure you're feeling well now?" paniniguro ni Bryle pagkatapos niyang paandarin ang kotse. "Mukha

