— Fritzzel — "Siya si Gio?" gulat na tanong sa 'kin ni Bryle habang nakaturo kay Gio na papalabas pa lang ngayon ng dean's office dahil kinausap siya ng dean. Ewan ko kung sinong dean, mama ko ba o asawa niya. "Oo, Gio. Kailangan ko pa ba ulit-ulitin?" sagot ko at umirap. "Seriously?" Bumuga siya sa hangin at tiningnan ulit si Gio na papalapit na ngayon sa 'min. "A new rival is coming..." Si Cabbry na sumipol-sipol pa habang mapang-asar na tinitingnan si Bryle na ikinairap ko na naman. Daming alam! "Hey." Dumating si Gio nang nakangiti na naman. Si smiley boy. "Mamaya may performance ka rin 'di ba?" Sa 'kin nagtanong si Gio na ikinatango ko. "Ah, yeah. Pang christmas party," sagot ko. Christmas party na namin ngayon at ngayon na rin ang performance namin. Kapag napili kami rito, mag

