Chapter 7: Clinic

4680 Words
— Fritzzel — "Ang kulit naman kasi," naiinis na sabi ni Bryle habang hawak niya pa rin ang siko ko. Naglalakad na kami papuntang clinic. "Kailan ka ba makikinig sa 'kin?" masungit na tanong niya. I shrugged. Hindi ako marunong makinig, ’no. "Ewan ko sa 'yo!" pagtataray ko rito. "Malay ko bang mangyayari 'yon? Alangan namang hindi ko ipagtanggol sarili ko?" dugtong ko pa at sinulyapan siya. 'Di ba? Edi namatay ako ro'n kung hindi ako lumaban. "What I mean is... bakit lumalapit ka pa rin sa mga tarantadong 'yon?" tanong niya na ikinairap ko na naman. Ito na naman po tayo. "Alam mong gulo lang sila! Pagti-tripan ka lang ng mga 'yon." "I know, I know. Kasalanan ko bang ako ang inutusan ng teacher namin na magbantay sa kanila?" sagot ko habang hawak ang leeg kong may hiwa at dumudugo pa rin. "Basta lumayo ka na lang sa kanila," final na sagot niya na ikinatango ko lang. "I'm just concerned, Fritzzel. Makinig ka naman sana kahit ngayon lang." "Yes, sir." Tumango na lang ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Ngumiti na lang din siya at hinila na 'ko papasok sa clinic. Pagpasok namin ay naabutan namin sa loob ang nurse na tinarayan ko kanina. Napatingin ulit ako sa suot niya. Wala ba talaga siyang balak na ibutones ang uniform nya? Naalibadbaran ako sa ayos niya. Hindi porque malaki ang hinaharap niya ay pwede na niyang ilantad sa 'min 'yan. For Pete's sake, nasa school premises din kami, wala dapat mga ganitong pananamit dito. "Ikaw na naman?" pagtataray din sa 'kin ng nurse na tinaasan ko lang ng kilay. Napatingin siya sa leeg ko. "Karma is real." May pagka-walang'ya rin pala ang isang 'to. Well, mas walang hiya nga lang ako. "This is not a karma. Do you know what is this?" sagot at tanong ko na ikinataas din ng kilay niya. "This is what we called braveness," nakangising dugtong ko. "If you were in my situation, maybe you were screaming loudly and seeking for help instead of what I did— I stay calmed and relaxed." Napanganga naman siya sa sinabi ko kasabay ng pagkunot ng noo niya. Binigyan ko muna siya ng isang irap bago nilagpasan at pumuntang kama. Wala pa pala ang VIRGO Gang. Ang sabi ko pa naman magpa-clinic na sila. "And today, I encountered a woman who didn't know how to respect and have some good manner to other people who are older than her." Tiningnan ko muli ang nurse na nagsalita na naman. Naka-cross-arm siya habang nakataas ang kilay sa ’kin. Napahalukipkip tuloy ako. "You're just an intern, right? You're a colllege student also. Maybe you're just 1, 2, or 3 years older than me." Ngumisi ako. "Did you hear me before, didn't you?" Natawa ako nang mahina. "I just told you before that look at yourself first and make sure that you are worth for my precious respect," pag-uulit ko. "f**k you!" sigaw nya at lalapit sana sa 'kin nang hawakan siya ni Bryle sa braso. "Let go of me!" Such a disgusting nurse. She just cussed. "Shut the f**k up, miss," malamig ang boses na pagpapatahimik ni Bryle. "Nandito kami para magpagamot hindi makipag-away," dugtong niya at binitiwan na ang nurse. Intern nurse, rather. "I want an another nurse. Baka masapak ko 'yan," taas kilay na sabi ko kaya sinamaan ako ng tingin ng babae. "Fine, dahil hindi rin kita masisikmura," pagalit na sagot niya at mabilis na lumabas. "Wala na palang ibang nurse. Gamutin mo sarili mo," sigaw niya mula sa labas na ikinairap ko. Ayaw niya lang talaga magtawag ng ibang nurse. "Walang ibang nurse? Let me handle this," seryosong sabi ni Bryle at lumapit sa first aid kit. "You okay? Baka bigla kang mawalan ng malay?" "I'm fine. Wala ka na bang klase?" I asked dahil baka may klase pa siya. Umiling iling lang naman siya at lumakad ulit pabalik sa 'kin habang hawak na ang mga kailangan niya. Umupo ako nang maayos. Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha ng bulak na may alcohol. Tumingala ako para magamot niya ang sugat ko sa leeg. "Aray," mahinang daing ko nang naramdaman ko ang hapdi. Ang hapdi pala, s**t. "Buti na lang hindi 'yan malalim. Don't worry, siguradong maki-kick-out na ang lalaking gumawa sa 'yo nito," sabi niya habang seryoso pa ring nililinis ang sugat ko. "How sweet you are," natatawang sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Parang gusto ko na lang matulog!" "Pagod na pagod na katawan ko." "Mag-cut na lang tayo ng class! Dito muna tayo sa clinic." "Buti pa nga!" "Ang ingay n'yo!" Biglang bumukas ang pinto ng clinic at bumungad sa 'min ang limang chonggong gusgusin, maraming pasa at sugat sa mukha, maputik ang damit at mga basang aso. Hindi naman sila tinapunan ng tingin ni Bryle at tinuloy lang niya ang paggamot sa 'kin. "Uy, Fritzzel!" nakangiting bati sa 'kin ni Orvil na tinaasan ko lang ng kilay. "Ayan na naman ang kilay niya. Kala ko pa naman babait na," bulong niya muna bago tumalon sa isang kama, ganoon din ang apat. Anong mabait-mabait? Ulol. "Okay ka lang ba, miss maldita?" tanong ni Rico na ikinatango ko lang saka umirap. "Sana all okay." Halata ngang hindi sila okay dahil sa mga pasa at sugat na natamo nila. Basag-ulo pa. "Buti naman hindi malalim 'yung hiwa sa 'yo!" sabi naman ni Gail at umunat-unat. "Di ka kasi nag-iingat!" dugtong pa niya na ikinataas ng kilay ko. Aba! Ako pa ang hindi nag-iingat? Abnormal pala ang mga chonggo'ng 'to, e. "Sorry sa nangyari, nadamay ka pa tuloy sa away namin," mahinang paumanhin ni Iver na ikinatango ko lang. Wala 'yon. "Sabi ko sa 'yo, e." Napatingin ako ay Bryle nang bumulong siya. "Nadadamay ka sa mga away nila kaya 'wag ka nang lumapit-lapit sa kanila." Napatango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Naiintindihan ko naman ang point niya, ang gusto niyang iparating sa 'kin. I really love how he care for me. "Nasaan na ang nurse dito?" masungit na tanong ni Van habang prenteng nakahiga sa kama. "Bakit? Titirahin mo na?" pilyong tanong din ni Rico na ikinairap ko at umismid. "Gago, hindi! Malamang magpapa!" sigaw ni Van. "Wala na naman 'atang nurse. Fritzzel!" tawag sa 'kin ni Iver kaya napatingin ako sa kaniya. "Gamutin mo ulit kami." Nag-puppy eyes pa siya na muntik ko nang ikasuka kahit ang cute niya tingnan don, parang aso lang. "Huwag kang mag-puppy eyes unggoy! Nagmumukha ka lalong aso," sagot kona ikinabusangot ng mukha niya at ikinatawa ng mga kasama namin. "Aw!" sabay-sabay na sabi nila Rico, Gail at Orvil at humawak pa sa tapat ng puso habang mapang-asar nilang tiningnan si Iver. Hindi nakisali si Van sa kantyawan nila. "Sakit! Unggoy na, aso pa!" sigaw ni Orvil at tinawanan na naman si Iver. "Anong sinasabi niya? Ginamot mo na ba sila kanina?" Napatingin na naman ako kay Bryle na nilalagyan na ng benda ang leeg ko. "Ah... Oo." Kinunotan niya 'ko ng noo at tinapos na ang paglalagay ng benda sa leeg ko kaya bahagya na 'kong lumayo dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. "'Wag mong sabihin na gagamutin mo ulit sila?" tanong niya kaya napaisip ako. "Kaya na nilang gamutin ang sarili nila!" "Just a thank you lang naman, Bryle," sagot ko. Napabuntong hininga s'ya at seryoso na naman akong tiningnan. "Ngayon lang. Hindi na uulit. Nakokonsensya ako, e." "Pero may sugat ka pa! You need to rest." "Okay lang ako. Sugat lang 'to." I smiled to make him believe me. "Fine." Tumango siya. Tumayo ako at humiga naman s'ya sa kama at pumikit na ikinatawa ko. "Ouch!" Napadilat sya nang piningot ko ang ilong niya. Tinalikuran ko na s'ya para harapin ang mga aso ko. Kunot noo lang silang nanonood sa 'min ni Bryle kaya otomatikong tumaas ang kilay ko. May problema ba sa ginagawa namin? "Alam n'yo, kung makikipag-basag ulo kayo... Siguraduhin n'yo munang kaya n'yong gamutin ang sarili n'yo ha," paalala ko at kumuha na ng first aid kit. Lumapit ako kay Orvil para unahin s'ya. "Opo, mommy," tumatawang sagot niya kaya nakotongan ko s'ya. "Aray naman! Binibiro lang, e." Nag-pout pa siya sa harap ko na ikinangiwi ko talaga. I like Orvil being jolly. Sa kanilang lima, siya lang ang palangiti at mukhang masayahin talaga siya. He always greet me with a smile. Friendly siguro talaga siya. "Mukha ka na ngang chonggo, mukha ka pang inararong bibe. Hindi bagay!" taas kilay na sabi ko at kumuha ng bulak. Pagbalik ko ng tingin ko sa kaniya, hindi na siya naka-pout. Aba, dapat lang na huwag niya nang uulitin. Cute naman, mukhang tanga nga lang. "Pang-asar ka talaga kahit kailan. Ikaw lang nang-asar sa 'min nang ganiyan! Ang guwapo-guwapo namin, e." Sumimangot siya kaya diniinan ko ang bulak sa sugat niya. "Shut up na nga ako, e." Tinikom niya na ang bibig niya. Tinapos ko ang paggamot kay Orvil at lumapit kay Gail. "Hey," bati niya sa 'kin na tinaasan ko lang ng kilay. "'Di ka talaga marunong bumati, 'no?" "Obvious ba? Alangan naman taholan kita, hindi naman ako aso," mataray na sagot ko. "Y'know, when a dog greet the other dog... they'll bark at each other but I'm not a dog like you." Umasim naman ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko. "Hanggang kailan mo kaya kami tatawaging aso?" "Habang buhay? Aso na kayo, e. Magbabago pa ba 'yon?" kunwaring nag-iisip na sagot ko at natawa. Pinitik niya naman ang noo ko. "f**k you!" "f**k me?" nakangising tanong niya at nilapit ang mukha niya sa 'kin kaya napalayo ako. Gagong 'to! "Do you want to—" "Shut up!" Napatigil kami pareho nang sabay na nagsalita si Van at Bryle. Nilingon ko sila at kunot noo lang nila kaming pinapanood. Tinaasan ko sila ng kilay at inirapan. "I'm right, they will react like that," natatawang bulong ni Gail na hindi ko na lang pinansin. "Are you ready for another thing that will bullies can do?" nakangising tanong niya sa 'kin kaya diniin ko ulit ang bulak sa sugat niya. "Shut the f**k up, mongoloid " pairap na sagot ko at tinapos na ang paggamot sa kaniya. Lumapit naman ako kay Rico para gamutin s'ya. Kumuha ako ng bulak at tumabi sa kaniya. May hawig si Rico kay Orvil. Magkapatid siguro silang dalawa? Same surname naman kasi silang lima so relatives sila rito. Nang titigan ko ang mukha niya, alam ko... alam kong hindi lang si Orvil ang napansin kong kahawig niya. Meron pa pero ayoko nang isipin pa 'yon. Baka magkamukha lang talaga sila. "Hi babe!" bati niya at nginisihan ako. Babe? That's cringe. "Wala akong babe na doggy," masungit na sagot ko at hinawakan ang panga niya. "But I'm your babe and I'm not a dog!" protesta niya kaya idiniin ko rin ang bulak sa sugat niya. "Shut up. Masyado ka namang masuwerte kung papatulan ka ng dyosang ako." "What? Ang lakas mong tawagin kami ng kung ano-ano tapos ikaw todo puri sa sarili mo?" natatawang sagot niya. "Gano'n talaga. Alangan naman purihin ko ang isang puwet ng aso? Siguro pag pinuri kita, I might say na... ang ganda mong aso. Sa sobrang ganda mo, sarap mong ihambalos at ipatapon sa tambakan ng basurahan," nakangising sagot ko. "Ewan ko sa 'yo!" Muntik na 'kong matawa nang irapan niya ako. "'Di ba dapat maging masaya ka dahil baka maraming pagkain doon. Aso ka naman kaya okay na sa 'yo ang panis. Tirahin mo ang mga pagkain doon hindi 'yung mga babae ang tinitira mo." Napanganga siya at masama akong tiningnan. Ngumiti lang ako dahil nakaka-enjoy silang asarin. Ang iikli ng mga pasensya nila. "Hindi ka talaga nabibigong asarin ako, 'no? Now, I idolized you. Pero f**k! Ewan ko pa rin sa 'yo," Parang nagtatampong sagot niya pero mayamaya ay ngumisi siya. "Ayaw mo ba na may tinitira akong ibang babae? Gusto mo ik—" "Shut up!" Napatigil na naman kami nang narinig namin ang boses ni Bryle at Van. Itong dalawang 'to! Kanina pa sila. "Mga napaghahalataan," bulong ni Rico at tumawa. Hindi ko na lang pinansin. Tinapos ko na rin ang paggamot sa kaniya at lumapit na kay Iver. Itong si Iver, si Gail naman ang kamukha niya. Maybe silang dalawa ang magkapatid. Pogi naman siya. Poging unggoy. "Hey." Ngumiti siya sa 'kin. "You okay? Hindi na ba masakit sugat mo?" umiling-iling lang ako at kumuha ng bulak. Kahit papaano, parang si Iver lagi ang may concern sa akin. Feel ko nga ang bait niya sa 'kin kapag nagtatanong siya nang ganiyan. "Concern o pakitang tae ka lang?" Natawa naman siya sa tanong ko kaya tinaasan ko s'ya ng kilay at hinawakan ang panga niya para magamot na ang sugat niya. "I'm concerned. Anong pakitang tae ka d'yan?" natatawang sagot niya. "Amoy tae ka kasi. Baka naman tumae na ang aso ko?" Pero tinawanan na naman n'ya 'ko. "Hindi ka naman masaya niyan?" tanong ko at umirap. Palatawa rin pala siya. Umakto siya na nag-iisip at tumawa na naman kaya napa-irap na naman ako. "Seriously, kanino ka nagmana ng katarayan mo? Father or mother?" natigilan ako bigla sa tanong niya. Napaisip din ako saglit kung kanino nga ba. Sino jaya sa kanila ang may ganitong ugali? "N-none of your business." Umiwas ako ng tingin at itinuloy ang paggamot sa kaniya. "As far as I know, monkeys are just minding their own businesses." "Dami mo talagang pang-asar sa 'min, 'no?" Tumango ako. "Omsim." "Saan mo ba napupulot 'yang mga sinasabi mo?" nakangiting tanong niya habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko talaga alam kung bakit kanina pa siya nakangiti. "Hindi ko pinupulot ang mga salita ko. As far as I remember, the first time I saw your faces... chonggo, mongoloid, doggy, shokoy, and kingkong came into my mind." I smiled. "It means that you're not a human in my eyes... But a chonggo ones." "Ang sama mo!" Nag-pout din siya pero nangingiti-ngiti pa rin. "Just kidding, Iver. I'm just happy to tease you all," natatawang sagot ko at tumayo na para puntahan si Van. And lastly, Van is wearing his slightly gray hair. Bagsak din ang buhok niya. But unlike Iver and Orvil, he's always wearing his famous poker face. Fierce that making him more gorgeous. I can say na siya na ang pinakaguwapo sa kanila. The chonggo's leader. He is my super chonggo man. Whatever. "Where's the nurse?" kunot noong tanong niya agad pagkalapit ko sa kaniya. "Mukha bang hanapan ako ng nawawalang tae at basura?" taas kilay na tanong ko at nilagyan ng alcohol ang bulak. "Umayos ka nga ng sagot mo." Umirap lang ako. Hinawakan ko ang panga niya at hindi sumagot. "Let me guess, tinarayan mo na naman?" "Correct. May problema ka ba roon?" "Nothing. Sinasadya mo bang paalisin s'ya para masolo mo kami?" bulong niya at mas lumapit sa 'kin. Ngumiwi ako at medyo the tinulak ang balikat niya palayo. "Back off, gangster. Why would I do that? Kasalanan ko bang naiinis ako sa pagmumukha ng hayop na 'yon?" Inirapan ko sya at bahagyang lumayo. "Ang talas talaga ng bibig mo, 'no?" natatawang sabi niya na inirapan ko lang. Tumingin siya sa likod ko at tumingin ulit sa 'kin. "He's just your friend, right?" tanong niya. Mukhang si Bryle ang tinutukoy niya kaya tumango ako at tinuloy ang panggagamot sa kaniya. "Why?" "Nothing." Ngumisi na lang siya kaya tumango na lang din ako. "Acting like a boyfriend, ha. Galit na galit 'ata sya sa 'min." May hirit pa pala. "Oh, c'mon. Don't mind him. As far as I remember, dogs are just minding theirselves and you're a dog so better do the same thing." Umasim naman ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin. "Pikon. Just a warning Mr. Salvadog, Bryle is a special friend of mine. Don't you ever try to touch him. Don't mess with him or any of my friends. I can be an evil when it comes to them. You know what I mean." I smirked. Knowing Van... Baka gumawa s'ya ng paraan para saktan si Bryle. He's a gangster leader. What do you expect? Baka pati si Bryle ay idamay niya. "Oh, Fritz. I won't do that. Ikaw lang sapat na," bulong niya pero sinadya niyang lakasan ang huli at tumingin na naman sa likod ko. "Kami lang p'wedeng manakit sa 'yo, 'di ba?" dugtong niya na kaming dalawa lang ang nakakarinig. "Ewan ko sa 'yo. 'Wag mo ngang asarin si Bryle," sabi ko at diniin ang bulak sa kaniya. "What? I didn't do anything," natatawang sabi niya kaya mas idiniin ko pa ang bulak sa sugat niya na ikinadaing niya. "f**k! Masakit, Fritz!" sigaw niya habang pinipigilan ang kamay ko. "Ang chonggo, nasasaktan!" Narinig kong tawa ni Orvil. Natawa na lang ako sa pagtawag niyang chonggo kay Van. Mukhang nasanay na sila. "Alcohol lang pala katapat mo!" sigaw naman ni Rico at tumawa rin. "Shut up! Hindi masakit! Dinidiin niya lang kasi." pagtatanggol ni Van sa sarili niya kaya mas idiniin ko ang bulak. "Ano ba?!" inis na tanong niya sa 'kin at matalim akong tinitigan. "I'm not stupid to not notice what you were trying to do. You're teasing Bryle. Pikon din ang isang 'yan kaya tumigil ka o masasaktan ka lalo." 'Di ako tanga para 'di mapansin ang paglingon-lingon niya kay Bryle na para bang inaasar niya 'to. "Fine. Hilutin mo na lang ako," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Ang kapa, ha. "Hoy chonggo! What the f**k are you doing?" gulat na tanong ko nang bigla siyang naghubad ng tee shirt niya. "Teasing you?" Tinaasan ko s'ya ng kilay at sinamaan ng tingin. "Kidding. Basang basa na ang damit ko. Baka magkasakit ako," dugtong niya at hinubad na ito. Napangiwi ako nang nakita ko ang katawan niya. "Anong klaseng katawan 'yan? So ugly," maarteng sabi ko. "What? I have eight pack abs. Ugly pa rin?" nakangising sagot niya at lumingon na naman sa likod, kay Bryle, kaya hinampas ko ang noo niya. "What?" natatawang tanong niya. "I told you to stop or I will punch your twinky-twinky," sagot ko at saglit na tiningnan ang gitnang parte ng katawan niya. "Twinky twinky? Why don't you just say coc—" "Shut the f**k up." Inirapan ko siya at tumayo na saka siya tinalikuran pero agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako. "Hilutin mo abs ko. Nasuntok nang ilang beses, e," nakapout na utos niya na lalong ikinataas ng kilay ko. Napatingin tuloy ako sa abs niya. Grabe, pandesal talaga ang hulma. "King ina. Anong klaseng aso ba 'to? Asong bibe? Half aso, half bibe?" bulong ko na mukhang narinig niya dahil sinamaan niya 'ko ng tingin. "Pake ko ba sa abs mo na mukhang dede ng isang asong babae?" "The f**k! Dede raw ng asong babae!" Malakas na tumawa si Iver kaya napalingon ako sa kaniya. Halos mamatay-matay na si unggoy sa kakatawa niya! "s**t! Bilib na talaga ko sa pagiging pang-asar mo, Fritzzel!" Humagalpak din ng tawa si Gail. "Natahimik si gago!" sigaw ni Rico. "Mga mongoloid. E may abs din kayo for sure. Edi pare-pareho lang kayo," pairap na sabat ko kaya napatigil sila sa pagtawa. "Nakakainis ka naman Fritzzel, e! Panira ka ng moment. Panget ka-bonding," nakasimangot na sabi ni Orvil. Napalingon ako kay Bryle nang umismid siya. Lumapit siya sa 'kin at marahan akong hinawakan sa braso. "Take a rest now, Fritz. You're done." Tinanguan ko siya at binawi ang kamay ko mula kay Van. Bumalik ako sa kama ko at humiga. Ayoko rin namang bumalik sa klase. Nakakatamad kaya! "You still have classes. You may go, Bryle," sabi ko na ikinailing niya. "Are you out of your mind? Puro lalaki kasama mo rito. Pag iniwan kita baka kung ano pang—" Natigilan si Bryle nang sumabat si Gail. "Hoy? Anong tingin mo sa 'min? Manyak?" maangas na tanong niya at tumayo. "Pero oo nga, manyak nga kami," biglang dugtong ni gago at humiga ulit saka sumipol- sipol pa. "Gago!" Nakotongon s'ya ni Orvil na nasa katabing kama lang nito. "Agree ako sa 'yo! Manyak nga tayo!" Nag-apir pa ang dalawa na parang mga gago talaga. Buwiset. "Shut up!" pagpapatahimik ni Van sa kanila. "They are pervets, yes, but we're not going to do anything to Fritzzel. Wala namang mamamanyak d'yan." Tinaasan ko ng kilay si Van. Aba, chonggo nga! Ang sexy-sexy ko kaya. Tsk. "Kala mo talaga hindi siya p*****t! Kaya pala halos palayasin na siya ng tatay niya sa dami ng babaeng dinadala niya sa bahay nila!" hirit ni Rico na ikinangiwi ko. Napatitig tuloy ako kay Van na napatingin din sa 'kin. Nginiwian ko siya at inirapan. Yuck, womanizer spotted. "I told you to shut up!" sigaw ni Van. "Sila Orvil at Gail lang kaya sinabihan mo not me—" Napatigil siya nang may unan na tumama sa pagmumukha niya. "Aray ko naman! f**k you!" sigaw din niya at binato pabalik ang unan. "Di namin type si Fritzzel. We still have respect," singit naman ni Iver at tumawa. Respect daw! King inang respect 'yan. Parang kanina lang hinipuan nila 'yung nurse, a? Sobrang galing! "Bryle, I'm okay. I can handle myself. I'm just going to kick their ass in case of. Maybe they will cry for sure." "What? Gangsters nevy!" apela ni Gail na ikinailing ko. "No. No one can't deny the fact that people can't control their tears when they are hurt emotionally or physically," nakangising sagot ko at inirapan ulit sila. But I can. "Sige na, Bryle. You may go. Balikan mo na lang ako after class. Wala ka bang tiwala sa katarantaduhang alam ko?" nakangiting kausap ko kay Bryle. Napatitig muna siya sa 'kin bago dahan-dahang tumango. "Fine." Sinamaan ng tingin ang mga chonggo. "Take care. I'll be back," ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa noo bago kinumutan nang maayos. Lumabas siya ng clinic at doon lang nag-ingay ang mga aso ko. Mga tahol nang tahol. "Wow! Sweet!" "Malaki talaga galit sa 'tin niyon, e. Upakan ko kaya 'yon—" "Shut up, Rico, or I'll punch your freaking ugly face," sigaw ko at nagtalukbong ng kumot. "Ingay mo kasi. Matulog na lang din kayo. Wag na kayo maingay, kailangan din ni Fritzzel matulog." By that, nakatulog ako. *** "Ang cute n'ya d'yan!" "Sinabi mo pa. Kung 'di lang 'to maldita at nakakatakot baka nadiskartehan ko na 'to— Aray! Ba't ka nangongotong?" "Shut up. 'Wag nga kayong maingay. Natutulog na s'ya!" "Oo nga. Baka magising. Lagot tayo d'yan." "Baka magaya tayo kay Justine niyan nang wala sa oras." Napadilat ako at ang limang chonggo agad ang bumungad sa 'kin. "Tang ina n'yo! Magsilayas kayo sa harap ko!" sigaw ko at mabilis na umupo. "Grabe! Nakakagising ang mabaho n'yong hininga! Ano bang ginagawa niyo?!" Napakagandang bungad nila, ha. Napanguso sila at nag-iwas ng tingin saka sumipol-sipol. Bumalik na rin sila sa mga kama nila. "Hindi tuloy maganda ang gising ko dahil sa mga mukha n'yo!" inis kong sabi at tumayo na. "Anong pinag-uusapan n'yo kanina, ha?" "Wala naman," iwas tinging sagot ni Orvil at siniko si Gail. "Oo wala," pagsang-ayon niya. "f**k!" gulat na sabi ko nang napansin kong naka-topless pala silang lahat. "Sabi na nga ba kalahi n'yo ang mga aso." "Hindi kaya! Mas mahaba kaya ano namin sa ano nila," sagot ni Rico at nginisihan ako na ikinangiwi ko. "So yuck." "Alam mo kasi babe, aminin mo na lang na hot kami," sabi ni Rico at biglang umupo sa tabi ko para akbayan ako. "Hot na aso? Ano 'yun? Hotdog? Tigilan n'yo nga 'ko!" Inirapan ko siya at pilit na lumayo sa kaniya pero 'di siya nagpatinag. "Lalayo ka o susuntukin ko 'yang hotdog mo?" Nagpigil naman ng tawa ang iba kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Araw-araw ka bang may regla kaya ganiyan ka kataray?" tanong naman ni Gail at umupo rin sa tabi ko. "Wow. Masyadong straight to the point si shokoy. Bakit, gusto mo ng regla? Baka ipunas ko sa mukha mo napkin ko kapag meron." "Yuck! Ang baboy mo!" sabay-sabay na angal nila kaya ako naman ngayon ang natawa. "Mas bagay sa 'yo tumatawa! Pero cute ka pa rin 'pag nagtataray," nakangiting komento ni Iver kaya napairap ulit ako. Lumapit din si Iver at umupo sa tabi ni Rico. I know that I'm definitely gorgeously beautiful. "Pag 'di kayo lumayo, itatapon ko talaga sa inyo napkin ko kapag nagkaroon ako," banta ko na ikinangiwi na naman nila. "Wag kang masyadong bulgar!" tumatawang sabi ni Orvil at lumapit na rin sa 'min. "Hindi ka naman kagandahan," taas kilay din na sabi ni Van at umupo sa likod ko bago sumandal sa pader. "Damn! Napapalibutan ako ng mga asong tahol nang tahol! Espiritu ng ka-walang hiyaan, bakit mo ko winawalang'ya?" parang nai-stress na sabi ko at napa-face palm pa. "Epic kang yawa ka!" "Ang dami mo ring alam 'no?" "Shut up! Alis!" Pagpapalayas ko sa kanila at tinulak sila isa-isa pero hindi sila natinag at umupo ulit. "Espiritu ng kagaguhan bakit mo naman sinaniban ang mga aso ko?" sigaw ko at tumayo. "Uy! Dito ka lang! We want to hug you!" natatawang sabi ni Orvil at hinila ako pabalik kaya na-out of balance ako at napahiga pagka-upo ko. "f**k! Tinamaan mo!" biglang sigaw ni Van dahil sa kaniya tumama ang ulo ko dahil s'ya ang nasa likod. "Alis!" Mabilis akong umupo nang na-realize ko ang sinabi niya. Is he reffering to his twinky twinky? Oh c'mon. "Wala naman akong natamaan. May gano'n ka ba talaga?" inosenteng tanong ko na may pang-asar na tono dahil may naramdaman naman talaga ko. "Meron. Malaki! Gusto mo?" Nginisihan niya rin ako. "Ayoko na nga. Sige tsupi! Alis," pagpapalayas ko ulit sa kanila pero nginisihan lang nila ko. "Take this as a thank you sa paggamot sa 'min," sabi ni Rico na ikinanlaki ng mga mata ko lalo na't hinila niya ako. Napasigaw ako nang sabay-sabay nila 'kong niyakap. "Kadiri. May mga hotdog na yumayakap sa 'kin! Magsilayas kayo!" Nagpumiglas ako nang nagpumiglas pero hindi ako nakawala. They were topless for f**k's sake! "Ang bango pala ni Fritzzel," komento ni Rico kaya siya ang una kong tinulak nang malakas. "Kadiri. Mga amoy putok kayo!" Sabay-sabay naman silang napalayo sa 'kin nang sabihin ko 'yon kahit pa mabango naman talaga sila. Tumaas ang kilay ko at nagpigil ng tawa nang napansin kong inaamoy nila ang mga kili-kili nila. "f**k! Hindi naman, a?" kunot-noong sagot ni Van. "Oo nga, babe!" sabi naman ni Rico. "Alis. Alis. Alis! Bumalik kayo sa kama n'yo. Tahol pa kayo nang tahol dito!" Isa-isa ko silang tinulak pababa ng kama kaya napaupo sila sa sahig at napahawak sa puwet. "Masakit Fritzzel!" sigaw nila. Kinuha ko ang mga unan at pinagbabato sila niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Bryle!" tawag ko rito at binitiwan ang unang hawak ko. "What happened?" kunot noong tanong niya at lumapit sa 'kin. Napatingin din siya sa mga chonggo na iniinda ang sakit ng pwet. "Inaaway nila 'ko!" parang batang sumbong ko at kumapit sa braso niya. Pinagsalitan niya ang tingin sa 'kin at sa mga chonggo. "Ikaw pa ang inaway sa lagay na 'yan?" natatawang tanong niya. "Kita mo na, Fritzzel! Ikaw ang nang-away!" sigaw ni Gail at tumayo na. "La? Kapal ng apog mo. Hindi kaya," sagot ko at tumingin ulit kay Bryle. "Uwi na tayo! Uwian na, e." Ngumiti naman siya at tumango. "Bye hotdogs! Amoy putok kayo. Maligo agad kayo pag-uwi n'yo, ah! Ingat kayo! At magpahinga na lang sa bahay n'yo imbes na maghanap ng sakit sa katawan. Gotta go," paalam ko at binuksan na ang pinto. "Lakas talaga ng babaeng 'yon" "I found it cute." "But I found it sweet!" "Yes. Hindi halata pero mukhang concern siya." "Ayun? Concern? Yuck."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD