— Fritzzel —
Two weeks na simula nang nag-transfer kami ng triplets dito at halos sa araw-araw na two weeks na 'yon ay hindi ako tinatantanan ng mga aso ko.
Lagi silang nakasunod! Lagi kong nakikita ang pagmumukha nila! Nakasunod sila sa 'kin habang tahol nang tahol. Mga aso talaga! Minsan bully pa.
"Hoy, Fritz!" tawag sa 'kin ni Cabbry at kinaway pa ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. "Are you with us?" Tumaas ang kilay ko at inirapan siya.
"Ay, hindi. Naiwan ako roon sa bahay n'yo. Nakikipaglaro pa nga ako kay Sanbry habang nagla-loving-loving si Tita Cass at Tito Bryan." Napa-facepalm na lang s'ya sa sarkastikong pagsagot ko at natawa naman sina Bryle at Cassidy.
"Commonsense, bess! Commonsense!" pagdidiin niyang sabi na inirapan ko na lang.
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko at tumingin ulit sa daan. Nasa hallway na kami ngayon papuntang cafeteria dahil lunch break na.
"Tinatanong ka namin kung sasama ka ba sa 'min mamaya sa mall after class?" Napatango naman ako kay Cabbry.
Madali mong makikilala kung sino si Cassidy at Cabbry sa dalawa dahil mas malapad ang mukha ni Cabbry and after all, magkaiba ang kulay ng buhok nila. Cabbry was wearing her blonde hair while Cassidy was just wearing her simple black hair.
"Ayun lang pala. Sige ba," sagot ko sa kanila. "Wala naman akong gagawin sa bahay."
"Kailan ka ba may ginawa ro'n?" natatawag tanong naman ni Cabbry kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. "Just kidding!"
"Uy Bryle, Fritzzel. May hahanapin lang kaming libro sa library, ah. Mauna na kayo sa cafeteria, sunod kami."
"What? Kumain na muna kayo," kunot noong sagot ko kina Cassidy at Cabbry.
"Hindi na. Mabilis lang kami. Ikaw na bahala kay Fritzzel, Bryle, bye!" Bigla silang tumakbo paalis kaya napairap na lang ako.
Parang mga bata.
"Tara?" 'aya ni Bryle kaya tumango na lang ako at sabay kaming pumasok sa cafeteria. Naagaw agad namin ang attention ng lahat at nagsimula na naman ang mga walang kwenta nilang bulungan na parang hindi naman bulong.
"Kasama na naman niya si baby Bryle!"
"Oo nga! May something talaga sa kanila, e."
"Landi! Noong una, ang virgo gang, ngayon naman si Bryle? Wow lang, ha."
Mga bobo ba sila o sadyang tanga lang? Anong panglalandi ginawa ko? Lalo na sa VIRGO gang? Bobo ba sila para hindi mapansing magkaaway na kami sa una pa lang? Katangahan.
"Bryle!" awat ko kay Bryle nang akmang lalakad s'ya palapit sa mga babaeng nagbulungan kanina.
"Tara na nga bago pa mag-init ang ulo ko sa mga 'yan." Hinila niya na 'ko agad.
"Um-order ka na. Magbabanyo lang ako," paalam ko sa kaniya. Tumango naman s'ya kaya mabilis akong pumunta sa CR ng cafeteria.
Hindi naman ako naiihi. Gusto ko lang i-check ang itsura ko. Aba, hindi pwedeng haggard ang dyosa ng University na 'to.
"Look who's here." Napatingala ako para makita kung sinong nagsalita. "A trash!" natatawang sabi ng isang babae habang nakatingin sa'kin.
Ako ba?
Umayos ako ng tayo at humalukipkip. Hinarap ko s'ya at nag-cross-arm. Tinaasan ko agad siya ng kilay. "Look who's talking. Another trash... and oh, also a plastic and a rubber," nakangising sagot ko.
"Really? Bakit mo naman binabalik sa 'kin? Malandi." Umirap ako habang natatawa pa rin ang gaga. Nakitawa na rin ang apat na langaw na kasama niya. Siya kasi ang tae, sila ang langaw.
"Kung ako malandi, ano ka pa? Slut? w***e? Prosty? p********e, dear. Required ba rito ang ganyang uniform? Seriously? Imbes na 2 inch above the knee skirt ay 5 inch above the knee ang suot mo? 'Yung totoo? Balak mo na bang ipakita samin ang paniguradong nangingitim mong kuyakot?" Napamaang siya bigla. Magsasalita na sana s'ya nang unahan ko s'ya. "Shut up. I'm not yet done. 'Yung blouse mo, baka gusto mo ring tanggalin na lahat ng butones niyan at ipakita sa lahat 'yang dibdib mo kaysa naman tatlong butones lang ang bukas."
"How dare you to call me slut?" sigaw niya at akmang sasampalin ako pero mabilis akong nagsalita.
"Once your hand touch my beautiful face, you will be surprise on my sweetest revenge, dear." Naiwan sa ere ang kamay niya at sobrang sama na ng tingin niya sa 'kin. "Nakikita mo ba 'to?" tanong ko at hinawakan ang tiles na lababo na sinasandalan ko.
"Iuuntog ko ang pagmumukha mo rito kapag hindi mo 'ko tinigilan." Umirap ako at tumingin ulit sa salamin para tingnan muli ang mukha ko. Buti na lang 'di ako na-haggard.
"Ang kapal din ng pagmumukha mong sagot-sagutin ako 'no? Do you know who the hell I am?" sigaw niya sa 'kin na ikinailing ko. "See! You don't even know! Kaya naman pala ganiyan ka—"
"Because I'm not interested, dear. Gold ka ba?" putol ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. "Alam mo, kung naglilinis ka ng inidoro ngayon d'yan sa mga cubicle, mas matutuwa pa 'ko kaysa 'yung nagbubunganga ka d'yan."
"The hell!" sigaw niya nang malakas ko siyang tinabig kaya napaupo siya sa sahig.
"Allergic kasi ako sa ahas at bubuyog na talak nang talak." Kinuha ko na ang mga gamit ko. "Umalis-alis ka kasi sa daanan ng mga dyosang kagaya ko para 'di ka natatabig. Kamukha ka lang naman ng talampakan ng pakalat-kalat na hayop sa labas."
Narinig ko ang pagsigaw niya pagkalabas ko.
Dahil doon ay napatingin agad sa 'kin ang mga estudyante sa cafeteria kaya tinaasan ko sila ng kilay at inirapan. Ano bang tinitingin-tingin nila? Alam kong maganda ako pero 'wag naman nilang ipahalata.
Nakaramdam ako ng sakit sa puson habang hinahanap ko si Bryle. Hindi naman siguro ako magkakaroon ngayon 'no?
"Look! So dirty!"
Narinig ko na naman ang nakakabuwiset na boses ng babaeng nakaaway ko kanina sa comfort room.
Tumatawa s'ya at nandidiri akong tiningnan. Nakitawa na rin ang iba na ikinakunot ng noo ko. Anong tinatawa-tawa nila d'yan?
"Yay! Ang baboy!"
"Red days!"
Nagulat ako nang may sumigaw niyon. Red days daw! Hindi kaya...
Titingnan ko na sana kung anong meron sa skirt ko nang biglang may pumulupot na braso sa baywang ko.
"Don't move. May tagos ka," bulong niya sa tainga ko.
"V-Van!"
"Wow. First time akong natawag sa pangalan ko," natatawang sagot niya. Pumunta naman sa harap ko ang apat pang chonggo. "Jacket, Iver," sabi niya kay Iver na nakasuot ng jacket ngayon.
Mabilis 'tong tumango at binigay kay Van ang jacket. Mabilis niya ring sinuot sa baywang ko 'yon at bahagyang lumayo.
Shit! Kahihiyan 'to. Pinagtatawanan na nila akong lahat kahit nandito na ang mga aso ko. Pinangungunahan pa ang tawanan nila ng ahas na nakasagutan ko kanina.
But who cares? Do I have to care?
No. All I just to need to do is take my revenge para naman maging kahihiyan din s'ya.
"Okay ka lang, Fritz?" tanong ni Orvil na ikinatango ko.
"Oh ano? Napahiya ka ngayon 'no? Matapos mo 'kong sagot-sagutin kanina sa CR, 'di ka na makapagsalita ngayon." Natatawang lumapit sa'min ang babae.
"Stop it, Kim!" sabi ni Iver kaya napatawa na naman si Kim. Baliw lang ang puta.
"Bakit n'yo ba pinagtatakpan ang kahihiyan ng babaeng 'yan? Kala ko ba magkakaaway kayo?" Napairap siya.
"Still, you don't care," mariing sagot ni Van.
"Oh... Buti nga niregla pa 'yan, akala ko buntis na. Malandi kasi," natatawang sabi na naman nya na ikinatawa ng lahat.
Putang— tatapyasin ko talaga dila ng babaeng 'to! Pigilan n'yo 'ko!
"Van!" pigil ko kay Van nang akmang lalapitan niya si Kim. "Ako na. Langaw lang 'yan. Konting pitik, talsik na," dugtong ko na ikinatawa rin ng mga estudyante.
Tiningnan niya muna ako bago tumango at umatras. Mabilis naman akong lumapit kay Kim. Magkatapat na kami ngayon.
"Tell me what did I do to you?" Napamaang s'ya sa tanong ko at umirap. "Tell me."
"Fritzzel!" Narinig ko ang sigaw ni Bryle pero 'di ko s'ya tiningnan at sinenyasan lang na wag siyang makialam.
"Yuck! Lumayo ka nga."
"Bakit hindi mo masagot? Gusto mo pa bang tagalugin ko ang tanong ko? Baka kasi 'di mo naintindihan," pagmamaldita ko rito kaya sinamaan na naman nya ko ng tingin.
"Anong tingin mo sa'kin? Hindi marunong makaintindi ng eng—"
"So, bakit nga hindi mo 'ko masagot?" pagputol ko sa pagsigaw niya. "Dahil wala naman talaga akong ginagawa sa 'yo, hindi ba?" Hindi agad s'ya nakasagot so I smirk. "Stop being childish. Hindi mo ikauunlad 'yan. Mananatili kang isang tae sa paningin ko." Inismiran ko siya.
"Ang lakas talaga ng loob mong pagsalitaan ako nang ganyan, 'no? E kung patalsikin kita sa University na 'to?"
"Let me guess, isa ka sa mga anak ng stockholder dito or kahit na sinong may position sa University na 'to?" kalmadong sagot ko.
"Oo kaya umayos-ayos ka kung ayaw mong ma-kick-out!" sigaw na naman niya kaya napatakip ako ng mukha ko.
"Umuulan ng laway, shit." Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ko at nakitawa na rin ako syempre. "And so what kung ma-kick-out ako? Itong University lang ba 'to ang nag-e-exist sa buong mundo? At ano namang pakialam ko kung may kapit ka rito?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung mapera ka, mapera rin ako kaya 'wag mong gamitin ang kapangyarihan at kayamanan mo rito, okay? Sinabi ko na sa'yo, 'di mo ikauunlad 'yan. At isa pa, utak ang ginagamit at sa tingin ko wala ka niyon. Isa ka nga lang kasing tae."
"Ayaw mo talagang tumigil? Bukas na bukas wala ka na rito! Mamamalayan mo na lang, kinakaladkad ka na ng mga guard!" Napakasama ng tingin niya sa 'kin.
"Who cares?" nakangising sagot ko habang nanginginig na s'ya sa galit. "Oh c'mon dear, calm yourself and realx just like what am I doing right now." Bahagya akong tumawa. "Kasi alam mo, kung titingnan tayong dalawa... Mas mukha kang talunan," bulong ko kaya napatingin sya sa mga nanonood sa'min.
"f**k you! Malandi ka! Salot!" Sinugod niya ako pero agad ko siyang itinulak kaya natumba siya at napaupo. "How dare you!" sigaw niya.
"Gusto mo ba maranasan ang pagkapahiyang naramdaman ko kanina?" nakangising tanong ko kaya nagsalubong ang kilay niya.
Lumapit ako sa dalawang babaeng kumakain ng spaghetti. Nagulat sila at agad na tumayo palayo.
"I'll pay for this later," nakangiting sabi ko sa kanila na ikinatango nila at umalis sa table. Itinapon ko ang spaghetti sa isang upuan at humarap ulit ako kay Kim.
"What are you going to do?" halatang kinakabahang tanong niya kaya ngumisi na naman ako.
"Guess what?" Lumapit ako sa kaniya. Tiningnan ko ang mga alipores niya at sinamaan sila ng tingin. "Walang tutulong sa kanya o pati pagmumukha n'yo, ingungudngod ko sa inidoro." Mabilis naman silang tumango at lumayo.
Duwag naman pala mga alipores nito.
"Fritzzel. Tama na." 'Di ko pinansin si Gail. Why would I? Kahihiyan 'yung nangyari. Pinangunahan niya pa.
At isa pa, sinabihan niya pa 'ko ng kung ano ano. S'ya ang nanguna. Pakialam ko ba sa babaitang ito?
"Tara dito!" Mabilis kong hinila ang buhok niya kaya napasigaw siya sa sakit.
"Fritzzel!" tawag na naman sa 'kin ni Bryle kaya tiningnan ko s'ya at ang VIRGO Gang.
I gave them the huwag-kayong-makikialam-look.
Hinila ko nang sobrang lakas ang buhok ni Kim at kinaladkad sya papalapit sa table at sa upuan kung saan ko tinapon ang spaghetti.
"Let go of me! Magbabayad ka talaga rito!" Sigaw niya at pilit na nagpumiglas.
"Kapag ako, nakalmot mo... Hindi lang ito ang mapapala mo. I'm warning you, bitch." Mas diniinan ang hawak sa buhok niya. "Ayoko sa lahat, pinapahiya ako at pinagsasalitaan ako ng kung ano-anong wala namang katotohanan. You messed up with a wrong person, dear."
"Ang dami mong sinasabi! Bitiwan mo 'ko!" sigaw niya sa mukha ko kaya napapikit na naman ako dahil sa mabahong laway niyang tumalsik sa mukha ko.
"Maganda ka, pero mas maganda ako. At 'yang ganda mo walang pakinabang kung ingudngod kita sa semento ngayon at nang magasgasan 'yang pagmumukha mo."
Lalo syang nagpumiglas nang malapit na kami sa upuang may spaghetti. Hinarap ko ang mukha niya sa 'kin habang nasa likod na niya ang upuan.
"Gusto mo ng regla? Tagos?" Nakangising tanong ko. Magpupumiglas na sana siya nang mabilis ko siyang hinawakan sa balikat at inupo sa upuang may spaghetti.
Napasigaw ang mga nanonood sa 'min. Natawa naman ako sa expression ng mukha niya. Diring-diri s'ya at agad na tumayo.
"Mukha kang model kaya magmodel ka ngayon dito. Right now," utos ko sa kaniya kaya pasinghal niya akong tiningnan.
"What?" Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa galit at pagkapahiya.
Nagtawanan naman ang lahat dahil sa itsura niya. "Ayaw mo?" tanong ko at tinapon ulit ang isa pang spaghetti sa lamesa naman. "Gagawin mo o ingungudngod kita rito?"
"Wag mo akong utusan! Mas mataas ako sa'yo. Sasabihin ko ngayon din sa dean ang ginawa mo sa 'kin!" Tinalikuran niya ako pero mabilis kong hinila ulit ang buhok niya. "Aray!"
"Fritzzel, stop it!" pigil naman sa'kin ni Van pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
'Wag n'yo kasi akong ba-badtrip-in nang ganito.
"Tandaan mo, wala akong pakialam kung sino ka pa," mariing sabi ko kay Kim at mabilis na iningudngod sa spaghetting nasa upuan.
Nagsigawan muli ang lahat sa ginawa ko. May humawak na sa dalawang braso ko para pigilan ako.
"I said, stop it!"
"Fritzzel! Tama na."
Si Van at Bryle lang pala.
Umiiyak na si Kim dahil sa kahihiyan at masama akong tinitingnan.
"Sa susunod na kalabanin mo 'ko, hindi lang 'yan ang makukuha mo! Makuha ka sa salita, b***h. Mas malala pa d'yan ang gagawin ko oras na banggain mo ulit ako," kalmadong banta ko sa kaniya. "And always remember that I'll never give a damn care about you. At kung anong kapit mo rito!" Umiyak lang s'ya nang umiyak. "Magsumbong ka. Tingnan natin kung sinong paniniwalaan sa ating dalawa."
Tinalikuran ko sya at binawi ang braso ko mula kay Van at Bryle. "Bitiwan n'yo ako!" Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria.
Ang init ng ulo ko. Sakit pa ng puson ko. Friday the 13th ba ngayon? Buwiset na babaeng 'yon. Sumabay pa!
"Fritzzel!"
Hindi ko pinansin ang mga tumawag sa 'kin at mabilis lang na lumakad paalis.
May humawak sa siko ko kaya napatigil ako. Naabutan na nila 'ko.
"Ano ba kasi?" inis na tanong ko at binawi ang siko ko. "Anong problema n'yo?"
"Hindi mo alam kung anong ginawa mo!" sermon ni Iver kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi alam? Hindi ko gagawin 'yon kung hindi ko alam ang ginagawa ko!" sagot ko. Lumapit sa'kin si Bryle at hinawakan ako sa balikat.
"Calm down, Fritzzel. Bakit ginawa mo 'yon? Hindi ka ba natatakot na totohanin niya ang sinabi niyang patalsikin ka sa University na 'to?" seryosong tanong niya.
"Ano bang pakialam ko?" kunot noong sagot ko kaya napabuntong hininga silang lahat. "Sinabi ko na sa inyo, matagal na 'kong walang pake sa buhay ko! Nakikisabay na nga lang ako sa tadhana kung ano mang mangyari sa 'kin!" Napaiwas ako ng tingin.
"Pero Fritzzel—"
"Puwede ba? Kaya ko. Kaya kong lusutan 'yan. Hindi ako mapapatalsik. Hindi pa ba kayo bilib sa katarantaduhang alam ko?"
Napatawa na lang nang mahina si Rico. "Fritzzel Garcia will always be Fritzzel Garcia," nakangiting sabi niya.
"Don't worry, tutulungan ka namin. Witness kami." Tumango na lang ako sa sinabi ni Orvil.
"Okay na kayo?" mahinahong tanong ko.
"Ako, hindi." Tinaasan ko ng kilay si Bryle. "Bakit may jacket ka diyan? Wala ka naman niyan kanina," kunot noong tanong niya.
"May tagos siya." Sinamaan ko naman ng tingin ang natatawang si Gail.
"So, pati ikaw pagtatawanan ako? Gusto mo rin bang mangudngod—"
"Hindi na po, mommy!" parang batang sagot niya kaya tumawa na lang si Orvil at Rico saka s'ya kinotongan.
"May tagos ka?" paninigurado ni Bryle kaya tumango ako. "Kaya pala ang init ng ulo. Red days," natatawang dugtong niya kaya nakurot ko s'ya sa tagiliran. "Joke lang."
"Bilhan niyo—"
"Boss! Ayun 'yung babaeng nagpatulog kay Justine!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa likod nang marinig namin 'yon. Pitong lalaki na naman! Pero hindi na si Justine ang leader nila.
Napahalukipkip ako at magcross-arm habang pinapanood silang galit na papalapit sa'min. Kumunot ang noo ko nang pumunta sa harap ang mga aso ko pati na si Bryle. Hinarangan nila ako. Hindi ko tuloy makita!
"Nasaan!? Ilabas n'yo 'yang babaeng kasama n'yo! Malaki ang atraso niyan dahil sa ginawa niya sa kapatid ko!" sigaw ng isang lalaki.
Kapatid niya si Justine? Kaya pala parehong mukhang unggoy. Kapatid ni KingKong, si KangKong.
"Shut the f**k up. Bakit naman namin hahayaang mahawakan mo siya?" malamig na tugon ni Iver.
Dahil natatakpan nila ako, hindi ko makita kung anong reaction ng mga lalaking nasa harap.
"Ilabas n'yo sabi!" sigaw na naman nito at mukhang magwawala na.
Hinawi ko si Rico at Gail saka pumunta sa harap. "Fritzzel naman!" tawag nila sa 'kin pero 'di ko sila pinansin.
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni kangkong saka tumingin sa mga kasamahan niya. "Sigurado ba kayong ang babae ito ang nagpatumba sa kapatid ko? E mukhang napakahina nito."
Tingnan natin mamaya kung sinong mahina sa 'ting dalawa.
"Yes, boss!"
"Dami niyo namang boss. Mga gorillia pa talaga," pagpaparinig ko kaya sinamaan ako ng tingin ni kangkong. "Ikaw... Ano namang problema mo at nanggugulo ka?" Nagtaas ako ng kilay.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Alam mo bang comatose ang kapatid ko ngayon dahil sa ginawa mo?" galit na sagot niya a.
Naramdaman ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga aso ko sa likod habang ako ay tuluyang napahagalpak ng tawa.
"Na-coma agad. Anyway, bagay lang sa kanya 'yon," tumatawang sagot ko at tumigil. "At isa pa, two weeks ago na 'yon. Uungkatin n'yo pa? Wow lang, ha."
"E hayop naman pala talaga ang babaeng 'to!"
Nagulat ako sa biglaang pagsampal niya sa'kin nang malakas. Bumaling sa kanan ang mukha ko pero 'di ko pinakitang nasaktan ako.
May humila sa 'kin at bahagya akong inilayo sa lalaki. Nakita ko na lang na nakahandusay na ang lalaki sa sahig. Sinapak siya ni Bryle.
"Are you okay?" tanong ni Gail. "You're bleeding." Kumuha siya ng panyo para punasan ang dumudugo kong labi.
"Gago ka!" sigaw ni Van at sinipa ang lalaki.
Naalarma ang anim pang alipores ng lalaki at agad na sumugod nang nagsalita ako.
"Hindi ko sinabing puwede n'yo silang saktan," malamig na sabi ko at binawi ang kamay ko kay Gail saka ulit humarap sa kanila.
Bago pa ko makalapit ay mabilis na tumayo ang leader at sinapak rin si Bryle at malakas na sinipa si Van kaya pareho silang natumba.
Uminit ang ulo ko. Kumulo ang dugo ko. Galit na galit na 'ko. Putang inang 'yan!
Susugod sana sila Rico sa lalaki nang unahan ko sila. Mabilis kong sinapak sa mukha ang leader ng mga unggoy. Dumugo ang ilong niya at natumba siya.
"May sinabi ba 'kong puwede mong saktan ang kahit sino sa kanila? Tarantado ka pala, e," sigaw ko at sa sobrang galit ko, hinablot ko ang kwelyo niya at itinayo s'ya. "Tang ina mo! Nakisabay ka pa sa init ng ulo ko!" sigaw ko pa sa pagmumukha niya at mabilis siyang sinuntok ulit sa mukha.
Dumudugo na ang ilong niya pati na rin ang gilid ng labi niya.
Susugod sana sa 'kin ang anim pang lalaki nang tingnan ko sila nang masama. "'Wag kayong makikialam kung gusto n'yo pang umuwi nang buo ang buto n'yo!"
Napaatras sila.
Mga duwag nga. Bakit ba puro duwag nakakaharap ko ngayon?
"Go Fritzzel! Go Fritzzel!" pagc-cheer sa 'kin ni Orvil na ikinataas ng kilay ko.
"Puta! Ang lakas mo!" nasasaktang sabi ni KangKong habang hawak ang mukha niya.
Pinilit niyang tumayo pero agad kong sinipa ang sikmura niya. Napaubo siya pero walang dugo. Gusto ko may dugo!
"Hindi mo naman sinabi na gusto mong sumunod sa kapatid mo?" walang ganang tanong ko sa kaniya. Sinamaan niya 'ko ng tingin at ininda ang sakit ng katawan.
"Yung mga lalaking 'to, aso ko 'yan at walang puwedeng manakit sa kanila. Mas lalaki pa 'ko sa mga 'yan, 'no."
"Naman! Hanggang dito inaasar tayo," bulong ni Gail.
"Is she trying to protect us?" bulong din ni Orvil.
"Mga gangster 'yan! Kaya nila—" pinutol ko ang sasabihin ni Kangkong.
"Oo, alam kong kaya nilang lumaban pero sa tingin mo matutuwa akong sasaktan-saktan lang sila ng mga gagong katulad n'yo?" taas kilay na sagot ko. "Magsilayas nga kayo sa harap ko. Masahol pa kayo sa amoy ng tae."
"Buwiset!" sigaw ni Kangkong at tumayo. "Tara na. Babalikan kita!" sigaw niya naman sa 'kin na ikinairap ko lang.
"Pakialam ko ba sa'yo."
Umalis na sila.
May humila sa 'kin at hinarap ako sa kaniya. "Are you okay? Namumula pisngi mo!" nag-aalalang tanong ni Bryle at hinawakan ang pisngi ko.
"Okay lang ako," sagot ko at iniwas ang mukha ko.
"Grabe ka talaga Fritzzel!" gulat pa rin na sabi ni Rico at lumapit na sa 'min sumunod naman ang apat.
"Natakot sila sa'yo. Ikaw lang pala katapat ng mga 'yon!" natatawang sabi naman ni Orvil.
"Ang cool mo talaga!" manghang sabi ni Gail.
"Mga duwag lang talaga ang mga 'yon," inis na sagot ko.
"Pero 'yung mga sinabi mo kanina..." Napatingin ako kay Iver.
"Ano?" taas kilay na tanong ko.
"Ayaw mo kaming masaktan?" Si Van ang nagtuloy kaya napaiwas ako ng tingin.
Ba't ko nga ba sinabi 'yon? Nababaliw na ba me? Pinoprotektahan ko ba sila?
'Di ba babae dapat ang pinoprotektahan? E bakit parang bumaliktad? Wow! Napakagaling ko!
"Ayaw mo?" taas kilay na tanong ko na lang at humarap ulit kay Bryle. "Dumudugo," sabi ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Bakat pa rin 'yung kamay niya sa pisngi mo," kunot noong sagot naman niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko.
"Hayaan mo."
Lumayo ako sa kaniya at tiningnan ang sarili ko. Nanlalagkit na 'ko! Malakas yata regla ko ngayon!
"Napakatarantado—” Napatigil ako nang may nagtakip sa bibig ko.
"Nakakailang mura ka na," seryosong sabi ni Bryle.
"Hindi maganda sa babaeng nagmumura,” Dugtong ni Van na inirapan ko lang. "Dalhin ka na namin sa clinic," presinta nya na ikinatango ko na lang.
Suki na 'ata ako ng clinic!
"May tagos na rin 'yung jacket!" Sabay-sabay kaming napatigil nang nagsalita si Gail.
Sabay-sabay din naming tiningnan kung meron nga. Puti nga pala ang jacket!
Bakit ang bilis tumagos? Hindi naman basta-basta didikit 'yung dugo sa jacket unless... Malakas talaga regla! Bumubulwak 'ata.
"Hala oo nga!"
"Takpan n'yo muna!"
"Tara harangan natin. Dito muna tayo sa likod."
"Look, napkin ang kailangan ko! Bilhan n'yo 'ko!" Sabay-sabay silang napatigil sa sinabi ko. "P-please?" nahihiyang dugtong ko.
"Fuck." Umiwas ng tingin si Van at hinagod ang buhok niya.
"s**t naman." Umiwas din ng tingin si Bryle at piningot ang ilong niya.
"Magpapakabayani 'ata tayo ngayon!" Napatingin din sa ibang direksyon si Iver.
"Napkin?" natatawang sabi ni Orvil. Kanina pa 'to tawa nang tawa, e!
"Oh ano kaya n'yo?" natatawang tanong ni Rico habang nakatingin kay Van at Bryle na ikinakunot ng noo ko.
"Kaya nila 'yan. Tara tayo na magdala kay Fritz sa clinic." Mabilis na sabi ni Gail at nilapitan ako. Inagaw niya 'ko kay Bryle. "Good luck!" Tinapik niya pa ang balikat nito.
"What the—" Mabilis akong hinila ng apat palayo sa kanila. "Hoy, wait lang!" sigaw ni Van kaya napatigil kami at nilingon sila.
"Wala bang n-napkin sa clinic?" sabay-sabay na umiling naman kami dahil wala naman talaga akong nakita roon.
"Sa cafeteria meron. May nagtitinda ro'n, nakita ko." sagot ko at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"What? E ang daming tao ro'n!" apela ni Bryle at napakamot sa ulo.
"With wings, ha! Kahit anong brand!" huli kong sinabi at tinalikuran na silang dalawa.
"Nakakatawa itsura nila," tumatawa na namang sabi ni Orvil. "Hoy, Fritzzel! Hindi ka ba talaga nag-aalala na baka ma-kick-out ka nga?" tanong na naman niya na ikinairap ko na naman.
"Ang sabi ko, malulusutan ko 'yon. Just trust me. Tutulungan n'yo ko, 'di ba?" Sabay-sabay naman silang tumango.
"Oo naman! Malakas ka sa'min, e," nakangiting sagot ni Iver. "Kahit maldita ka at lagi mo kaming inaasar!" dugtong niya pa kaya sabay-sabay kaming natawa.
"Sorry naman. Kasalanan ko bang natutuwa lang akong asarin kayo?" natatawang sagot ko.
"Alam namin. Nagpapaasar naman kami."
"Pero aminin mo... Concern ka sa'min, 'no?" Makahulugang tiningnan ako ni Rico. "Hindi mo naman sasabihin 'yung kanina kung hindi ka concern, 'di ba?"
Napaiwas ako ng tingin. Oo na, aaminin ko na sa sarili ko na napalapit na 'ko sa kanila. Palagi ba naman silang nakabuntot sa 'kin, e.
"Oo na, oo na. May tanong pala ako," pag-iiba ko sa usapan. "Magkaano-ano kayo?" tanong ko saka kami pumasok sa clinic nang nakarating na kami ro'n.
"Kapatid ko si Orvil. Magkapatid si Gail at Iver, pinsan namin si Van. Magpipinsan kaming lahat." Napatango naman ako.
"Kaya pala pare-parehong Salvadog."
"Salvadors kasi. Tara, umupo ka muna," sabi ni Gail pero inilingan ko siya.
"May tagos ako. Didikit sa kama 'yon," pairap na sagot ko. "Kailangan ko ng pampalit." Dugtong ko.
"Ha? Sige, wait hahanap ak—" Mabilis kong pinigilan si Iver.
"Ano... Hindi na. May baon akong P.E. uniform. Nasa locker ko. Pakikuha na lang." Kinalikot ang bag ko para hanapin ang susi ng locker ko.
Inabot ko sa kaniya ang susi. Tumango siya at mabilis na lumabas kaya apat na lang kaming nandito. Hindi tuloy ako makaupo dahil sa tagos ko.
Shit naman kasi. Wrong timing si regla.
After five minutes ay dumating na si Iver dala-dala ng P.E uniform ko kaya nagpasalamat ako. Hinintay na rin namin si Van at Bryle. Naiinip na nga kami sa tagal nila.
Biglang bumukas ang pinto ng clinic habang nakasandal ako sa pader sa likod nito. Para tuloy akong nagtatago.
"Oh! After 1 decade, dumating na rin kayo!" ni Orvil at tumayo.
"O.A! Nasaan na si Fritzzel?" Rinig kong tanong ni Van.
Nagkatinginan sila Iver, Orvil, Gail, at Rico. Pasimple rin silang tumingin kung nasaan ako saka sila nagngisihan.
Hindi kasi ako nakikita sa puwesto ko. Natatakapan ako ng pintong nakabukas.
"Hulaan n'yo," nakangising sagot ni Rico at tumawa.
"f**k! Ilabas n'yo na! Anong ginawa n'yo sa kaniya, ha?" naghihisterikal na namang tanong ni Bryle kaya muntik na 'kong matawa. O.A rin talaga si loko.
"Grabe ka naman mag-react, pre. Mukha ba kaming masasamang tao sa gwapo naming 'to?" natatawang tanong ni Orvil.
"Ilabas n'yo na kasi! Fritzzel? Lumabas ka na nga," sabi ni Van.
"Nagtago-tago pa!" Si Bryle naman saka nila sinara ang pintuan. "Asan na?" tanong na naman niya.
Pareho silang nagulat nang napatingin sila sa'kin pero nang maka-recover sila ay agad nila akong nilapitan habang tumatawa ako.
"Puro ka kalokohan! Ito na n-napkin mo," sabi ni Bryle at binigay sa'kin ang isang plastic. "Gamitin mo 'yan, ha? Hindi mo alam kung anong dinanas namin sa pagbili niyan." Tumango naman ako at ngumiti.
"Salamat!" Nginitian ko rin si Van. Tumango lang sila at umupo na rin sa isang kama.