Chapter 9: Groupmates

4339 Words
— Fritzzel — "Fritzzel! Pinatatawag ka ng dean. Pumunta ka raw sa guidance office." Tinaasan ko ng kilay ang president ng section namin. Kanina pa kami nakabalik ng mga chonggo. Siguro 2 classes na ang lumipas. Bumalik na rin sila Bryle sa klase nila at ngayon pinatatawag ako ng dean? Aba, magaling. Mukhang alam ko na kung anong pag-uusapan namin doon. Just like what I've said, I was born ready. Malulusutan ko ang gulong 'to. Napatayo ako at inayos ang gamit ko. Tumingin ako sa likod kung saan nakaupo ang mga aso ko. Nakatingin din sila sa'kin. "Ah.. 'yung gamit ko, puwedeng pakibantay?" pakiusap ko dahil sila lang ang kilala at close ko rito. "Sure, Fritz! Patawag mo lang kami kung kailangan mo ng back-up doon, a?" sagot ni Iver at ngumiti. "Or puwede namang susunod na lang kami ro'n kapag nakatakas kami sa lecturer," singit ni Gail at kumindat. Ngumiti ako at tumango. Nakatingin lahat ng kaklase ko sa 'kin at pinapanood ang bawat galaw ko habang lumalabas ako. Siguro alam na nila kung anong ginawa ko. Dapat lang! Dapat lang nilang malaman kung anong kaya kong gawin. Mabilis akong nakarating sa guidance office at kumatok. "Come in." Binuksan ko ang pinto. Tumaas ang kilay ko nang nakita ko si Kim at may kasama pa 'tong... wait, mukhang mga magulang nya. Whatever. Umupo ako sa upuan katapat ni Kim at tumitig sa kawalan habang walang reaksyon ang mukha. Napatigil lang ako sa pagtingin sa paligid nang napansin kong wala pang nagsasalita. Binalingan ko tuloy ng tingin ang Dean na nakatitig pala sa 'kin. Kinunotan ko siya ng noo dahil grabe siya makatitig. Parang kinikilala niya ako at kinakabisado ang buong mukha ko. Napasinghap siya at napansin ko pa ang saglit na panginginig ng mga labi niya. Ano'ng meron? Mayamaya'y tumikhim siya. "Good afternoon, Ms. Garcia," sarkastikong bati sa 'kin ni dean na para bang sinasabi na bumati naman ako. "Oh, good afternoon." Nanliit naman ang mga mata niya sa 'kin. "Dean." Tumango siya at pinagsiklop ang mga kamay at pinagsalit ang tingin sa 'min ni Kim. "Ms. Waltson told me what happened between you and her. Is it true na pinaupo mo s'ya sa spaghetti at nginudngod doon?" tanong niya sa 'kin na ikinatango ko. "Then why did you do that?" Tumingin ako kay Kim na masama ngayon ang tingin sa 'kin at ng mga magulang niya. "Mali po bang turuan ng leksyon ang isang kapwa estudyante na akala mo mas mataas sa kapwa estudyante niya?" Inosenteng tiningnan ko ang dean. "Mas mataas naman talaga ako—" "Shut up, Ms. Waltson! Hindi mo puwedeng sabihing mas mataas ka sa mga schoolmate mo porque may kapit ang magulang mo sa University na 'to!" sita sa kaniya ni Dean. Muntik na 'kong matawa pero pinigilan ko. "Then bakit mo nga ginawa 'yon?" tanong niya na naman sa 'kin kaya napahalukipkip ako. "S'ya ang nanguna. Namamahiya siya, kaya pinahiya ko rin siya. Quits na kami," walang kwentang sagot ko at nag-cross-leg pa. "Sa women's comfort room pa lang, sinabihan na n'ya 'ko ng malandi at basura at nagkasagutan kami. Then paglabas ko, pinagtawanan n'ya ako at tinawag na namang malandi. Seriously, Dean? What kind of student is her? Kung ano-anong sinasabi sa ibang estudyanteng hindi naman niya kilala personally. Besides, I don't really know her para pagbuntungan niya ako ng galit niya na hindi ko alam kung saan nanggagaling." "What? So anong sinasabi mo? Walang pinag-aralan ang anak ko?" galit na tanong ng nanay nya na ikinatango ko. "How dare you!" Nginisihan ko lang sila. Sobrang talim ng titig nila sa 'kin. Mukhang like parents like daughter ito. "Silence!" "Ang sabi sa akin ni Ms. Waltson ay ikaw ang tumawag sa kaniyang malandi at bigla mo na lang siyang kinaladkad at sinubsob sa spaghetti. Are you really telling the truth?" Napabuntong hininga na lang ako at umirap. Nakakapagod magpaulit-ulit dito. Muntik na 'kong mapairap na naman pero pinigilan ko ang sarili ko. "Dean... Nagtanong ka pa po kung hindi mo rin naman pala paniniwalaan at kukwestiyonin n'yo pa talaga ang sinabi ko. Look, alam n'yo naman 'po' siguro ang meaning ng imbento? Ayun ang tawag sa kuwento niya," sagot ko at tinuro si Kim. "Aba! Bastos din ang batang 'yan! Patalsikin mo na 'yan dean, ngayon din!" ang tatay naman ni Kim ang nagsalita habang dinuduro pa 'ko. Napailing-iling na lang aio at nginiwian siya. "Umayos ka ng sagot mo, Ms. Garcia," mariing suway sa 'kin ni Dean. "Sumasagot 'po' ako nang maayos. May problema po ba sa sagot ko?" inosenteng tanong ko. "Aba at sumasagot pa talaga! Siya ang walang pinag-aralan dean." Pigilan n'yo 'ko! Papatulan ko 'to. Kidding. Pinapasagot ako tapos ngayon magagalit sila kasi sumasagot ako? Saan ako lulugar nito? Sa ilong nila? Yuck. No way. Napatingin ako sa bintana nang napansin kong may nakasilip sa 'min. Isang pares ng mata lang ang nakita ko pero kumindat ito kaya napangisi ako. They're here! "Do you still want to here my witnesses Dean?" tanong ko. Napaisip naman 'to. "And who are your witnesses?" tanong ni Kim habang pinanlalakihan ako ng mata pero inismiran ko lang siya. "Sige, Ms. Garcia. Para may makapagsabi sa 'kin ng totoong nangyari." Pagsang-ayon nito. "Pakisabi namang come in, Dean." Nangunot ang noo ng Dean. "Nasa labas na sila." "Okay. Come in!" Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang mga aso ko. "Good afternoon Dean!" sabay-sabay na bati nila. "Sila ang witnesses mo?" Kunot noong tanong ni Dean na muntik ko na naman ikairap. Obvious ba, dean? "Ah... Yes po." Ngumiti ako. "E puro kalokohan ang mga 'yan, ha." "Exactly!" sagot ko at pumitik pa sa hangin. "Puro sila kalokohan at dahil puro sila kalokohan, sasabihin nila ang totoong nangyari dahil masaya silang maparusahan ang totoong nanguna. 'Di ba?" Tumingin ako sa mga aso ko at sabay-sabay silang tumango. "Okay then." Tumango na rin si Dean. "Speak." "Si Kim po ang nanguna dean!" Nangunang magsalita si Orvil. "Pinagtatawanan at pinagsasalitaan niya po ng kung ano-ano si Fritzzel." Si Gail naman ang nagsalita. "Anong sinabi niya?" tanong ni Dean. "Na malandi raw po si Fritzzel at isang basura lang." Si Rico ang sumagot. "Na wala naman pong katotohanan," dugtong ni Iver. "And then?" Si Dean. "Ang sabi pa nya'y patatalsikin niya si Fritzzel sa University na 'to dahil may kapangyarihan siyang gawin 'yon dahil sa magulang niya. Look dean, she's using her power and her family name," paliwanag ni Van. Napatingin ako kay Kim na hindi na maipinta ang mukha at halatang kinakabahan. Sino ka ba kasi? Ay, ano bang pakialam ko sa babaeng 'yan? Sinabi ko naman na sa'yo, mag-isip ka muna bago ka magsumbong dahil hindi mo alam kung sinong papanigan sa ating dalawa. Ay wala pala kong sinabing gano'n sa kanya kanina. Engot self. "Is that true Ms. Waltson?" Galit na ang tono na tanong ni Dean at napatayo. "Nasa student's manual natin na hindi mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo sa University na 'to para magbanta sa schoolmate mo na patatalsikin mo siya o ano!" sigaw nito. "D-dean, h-hindi po t-to---" "Shut up. Narinig ko na ang dapat marinig. Tumugma ang sinabi ng mga lalaking 'to sa sinabi ni Ms. Garcia at mukhang nagsasabi sila ng totoo," putol ni Dean sa sasabihin ni Kim. Napahika ako at nginitian ang mga aso ko. Nagsitango sila sa 'kin at nag-thumbs up. "But Dean! Paano na lang kung inutusan lang sila ng babaeng 'to? Sinuhulan or what!" apela ng nanay ni Kim na ikinaikot ng mga mata ko. Mag-ina nga kayo! Mga hayop. "Hindi po kami nagpapabayad. Napakayaman na namin," natatawang sagot ni Orvil na sinang-ayunan ng apat. "Malay ba namin kung ang katawan niya ang—" "Misis Waltson! Hindi ko alam na maririnig ko 'yan mula mismo sa 'yo!" galit pa ring putol sa kaniya ni Dean na ikinagulat niya lalo na nang hampasin na nito ang lamesa. Nagpantig talaga ang tainga ko kanina sa sinasabi ng matandang babaeng hukluban na 'to, e. Ako? Ibebenta ang katawan ko sa mga aso ko? Ha! Ano 'yung gagawin namin? Puppy love making? Yuck! Ang kitid ng utak niya! "I'm s-sorry, Dean. I didn't—" "Puwede kitang tanggalan ng posisyon dito dahil sa inaasta mo!" putol na naman sa kaniya ni Dean. "You may go back to your class, Ms. Garcia and boys. Hindi pa rin tama ang ginawa mo kay Ms. Waltson so this is your first warning. Hindi ko muna kayo bibigyang dalawa ng punishment. Go!" Tumayo ako at saglit pang nginisihan si Kim na sobra nang sama ng tingin sa 'kin na parang gusto niya na 'kong sugurin.. Ngumiti sa 'kin ang mga aso ko at sabay na kaming lumakad papuntang pinto. "Still, I want to talk to her parents! Hindi tama ang ginawa niya sa anak ko, Dean." Natigilan ako sa apela ng mga mommy ni Kim. Letse, kailan ba 'to matatapos. "Dean! Kausap lang." "Fine. Ms. Garcia?" Humarap ulit ako kay Dean nang tawagin niya ako. "Bring your parents here tomorrow." utos nito. Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Hinihintay nilang lahat ang sagot ko kaya tipid akong ngumiti. "Wala akong parents," mabilis na sagot ko. "Excuse me." Tinalikuran ko sila at binuksan na ang pinto. Napansin ko pa ang panlalaki ng mata ng mga aso ko. Hindi na nila ako pinigilan sa paglabas. Sumunod naman sa 'kin ang mga aso ko at sinabayan ako sa paglakad pabalik sa classroom namin. "W-Wala kang parents?" tanong ni Orvil kaya inirapan ko siya. "You heard it, right?" "Paanong wala?" seryosong tanong naman ni Van kaya napasinghal ako sa hangin. Kailangan pa bang itanong 'yan? "Dude. Personal na 'yon!" bulong ni Iver. "Sorry," mahinang sagot ni Van hanggang sa nakarating kami sa classroom at pumasok kahit may lecturer sa harap. "Saan kayo galing, Ms. Garcia and Salavadors?" Napalingon naman ang mga aso ko sa lecturer at tumigil sa paglakad pero nagtuloy-tuloy lang ako. Wala na akong gana. "Galing po kaming guidance office. Pinatawag po kami ng Dean," sagot ni Rico. Napatango naman ang lecturer namin. "Okay. Go back to your seats." Tumango ito kaya bumalik na sa upuan ang mga chonggo. "Dahil late kayo... kayo na lang ang magkakagrupo sa subject ko." Nangunot ang noo ko at otomatikong tumaas ang kilay sa narinig. "M-Ma'am? Magkakagrupo? As in, groupmates?" Napalingon naman ako sa mukhang tangang si Gail. "Ay hindi, Gail. Mag-isa ka lang. Nagkamali ka lang ng rinig," sarkastikong sabi ko at inirapan siya. Napakamot naman s'ya sa ulo niya. "Yes, Salvadors. Wala kasi kayo kanina at kayo na lang ang walang ka-grupo. Since sakto naman na anim kayo, kayo na lang," sagot ni Ma'am Cruz. "About saan po ba?" tanong ni Rico. "This groupings is for our APT for my subject." napatango kami. Ah, Project. "Since malapit na ang christmas party ay gagawa kayo ng special number n'yo or performance. You'll going to make your own band with own song which is doon na rin papasok ang song writing" "Magko-compost kayo ng sarili n'yong kanta. Puwedeng about Christmas pero puwede ring hindi. It's up to you. For additional, you'll going to do a simple research about a disease. At ang natitira na lang na disease kanina sa bunutan is... Alzheimer's disease." What the f**k? Mahirap pa 'to sa punishments, ha? At ang mga chonggo pa talaga ang makakasama ko? Okay lang naman dahil sila lang ang close ko rito pero... puro sila kalokohan! "So, okay na?" tanong na naman ni Ma'am Cruz habang nakatingin sa 'min. "Hirap," bulong ni Orvil. "So... Kailangan may vocalist, may instrumentalist, and composer. Puwede ring may sasayaw. It's up to you," sabi na naman niya na ikinatango lang namin. "Okay, class. You'll going to perform your performances in our christmas party and kung sinong mapipili kong pinakamagaling, sila ang lalaban sa magaganap na event after ng christmas party," dugtong nito habang tinitingnan kaming lahat. "Alam n'yo naman 'di ba na dalawang Christmas party ang nagaganap dito? Christmas party by section, by block or by course for the college students then the other one is Christmas party of our school as a WHOLE." Ah, gano'n pala. "Yes po." "So, goodluck! The week after the next week is the christmas party, you still have one week to practice. Dismiss." Nagtayuan ang lahat nang tapusin na ni ma'am ang klase. Lumabas ito at sumunod ang mga ka-blockmate ko. Uwian na! Finally. Hindi pa rin ako tumatayo ganoon din ang mga aso ko. Nilingon ko sila at mukhang mga problemado pa ang mga mga mukha nila na muntik ko nang ikatawa. "Anong nangyari sa inyo?" natatawang tanong ko. Kinunotan naman nila ako ng noo. "Chill. Nagtatanong lang ako." "Sinong hindi mababadtrip sa APT na 'yon? Napakahirap, nakakatamad!" Sinipa pa ni Gail ang katapat niyang upuan. "Oo nga! Tapos one week practice lang? The f**k!" dugtong naman ni Rico at ginulo ang buhok niya. "Kaya nga by group 'di ba?! Para hindi mahirapan!" taas kilay na sagot ko. "Ang sabihin n'yo, mga tamad lang kayong gumawa ng APT kaya nakabusangot kayo d'yan! Dahil ang alam n'yo lang, kalokohan!" "Makiki-cooperate naman kayo 'di ba kung ayaw n'yong bumagsak kay ma'am Cruz?" Tumango na lang sila. "Saan tayo puwedeng gumawa?" tanong ni Iver. "Simulan na natin bukas. Weekend naman na." "Sa inyo na lang kaya, Iver?" TANONG ni Orvil. "Hindi puwede sa 'min. Nire-renovate bahay namin." "Uuwi ang buong angkan ko sa bahay. Siguradong maraming tao. 'Di tayo makakagawa nang maayos," singit ni Van. "Sa amin naman, ayaw ni lola na maraming tao. Masyado raw maingay,” sabi ni Orvil. Pero siya, maingay. Mag-isa lang 'yan, ha! Tumingin naman silang lima sa 'kin. Napairap ako. No choice! "Sa mansion ko na lang. Bukas, anong oras?" sagot at tanong ko. "Wow, mansion!" natatawang sagot ni Orvil. Akala naman niya nagbibiro ako. 'Di siya naniniwala? 'Di wag. "Mga ano, 3:00 pm?" suggestion ni Iver na ikinatango na lang namin. Tumayo na 'ko kaya tumayo na rin sila. Nag-aayos pa lang ako ng gamit nang biglang may sumigaw galing sa pinto. "Fritzzel!" "Uy! 'Yung babe ko!" nakangiting sabi ni Rico kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Joke lang," pagbawi nya at nag-peace sign pa. "Cassidy? Ano na namang problema mo?" tanong ko at sinuot na ang bag ko. Kasama niya ang dalawa niyang kambal habang nasa pinto sila. "Ikaw! Sabi mo sasama ka sa'min sa mall, e!" sigaw na naman niya. Lumapit ako sa kanila. "Kailangan talagang ipagsigawan!" Ngumiti lang siya at tumango. "Hindi muna ba tayo uuwi? Magpapalit?" tanong ko. "Oo. Uuwi muna tayo! Oy! Gusto n'yong sumama?" napamaang ako nang tanungin ni Cabbry ang mga aso ko. "Cabbry!" angal ni Bryle. "Bakit? Nag-aalok lang, e. Friends na us, 'di ba?" inosenteng sagot ni Cabbry. Ginulo naman ni Bryle ang sarili niyang buhok. "Ano? Sasama ba kayo?" "If okay lang kay Fritzzel," sagot ni Iver kaya napatingin silang lahat sa 'kin. "May karapatan ba 'kong umayaw? Sige na," sagot ko at lumabas ng classroom. "Yes!" Mga abnoy. Pumunta kaming lahat sa parking lot. Buti naman naisipan nilang magpalit muna, 'no? Naka-P.E uniform pa kaya ako. Edi nagmukha akong tanga ro'n? "Diyan lang tayo," sabi ni Cassidy at tinuro ang mall na katabi lang ng University namin. "Kita-kita na lang tayo rito mamaya," baling niya sa mga aso ko. "Sure, babe!" ngiting-ngiting sabi ni Rico kaya sinamaan ko na naman s'ya ng tingin. "Oo na. Hindi na nga! Ito naman." "Babe-biyakin ko 'yang bunganga mo pag 'di ka tumigil kaka-babe mo diyan!" Napasimangot siya at tumango. "Opo, mommy." "Sige alis na kami. Take care!" paalam ni Van at tumingin sa 'kin. Tumango lang ako at tinaasan siya ng kilay. Tumango rin siya at umiwas na ng tingin. "Tara na." Tinapik inya ang mga kaibigan niyang chonggo. Pumunta naman na kami sa kotse ni Bryle. Sa tabi niya ulit ako umupo. Hinatid nila 'ko sa mansion. "Take care!" Hinintay kong mawala sa paningin ko ang kotse nila bago ako pumasok sa mansion ko. Kailangan ko na ba mag-hire ng mga katulong dito? Napakalaki kaya ng mansion na 'to. Wag na siguro. Pinapalinis ko naman 'to every week. Oo tama. Wag na. Baka nakawan pa ang mansion ko. Madilim na ang buong mansion pagpasok ko. Binuksan ko na lang ang mga ilaw. Napakatahimik, nakakainis. Pumunta ako sa side table na malapit sa hagdan. Nandoon ang nga picture frames ko. Napangiti ako nang nakita ko na naman ang picture ni Yaya Merdes. Nami-miss ko na s'ya. Bakit kasi nawala pa s'ya nang maaga? Wala tuloy akong mapagkuwentuhan ngayon tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Tsk. Kinuha ko rin ang picture namin ni yaya Merdes noong graduation ko. Pareho kaming nakangiti habang nakasabit sa kaniya ang medal ko. Buti nga at umabot s'ya sa graduation ko noong elementary. Imbes na magulang ko ang kasama ko rito, si Yaya Merdes pa. Okay lang. Siya at siya lang ang magiging magulang ko. Wala nang iba. Inilapag ko ang picture frame at kinuha ang picture namin ni Gio. 'Yung apo ni yaya. Nakangiti rin kami rito habang magkaakbay. Close na close talaga kami noon. My childhood bestfriend. Lagi siyang sinasama ni yaya rito para daw may kalaro ako at buti na lang pumapayag siya. Siya lang ang batang naging kaibigan ko noong mga bata pa kami. Malay ko kung nasaan na ba siya. Simula nang namatay si yaya, 'di ko na siya nakita pa. Nilapag ko ulit ang picture frame at umakyat na sa taas para magpalit. Nagpalit lang ako ng blue backless dress na two inch above the knee lang ang haba na binagayan ko ng blue heels. Nag-text ako kay Bryle na daanan na lang nila ako rito. Kinuha ko ang sling bag ko at bumaba na rin papuntang kitchen. Gusto kong uminom. Lagi naman akong umiinom. Wine lang. Kumuha ako ng wine at wine glass saka uminom habang hinihintay sila Bryle. Nakalimang baso siguro ako nang dumating sila. Okay lang. Mataas naman ang tolerance ko. "Uy! Ganda," nakangiting bati sa 'kin ni Cassidy nang nakita niya :ko. "I know right." Nag-flip hair pa ako. Hindi ko na hinintay na bumaba si Bryle para pagbuksan ako. Sumakay na 'ko sa front seat, katabi niya. Napangiwi agad sila pagpasok ko kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Amoy alak ka 'te!" sabi ni Cabbry kaya napairap ako. "Uminom ka na naman?" kunot noong tanong ni Bryle at pinaandar na ang kotse. "Ay, hindi. Nag-swimming lang ako sa alak, Bryle," sarkastikong sagot ko. He just hissed. "Siguro naman nagbaon ka ng n-napkin mo?" tanong niya na muntik ko nang ikasamid. "O-Oo!" "Good. Kala ko pabibilhin mo na naman kami." Natawa lang ako sa sagot niya at umiling-iling. Naaninag ko na ang limang aso ko habang papalapit kami sa tapat ng University. May parking lot sa tabi ng University at nandoon silang lima. Pinagbuksan ako ni Bryle ng pinto saka kami pinuntahan ng mga chonggo. "Yay! Amoy alak! Sinong uminom sa inyo?" tanong ni Orvil at bahagya pang ngumiwi. Tumingin ako sa malayo at 'di sila pinansin. Masama bang uminom ng alak? Bakit? Iwas stress lang naman! Ayun lang kasama ko since first year high school! Nagrerebelde na ba 'ko niyon? "Ayang bruhang 'yan, oh!" Turo sa 'kin ni Cassidy kaya sinamaan ko siya ng tingin. 'Bunganga mo!' Buwiset. "Umiinom ka?" tanong ni Van sa 'kin na ikinataas ng kilay ko. "Bawal?" pagmamaldita ko sa kaniya at inunahan na silang lumakad. "Tara na! Nagugutom na 'ko!" "Dude, araw-araw bang may mens 'yan? Araw-araw din kasing masungit, mataray, maldita." Napairap ako nang narinig ko ang bulong ni Rico. "Siguro! Pero ngayon lang tinagusan!" sagot ni Gail. "Puta! Mga gago kayo. Baka marinig kayo niyan at mabungangaan na naman tayo!" tumatawang bulong din ni Orvil. Aba. Malakas ang pandinig ko 'no! 'Di ko na lang sila pinansin hanggang sa nakarating kami sa mall at sabay-sabay na pumasok doon. "Saan muna tayo?" tanong ni Bryle at tumingin sa 'kin. "Kain muna. Gutom na raw siya," sagot ni Van at tinuro ako. "Sabi mo kanina," dugtong niya at umiwas ng tingin. "Oo. Kain muna," sagot ko at tumingin kay Bryle. "Okay. Saan naman?" tanong niya. "Sila tanungin mo." "Jollibee!" si Cassidy. " Pambata! KFC na lang," si Cabbry. "Isa ka pa! Pambata!" si Bryle. "Mcdo na lang," si Orvil. "Tse! Bonchon tayo?" Rico. "Hindi. Pizza Hut na lang!" Van. "Greenwich na lang!" Iver. "Wag do'n! Sa Inasal masarap!" Gail. "Chowking!" Rico na naman! "Ano ba, mas masarap sa Kuya J!" Gail na naman! "Nakaka-stress kayo!" pairap na singit ko sa kanila. "Iisa-isahin niyo ba talaga lahat ng kainan dito? Edi sige doon tayo sa time zone kumain! O kaya sa SM store! Gusto n'yo sa national book store? O comfort room? Ano?" "Ha? Puwedeng kumain do'n, Fritzzel?" inosenteng tanong ni Orvil na ikinapikit ko nang mariin. Letseng 'to. "Bobo!" Kinotongan s'ya ni Iver. "Ang gulo n'yo, a! Sa Classic Savory na lang tayo?" suhestiyon ko. Nagkatinginan naman silang lahat at tumango-tango. "Oo, tama. Masarap nga ro'n!" sagot ni Cabbry. "Ba't 'di natin naisip 'yon?" si Orvil. "Bobo ka kasi!" si Rico na kinotongan pa si Orvil. "Tara na nga!" Sabay-sabay naman kaming pumunta kung nasaan ang Classic Savory. Marami ring napapatingin sa 'ming siyam. Mga guwapo ba naman kasama ko. Mga guwapong aso nga lang. Humanap agad kami ng mahabang lamesa kung saan magkakasya kami nang nakarating kami sa Classic Savory. Nauna akong umupo sa kanila. "Tabi tayo, Fritz!" sabi ni Cassidy at uupo sana sa tabi ko nang hilahin siya ni Bryle. "Hindi. Doon ka." Sya ang umupo sa tabi ko sa kanan kaya napasimangot si Cabbry. "Tayo na lang tabi, babe!" sabi ni Rico. Hinayaan ko na lang s'ya. Minsan lang naman 'to. "Dito na lang ako." Uupo na sana si Iver sa tabi ko sa kaliwa nang hinila rin siya ni Van at siya ang umupo sa tabi ko. "Ang daya." Gan'to ang ayos namin..   Orvil-Gail-Cassidy-Rico-Cabbry   Iver-Van-Ako-Bryle- Napapalibutan kami ng mga aso! "Waiter!" Lumapit agad ang waiter nang tawagin namin ito. "Hi. Good evening, ma'am, sir... Menu po." Binigay nito ang menu sa 'min. "Ito na lang at ito." "Bryle! Ito pa, oh!" "O sige, ito pa." "Dalawang order ng crispy pata. Tatlong pancit and carbonara. 1 whole chicken. Vegetable salad and fruit salad." "Drinks?" "Iced tea. That's all, thank you." "Sure, excuse me." Umalis na ang waiter. Sumandal muna ako sa upuan at nag-cross-arm habang tinitingnan ang mga kasama ko. Napailing-iling na lang ako nang may na-realize ako. We ended up here... Friendship I guess? Well, okay lang naman. Masaya kapag marami. Ayos lang din naman maging kaibigan ang mga aso ko. Aso ko nga, e. "What are you thinking at umiiling-iling ka d'yan?" bulong na tanong ni Van kaya napatingin ako sa kaniya. "Iniisip ko kung anong magiging itsura n'yo kapag ganap na kayong tao." "What the f**k?" Tinaasan ko ng kilay si Rico. "Nang-aasar na naman 'to." "Sabi ko na nga ba, malakas pandinig ng mga aso. Akalain mo 'yon, narinig mo pa," sagot ko. Nagtawanan sila kaya napangiti na lang din ako. "Aso.. Aso..." paulit-ulit na bulong ko. Wala lang. Pinaparinggan ko lang si Van. "Chonggo.. Chonggo... Super chonggo man.." bulong ko pa kaya tuluyan nang napatingin sa 'kin si Van. Inosenteng nginitian ko siya. "Chonggo." "Tigilan mo nga 'ko," kunot noong sabi niya. Nagkibit balikat ako at tumawa nang mahina. "Okay." Sinundot-sundot ko na lang ang tagiliran ni Bryle. Wala akong magawa, e! "Aw! Ano ba, Fritz!" suway sa 'kin ni Bryle at hinawakan ang kamay ko. "Nakikiliti ako." Tinawanan ko na lang siya. Malakas pala kiliti nito sa tagiliran, ha! Isa pa nga.. Sinundot-sundot ko ulit ang tagiliran niya kaya napapapitlag siya. Hinawakan niya na rin ang isa ko pang kamay. "Loko ka talaga," natatawang sabi niya sa 'kin kaya tumawa na lang ulit ako at sumandal sa braso niya. "Di pa nga tayo nagtatagal dito, pagod ka na?" "Porque't sumandal, pagod na?" sagot ko pero tinawan niya lang din ako. Abnoy! After 30 minutes ay dumating na lahat ng order namin. Agad naman naming nilantakan 'yon. Kung nakikita n'yo sila ngayon... Aba, mga PG-lante. Ako rin naman. "Fritzzel." Napatigil ako sa pagkain ng carbonara nang sabay akong tawagin nina Van at Bryle. "Hmm?" Tinuloy ko ulit ang pagkain. Nakita ko pang pareho na silang may hawak na tissue na ikinataas ng kilay ko. "May ano—" Napatigil si Bryle nang sabay kong kunin sa kanila ang tissue'ng hawak nila. "Aha..." Pareho kong pinunas sa bibig nila ang tissue'ng galing sa kanila. "Punasan n'yo muna sarili n'yo bago n'yo punasan ang sa ibang tao," sagot ko nang natapos ko nang punasan ang bibig nila pareho. "Ang sweet naman pala ni Mommy Fritz." "Tigilan mo 'ko, Gail. Jojombagin kita d'yan." "Jojombagin? What the f**k is that?" "Ano 'yon?" "Magmura pa kayo! Nasa harap pa kayo ng pagkain, 'di ba?!" "Opo mommy. Sorry po." "Mongoloid!" After naming kumain ay pumunta kami sa time zone para maglaro. Tinuruan akong maglaro ni Bryle ng basketball. Actually, tinulungan niya lang akong maka-shoot ng bola roon. Naglaro naman kami ni Van ng two player do'n sa barilan. Ah, basta. 'Di ko alam tawag do'n. Sabay-sabay rin kaming lahat na naglaro doon sa racing car. Masaya. Sobra! Sumayaw naman ang VIRGO gang sa Just Dance! At dinumog talaga kami ng mga tao para lang panuorin sila! Ang gaguwapo at hot ba naman ng mga sumasayaw, e! Mga aso nga lang. Pero hinila ako ni Iver at isinali nila ako sa pagsayaw nila! Buti na lang talaga malambot katawan ko kung hindi... Kahihiyan na naman, bes! Natapos ang araw namin nang gano'n-gano'n lang. Nanood ng cine, nag-ikot-ikot, at nagshopping. Nadapa pa si Orvil noong naglalakad na kami papuntang parking lot. Hindi niya nakita ang dinadaanan niya dahil sa kakatawa niya! But the worst is... Nakatapak ng tae si Rico nang papunta na kami sa parking lot. Hinubad niya ang sapatos niya at binato-bato pa sa 'min kaya nagtatatakbo kami palayo! Pinagmumura namin siya nang todong todo dahil sa kababuyan niya! Ang baho niya talaga, sobra. Amoy tae na nga, mas naging amoy tae pa noong nakaapak siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD