Chapter 10: Misunderstanding

2265 Words
— Fritzzel — 10:00 am na 'ko nagising kinabukasan. Anong oras na kasi kami nakauwi kagabi. Mga 9: 00 pm yata. Tapos uminom pa 'ko pagkauwi. Sa sofa na nga 'ko nakatulog. Pinalinis ko na rin ngayon ang bahay sa mga taong laging naglilinis nito. Bayad naman sila. Pagkatapos umakyat na ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng f*******: account. And as usual, ang dami na namang notifications. Mukhang hanggang ngayon 'famous' pa rin ako gaya ng sabi ng mga chonggo. Inuna ko ang friend requests at otomatiko na namang tumaas ang kilay ko. Van Salvador. Iverson Salvador. Rico Salvador. Gail Lee Salvador. Orvil Sean Salvador. Sila na naman? Edi confirm! Okay naman na kaming lahat. In-accept ko na lang ang friend requests nila. After five minutes, sunod-sunod na tumunog ang messenger ko at nagpop-up ang mga pagmumukha nila. Wow lang. Ang bilis! — Orvil Salvador        11:13 am. : Ngayon ka lang ba nagising?! Bakit ang tagal mo naman mag accept? — Wow? Kutusan ko kaya 'to? Hindi na ako nag-reply at tiningnan na lang ang iba pang chat galing sa mga aso. — Rico Salvador     11:13 am. : Hi babe! Goodmorning! Fritzzel: Isa pang babe mo! Kutos ka sa'kin! Morning. — Iverson Salvador     11:13 am. : Goodmorning. Kumain ka na ba? Fritzzel: Morning. Yup. — Gail Lee Salvador     11:13 am. : Uy mommy! Fritzzel: Uy! Baby damulag! — Van Salvador    11:12 am. : Buti naisipan mo mag accept 'no?! Fritzzel: Ge. — Abnormal talaga 'tong si Van. Sarap nila kutusan isa-isa. Nangunot ang noo ko nang tumunog na naman ang messenger ko pero hindi na pangalan ng mga aso ko ang nabasa ko. — GROUPINGS Orvil created the group. Orvil: Hey! Wazzup! Gail:La? Rico: Para san to?! Fritzzel: Uso magbasa. Rico: Sorry naman! So anong plano? Van: Napag-usapan na kahapon diba?! Iverson: Kela Fritzzel nga tayo! Rico: Oo na! Mga G na G kayo! You set the nickname for Van Savador to Super Chonggo man. You set the nickname for Iverson Salvador to Unggoy. You set the nickname for Rico Salvador to Doggy. You set the nickname for Gail Lee Salvador to Shokoy. You set the nickname for Orvil Salvador to Mongoloid. Doggy: Wtf?! Mongoloid: La? Wala talagang magawa 'tong si Fritzzel oh! Bakit naman mongoloid?! Fritzzel: Tawa ka nang tawa na para kang mongloid eh. Tsk. Super Chonggo man: Hayaan nyo na nga 'yan! Parang di kayo nasanay. Abnormal ang babaeng yan. Fritzzel: La?? Ako pa talaga? Eh kung jombagin kita dyan?! Unggoy: Yan na naman si Jombag! Shokoy: Mommy, daddy.. Stop na po! Super Chonggo man: Hayop ka Gail. Fritzzel: Kingina mo Gail! You set your nickname to Gandang babae. Doggy: Pero yung kanya positive nn! Tapos samin ganto? Wtf! Unggoy: Tama na nga yan! Para sa groupings to hindi para sa kalokohan nyo! Mongoloid: Yes sir Iver. Fritzzel: Tsk. Basta mamaya ha. 3 nang hapon. Shokoy: 3 ba?! Papunta na kami — Napabalikwas ako ng bangon nang nabasa ko ang chat ni Gail. Gago talaga! Sabi ko 3! Pero 'di naman nila alam kung saan ako nakatira 'di ba? — GROUPINGS Fritzzel: Bakit naman ang aga nyo?! San na kayo? Super Chonggo man: Hulaan mo. Fritzzel: Tsk. Sa San Joaquin Village ako. Punta na kayo rito. Shokoy: Uy tamang tama! Nakikita ko na 'yung Village! Fritzzel: Malapit lang ako sa gate. Lalabas na lang ako para makita nyo ko. Shokoy: Gegege. Fritzzel: Wait. SINONG DRIVER NYO?! BAKIT LAHAT KAYO ACTIVE?! PAG KAYO NABANGGA AH! Mongoloid: Hala G na G. Super chonggo man: Kailangan capslock?! Shokoy: La? Ang OA ni mommy. Unggoy: May driver kami. — Hindi na 'ko nag-reply nang abasa ko ang chat ni Iver. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng mansion. Nakita ko na ang isang kotseng pumasok ng gate ng Village namin. Kulay black. 'Di ko lang alam kung sila na 'yon. Bumukas ang bintana ng kotse at may kumaway sa 'kin kaya napangiti ako. Sila na nga. Ang aga naman masyado ng mga 'to? Wala pa nga akong nalulutong lunch dito! Tumigil ang kotse sa tapat ko. Nakangiting lumabas ang mga aso ko maliban kay Van. Titig na titig siya sa mansion ko habang nakakunot ang noo. Hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa mansion at nakakagat labi pa. 'Di ko na lang siya pinansin. "Wow! Mansion nga!" nakangangang sabi ni Orvil habang nakatingin din sa mansion. "Okay lang. Palasyo naman ang amin," dugtong pa niya at tumawa. "Yabang mo!" Kinotongan siya ni Gail. "Pumasok na kayo," sabi ko. Mabilis naman silang tumakbo papasok na parang mga bata. "Kuya.. Ipasok n'yo na lang po diyan sa garahe ang kotse." Itinuro ko sa driver at binuksan ang malaking gate. Pagkatapos mai-park ng kotse ay pumasok na 'ko sa loob. Nangunot ang noo ko nang nakita ko kung nasaan ang mga chonggo pero tumaas din agad ang kilay ko nang napansing nagbubulungan sila kaya lang 'di ko marinig. Nandoon sila sa side table na nasa tabi ng hagdan kung nasaan ang mga picture frames namin. "Anong ginagawa n'yo diyan?" Nag-cross arm ako habang gulat silang napatingin sa 'kin maliban kay Van na nakatingin pa rin sa mga pictures. "A-Ah... Uy, Fritzzel!" gulat na tawag sa 'kin ni Iver. Malikot ang mga mata niya, hindi siya makatingin nang deretso sa 'kin. "W-Wala naman kaming ginagawa. Tinitingnan lang namin 'tong mga pictures," sagot ni Gail pero bakit nauutal? Walang ginagawa pero tumitingin ng pictures? Galing mo naman, dude. "Oo, ang cute mo nga rito, Fritz e!" natatawang sagot ni Orvil at kinuha ang picture ko kasama si Gio. "Ikaw ba 'to?" tanong niya na ikinatango ko. "Oo." Nagkatinginan naman sila. "Ang cute mo! E, ito? Sino 'to? Jowa mo?" tanong ni Rico at tumawa. Pekeng tawa, alam ko. "Si Gio 'yan." Nagkatinginan na naman sila bago tumingin sa 'kin pati si Van ay napatingin na rin sa 'kin. "May problema ba?" tanong ko at namaywang sa harap nila. "Wala naman. Nasaan na siya? Kaano-ano mo?" tanong ni Iver, parang curious na curious. "Hindi ko alam kung nasaan na siya. Bestfriend ko 'yan. Apo ni yaya," sagot ko at nangunot noo. "Yaya? Ito ba 'yung yaya mo?" tanong na naman ni Iver at itinuro ang picture ni yaya. "Oo. Siya nag-alaga sa 'kin. Tsaka ano ba? Akala ko nandito kayo para mag-practice? E bakit tanong kayo nang tanong diyan?" masungit na tanong ko. "Sorry. Sige, tara na." . "Ang cute mo kasi mommy!" Si Gail naman na kinurot pa ang pisngi ko. Pumunta silang living room maliban kay Van kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Fritz..." "Oh?" Nilingon ko siya. "Mansion mo talaga 'to?" tumitingin pa sa paligid na tanong niya. "Oo sabi," sagot ko. "Bakit ba?" "Wala lang. Ganda, e." Natatawa niyang ibinaling sa 'kin ang tingin niya at tinitigan ako kaya umiwas na lang ako ng tingin. "Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang living room. Naabutan naming prenteng nakaupo ang mga chonggo sa mahabang sofa sa tapat ng TV. Mga may kanya-kanyang hawak ng cellphone at mga mukha pang nagta-type. Nakakunot ang noo ko habang pinapanood sila. Nagkakatinginan pa kasi silang apat saka titingin sa 'min ni Van. Weird. Napatingin ako kay Van at nakatitig pala s'ya sa 'kin kaya agad akong napaiwas ng tingin. 'Yung kamay ko...hawak pa rin niya. "Hoy!" Napatingin kaming lahat kay Rico. "M-Mamayang hapon na tayo gawa. Kain muna tayo rito ta's nood." Ngumiti siya at tumawa. Pekeng tawa na naman. Nawiwirduhan na 'ko sa kanila. Napatingin na lang ulit ako sa side table at sa mga pictures na nandoon at tumingin ulit sa kanila. "Kilala n'yo ba si Gio or si Yaya Merdes?" tanong ko na sabay-sabay nilang ikinatigil. Nagulat pa 'ko sa biglang paghigpit ng hawak ni Van sa kamay ko. Nagulat ko yata sila sa tanong ko? "Kasi simula nang nakita n'yo 'yung mga pictures, you started to act like a weird... dogs." Napasimangot naman sila sa sinabi ko pero totoo naman kasi. "Hindi. Hindi namin sila kilala," sagot ni Iver at tumingin ulit sa phone at nag-type. "Oo. Na-curious lang kami," si Gail naman at nag-Type na rin. "Mukhang close kasi kayo nung Gio." Napatingin naman ako kay Van. Tumango na lang ako at binawi ang kamay ko. "Sorry." "Okay lang. Sige, upo ka na ro'n. Magluluto lang ako." Tumango na lang siya at umupo na sa tabi ng mga ka-gang niya. Pumasok ako sa kitchen at agad na ch-in-eck ang refrigerator. Wala nang laman! Naubusan na 'ko ng stock! Itinukod ko na lang ang dalawang kamay ko at tumingin sa kawalan. Hindi mawala sa isipan ko ang reaksyon ng mga aso ko kanina nang nakita nila ang mga pictures. Hindi ako tanga para hindi mapansing may mali. After all, they are all acting weird! My weird dogs. Napatingin ako sa pinto ng kitchen. Bumuntong hininga ako at dahan-dahang pumunta roon. Sumilip ako saglit sa labas. Nakaupo pa rin sila at nakahawak sa mga cellphone. Mga nagta-type. Minsan napapatingin sa isa't isa. Nag-cha-chat ba sila kahit magkakasama sila? I'm sure na ayaw nilang iparinig sa 'kin ang pinag-uusapan nila kung gano'n. Okay. Okay. Napatingin ulit ako sa mga pictures namin. Sa picture namin ni Gio at Yaya Merdes. Sana... sana tama ang hinala ko. Nakangiting lumabas ako ng kitchen. Hindi pa nila napansin ang paglabas ko kaya umakyat na lang ako sa taas para kumuha ng pera at magbihis. Maggo-grocery na lang muna ako. Nagbihis lang ako ng ripped jeans at blue v-neck tee shirt at dinala ang sling bag ko saka bumaba. Hindi pa 'ko nakakababa nang narinig ko na ang boses nila. Tumigil ako at umakyat nang konti para 'di nila ako makita. "s**t! Siya nga!" "Bobo! Alam namin." "Pero panong—" "s**t! Lagot tayo nito!" "Ano na Van? 'Di ka man lang magsasalita diyan?" "This is bullshit!" "P-Paano 'yan? Siguradong magagalit siya!" "Bobo! Masasaktan din yata?" "Kanina ka pa bobo nang bobo, ha!" "Bakit n'yo ba kasi naisipang gawin 'yon sa kaniya?" "Eh bakit nakisali ka?" "Pinilit n'yo ko! Sinasabihan n'yo pa 'kong KJ! Ang lalakas kasi ng trip n'yo!" "Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol doon!" "Saang doon? Sa ano o sa ano?" "Putang inang 'ano' yan!" "Bobo! Malamang 'yung napag-usapan natin!" "Oo nga!" "Tangina n'yo kasi! Dapat hindi n'yo na tinuloy 'yon!" "Malay ba namin?" "Sino bang nakaisip?" "Si Van 'di ba?" "Shut the f**k up assholes!" "Kasalanan mo 'to, e." "Manahimik ka! Mukha bang gagawin ko 'yun kung alam kong siya 'yon?" "Nakakabuwiset! Dapat talaga hindi na 'ko nakisali." "Ako rin. Patay talaga tayo nito." "Iba pa naman magalit 'yon." "Puwede bang manahimik kayo?! Tigilan n'yo na ang pag-uusap! Kaya nga may GC, 'di ba?" "Oo na. Shut up na nga." Nangunot ang noo ko sa lahat ng narinig ko. Hindi ko alam kung sinong pinag-uusapan nila. Hindi ko talaga maintindihan kung tungkol saan naman at anong pinag-uusapan nila. Baka... Baka naman labas na ko ro'n. Ba't ko kailangang problemahin 'yon 'di ba? "Puta! Ang gugulo n'yo mag-usap sa GC!" narinig ko na naman si Gail. "Hayop! Itigil na lang natin ang napag-usapan!" "Ititigil? Nasimulan na natin!" "Gago ka ba? E paano 'tong nalaman natin? Gusto mo talaga siyang saktan? Nag-iisip ka ba?" "f**k! Hindi ba talaga kayo mananahimik at lalakasan n'yo pa talaga boses n'yo? Nag-iisip ba kayo diyan?!" Ramdam ko ang galit ni Van dahil sa mariing pagsasalita niya. Napasilip ako sa baba. Sinubukan kong magtago hanggat kaya ko. Nakatayo na silang lahat at masasama ang timpla ng mukha. Ano bang nangyayari sa kanila? "Wag n'yong sabihing mag-aaway kayo rito? Nasa mansion tayo ni Fritzzel, oh!" suway sa kanila ni Rico. "Sa bahay na kayo mag-away! Buwiset." "Puro kasi kayo kalokohan!" sigaw ni Iver. "Hoy, ano ba? Baka marinig ka ni Fritzzel! Isipin pa niyon, nag-aaway tayo rito." Kahit magbulungan kayo diyan, maririnig ko kayo. Napakalakas kaya ng pandinig ko. "Ayan napapala ng kalokohan n'yo!" inis na sabi na naman ni Iver. Halatang galit na galit. "Tigilan mo 'ko! Sabit ka na rin dito," galit na sagot ni Van at mas lumapit kay Iver. "Sa tingin mo gagawin ko 'yon kung alam kong siya 'yon? Tang ina lang." "GC! GC! Chat! Baka marinig kayo ni Fritzzel at magtaka pa 'yon sa kinikilos n'yo!" naiinis na ring sabi ni Gail at ginulo ang buhok. "Fuckshit." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumaba na 'ko. Sabay-sabay silang napatingin sa 'kin at sabay-sabay rin ang pagbago ng mga reaksyon nila. Lumambot ang ekspresyon nila at nawala ang galit. Naitago rin nila ang mga phone nila at napatayo. Now, this is awkward. "Kala ko nanonood kayo," sabi ko. "Hindi. May lakad ka ba?" tanong ni Iver at pilit na ngumiti. Pekeng ngiti. Alam na alam ko na ang pinagkaiba ng peke at tunay na ngiti because I used to be like that... to fake my smile. "Meron. Maggo-grocery lang ako dahil wala nang stocks. Manood na lang kayo diyan," sagot ko at tiningnan sila isa-isa. Tahimik. Ang tahimik nila ngayon. Hindi na gaya ng dati. "Sasama kami!" sabi ni Gail at tumayo. Tiningnan n'ya ang iba. "'Di ba?" May sinasabi ang mata niya. 'Di ko lang alam kung ano. "Oo naman. Saan ba? Kailangan pang sumakay?" sang-ayon at tanong ni Orvil. "Hindi na. Diyaan lang ang grocery." Pinilit kong ngumiti. "Tara na?" "Tara! Tara!" Nanguna si Iver sa paglabas. Sumunod naman ako at sumunod pa ang apat sa likod ko. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay! Ang tahimik nila masyado. Ano ba kasing pinag-aawayan nila?! f**k this! Gusto kong malaman! Naku-curious ako. Parang importante pa naman 'yon. Ano nang nangyayari sa mga aso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD