CHAPTER 54

1539 Words

Kathryn HINAWI ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha saka ito inipit sa likod ng aking tenga. Nakadama ako ng gutom kaya gusto ko sanang magtimpla ng gatas. Dali-dali akong pumunta sa kusina at tinungo ang cabinet kung saan nakalagay iyon. Tumingkayad ako at inabot ang canister na pinaglalagyan niyon saka ibinaba at kumuha ng baso na may laman na maligamgam na tubig mula sa water dispenser. Ngunit pagkabukas ko ng canister ay wala na pala itong laman. Si Joaquin ang tagatimpla ng gatas ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko talaga alam na ubos na pala. Wala rin naman kasi siyang nababanggit sa akin na kailangan nang bumili. Kung hindi pa ako magtitimpla ay hindi ko pa malalaman na ubos na pala ito. Napabuntonghininga na lamang ako saka muling inilagay a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD