Joaquin MAAGAP akong tumayo nang makalapit sa kinauupuan ko si Michelle. Saktong pagkatayo ko ay siya namang salubong niya ng mariing halik sa aking labi. Hindi pa siya nakuntento at ipinulupot pa niya ang kaniyang mga kamay sa aking leeg. Sa gulat ko sa kaniyang ginawa ay mabilis ko siyang naitulak. Mabuti na lamang at hindi malakas ang pagkakatulak ko sa kaniya dahil kung napalakas ako, malamang ay napasalampak na siya sa sahig. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabigla ngunit agad din namang nakabawi at ngumiti pa. “Ano ang ginagawa mo rito, Michelle?” nagngangalit ang mga ngipin kong wika. Napalingap pa ako sa aking paligid dahil batid kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga kasama ko. “Ito naman, iyan talaga ang ibubungad mo sa akin? Parang bago lang na binibisita kita sa g

