Joaquin “PARANG asukal sa tamis ang ngiti natin, bok, ah? Mukha yatang may nadiligan tayong bulaklak.” Mula sa binabasa kong police report ay napaangat ako ng tingin sa pinagmulan ng tinig. Papalapit si Suarez sa aking kinauupuan tangan ang dalawang styro cup na kung hindi ako nagkakamali ay kape ang laman dahil na rin sa amoy nito. Inilapag nito ang isa sa harap ko nang siya ay makalapit saka umupo sa silyang nasa harap ng aking mesa. Agad kong itiniklop ang file na binabasa ko at ipinagilid saka binalingan si Suarez. “Loko ka talaga, Suarez. Hindi pa puwedeng madiligan si Misis ngayon. Bawal pa sabi ni dok, kaya tiis-tiis muna sa pagsakit ng puson,” nakangisi kong turan saka kinuha ang kapeng inilapag niya kanina. Sumimsim ako ng kape mula rito saka muli ring inilapag sa mesa

