HALOS malaglag ang panga ko dahil sa pambungad ni Michelle. Bilib na talaga ako sa kakapalan ng mukha ng babaeng ’to. Hindi kumukupas, mas kumapal pa nga. Tila nakalimutan na yata niya ang ginawa kong pananakal sa kaniya noong huli kaming magkita? Mula sa gilid ng aking mga mata ay pasimple kong tiningnan kung ano ang reaksiyon ni Joaquin. Pero katulad ko ay tila nabigla rin ito sa biglang pagsulpot ng alagad ni Valentina dahil hindi rin ito agad nakapagsalita. Nakatanga lang ito at parang tangang naitulos sa kinatatayuan habang nakatitig siya sa akin. Ang sarap na lang batukan, e. “Kathryn, hiramin ko lang saglit ang tatay ng anak ko. Tapos naman na kayong magpa-check up, ’di ba? Baka puwedeng kami naman ang samahan niya?” muling untag sa akin ni Michelle nang mapansin yata niyang wala a

