AGAD akong lumabas ng kuwarto matapos kong magbihis. Nagsuot lang ako ng dress na may puff sleeves at heart-shaped neckline. Stretchable ito sa bandang baba ng dibdib ko kaya komportableng isuot dahil hindi naiipit ang tiyan ko. Kulay pink ito na bulaklakin at umaabot lang ang haba ng kalahating dangkal sa taas ng aking tuhod. Itinali ko rin ang buhok ko ng nakataas saka nagtira ng kaunting hibla ng buhok sa gilid ng aking mukha. “Joaquin,” agad kong tawag sa kaniya nang makalabas ako sa kuwarto. Nakita ko naman ito agad na prenteng nakaupo sa single sofa habang nanonood ng NBA. Finals kasi ngayon kaya talagang hindi niya pinalampas. “Panoorin mo na lang sa replay sa Youtube ’yan mamaya. Tara na,” wika ko pero parang hindi niya ako narinig. “I-shoot mo. . . Three points. . .three poi

