UMINAT ako matapos isara ang laptop. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa maghapon kahit wala naman ako masiyadong ginawa maliban sa pag-proofread at pag-edit ng isang nobela na ipinasa ng isang in-house writer namin na nakalinya para i-publish. Antok na antok din ang pakiramdam ko dahil sa kabusugan. Halos oras-oras yata ay inaabutan ako ng pagkain ni Bryce na hindi ko rin naman tinatanggihan. Game na game sa pagkain ang baby ko at parang hindi ako nabubusog. Napakarupok ko rin naman pagdating sa pagkain lalo pa’t puro mga kini-crave ko ang ibinibigay niya. Buti na nga lang ay nagkaroon siya ng biglaang meeting kaninang alas-dos. Dapat ay kasama ako pero hindi na niya ako pinasama dahil baka ma-stress lang daw ako. Abnormal lang talaga iyong lalaking iyon, eh. Assistant niya ako kaya

