NAGPAKAWALA ako ng isang mahabang buntonghininga bago tumayo para sundan si boss Bryce sa loob ng kaniyang opisina. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya sumilip ako pagkatapos ay kumatok ng tatlong beses bago pumasok. May kausap ito sa phone kaya tiningnan niya lang ako at pinagkalooban ng isang ngiti saka sinenyasan akong pumasok na. Nang makapasok ako ay sandali siyang nagpaalam sa kaniyang kausap. Tinakpan nito ang mouthpiece ng kaniyang cellphone bago bumaling sa akin. “Umupo ka muna, Kathryn. I’ll just take this call then I’ll get back to you,” aniya na nakaturo pa ang hintuturo sa visitor’s chair na nasa harap ng kaniyang desk. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon bago umupo. “Bryce G. Almonte,” mahina kong basa sa kulay itim na desk name plate kung saan naka-engrave ang pangalan ni

