ISANG pasada pa sa malaking salamin ang aking ginawa. Pinili ko ang isang sleeveless dress na ang kulay ay krema na pinatungan ko ng kulay maroon na blazer. Maluwang ito sa bandang tiyan hanggang sa laylayan na umaabot hanggang sa aking tuhod. Tamang-tama dahil halata na ang umbok sa aking tiyan dahil nasa ika-apat na buwan na ito. Nahihirapan na rin kasi akong gumalaw sa mga masisikip na damit. Parang hindi ako makahinga. Feeling ko, ganoon din ang pakiramdam ng baby ko sa loob ng aking tiyan. Napangiti ako saka marahang hinaplos ito. “Ilang buwan na lang, baby, magkikita na tayo,” excited kong wika sabay muling sulyap sa salamin. Tumagilid pa ako habang nakahawak sa aking tiyan at marahang hinahaplos ito. Feel na feel ko talaga ang pagbubuntis. Mahirap pero masaya. Namat

