GUSTO kong iwasan si Joaquin dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari kagabi sa banyo. Sa halip nga na alalayan ko pa siya para ihiga sa kama ay iniwanan ko na lang at tumuloy kaagad dito sa kabilang kuwarto. “Punyeta!” Gigil kong inalog ang aking ulo dahil sa kamunduhang pumapasok sa aking isipan. Hindi tuloy naging maayos ang pagtulog ko kagabi dahilan para mangalumata ako ngayon. Papagising na yata ang mga manok nang tuluyan akong igupo ng antok. Tapos wala pang alas-sais ay nagising ako kaagad. Para bang may sariling isip ang mga mata ko at kusang dumilat kahit pa nga inaantok pa ang diwa ko. Mahinay akong bumangon na para bang latang-lata ang katawan ko. Isang mahabang hikab ang pinakawalan ko saka nag-inat bago tuluyang umahon sa kama. Mabuti na rin siguro ang ganito kaagang gisi

