PAGKATAPOS kong timplahin ang tubig na pampaligo ni Joaquin ay sinimulan ko nang tanggalin ang sando niyang pang-itaas. Ngunit itataas ko pa lang sana ang laylayan nito ay pinigilan na niya ang aking mga kamay mula sa paghuhubad nito sa kaniya. Napatingin tuloy ako sa kaniyang mukha. Kumunot ang noo ko dahil parang nahihiya ang hitsura niya. Ni hindi makapagbigay nang diretsong tingin sa akin dahil kung saan-saan niya ibinabaling ang tingin niya. Ang likot ng kaniyang mga mata. Ngunit muli ko pa ring sinubukan na itaas ang damit niya para hubarin. Pero muli ay pinigilan niya ako sa gagawin ko. Ano ba talaga ang problema niya? Tutulungan na nga sa paliligo, mag-iinarte pa. Kaysarap buhusan na lang ng tubig, eh. Iyong tubig na purong malamig para mahimasmasan dahil mukhang natutulog pa ang d

