Chapter 41

1470 Words

MABILIS akong lumabas mula sa kuwarto nang makarinig ng pagkabasag mula sa kusina. Nang makita ko kung ano ’yon ay dali-dali akong lumapit kay Joaquin na ngayo’y akmang uupo na para pulutin ang mga nagkalat na bubog mula sa basag na baso. “Ako na riyan,” ani ko sabay alalay sa kaniya palayo sa mga bubog. Ang tigas naman kasi ng ulo. Ang sabi ko’y ako na lang ang kukuha ng tubig para sa kaniya pero nagpumilit pa na kaya na niya. “Hindi na, ako na lang. Ako ang nakabasag kaya ako ang dapat na maglinis ng kalat ko. Kaya ko naman, eh. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Kaya ko na ’to,” aniya sabay marahang bawi sa kaniyang kamay. Kung pilosopo lang akong tao, malamang sasabihin kong siya rin ang bumasag sa magandang relasyon namin kaya dapat din na ayusin niya. “Ako na nga, ’di ba? Puw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD