NAKAUWI rin kami pagkalipas ng tatlong araw. Ang sabi niya puwede na raw akong bumalik sa apartment ko. Pero cargo de concencia ko naman kung hahayaan ko siya nang mag-isa dito sa bahay na ganiyan ang sitwasyon niya. Responsibilidad ko pa rin siya kahit ano pa man ang mga nangyari. Pagkatapos naman nito, kapag tuluyan na siyang naka-recover at maari na siyang maglakad ng walang ginagamit na saklay, maaari ko na siyang iwan dito nang mag-isa. “Dahan-dahan lang sa paghakbang,” payo ko nang tuluyan siyang makababa mula sa sasakyan. Nakaalalay ako sa kanan samantalang sa kaliwa ay si PO2 Suarez—kasamahan niya sa departamento kung saan sila naka-assign. Sinabihan kasi ako ni Joaquin kanina na tawagan siya para may makasama raw ako sa pag-alalay sa kaniya pauwi. Baka mabigatan daw ako. Eh, da

