NAGISING ako nang may maulinigang kaluskos. Tila may naririnig din akong nagsasalita kaya unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga saka humikab at uminat. Kinusot ko rin ang aking mga mata dahil parang inaantok pa rin ang aking diwa. Ngunit bigla akong natigilan sa aking ginagawa nang mapagtanto ang isang bagay. Nangunot ang aking noo at saglit na nag-isip kung paano ako umabot sa sofa na narito sa loob ng kuwarto. Sa pagkakaalala ko kasi ay sa tabi ako ni Joaquin nakatulog kagabi. Kaya papaano ako napunta rito? Hindi naman ako naglalakad ng tulog para isipin sana na nag-sleep walk ako kagabi. Kaya paano? O mas magandang tanong yata ang sino? Sino’ng bumuhat sa akin pahiga rito sa sofa? Alangan naman na si Joaquin, eh hindi nga siya mak

