“MAHAL?” paos ang boses kong baling kay Joaquin nang maramdaman ko ang pagbangon niya mula sa aking tabi. Kinapa-kapa ko pa ang espasyo sa aking tabi habang nakapikit ang aking mga mata para kumpirmahin kung bumangon nga siya. “Nandito lang ako, Mahal,” mabilis na tugon niya sabay dampi nang magaang halik sa aking noo. Kahit inaantok pa ako ay dahan-dahan ko pa ring ibinuka ang aking mga mata para tingnan siya. Madilim na paligid ang nabungaran ng aking mga mata nang ito ay aking maimulat nang tuluyan. Tanging ilaw na nagmumula sa lampshade at sa hawak niyang cellphone lamang ang liwanag na makikita dito sa loob ng kuwarto. Nang balingan ko ang digital clock na nakapatong sa side table ay alas-tres y media pa lang ng umaga. “Ba’t gising ka na? Hindi ka na naman ba makatulog? N

