Joaquin NAGISING akong magaan ang aking pakiramdam. Ang sarap talagang gumising sa umaga na ang una mong masilayan ay ang mukha ng taong mahal mo. Kaya ano pang hihilingin ko? Isa ito sa mga simpleng bagay na muntik nang mawala sa akin dahil sa kagaguhang ginawa ko. Kung may magandang naidulot man ang mga nangyari sa aming dalawa, iyon ay ang katotohanan na walang ibang makakapantay at makakapalit sa kaniya sa puso ko. At kung sakaling tuluyan niya akong iniwan, siguradong wala nang patutunguhan pa ang buhay ko. Kaya ngayon, hindi ko na sasayangin pa ang isang pagkakataon na ibinigay niya sa akin. This time, gagawin ko ang lahat para maibalik nang lubusan ang pagtitiwala niya. “I love you, Wife,” bulong ko sa kaniyang tenga saka siya dinampian ng magaang halik sa pisngi. Gusto ko pa

