Chapter 30
TYLER
IT'S my first time to meet Marylyn in person. Sa mga pictures ko lang siya nakikita noon pero ngayon ay may chance na akong ma-meet siya personally. Pinabalik ako ni Jerico sa loob ng opisina dahil wala naman daw silang importanteng pag-uusapan.
Mukhang naiilang si Jerico sa pagtitig sa kaniya ni Marylyn. Tumingin ito sa akin at ngumiti ng napakaganda. "Who's the handsome gentleman with you, Jerico?" tanong nito sa kaibigan ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"He's my bestfriend," tipid at walang ganang sagot ni Jerico. "And what is the name?" pahabol na tanong niya. Ako na ang sumagot sa tanong nito. "My name is Tyler Rivera, your fiance's bestfriend," pagpapakilala ko sabay abot ng kanang kamay ko upang makipag-shakehands.
"Correction, it's ex-fiancee. Anyway, it's nice to meet you. Walang nabanggit sa akin itong kaibigan mo na may gwapo pala siyang best friend na gaya mo," papuri nito sa akin at kinindatan ako.
"No need to mention that in front of Tyler. He doesn't have to know the details. What brings you here? Sabihin mo na agad dahil marami pa akong kailangang tapusin."
Grabe talaga itong kaibigan ko. Daig pa ang ipinaglihi sa sama ng loob. Puwede naman siyang makipag-usap nang maayos pero napakasungit.
"Calm down, Jerico. You're too tensed. Pakiramdam ko tuloy ay ipinagtatabuyan mo na ako," pagpapaawa nito kay Jerico. Sa kilos at pananalita ay halatang spoiled brat ang babaeng ito, so I'm pretty sure na ayaw ni Jerico na maikasal sa kaniya. Ano kaya ang dahilan kung bakit ex-fianceè na lang niya ito? I don't want to ask him either dahil alam na alam ko na ayaw niya sa mga taong mahilig mang-usisa sa private life ng iba.
"Please cut the drama, I am really busy. Get straight to the point, Marylyn," inip at naiinis na sabi ni Jerico. Pakiramdam ko ay dapat na ako lumabas dahil mukhang hindi magsasabi itong si Marylyn kapag kaharap ako.
"Dude, may bibilihin lang ako sa labas," pagdadahilan ko para makalabas ako at makapag-usap sila.
Ang isa pang dahilan ko ay gusto kong hanapin si Jeanna. Malakas ang pakiramdam ko na iniiwasan niya ako dahil sa nangyari sa bahay namin. Naglibot-libot ako at nahanap ko siya sa isang cafeteria.
Nakaupo at tila malalim ang iniisip.
Lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan.
"J-Jeanna," kinakabahang sambit ko sa pangalan niya. Malungkot ang mga tingin niyang ipinukol sa akin. Nanatili siyang walang imik sa akin. "S-sorry. I'm sorry for what happened."
"Tama na, Tyler. Gusto ko nang makalimutan 'yon. Pareho tayong lasing no'n. Aksidente lang ang lahat ng iyon."
"Sorry talaga. Hindi dapat ako nag-take advantage sa kahinaan mo. Ako ang mas nasa katinuan no'n. Dapat ay mas nagkontrol ako."
"Kalimutan na natin 'yon. Hindi naman natuloy ang muntik nang mangyari no'n. Hindi natin sinasadya ang nangyari. Isipin na lang natin na dala lang iyon ng alak."
Pagkasabi niya no'n ay nagmadali siyang umalis at iniwan akong nakaupo habang tinitingnan siyang naglalakad palayo.
I heaved out a deep sigh. Ang gago ko kasi!
Nagpadala ako sa karupukan ko bilang lalaki. Sana ay hinayaan ko na lang ang kasambahay namin na intindihin siya noong gabi na 'yon para hindi na nangyari ang lahat ng nangyari.
Flashback...
"Ate, ako na lang po ang mag-aasikaso kay Jeanna," sabi ko kay Ate Millet; ang kasambahay namin. Naguguluhan itong tumingin sa akin. "Sigurado po kayo, Sir?" may bahid ng pagdududa nitong tanong sa akin. Alam ko ang ibig niyang ipahiwatig pero nanaig sa akin ang kagustuhan ko na asikasuhin siya sa ganitong pagkakataon lalo pa at siya lasing sa alak at kalungkutan.
"Huwag mo naman akong tingnan na para akong may masamang gagawin sa kaibigan ko. Hindi ako r****t, Ate Let," sabi ko sa kaniya upang alisin ang pagdududa sa isip niya.
"Hindi naman sa gano'n, totoy," depensa nito. Totoy talaga ang tawag niya sa akin simula nang mamasukan siya bilang kasambahay namin. "S'yempre babae pa rin siya kahit magkaibigan kayo. Alangan na hindi siya magtanong kung sino ang nag-asikaso sa kaniya habang lasing siya. Ganito na lang, ako na ang bahala sa pagpalit ng damit niya at ikaw naman sa pagbantay sa kaniya sa tuwing magsusuka siya. Kung kinakailangang palitan ng damit ay tatawagin mo ako, malinaw ba?" bilin sa akin ni Ate Let habang nilalakihan ako ng mata. "Si Ate naman, wala ka bang tiwala sa akin?"
"Mayroon akong tiwala sa'yo, Totoy. Ang gusto ko lang ay maging maingat ka. Hindi ako ipinanganak kanina lamang para hindi ko mapansin na may gusto ka sa kaibigan mo. Iba ang sitwasyon kapag nasa iisang lugar kayo at walang kasama. Baka madala ka sa nararamdaman mo," paalala niyang muli bago lumabas ng kwarto.
Umupo ako sa gilid ng kamang hinihigaan ni Jeanna at mataman siyang tinitigan. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Pinunasan ko rin ng basang bimpo ang mukha niya para mapabilis ang pagkawala ng lasing niya.
Gaya nang sabi ni Ate Let ay nadala ako sa nararamdaman ko at sa pagkakataon na magkasama kami ni Jeanna sa iisang kwarto.
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay idinampi ko ang labi ko sa labi niya. Laking gulat ko nang tumugon siya hanggang sa lumalim ang mga halik namin.
Parang may sariling buhay ang mga kamay ko at kusa itong naglakbay sa iba't-ibang parte ng katawan ni Jeanna.
Nang dumako ang halik ko sa leeg niya ay bigla itong nagsalita at sinambit ang pangalan ni Jerico. Napatigil ako sa ginagawa ko at natauhan. Nahulasan na rin siguro siya ng pagkalasing kaya nang magmulat ito ng mga mata ay hindi siya makapaniwalang ako ang kasama niya sa kwarto.
Nagmadali akong lumabas sa kwarto niya at nagtungo sa sarili kong kwarto. Napakabilis ng t***k ng puso ko at halos naliligo na rin ako sa sarili kong pawis.
Napatampal ako sa noo ko dahil sa pagsisisi sa ginawa ko.
BUMALIK ako sa opisina ni Jerico at naroon na si Jeanna. "What took you so long, Tyler?" usisa ni Jerico. I flashed a fake smile. "Nothing important. Naisip ko lang i-tour ang mga department dito sa kompanya para makabisado ko. Nasaan na si Marylyn?"
"Umalis na," walang ganang sagot niya.
"Ah, I see."
"May problema ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Jerico. Bagama't may pakiramdam ako kung ano ang tinutukoy niya ay nagmaang-maangan pa rin ako. "Kami ni Marylyn? Bakit naman kami magkakaroon ng problema? Ngayon ko pa lang siya nakilala, nagpapatawa ka, dude," patawa-tawang sabi ko.
"I'm not trying to c***k a joke, Rivera. Kayo ni Jeanna ang tinutukoy ko. Although your personal problems don't matter in our business, you should maintain a good relationship with your colleagues. Kanina ko pa napapansin ang pagiging ilang niyo sa isa't-isa. May nangyari ba sa get together party natin?"
Parang istatwa si Jeanna na halos hindi na makagalaw sa pagkakaupo niya. Abot-abot rin ang kaba ko sa tanong niyang iyon. Sh*t! Bakit ako kinakabahan sa paraan ng pagtatanong ni Jerico? It feels like we are in an interrogation room.
Pareho kaming nabigla nang magsalita si Jeanna. "Wala! Walang nangyari sa amin!" Napatayo pa ito nang sabihin iyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Jerico at isang tingin na nagbabanta ang ipinukol niya sa akin.
Napa-face palm ako sa isip ko. Exaggerated ang reaction ni Jeanna, with standing ovation pa. Kilala ko ang best friend ko. He is an overthinker. 'Yong sagot ni Jeanna sa tanong niya ay nasisiguro kong marami nang naging kahulugan sa isip niya.
"Tyler, would you care to explain her answer to me," utos niya sa akin.
"Bro, daig pa natin ang may reporting sa klase. Tingnan mo si Jeanna, kinakabahan na dahil sa'yo kaya kung anu-ano na ang naisasagot sa'yo. Chillax lang, dude. Gaya nang sabi ni Jeanna, walang nangyari. Ikaw na rin ang nagsabi na marami kayong tinatapos na gawin, 'di ba? Kaya natural lang na mabigla si Jeanna sa tanong mo." Idinadaan ko sa kalokohan ang usapan para tumigil na siya sa katatanong.
"Siguraduhin niyo lang. Ayaw kong maapektuhan ng personal issues niyo ang trabaho natin. We are team. Kaya 'pag pumalpak ang isa, madadamay lahat," pagpapaalala ni Jerico sa amin.
"Kapag pumalpak ang isa, matutulungan ng iba. Iyon ang purpose ng pagkakaroon ng team; ang magtulungan. Dapat think positive lang tayo. Sige na mag-focus ka na sa ginagawa mo at ako rin ay magbabasa muna nitong binigay mo sa akin," pagdadahilan ko. Tumigil na ito sa katatanong at ibinalik na ulit ang tingin sa computer screen niya. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpakawala ni Jeanna ng isang malalim na paghinga. Kinabahan rin siguro siya.