Chapter 29

1659 Words
Chapter 29 TYLER I CAME back from US para ayusin ang buhay. For almost two years na nasa US ako ay wala akong ibang ginawa kundi ang maglibang dahil pakiramdam ko ay masyado akong na-stress sa pag-aaral no'ng college. Puro party at flings ang pinagkaabalahan ko at never akong nag-isip tungkol sa future ko. Siguro ay dahil na rin sa hindi ko problema ang pera kahit hindi ako magtrabaho. I can buy anything I want and go to places wherever I want. Honestly, kahit hindi ako pala-post ng buhay ko sa social media ay palihim kong ini-stalk ang mga kakilala at kaibigan ko. Everytime na nakikita ko ang post nila about their achievements ay nakakaramdam ako ng inggit. Yes, I came from a rich family pero wala man lang akong maipagmalaki na galing sa sarili kong pagsisikap maliban sa nakatapos ako sa pag-aral. Nahihiya akong makipag-kumustahan sa mga kakilala ko dahil alam kong hindi maiiwasan na magkatanungan tungkol sa career at lovelife. Hanggang sa tinawagan ako ni lolo and asked me to take care of a project. For the first time ay naka-appreciate ako ng opportunity. Maybe it is a sign of a turning point in life. Malaki ang pagkagulat ni lolo sa pagpayag ko. Hindi pa ako nakakabisita sa kanila ni lola pero lagi ko silang tinatawagan para kumustahin. Sa pagbabalik ko ay inuna ko munang asikasuhin ang dati naming bahay na napabayaan na dahil sa pag-stay namin sa US. I used to live alone in our house dahil madalas ay wala ang parents ko dahil sa business meetings nila, until they decided to send me to province and live with my grandparents in my father side. Sa edad kong ito ay naghahangad pa rin ako na kumain together with my parents. Masyado silang abala sa pagpaparami ng pera at never naglaan ng oras para sa family bonding. Para sa kanila ay aksaya lang iyon sa oras that's why I am thankful to my grandparents for every delicious meal they prepared for me and the time they spent to eat with me. My life looks perfect. Akala ng marami ay wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil halos lahat ng materyal na bagay na hinahangad at pinaghihirapan ng mga kaedaran ko ay nasa akin na pero walang kabuluhan ang lahat ng iyon para sa akin. All I wanted is a complete and happy family. Sinusunod ko ang bawat gusto ng parents ko sa pagbabakasakaling maisip nilang maglaan ng oras para mapansin ako at i-celebrate ang bawat achievements ko but I am always disappointed. Kahit sa mga araw ng birthday ko ay sapat na sa kanila ang bigyan ako ng pera, kotse at kung anu-anong mga mamahaling mga gamit. Siguro ay na-immune na rin ako sa ganoong sistema kaya hinayaan ko na lang. But I want to assure that I will not let my future children to suffer the same fate as mine. It is my first time to work in the company with some of my friends. Masaya ako na may mga taong gagabay sa akin sa pagsisimula ko sa trabaho. Malaki ang tiwala ni Lolo Ed sa akin kaya gusto niyang gamitin ko ang natapos ko para mamahala sa pagpapagawa niya ng mga charity hospitals na gusto niyang ibigay ng libre sa mga nangangailangan. Madalas ma-misinterpret ang ugali ni Lolo Ed. Strikto kasi siya kaya ang akala ng iba ay masungit siya. Gusto lang talaga niya ng pulidong trabaho. Sa opisina muna ni Jerico ako unang nagpunta para mai-guide niya ako sa mga dapat kong gawin. "Good morning, dude," bati ko kay Jerico na ang aga-agang nakatutok sa computer screen niya. Tila ay hindi niya ako narinig kaya hindi ito sumagot at dahil makulit ako ay tinuktok ko ang lamesa niya para makuha ang atensyon niya. Parang nabigla pa ito nang makita ako. "Oh, I forgot. Today is your first day at work. Welcome, bro. Pasensya na dahil marami akong tinatapos. I'll talk to you later. Para may mapagkaabalahan ay puwede mong pag-aralan ang blue print at basahin ang project proposal ng company. Please feel free to give us your insight, Engineer Rivera," nakangiting sabi niya. Bago ako pumuwesto sa sofa at basahin ang mga papers na ibinigay sa akin ni Jerico ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Jeanna na nagkukunwari abala para iwasan ang mga tingin ko. Nahihiya siguro siya sa nangyaring paglalasing niya. Wala lang naman sa akin 'yon. Normal lang ang makaranas na malasing at mawala sa sarili kaya nakagagawa at nakakapagsabi ng kung anu-ano na ikahihiya rin kapag nahulasan na. "Good morning, Jeanna," bati ko rin sa kaniya. Dahan-dahan itong tumingin sa akin at halata sa kaniya ang pagkailang sa akin. "G-good morning, Sir Tyler," kabadong bati niya sa akin. "Sir Tyler?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. "O-opo. Magkaibigan po tayo kapag nasa labas ng kompanya pero dito sa loob ay isa ka po sa boss ko kaya nararapat lang na makipag-usap ako sa iyo nang may paggalang." Punong-puno ng paggalang na sabi niya na nagpataas ng lahat ng balahibo sa katawan ko. "Seriously, Jeanna? Drop that politeness. Hindi naman ako masyadong maselan tungkol sa ganiyang bagay. Puwede mo akong kausapin katulad ng natural nating pag-uusap. Kinikilabutan ako kapag may mga taong masyadong magalang sa pakikipag-usap sa akin lalo na kung kakilala o kaibigan ko. I'm sorry for being OA but I am not used to it," pagkontra ko sa paraan ng pakikipag-usap niya. "Masanay ka na lang, Tyler. Alam mo ang sitwasyon ko. Hindi pa tapos ang problema sa akin ni Tricia. Kung makikita pa ng ibang mga empleyado rito ang paraan ng pag-uusap natin na parang magbarkada lang tayo ay baka maging panibagong issue lamang." Nakangiting sabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at takot na mapahiya sa mga tao. "What's wrong with it? Magkaibigan naman talaga tayo. Maaayos rin ang problema mo with Tricia. Hindi mo kailangang mag-focus sa sasabihin ng iba as long as alam mo na wala kang ginagawang masama sa kapwa mo." "Madaling sabihin 'yan, pero mahirap panindigan. Kahit pa pilitin ko ang sarili ko na balewalain ang maling pagtingin at sinasabi sa akin ng iba ay hindi ko maiwasang masaktan at maapektuhan. Pasensya ka na, but I have to do this para sa ikatatahimik ng lahat." "Woah! It's only my first day pero mabigat na agad ang ambience," sabi ko bago nagpakawala ng isang buntong-hininga. Napatingin ako kay Jerico na umiling-iling dahil sa sinabi ko. Damn it! Ang careless ko! Instead of helping her to lessen her burden, it looks like I am blaming her about the negative ambience in office. "J-Jeanna," banggit ko sa pangalan niya upang humingi ng dispensa para sa sinabi ko. Ngumiti siya. "It's okay. I'm sorry. Masyado na akong nega to the point na affected na ang ambience ng office. From now on, I'll be more professional. Ihihiwalay ko na ang personal problems ko sa trabaho." "No, that not what I mean, Jeanna." "Sige na, Tyler. Magtrabaho na tayo." Hindi na ako kumontra pa at itinuon ang atensyon ko sa trabaho. Goodness! Bakit ba ako masyadong nakikialam sa problema nila? Pasimple naman ang pagsulyap ni Jerico kay Jeanna. I'm sure, nagi-guilty siya sa nangyayari ngayon kay Jeanna. Suot niya ang singsing na bigay ni Lolo Ed sa kaniya. Kulay green ulit ang bato nito which means he's jealous again. Matagal ko nang alam ang pagtingin ni Jerico kay Jeanna. She was his first love. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin niya ito nililigawan. Siguro ay dahil sa arranged marriage ni Jerico with Marylyn; anak ng business partner ng daddy niya or wala na ang pagtingin niya rito. Sabagay, college pa lang kami no'n. Baka nagbago na ang feelings niya. Nagpaalam si Jeanna upang lumabas dahil mayroon daw siyang kailangang asikasuhin. Kaming dalawa lang ulit ni Jerico ang naiwan sa loob ng opisina niya. "Bigatin ka na pala talaga, bro!" kantiyaw ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon. "Why do you say so?" "Kita mo, oh, may sarili ka ng opisina. Samantalang ang ibang engineers dito ay nagsisiksikan sa iisang opisina." Natawa siya. "You're making me laugh, dude. Daddy is one of the shareholders of this company and I am only in-charge for all the works that he is supposed to do. In short, sa kaniya dapat ang opisinang ito. Kaya hindi ako bigatin." "Pa-humble ka pa. Anyway, maiba tayo. I didn't mean to offend you in any way pero curious ako kung bakit sa'yo ibinigay ang singsing na iyan. That ring is really special. Alam ko ang tungkol diyan dahil bata pa lang ako ay naipakita na sa akin 'yan ni Lolo at naipaliwanag kung para saan iyan." "Honestly, hindi ko alam kung para saan ito. I don't even know why I am wearing this. Sa tuwing nagtatangka ako na alisin ito at itago ay may kung anong puwersa ang humihila sa akin para isuot ulit ang singsing." "Ang natatandaan kong sabi ni Lolo sa akin ay gumagana lang daw ang singsing na 'yan sa taong hindi totoo sa nararamdaman niya at ang singsing na iyan ang magbubuking ng totoong nararamdaman ng taong nagsusuot niyan." "Really? 'Di ba sabi mo sa akin no'ng naroon tayo sa bahay niyo ay kulay green ang bato nito? Nagtataka ako kung bakit nasabi mo 'yon dahil wala naman akong nakikitang pagbabago sa kulay ng bato nito. But your grandpa told me about its changing colors depending on the mood." Napaisip rin ako sa sinabi niya. Kulay green talaga ang nakikita ko. Pakiramdam ko ay may hindi sinabi sa akin si Lolo tungkol sa singsing na ibinigay niya kay Jerico. May sasabihin pa sana ako ang kaso ay may kumatok sa pinto. Pumasok ang isang magandang babae at bumeso ito sa kaniya. Base sa kilos nito ay agad na pumasok sa isip ko na si Marylyn ito. Kahit hindi pa nila hinihingi ay kusa akong nagpaalam para bigyan sila ng personal space para makapag-usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD