Chapter 28

1613 Words
 Chapter 28 JERICO TYLER asked me to have some private talk about what happened while everyone else continue to celebrate. "Seriously, bro. What really happened? Bakit ang laki ng galit ni Tricia sa inyo ni Jeanna?" puno ng pagtatakang tanong niya sa akin. I heaved out a deep sigh in so much dismay. "You heard it, I fired her for being a pain in the ass and she keeps on blaming Jeanna for it. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa kaniya," frustrated na sagot ko sa tanong niya. "Maybe, you should talk to her and explain your reasons in a polite manner. I know you, dude. Hindi mo kayang itago ang disappointment mo sa isang tao and sorry for saying this, you are rude when you are mad. Wala akong kinakampihan sa inyo dahil pareho kong naiintindihan ang pinanggagalingan ninyo. She felt betrayed because after those years of service she rendered, you fired her that easily. Estudyante pa lang tayo ay may attitude problem na siya but it doesn't mean na deserve niyang gawan ng masama. Napahiya rin kasi siya no'ng bigla mo siyang inalis. Sana naisip mo rin kung paano niya ipaliliwanag sa family niya na wala na siyang trabaho. She's a breadwinner, bro. Mabigat ang responsibility na pinapasan niya ever since. She was a working student before. Pinagsasabay niya ang maraming raket noon para makatulong sa pamilya at makapagtapos ng pag-aaral. Alam ko 'yon dahil nagkaroon kami ng chance na makapag-usap ng masinsinan. Siguro ay masyado lang siyang stressed kaya hindi na maganda ang nagiging asal niya. Sana ay mas naging considerate ka muna. But anyway, what's done is done. Kausapin mo na lang siya ng mahinahon. I'm sure magkakaayos rin kayo. Baka may pinagdadaanan lang 'yong tao," mahabang paliwanag niya sa akin. I felt guilty at marami akong na-realize. Tama si Tyler. I am rude and inconsiderate. Sa tagal na naming magkakilala ay hindi ko alam na gano'n pala ang kuwento ng buhay niya. But at the back of my mind, I don't want to tolerate her attitude. "I'm sorry to hear that. But you know me. I don't want to tolerate her wrongdoings. May ibang tao na ring nadadamay," I said. Napailing na lang siya. "That's why I am telling you to talk to her privately. Nasa sa inyo ang problema kaya dapat niyong pag-usapan iyon ng maayos para wala ng madamay pa. She's blaming Jeanna because she is your new secretary. May isang bagay lang ang gusto ko linawin sa'yo. Ano ang ibig sabihin ni Tricia tungkol sa panggagayuma raw na ginawa sa'yo? May alam ka ba tungkol roon?" Napalagok ako ng beer dahil sa tanong niya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. He is my bestfriend. "Totoo ang sinasabi ni Tricia." Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. "Totoo? Ang ibig mo bang sabihin ay totoo na ginayuma ka ni Jeanna? Paano mo nalaman? Sigurado ka ba na ginawa niya iyon?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. "Yes. Aside from the video na hindi ko alam kung kanino niya nakuha ay narinig ko mismo ang usapan nilang dalawa. Noong araw na iyon ay ipinagluto ako ng sisig ni Jeanna. We both know the rules of the spells, right? Mawawalan iyon ng bisa kapag nalaman ng taong ginamitan mo no'n ang tungkol sa ginawa mo. I don't want to confront her, either. Mas okay na sa akin ang magkunwaring walang alam," pag-amin ko sa kaniya. Wala sana akong balak pang ipagsabi ang tungkol sa alam ko ngunit hindi ko inasahan na aabot kami sa ganitong punto ni Tricia dahil pag-alis ko sa kaniya sa trabaho. Para siyang nahulasan ng epekto ng alak dahil sa sinabi ko. "Jeanna did that? Does she like you that much? Sino raw ang source ni Tricia? Dapat alamin mo 'yon. Kawawa naman si Jeanna na naiipit sa problema niyo ni Tricia." "Kaya nga napaisip rin ako na kausapin si Tricia para itigil na niya ang pang-iiskandalo niya kay Jeanna. Masyado nang personal ang mga banat niya. She is really trying to destroy her and I don't want that to happen. Masyado nang lumalala ang gulo na dulot ni Tricia," nag-aalalang sabi ko. I don't know if I am imagining things but I see sadness in his eyes. Noon pa ay napapansin ko na ang kakaibang titig at concern niya kay Jeanna. May hinala akong may pagtingin siya rito pero ayaw kong magtanong. Ayaw kong manghimasok sa personal life ng kaibigan ko. Wala siyang inaamin at papalit-palit siya ng babae kaya hindi na rin ako nagtanong pa. "Let's go back there. Baka makahalata na sila," anyaya niya sa akin. Nauna siyang bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin at sumunod ako. Umupo siya sa tabi ni Jeanna na nagpapakalango sa alak. Pinipigilan na siya ng iba naming mga kaibigan pero patuloy pa rin siya sa paglagok ng beer. "Tama na, besh. Lasing ka na, oh," nag-aalalang saway ni Twinkle sa kaibigan niya. "Hayaan mo lang ako, besh. Ngayon ko lang naman ito gagawin. Besides, party itong pinuntahan natin. I must celebrate. You know what, guys? I am not the same Jeanna before. Hindi na ako KJ. Hindi na rin ako pumapayag na inaapi ako palagi. Palaban na ako!" sigaw niya. Halata sa boses niya na lasing na siya. Nagkatinginan na lang kaming lahat. I felt guilty. Kung inayos ko sana ang problema ko kay Tricia ay hindi sana siya madadamay. Hindi rin sana siya magkakaganito. I know she's hurt pero hindi niya madepensahan ang sarili niya dahil totoong may ginawa siya. Wala siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang masasakit na ginagawa ni Tricia sa kaniya and it's all my fault. Dahil sa desisyon ko ay nadamay ang personal life niya. Ang malakas na sampal sa magkabilang pisngi ni Tricia ay isang patunay na napuno na rin siya. Halos lupaypay na siya sa kalasingan pero ayaw pa rin niyang tumigil sa kaiinom. Worried na ang lahat sa kaniya lalo pa at hindi ito sanay uminom. I can't take the sight of her being so devastated, so I decided to take her home. "Ihahatid ko na muna siya sa boarding house nila," alok ko na sinang-ayunan naman 'yon ng iba pa naming mga kaibigan. "Sasama na rin ako pauwi para may mag-asikaso sa kaniya," sabi naman ni Twinkle. Nang akma ko ng bubuhatin si Jeanna para dalahin sa kotse ay maagap akong pinigilan ni Tyler. He looks so serious and really affected. "Bukas mo na lang siya ihatid pauwi sa kanila. Gabi na, at isa pa nakainom ka na rin. Mahirap bumiyahe nang nakainom. Marami namang bakanteng kwarto rito. Dito na kayo magpalipas ng gabi," he said with full concern. Naisip ko ring tama ang sinabi niya. Medyo nahihilo na ako dahil naparami na rin ang inom ko. "I guess you're right. Sige, ituro mo sa akin ang kwarto na pagdadalhan ko kay Jeanna." "Just relax there, bro. Ako na ang magdadala sa kaniya sa loob," sabi niya pero nagpilit pa rin ako. "I'll accompany you. Baka kailangan mo ng tulong," pagdadahilan ko. Ayaw kong pagdudahan siya pero lalaki pa rin siya at babae si Jeanna. "Hindi mo ako kailangang pagdudahan. Ihahatid ko lang siya sa kwartong tutulugan niya pero wala akong binabalak gawin sa kaniya. Ipauubaya ko sa kasambahay namin ang pag-asikaso sa kaniya," may diing sabi niya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa tono ng pananalita niya. "O-okay," nahihiyang pagsang-ayon ko. Binuhat niya si Jeanna na nakatulog na sa sobrang kalasingan at dinala sa loob ng bahay nila. Halos isang oras na ang nakakalipas magmula ng pumasok sila sa loob. Ang mga kaibigan namin ay patuloy pa rin sa pagsasaya. Hindi ako mapakali kaya nagdesisyon akong sumunod. Nagpalinga-linga ako at hinanap kung saang kwarto niya dinala si Jeanna. Isang kasambahay ang nakasalubong ko at tinanong ang kailangan ko. "Ano pong kailangan niyo, sir?" tanong nito sa akin. "Nakita niyo ba si Sir Tyler niyo na may buhat na babae?" pagtatanong ko. Tumango ito nang ilang ulit. "Opo. Sa taas po niya dinala. Doon po sa kwarto ni Sir. Pag-akyat niyo po sa hagdan ay kumanan po kayo. Nag-iisa lang po ang kwarto ni Sir sa gawi na 'yon," explain ng katulong sa akin. Kinakabahan man ay tinungo ko ang kwartong tinutukoy ng katulong. Mula sa malayo ay natanaw ko ang bukas na pinto pero hindi ko makita ang nasa loob. Hindi ako nakontento kaya lumapit ako hanggang sa pinto. Nakita ko si Jeanna na mahimbing na natutulog sa kama pero ang laking pagtataka ko nang makitang wala roon si Tyler. Napatingin ako sa likuran nang magsalita ito. "Ako ba ang hinahanap mo o sinisigurado mo lang na wala akong ginawa kay Jeanna?" tanong niya sa akin. "I wanted to check how she is doing. I guess she's fine. Sige, lalabas na ako," pagpapaalam ko. Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at lumakad na ako. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay nagsalita muli siya. "You're jealous." Walang pagtatanong o pag-aalinlangang sabi niya. Humarap ako sa kaniya para siguraduhing tama ba ang narinig ko. "Me? Jealous? Did I heard it right?" "It's green. It means you are jealous. Nasabi naman siguro ni Lolo ang tungkol sa singsing na suot mo, 'di ba?" Awtomatiko akong napatingin sa singsing na suot ko. F*ck! Suot ko pa rin pala ito. Sinukat ko lang ito pero nakalimutan ko nang alisin. "Nakalimutan ko na ang sabi ng lolo mo tungkol sa singsing na ito. Balik na ako sa baba. Sumunod ka na lang kapag tapos ka na sa ginagawa mo." This time ay wala ng lingunan. Diretso akong lumakad pabalik sa puwesto kung saan nagkakasiyahan pa rin ang aming mga kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD