Chapter 27
JEANNA
Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakatingin kay Tricia na papalapit sa amin at nakakatakot ang ngiti.
Bakit siya nandito? Sino ang nag-imbita sa kaniya?
Puno ng kaartehan itong lumapit kay Tyler na nasa tabi ko at bumeso. Pinatay ni Edwin ang music upang magbigay-daan sa pag-uusap ng dalawa.
"Oh, bakit pinatay niyo ang music? I am here to celebrate with you," maarteng sabi niya. Tumingin muli ito kay Tyler at nagsalita. "How are you, Tyler? I missed you. Thanks for your invitation. Welcome back!"
Imbitado siya? I didn't know they knew each other. Naging awkward ang pakiramdam ko sa presence ni Tricia. Napatingin ako kay Twinkle na matalim ang tingin kay Tricia lalo pa at alam niya ang ginagawa niya sa akin no'ng pinalitan ko siya bilang secretary ni Jerico.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" pagalit na tanong ni Jerico kay Tricia. Tumawa lang siya nang nakakaloko. "And why are you asking me? It's Tyler's welcome party. Siya ang may karapatan na mag-decide kung sino ang iimbitahin niya. Baka nakakalimutan mong magkaklase tayo kaya natural lang na imbitahin niya ako sa welcome party niya."
Wait?! Classmates sila? Bakit hindi ko alam? Oo nga, sa Engineering Department sila. Hindi ko lang in-expect na pati si Tricia ay classmate rin nila and worst invited siya sa welcome party ni Tyler s***h mini-reunion namin. Wala sanang kaso sa akin kung invited rin siya, 'yon nga lang ay hindi kasi maganda ang timpla niya kapag nakikita ako.
Medyo disappointed ako sa part na akala ako ay reunion namin itong magbabarkada pero may ibang kaibigan pala niya ang invited. Tama si Tricia, si Tyler ang nag-organize kaya siya ang may rights na mag-decide kung sino papupuntahin niya.
Akala ko ay tumayo si Tyler upang salubungin si Tricia pero hindi iyon ang nangyari.
"Oh, hindi ko ba nasabi sa'yo na reunion namin ng mga friends ko ngayon? It's been a while, that's why I wanted to have some quality time with them," magalang at totoo niyang sabi kay Tricia. Tila tinakasan ng kulay ang mukha nito sa pagkapahiya sa sinabi ni Tyler. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko para sa kaniya; magkahalong awa at tuwa. Awa para sa pagkapahiya niya at bahid naman ng tuwa sa tuwing nasusupalpal siya. Aminado akong naiinis na ako sa sobrang confidence niya. Napakahilig niyang gumawa ng eksena at mamahiya ng kapwa. Kung hindi lang ako magkakaroon ng bad record sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ay matagal ko nang pinatulan ang mga ginagawa niyang pamamahiya sa akin. Pinipilit ko lamang na intindihin ang pinanggagalingan niya lalo pa at alam kong masakit pa rin sa kaniya ang pagkakaalis sa kaniya ni Jerico bilang secretary nito.
"We are also friends, Tyler. Wala naman sigurong masama kung maki-party ako sa inyo," confident pa ring sabi niya. Saan kaya niya hinuhugot ang nag-uumapaw niyang confidence. Okay lang sana kung sa magagandang bagay niya ginagamit, ang kaso hindi, eh.
"Well you have a point. Since you are here, celebrate with us. Let me introduce to you my friends," sabi ni Tyler. Sumilay ang malapad at mala-demonyitang ngiti sa mga labi ni Tricia. Pakiramdam siguro niya ay nagwagi siya.
Isa-isang ipinakilala ni Tyler ang aming mga kaibigan at nang dumako na sa akin ang pagpapakilala ay sumabat ito. "Hindi mo na siya kailangang ipakilala sa akin dahil kilalang-kilala ko na siya," mataray na sabi niya habang nakatingin nang masama sa akin. "Alam niyo ba kung anong klase ng nilalang itong kaibigan ninyo?" pagsisimula na naman niya ng topic patungkol sa nalaman niya. My goodness! Hindi pa rin talaga niya gustong tumigil hangga't hindi ako nasisira sa lahat.
"Enough, Tricia!" saway ni Jerico. Naguluhan ang lahat sa hindi nila maintindihang nangyayari maliban sa aming tatlo nila Twinkle at Jerico.
"Why? Ano bang masama kung malaman nila ang totoo? At bakit ba masyado mong ipinagtatanggol 'yang secretary mo? I am doing this for you, Jerico, para wala na siyang mabiktima pang iba." Desidido talaga siyang sirain ako sa harap pa mismo ng mga taong malalapit sa akin.
"Mayroon ba akong hindi alam? Kilala niyo ang isa't-isa? Or should I say, may problema kayo sa isa't-isa?" tanong ni Tyler. Sa tono ng pagtatanong niya ay hindi pagtataka ang nababasa ko kundi inis. Marahil ay nakakaramdam na rin siya ng inis dahil sa eksenang sinimulan ni Tricia.
"Inalis lang naman ako sa trabaho ng magaling mong kaibigan dahil sa Jeanna na 'yan. Ginayuma ng babaeng iyan ang kaibigan mo kaya sunud-sunuran siya sa gusto niya. Hindi kayo makapaniwala, ano? 'Yong kaibigan niyo na mukhang santa ay mangkukulam naman pala." She said for the nth time. Nakakasawa na ang pag-uungkat niya. This has to stop.
"I fired you for being rude. Napakahilig mong mang-iskandalo ng tao like what you are doing here. Kung gusto mong magtagal sa trabaho, ayusin mo ang ugali mo sa trabaho," galit na sabi sa kaniya ni Jerico. Nakakuyom na rin ang kamay nito at halatang nagpipigil ng sarili.
"See? Iyan ang epekto sa'yo ng panggagayuma niya pero ayaw mong paniwalaan kahit may ebidensya na!" sigaw ni Tricia.
"Kung totoo man na ginayuma niya ako, ano bang ipinuputok ng butse mo? Kahit noon pa man ay gustong-gusto na kitang alisin dahil kahihiyan lang ang dinadala mo sa akin. So, please stop acting like a victim. You're the villain here. Napakahilig mong gumawa ng iskandalo."
Hindi napigilan ni Daniella ang sumabat sa umiinit na palitan nila ng mga salita. "Mawalang-galang lang po. Wala akong alam sa problema niyo pero sa tingin ko po ay hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan niyo 'yan. If it is a problem in your workplace, doon niyo na lang pag-usapan 'yan. Irespeto naman natin ang in-organized na celebration ni Tyler."
Galit na hinarap ni Tricia si Daniella. "Sino ka ba? Anong karapatan mong diktahan ako kung ano ang dapat at hindi ko dapat sabihin. Eh, nandito ang mangkukulam na tinutukoy ko kaya natural lang na dito rin ako magsabi," mataray na sagot niya bago bumaling sa akin. " So, what now, Jeanna? Magtatago ka na lang ba sa likod nitong mga kaibigan mo? C'mon, speak up! Ikaw mismo ang magsabi sa kanila ng kabulastugan mo or gusto mong ipakita ko sa kanila ang ebidensya at hayaan kong 'yon na lang ang magsabi ng katotohanan. Yes, maldita ako pero hindi ako mangkukulam!"
Panahon na para harapin ko siya. Sawa na akong manahimik lang at nakokonsensya na rin ako na lagi akong ipinagtatanggol ng iba sa bagay na totoo namang ginawa ko.
Aminado akong mali ang ginawa ko pero hindi ko deserve bastusin lagi ng isang taong hindi ko nagawan ng kahit na anong masama.
"Hindi ka ba nagsasawa sa kaiiskandalo sa akin, Tricia? Nagtitimpi lang ako sa'yo dahil ayaw ko ng gulo pero mukhang iyon talaga ang hanap mo. Ilang ulit pa bang isasampal sa'yo ang katotohanang may attitude problem ka. Alin ang ebidensyang sinasabi mo? 'Yang video sa cellphone mo na kuha ng tsimosang kagaya mo? Oo, nag-usap kami ni Twinkle tungkol sa gayuma pero sapat na ba iyon para paratangan mo ako na mangkukulam? Kung totoong gano'n ako, sa tingin mo hindi ko gagamitin sa'yo 'yon lalo pa at ganiyan ang ginagawa mo sa akin? Tigilan mo na 'yang walang kabuluhan mong mga paratang sa akin," may diin at nanggigil kong sabi sa kaniya. Nanginginig na rin ang buo kong katawan sa galit sa kaniya.
"Ang kapal rin ng mukha mo na i-deny ang ginawa mo! Huling-huli ka na pero magsisinungaling ka pa!" galit na sabi niya sabay hila sa buhok ko. Napaluhod na ako sa tindi ng paghila niya sa buhok ko. Naramdaman ko na lang na nagsilapit na ang mga kaibigan namin para ilayo kami sa isa't-isa pero may kung anong nagtulak rin sa akin para gumanti at ipagtanggol ang sarili ko. Habang hawak siya nina Edwin at Kristoff ay kumawala ako sa pagkakahawak nina Twinkle at isang malakas na sampal ang mula sa kamay ko ang lumapat sa kanang pisngi niya. Natahimik ang lahat sa ginawa kong iyon. Lahat ng galit ko ay ibinuhos ko sa sampal na iyon. "Para 'yan sa walang sawa mong pamamahiya sa akin sa tuwing nakikita mo ako." Isang sampal pa muli ang iginawad ko sa kaliwang pisngi niya. "At 'yan naman ay para sa p*******t mo sa akin kahit wala akong ginagawang masama sa'yo. Hindi lang ikaw ang marunong magalit, Tricia. Huwag mong subukan ang galit ng sinasabi mong santa santita."
Nagpumiglas ito sa pagkakahawak nina Edwin at sinubukang lumapit sa akin pero hindi siya nagtagumpay. Bagkus ay saway ni Tyler ang pumigil sa kaniya sa pagwawala.
"Stop it, Tricia!" sigaw ni Tyler kay Tricia nang magwala ito na parang baliw. Napapisil na rin siya sa nose bridge niya sa sobrang disappointment. "Irespeto mo naman ang sarili mo. Umalis ka na rito bago pa ako magpatawag ng guard para kaladkarin ka palabas rito. You are not even invited here tapos pupunta ka lang dito para mag-iskandalo. Leave peacefully habang may kaunti pa akong respeto sa'yo. You know what I can do, Tricia. Marunong akong magpasensya pero alam mo kung ano ang kaya kong gawin kapag nagagalit ako," pagbabanta ni Tyler sa kaniya. Naalarma naman si Jerico kaya nilapitan niya ang kaibigan upang pakalmahin.
"Hindi niyo ako kailangang ipakaladkad dahil kusa akong aalis dito!" sabi niya sabay alis sa pagkakahawak sa kaniya nina Edwin. "Hindi pa ako tapos sa'yo, Jeanna!" banta niya sa akin bago tuluyang umalis. Natakot rin siguro na ipakaladkad siya. Hinang-hina akong napaupo at nahihiya para sa gulong nangyari ng dahil sa akin.
Wala ring imik ang aking mga kaibigan dahil maging sila ay hindi makapaniwala sa gulong nangyari. Hinimas-himas ni Twinkle ang likod ko upang pakalmahin ako.